HANGGANG sa makauwi na ako sa bahay ay tila wala pa rin ako sa sariling katinuan.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Jazz. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapagtanto kong hindi pa pala ako bumababa sa kotse niya.
"Sorry."Hinging paumanhin ko. Kapagkuwa'y dali-dali akong bumaba ng sasakyan. "Nawala sa isip ko na-"
''It's okay. Alam kong hindi ka pa masyadong nakaka-get over sa mga nalaman mo kanina."
"Uhm...salamat sir. Kung hindi dahil sa'yo ay paniguradong hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa kung ano nga ba ang totoong dahilan ng-" Muli ay hindi niya na naman ako pinatapos sa aking sasabihin.
" Sige na. Pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na para hindi ka nagkakaganyan. Tawagan mo na lang ako bukas huh, incase na hindi ka pa ready na pumasok sa office. Don't worry, maiintindihan naman kita." Ani Jazz na sinundan pa ng sunod-sunod na pagkaway at ang kaninang ngiti niya sa labi ay hindi pa rin nabubura hanggang ngayon. Kaya't kahit paano ay napilitan rin akong ngumiti.
"Ano ka ba? Nakakahiya naman sa'yo kung hindi ako papasok. Hindi na nga ako nahirapan mag-apply eh tapos may day off na kaagad ako." Natatawang reklamo ko sa kanya, ngunit sa halip na sumagot pa ay tinanguan na lang ako nito at nagpatuloy na nga ito sa pagmamaneho.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko inihakbang ang aking mga paa papasok sa loob ng bahay.
Naabutan kong nagkakape si Pauline kaya naman walang imik na umupo rin ako sa katapat niyang silya at walang pasabi na nakihigop rin ako ng kape niya.
"Hayan ka na naman! Ang tamad mo talaga magtimpla!" reklamo nito.
"Sus, kaunti lang eh! Ba't ang damot mo yata ngayon?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Inirapan lang ako nito at pagkatapos ay hinablot ang mug at nilagok ng lahat ang laman no'n.
"Hoy, nababaliw ka na naman Paulina!"pabirong singhal ko pa rito.
"Ipagtitimpla na lang kita ng bago." Aniya na tinalikuran na ako.
Lihim na lang akong napangiti. Madalas kasi na ito ang taga timpla ng kape ko lalo na sa umaga kaya naman sobrang thankful ko talaga kay God dahil binigyan niya ako ng kaibigan na katulad ni Pauline.
Bigla akong nalungkot ng maalala ko si Lea. Sa totoo lang ay nanghihinayang ako sa friendship na meron kami. Pero wala naman akong magagawa gayon'g siya naman ang kusang sumira ng aming relasyon sa isa't-isa.
"Oh, heto na ang kape mo madam secretary!" Ani Pauline nang tuluyan ng makabalik sa mesa. "Hoy! Teka nga...ba't ganyan ang hitsura ng pagmumukha mo? Aba'y daig mo pa ang nautangan ng isang milyon ah!" sita nito saakin.
Binalewala ko muna ang tanong niya ."Pauline, salamat sa walang sawang pagtitimpla sa'kin ng kape ah!" Pilit ang ngiti na binalingan ko siya.
"Tsk...palagi naman eh!" Napakamot pa ito sa kanyang ulo.
"Uhm...friendship, may gusto sana aking sabihin sa'yo. Pero, huwag ka sana'ng mabibigla ah." Marahan'g sambit ko.
"Ano ba 'yon?"
"Tu-tungkol kay Lea."
"Huh? Bakit, anong meron kay Lea?''usisa nito.
Dahan-dahan ko naman'g ikinuwento sa kanya ang lahat ng nalaman ko kanina mula kay Jazz. Kaya hindi maiwasan'g manggalaiti na naman ito sa galit.
"Naku, friendship over na talaga tayo sa kanya! Bruhang 'yon, sasabunutan ko talaga 'yon kapag nakita ko pa ang anino niya dito sa bahay!" giit pa ni Pauline.
"Hayaan na lang natin siya." Wala sa sariling naibulalas ko.
"Tsk...as if naman na hahayaan ko ang pangloloko niya sa'tin."
"Bahala ka nga!" tanging nasabi ko.
KINAKABAHAN ako habang naglalakad papasok sa kompanya ni Jazz. Idagdag pa na hanggang ngayon ay medyo lutang pa rin ako sa kakaisip ng ginawa ni Lea.
"Ay! Ano ba 'yan?" Napatili ako matapos kong maapakan ang maliit na bato, dahilan upang muntik na akong ma-out balance. Mabuti na lang at may mga bisig na kaagad rin'g sumaklolo saakin.
"Kung saan-saan ka kasi nakatingin habang naglalakad."Anang baritonong tinig na nagmula sa aking likuran. Kahit hindi ko ito lingunin, batid kong si Jazz 'yon. Kaya naman bigla akong umayos ng tayo at nakayuko akong humarap sa kanya, dulot ng labis na pagkapahiya.
"Sorry sir." Mahinang saad ko.
"Sorry?" pag-ulit niya saaking sinabi.
"Ah...I me-mean, sorry ka-kasi..."
"Tara na nga! Sabay na tayo."
"Ah sige sir." Napipilitang pag sang-ayon ko
"Uhm...Maze, this is your office." Aniya at kaagad naman akong tumango.
''By the way, Prescilla, this is Maze. My new secretary." Dagdag pa ni Jazz matapos balingan ang magandang babae na naroon sa gilid.
"Oh, hi!" Nakangiting bati saakin ng babae. ''Nice to meet you!" dagdag pa nito.
Nakipagkamay rin ako sa kanya at nakangiting nakiusyuso rin ako sa kung anong posisyon niya sa kompanya.
"Prescilla, ikaw na muna ang bahala kay Maze huh! Sabihin mo sa kanya ang mga dapat at kailangan niyang gawin para naman makapagsimula ka na rin sa bago mong posisyon." Habilin ni Jazz dito.
Kaagad naman itong ngumiti at tumango.
"Uhm...Miss Prescilla-"
"Anong Miss? Call me Ma'am Prescilla!" Aniya na inirapan pa ako.
"Tsk...napakaplastik naman pala nito!" Wala sa sariling naibulalas ko.
"May sinasabi ka ba?" patuloy na pagtataray niya saakin.
"Ah, wala. Actually, natutuwa ako sa'yo kasi ang bait mo." Sarkastikong sambit ko.
Buong maghapon akong inis na inis sa kanya. Ngunit wala naman akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa mga sinasabi niya.
"Maze!"Ani Prescilla.
"Yes ma'am?"
"Sorry to say this huh! Pero pansin ko kasi na kakaiba 'yang mga titig mo kay Sir Jazz. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan na kita." Gigil niyang sambit.
"Huh? W-what do you mean ma'am?"
"Jazz and I are secretly dating kaya dumistansiya ka sa kanya, okay?" dagdag pa niya na siyang ikinainis ko.
"Paano akong didistansiya eh, sekretarya niya ako?"Pambabara ko sa sinabi niya.
"Tsk...inaasar mo ba ako, Maze?" nagulat ako sa biglaang pagtaas ng kanyang boses kaya naman bahagya akong napaatras.
"Hey, what's going on here?" Biglang bumukas nag pinto at iniluwa no'n si Sir Jazz.
Hindi agad ako nakasagot. Sa halip ay nakayuko lang ako at tahimik na hinintay ang sasabihin sa kanya ni Prescilla.
"Oh...wala! We're just talking di'ba Maze?" Ani Prescilla na kinalabit pa ako sa tagiliran.
Hindi ko siya sinagot. Nanatiling nakayuko lamang ako.
"Maze, maaari bang iwanan mo muna kami ni Prescilla?" Ani Sir Jazz na kaagad ko naman'g sinunod.
Nagmamdali akong lumabas at nang masulyapan ko ang oras ay dumiretso na ako sa ibaba. Doon ay prente akong naupo sa bench na malapit sa parking lot.
Nakangiting nilanghap ko ang sariwang hangin na nagmumula sa mga puno na naroon sa paligid. At pagkatapos ay inabala ko ang aking sarili sa pagkuha ng picture sa magandang view na nakapaligid sa'kin. Hanggang sa naisipan kong tanggalin ang aking salamin at ako'y nag-selfie na rin. Ngunit laking gulat ko sa huling larawan na na-capture ko. Naroon si Jazz at ang ganda ng pagkakangiti nito.
Dahan-dahan akong lumingon at hindi nga ako nagkamali. Nakatayo ito sa aking likuran habang nakapamulsa at nakangiti.
"Uhm...sir, nandiyan ka pala." Muli kong isinuot ang aking salamin at itinago ko na rin ang aking cellphone.
"Halika na, sumabay ka na sa'kin pauwi. "
"Ah...huwag na po. Magta-taxi na lang ako."
"Sure ka? Mahirap pa naman ditong sumakay kapag gan'tong oras. Baka matagalan ka pa sa pag uwi." Giit pa niya.
"Okay lang sir. Sanay naman po akong maghintay ng matagal eh."
"Okay. Ikaw ang bahala." Aniya na tinalikuran na ako. Ngunit, tila mapang-asar ang panahon. Bigla na lang dumilim at animo'y babagsak ang malakas na ulan.
"Bwisit naman talaga oh! Kung kailan naman ako magko-commute eh saka naman uulan!" Wala sa sariling naibulalas ko.
Tumayo na ako at nagmamadaling lumabas para makapag-abang na ng taxi.
Maya-maya pa ay tatlo na rin ang pinara ko ngunit wala ni-isa sa mga ito ang huminto. Gusto ko tuloy magsisi. Dapat sana ay ginamit ko na lang ang kotse ko kanina.
"Sakay na!" Laking gulat ko ng bigla ay huminto sa tapat ko ang kotse ni Sir Jazz.
Nagdalawang isip tuloy ako kung sasakay ba o hindi.
"Bilis na! Uulan na oh!" Nakangiwing tiningala ko pa ang kalangitan. Kaya naman napipilitan'g sumakay na lang ako.
"Naku sir, kung hindi lang talaga uulan ay magtitiyaga na lang sana akong maghintay do'n ng taxi." Nakangusong sambit ko nang tuluyan na akong makasakay.
"Huh? Bakit naman? Hindi ka ba komportable sa'kin? Ma-may nagawa or nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?"
"Wala naman sir. Ang inaalala ko kasi si Ma'am Prescilla. Baka kasi awayin niya ako. At saka, bakit nga ba hindi na lang siya ang ihatid mo?" lakas loob kong usisa.
"Bakit ko naman siya ihahatid?" Kunot noong tanong nito sa'kin.
''Eh kasi po, binalaan niya ako na dumistansiya daw ako sa'yo kasi nga nagdi-date na raw kayo at nagseselos siya kapag lumalapit ako sa'yo." Tuloy-tuloy na pahayag ko.
Nagulat ako ng bigla itong pumalatak ng tawa.
"Mukha bang may relasyon kami?" giit pa niya.
"W-what do you mean sir?"naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Sinisante ko na siya. Dahil may ginawa siyang kalokohan sa kompanya."
Bahagya akong nagulat. Ngunit, hindi na rin ako nag-usisa pa kung ano man 'yon. Ang mahalaga ngayon ay wala ng bruha na makikialam sa lahat ng kilos ko.