KINABUKASAN ay napabalikwas na lamang ako sa higaan dahil sa kakaibang pakiramdam na gumising sa'kin. Pakiwari ko ay hinahalukay ang loob ng aking tiyan kaya't patakbong tinungo ko ang banyo. Ngunit sa halip na umupo ako sa bowl, dahil sa pag-aakalang sira lang ang aking tiyan eh taliwas 'yon sa nangyari. Halos isubsob ko na ang aking mukha sa bowl na 'yon dahil kasabay ng pagbaliktad ng aking sikmura ay siya naman'g sunod-sunod na pagduwal ko. ''Friendship, okay ka lang ba?'' Sigaw ni Pauline na sumunod pala sa banyo. Hindi ko magawang sumagot dahil patuloy pa rin ako sa pagsusuka. ''Friendship naman, ano bang nangyayari sa'yo?'' giit pa nito. Nagulat pa ako sa biglaang pagbukas ng pinto at iluwa no'n si Pauline. Puno ng pag-aalalang nilapitan ako nito. Ilang minuto rin bago ako nahi