ISANG linggo na ang nakalipas simula ng pumirma ng kontrata sa kompanya ni Sir Jazz ang sunflower girl na 'yon. Madalas silang magkasama ni Sir kaya naman halos hindi na rin kami nagkakasabay sa pananghalian ng boss ko. Minsan ay dalawang beses sa isang linggo na lang din niya ako sinusundo at ihinahatid sa bahay. Ngayon ay mag-isa na naman akong manaanghalian kaya't naisipan kong lumabas na lang at doon na lang ako kakain sa restaurant na malapit dito. Matapos kong mag-order ay naghanap ako ng bakanteng mesa na puwede kong okupahin at do'n na lang ako maghintay ng pagkain. Subalit nakakailang hakbang pa lang ako ng biglang tumawag si Sir Jazz kaya naman nabaling na ang atensiyon ko sa aking cellphone at hindi ko namalayan na natamaan pala ng handbag ko ang inumin ng isang costumer na na