Chapter Four

2081 Words
KANINA pa kami palakad-lakad ni Pauline. Sa katunayan ay masakit na ang aking mga binti at paa dahil sa kakahabol sa kanya. Ang laki kasi ng hakbang nito kumpara saakin kaya naman halos tumakbo na ako para lang makasabay ako sa paglalakad niya. "Ano ba? Saan ba talaga tayo pupunta?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla na lang itong huminto at pansamantalang hinilot ang kanyang sentido. Buong akala ko ay kung ano na ang nangyari dito kaya naman puno ng pag-aalalang nilapitan ko ito. "Okay ka lang ba friendship?''tinapik ko pa ito sa balikat. "Oo, may iniisip lang ako." Aniya na patuloy pa rin sa ginagawa. "Alam ko dito banda 'yon eh! Nasa'n na ba 'yon?" dagdag pa nito. "Hoy, Pauline! Umayos ka! Anong kalokohan na naman 'to? Ano ba talaga ang hinahanap natin? Masakit na ang paa ko sa paglalakad oh!" Reklamo ko dahilan upang mapilitan itong sumagot. "Sandali na lang. Iniisip ko pa kasi kung saan banda 'yong building na 'yon." "Tsk...hindi kita ma-gets Paulina!" gigil kong sambit. "Wala nga akong ideya kung ano ba talaga ang hinahanap natin eh." Patuloy na pagrereklamo ko. "Manahimik ka nga lang diyan!" aniya na mas lalong nagpainit ng ulo ko. Maya-maya pa ay nagpatiuna ito sa paglalakad. Hinayaan ko muna ito. Sinundan ko lang ng tingin ngunit kalauna'y tinawag rin ako. "Halika na! Nakita ko na 'yong hinahanap natin." Nakangiting bulalas nito. Kapagkuwa'y bumalik at halos kaladkarin na ako nito. Huminto kami sa isang mataas na building. Tiningala ko iyon at binasa ang nakasulat. "Jazz Arts and Trends Corporation" "Anong gagawin natin dito? Don't tell me na may balak kang bumili ng furnitures?" Kunot noong usisa ko. "Mag-aapply." Tipid niyang tugon. "Huh? Friendship naman... baka nakakalimutan mong fashion designer itong kaibigan mo at hindi interior designer." Nakangiwing sambit ko. "Feelingera ka din pala friendship eh." Pang-aasar nito saakin. "Sinabi ko lang naman na mag-aapply ka. Wala naman akong sinabi'ng posisyon ah. At saka, don't tell me na hindi mo kilala ang may-ari nito?'' ''To be honest, hindi ko talaga kilala." Seryosong sagot ko. "Tsk... sino pa nga ba eh 'di si sir pogi!"napatakip ako sa aking bibig matapos kong mapagtanto na pangalan nga pala ni Jazz ang nakasulat sa building. "Eh, malay ko ba na siya 'yon." Nakairap kong tugon. "Akala ko kasi ay isa lang ang company niya." Palusot ko pa. "Bakit, hindi ba puwedeng magkaroon ng branch at pangalan niya naman ang ilagay?" "Alam mo, minsan napapaisip ako kung bakit ganyan ka sa'kin? Parang mas kinakampihan mo pa kasi ang lalaking 'yon eh. Madalas mo rin siyang ipagtanggol sa mga negatibong sinasabi ko laban sa kanya." Nakangusong reklamo ko. "Bakit kasi galit na galit ka do'n sa tao, hindi naman siya ang ex mo?" "Kasi kaibigan siya ni Ethan. Ayokong mapalapit sa kanya dahil sa tuwing makikita ko siya, syempre hindi maiiwasan'g si Ethan pa rin ang maalala ko at baka nga masingit pa sa usapan ang pangalan ng mokong na 'yon." Pangangatwiran ko pa. "Hoy! Huwag kang magpaka-immature diyan! Jazz is looking for a secretary at sa tingin ko ay puwede ng pansamantalang trabaho mo 'yon. " "Friendship, baka naman may iba pang kompanya na-" "Huwag ka ng magreklamo. Nagkausap na kami ni Sir Jazz at pumayag na siya. Tanggap ka na kahit hindi ka pa nag-aapply. Ipasa mo na lang 'tong requirements mo para fair sa ibang applicants." Gusto ko sana'ng magtampo kay Pauline dahil pinangunahan niya na naman ang desisyon ko, pero naisip ko na may punto naman siya. Hindi ko dapat na idamay si Sir Jazz dahil lang sa galit ko kay Ethan. Isang malalalim na buntong hininga ang agad kung pinakawalan bago ako pumayag na sumama kay Pauline sa loob ng opisina ni Sir Jazz. "Hey! Maze!" Eksaktong paghakbang namin ay saka naman may biglang tumawag sa pangalan ko. Dahan-dahan akong napalingon at gayo'n na lamang ang lakas ng pagkabog nitong aking dibdib matapos kong mapagsino ang lalaking tumawag sa pangalan ko. "Uy, ikaw pala 'uan Sir Jazz!" Si Pauline ang unang bumati sa kanya kaya naman napilitan akong ngitian na lamang ito. Hindi ako mapakali sa aming kinatatayuan lalo pa't parang gusto ko ng kastiguhin ang traydor kong puso dahil habang papalapit si Sir Jazz ay mas lalo lamang bumibilis ang pintig nito. "Hoy, ano ba? Kumalma ka naman oh!" pagkausap ko sa aking sarili. "Friendship, sinong kausap mo?" kunot noong tanong ni Pauline. Nagpalinga-linga pa ito s paligid, ngunit bukod kay Sir Jazz ay wala naman ibang tao roon na puwedeng kumausap sa'kin. ''Imposible naman'g si sir pogi kasi hindi pa naman siya tuluyan'ng nakakalapit sa'tin." Giit pa nito. Kaya't imbes na sagutin ko ang kanyang tanong ay minabuti ko na lang ang manahimik. "Ang aga niyo naman yata'ng pumunta." Ani Jazz nang tuluyan'g makalapit sa'min. "Actually, kanina pa nga kami eh. Nahirapan akong maghanap ng company mo. Nakalimutan ko na kasi kung sa'n banda eh." Si Pauline pa rin ang nakikipag-usap kay Jazz. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. "Oh, sorry to hear that. Ihinatid ko pa kasi si daddy kaya medyo na-late ako. Uhm...tara na, sa loob na lang tayo mag-usap." Ani Jazz matapos niya kaming balingan. "Naku, hindi na ako sasama sa loob. Tutal, nandiyan ka naman na, eh, baka puwede ko ng iwanan sa'yo si friendship." Maarteng wika ni Pauline. Kinindatan pa ako nito na para bang sinasadya talaga'ng magkaroon kami ng moment ni Jazz. Inirapan ko ito kaya naman palihim nitong kinurot ang aking tagiliran. "Ah, gano'n ba... eh sige. Wala naman'g problema sa'kin. Ewan ko lang kay Maze, pansin ko kasi ay kanina pa itong walang kibo." Napakamot pa ito sa kanyang batok kaya't napilitan akong sang-ayunan na lang ang kanilang kagustuhan. "A-ayos lang naman sa'kin." " 'Yon naman pala eh! So, ano...iwanan ko na kayo huh! Magkita na lang tayo sa bahay friendship. Baka kasi ma-late ako ng uwi kaya hindi na kita madadaanan dito." Ani Pauline. Tinanguan ko na lang ito para huwag ng humaba pa ang aming usapan. Nang tuluyan ng makaalis si Pauline ay sumama na rin ako kau Jazz. Iginiya niya ako papasok sa kanyang opisina. Ipinaghila ng upuan at pagkatapos ay masinsinan namin'g pinag-usapan ang tungkol sa magiging trabaho ko. Madali naman kami'ng nagkasundo sa lahat including the salary. Kaya naman, agad rin akong nagpaalam sa kanya. Balak ko na sana'ng buksan ang pinto ng kanyang opisina ngunit, biglang naudlot 'yon nang muli siyang magsalita. "Would you mind if i ask you something , before you leave in my office?" pormal niyang tanong saakin. "Hmm...sure." Pumihit ako paharap sa kanya upang mas lalo kong mapakinggan ang kanyang sasabihin. "Maze, i know this is a very personal question and it's up to you kung sasagutin mo o hindi. Pangako, irerespeto ko kung ano man ang maging reaksiyon mo." ''Thank you sir. Sige na, magtanong ka na para makauwi na rin ako." Pilit nag ngiti'ng ipinamalas ko sa kanya. "Ipinagtapat na ba sa'yo ni Ethan ang totoong dahilan ng pag-atras niya sa kasal ninyo?" Hindi kaagad ako nakapag-react. Hindi ko kasi inasahan na gano'n ang magiging tanong niya saakin. Sandali akong napaisip king sasagutin ko ba o hindi iyon. Subalit, kalauna'y naisip kong wala naman mawawala sa'kin kung sasagutin ko ang tanong niya. "Sorry, okay lang naman kung hindi mo sagutin ang tanong ko Maze." "No, it's okay. You don't need to apologize kasi sasagutin naman kita." Bumalik ako sa upuan'g naroon sa tapat niya. Muli kong inilapag ang aking bag at lakas loob akong nakipag-usap sa kanya. "Actually, hindi eh. After kasi no'ng wedding day namin ay hindi pa siya nagpakita saakin. Kahit nga text, chat or call man lang ay wala rin eh." Bahagya akong napalunok bago ko ipinagpatuloy ang pagkukuwento. "Pero, okay na rin siguro 'yon para hindi na ako mahirapan na kalimutan siya di'ba?"Medyo gumagaralgal na rin ang aking tinig kaya't pansamantala akong huminto. Pakiramdam ko kasi, ano man'g oras ay tutulo na naman ang mga luha ko dahil muli lang nanumbalik ang kirot sa aking dibdib. Kaagad 'yon na napansin ni Jazz kaya't inabutan niya ako ng panyo at hindi ko inaasahan ang sunod niya pa'ng ginawa. Ginagap niya ang aking kamay at hinayaan ko lamang iyon. "I'm sorry. Alam kong wala ako sa lugar para magsabi sa'yo ng totoong dahilan, pero...hindi ko kasi kayang magsinungaling sa'yo lalo pa't nakikita ko sa mga mata mo na nahihirapan ka pa rin." "W-what do you mean?" nakayukong tanong ko sa kanya. "Halos isang linggo ko 'tong pinag-isipan eh. Simula no'ng gabing hinatid kita sa appartment niyo ay hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi. Lalo kapag naalala ko ang hitsura mo during that night. Oo nga't ipinapakita at sinasabi mong okay ka lang, pero ramdam ko ang bigat ng iyong kalooban." Unti-unti akong nag-angat ng tingin at pilit kong sinalubong ang kanyang mga titig. "Anong nalalaman mo Sir Jazz?" bigla ay naibulalas ko. "Alam kong mahihirapan kang paniwalaan ang sasabihin ko, pero...nakahanda akong patunayan ito sa'yo." "Sir, please lang, sabihin mo na sa'kin. Pangako, hindi ako magagalit sa'yo. Nakahanda akong makinig at nakahanda akong masaktan ulit. Ang mahalaga sa'kin ay matapos na ito at magkaroon na ako ng peace of mind." Giit ko. Ramdam kong sinsero ang pagdamay niya saakin. Lalo na ng maramdaman kung pisilin niya ang aking mga kamay. Higit sa lahat ay walang pag-aalinlangan na pinahiran niya ang mga luhang namamalisbis ngayon sa aking pisngi. Marahan niya rin'g inalis ang aking salamin sa mata. Maging ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa aking pisngi ay maingat niya ri'ng inilagay sa likod ng aking tainga. "Sige na, iiyak mo muna ang lahat ng bigat na iyong nararamdaman. Kapag magaan na ang iyong pakiramdam ay saka lang ako magsisimulang magkuwento sa'yo." Aniya na mababakas pa rin sa kanyang mga mata ang senseridad at pag-aalala. "Isa ka pa eh! Para ka rin'g si Pauline!" Natatawang bulalas ko. ''Huh bakit?" puno ng pagtatakang usisa nito. "Eh kasi naman, imbes na mgkuwento ka na ay kung anu-ano pang pasakalye ang ginagawa mo at sinasabi. 'Yong luha ko dapat talaga ay naka-reserve 'yon sa ibubulgar mong issue eh. Kaso wala na, inubos ko na sa kadramahan ko." Natawa na lang din ito matapos marinig ang aking mga sinabi. "Sige na nga, sisimulan ko ng magkuwento." Biglang lumungkot ang mukha nito. Kinabahan tuloy ako dahil pakiramdam ko ay napakabigat ng dahilan na 'yon kaya't hindi niya kaagad masabi sa'kin. "Uhm...Maze, ilang taon mo na bang kaibigan si Lea?" "Huh? Six years na. Bakit?" "Gano'n din si Pauline di'ba?" "Oo, sabay-sabay kaming nanirahan sa apartment na 'yon. After graduation sa college ay kami na talaga ang magkakasama hanggang sa pare-pareho kaming sinuwerte at nabigyan ng oportunidad na maging isang ganap fashion designer." Masiglang pahayag ko na sinundan niya lang ng pagtango. "Pero si Pauline ang pinaka-close mo sa kanila, right?" "Mmm...ba't napunta sa kanila ang topic?" "Kasi, si Lea ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niyo ni Ethan." "What?" Mapakla pa akong napangiti. "Are you kidding me, sir?" Bigla akong napatayo at buong tapang na hinila ko ang kanyang kurbata na para bang sa gano'ng paraan ay masisindak ko si Jazz. "Bawiin mo ang sinabi mo! Nagbibiro ka lang di'ba?" "Maze, totoo ang sinabi ko. Naalala mo ba no'ng gabing birthday ni Ethan? Hindi ba't sabay silang nawala ni Lea. Akala pa nga natin ay may pinuntahan sila. Tapos nagboluntaryo akong sisilipin ko sa kuwarto si Ethan dahil baka kako naroon lang ito at-" Bigla itong natigilan kaya't mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kurbata. "At ano?" hindi ko napigilan ang aking sarili. Binulyawan ko siya ngunit kaagad rin akong nahimasmasan ng makita kong nasasaktan na siya sa aking ginagawa. Kaagad ko siyang pinakawalan at buong pusong humingi ng paumanhin. "I'm sorry sir. I just carried away." Napayuko ako at naiilang na hinaplos ko ang kanyang leeg. "Again, i'm sorry." "It's okay Maze." Anang paos na tinig ni Jazz at muli itong nagpatuloy sa pagkukuwento. "Nang gabing 'yon ay naabutan ko silang nagtatalik. Ngunit nagsawalang kibo na lang ako. Sinabi ko sainyo na mahimbing ng natutulog si Ethan sa kuwarto at nagsinungaling ako. Sinabi kong hindi ko nakita si Lea." Natulos ako sa aking kinatatayuan matapos kong marinig ang sinabi ni Jazz. Saka ko lang din naalala na ilang beses ko ng nakitan'g nagduduwal sa lababo si Lea. Binalewala ko naman 'yon dahil inisip ko na baka may nakain lang itong masama sa tiyan niya. Ngunit ngayon ay napagtanto ko na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD