Prologue
Disclaimer:
This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental.
The story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!
Prologue
NILALAMOK na ako pero hindi pa rin dumadating si Ethan. Sinulyapan ko ang aking wrist watch. Alas nuwebe na pala ng gabi. Ibig sabihin ay isa't kalahating oras na akong naghihintay sa kanya.
Nakabusangot na kinuha ko ang aking cellphone at pagkatapos ay paulit-ulit ko itong tinawagan. Subalit hindi man lang nito magawang sagutin iyon.
"Aargh! Nakakainis ka na talaga'ng lalaki ka! Palagi mo na lang akong pinapaasa!" Malakas na sigaw ko at batid kong umalingawngaw 'yon sa buong restaurant. Hindi ko na talaga napigilan pa ang aking sarili. Kaya't kahit maraming tao ang naroon ay wala na rin akong pakialam. Tutal, kanina pa man ay napahiya na ako simula ng pagdating ko pa 'lang, eh 'di lubos-lubusin ko na.
Lahat ng atensiyon nila ay na-focus saakin. Mabuti na lang at may biglang dumating. Bahagya akong nakaramdam ng tuwa dahil sa pag-aakalang si Ethan 'yon. Ngunit gayo'n na lamang ang panlulumo ko nang tuluyan na itong makalapit saakin.
It was my boss.
"Si-sir? A-ano po ang ginagawa mo-"
"Hindi pa ba obvious?" naguguluhang napatingin ako sa kanyang mga mata.
"Sir...hindi kita maintindihan eh. Kasi po si Ethan ang dapat na ka-date ko ngayon. Ba-bakit ikaw ang-" Hindi niya na naman ako pinatapos sa pagsasalita.
"Bakit ba palagi na lang si Ethan? Hindi ba puwedeng ako naman?" seryosong sambit nito, dahilan upang mapayuko ako.
Hindi kaagad ako nakakibo. Nanatiling nakayuko lamang ako habang hinihintay ang iba pa niyang sasabihin.
"Bakit sa kabila ng mga kahihiyan at kamalasan na idinulot niya sa buhay mo ay siya pa rin ang palaging pinipili mo? Bakit hindi na lang ako, Maze?" Puno ng pait sa kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang 'yon.
"I'm sorry Sir Jazz." Tanging nasabi ko.
"Mahal mo pa rin ba siya?" Isang katanungan na hindi ko inaasahan'g mamumutawi sa labi ni sir.
Sa halip na sagutin siya ay mas pinili ko na lang ang manahimik.
"Silence means yes!" Bigla akong nag-angat ng tingin matapos niyang sabihin 'yon. Nilapitan ko siya at lakas loob na niyakap.
"Nagkakamali ka sir. Dahil ang totoo ay hindi ko na po mahal si Ethan."
"Liar!" Singhal niya kasabay ng pagbaklas sa aking mga braso na kasalukuyang nakayakap sa kanya. Kapagkuwa'y nagmamadali niya akong tinalikuran.
"Sir Jazz, ikaw talaga ang mahal ko eh!" walang pag-aalinlangan'g sigaw ko, ngunit hindi man lang ito huminto.
Muli ay sinubukan ko siyang tawagin. Subalit hindi niya man lang ako nilingon.
Nanghihinang napaupo na lamang ako at kahit maraming tao ang nakatingin saakin ay wala akong pakundangan'g umiyak hanggang sa maramdaman kong may mga kamay ng humahagod sa aking likuran.