ISANG linggo na pala ang matulin'g lumipas buhat ng iwanan at ipahiya ako ni Ethan. Isang linggo na rin akong parang wala sa sarili. Mabuti na lang at nariyan sina Pauline at Lea na matiyaga'ng umaalalay at talaga'ng ginagawa ang lahat para lang mapasaya ako.
Isang umaga ay nagising ako dahil sa matinding pag-iingay ng aking mga kaibigan.
"Ano ba 'yan, natutulog pa 'yong tao eh!" Reklamo ko habang tinatakpan ng unan ang magkabila kong tainga.
"Hoy, bumangon ka na diyan!" Magkapanabay pa nilang sambit.
Si Pauline ay umandar na naman ang kakulitan. Pilit nitong hinihila ang mga unan na nakatakip sa aking tainga. Maging ang kumot na nakabalot sa aking binti ay inalis na rin nito kaya't napilitan tuloy akong bumangon.
"Babangon naman pala eh! Kailangan pa talagang pilitin!"natatawang reklamo nito.
"Ang ingay niyo naman! Ba't ba kasi ang aga niyong gumising?" sita ko sa kanila.
"Monday ngayon di'ba? Don't tell me na wala kang balak pumasok?" Nakapamaywang na sambit ni Lea.
"Magreresign na ako!" walang ganang sagot ko.
"Huh? Bakit naman? Sayang din ang-"
Hindi ko na pinatapos pa si Lea. Naiinis na binara ko ito.
"Baliw ka pala eh! Kaibigan ba talaga kita, Lea? Sa tingin mo,kakayanin ko pa'ng makisama kay Ethan, matapos ang ginawa niya sa'kin?" Sarkastikong sambit ko.
"Sabagay!"tanging nasabi niya. Binalingan ko naman si Pauline na ngayon ay tahimik lang na nakikinig saamin. Bandang huli ay hindi rin ito nakatiis.
"Alam mo friendship, minsan napapaisip ako diyan kay Lea eh. May time na lutang 'yan at parang hindi concern saatin." Bigla ay naibulalas ni Pauline.
"Hoy, ano ba'ng sinasabi mo?" Ani Lea.
"Wala! Lumayas ka na diyan! Mabuti pa, asikasuhin mo na rin ang wedding mo para makadalo naman kami Maze." Nakairap na suhestiyon ni Pauline. Nakasimangot naman na dinampot ni Lea ang kanyang hand bag at padabog kaming iniwan.
'' Grabe ka naman kay Lea! Tingin ko nagalit 'yon sa'yo."
"Hayaan mo nga siya! Alam mo nagdududa na 'ko diyan. Hindi naman 'yan dating ganyan eh. Tapos nitong mga nakaraang buwan, parang biglang nagbago. Parang may itinatago." Napakamot pa ito sa ulo habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko.
"Umupo ka nga! Kanina pa 'ko nahihilo sa ginagawa mo eh."
"Sorry naman! Hindi kasi ako mapakali kakaisip sa isa natin'g friendship eh." Katwiran nito.
"Sus, hayaan mo na nga 'yon! Alam mo ikaw, masyado ka kasi'ng malisyosa kaya ganyan ang tumatakbo sa isip mo."
"Ah basta! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nadidiskubre ang kababalaghan'g ginagawa niya."
"Bahala ka nga! Six years na tayong magkakasama sa bahay na 'to. Tapos ngayon ka lang nagduda ng ganyan. Baka naman magalit 'yon sa'yo ng bongga kapag nalaman niyang pinagdududahan mo siya."
"Hmm...maiba nga ako friendship, kumusta naman pala 'yong moment niyo last week ni sir pogi?" usisa nito.
''Ikaw huh, wala ka man lang nabanggit sa'kin. At saka nawala na rin sa isip ko 'yon kasi nga busy tayo sa pagmo-move on mo. Kaya nakalimutan ko na ri'ng itanong kaagad sa'yo." Nakangusong dagdag pa nito.
"Hay naku! Mabuti at ipinaalala mo ngayon. Dahil hindi pa nga pala kita nakokompronta sa kalokohan'g ginawa mo."
"Gaga! Don't tell me na hindi mo 'yon nagustuhan?" aniya na sinabayan pa ng pagkindat.
"Hindi talaga!" nakairap kong tugon.
"Sus, ang arte mo, 'di hamak naman'g mas pogi 'yon sa ex mo! Bagay naman kayo eh. Dapat nga sana siya nalang ang naging boyfriend mo, baka sakaling hindi ka pa iniwan sa ere."
"Tsk...huwag mo na nga'ng ipaalala at saka tigilan mo na ang pangrereto sa'kin sa lalaking 'yon!"
"Oo na! Halika na, mag-almusal na lang tayo at pagkatapos ay sasamahan kitang magpasa ng resignation letter sa Boss Ethan mo." Biglang sumeryoso si Pauline kaya naman nakangiting tinanguan ko na lang ito.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Pauline. Habang dumadaldal kasi ito ay panay din ang kilos ng kamay. Ipinagsandok niya na ako ng kanin at ulam. Maging ang kape ko ay siya na rin ang nagtimpla.
"Kumain ka na friendship. Huwag mo akong titingnan ng ganyan ah. Sige ka, baka isipin kong may gusto ka na sa'kin."Pabirong sambit nito.
"Baliw ka talaga! Puro ka na lang kalokohan Pauline! Pero salamat ah, napakabait mo tapos mapagmahal ka pang kaibigan." Pambobola ko sa kanya.
"Sus, huwag kang ganyan! Baka lumaki ang ulo ko sa mga pinagsasasabi mo. Sige ka, baka bigla akong magbago." Sabay na lang kaming natawa sa kanyang tinuran.
Matapos kumain ay sinamahan nga niya ako sa kompanya ni Ethan. Sa totoo lang ay ayaw ko na sana'ng tumapak sa opisina ng mokong na 'yon pero hindi naman puwedeng basta na lang ako aalis.
"Oh, ba't mukhang hindi ka matae diyan sa gilid?" Sita saakin ni Pauline.
"Huh? Eh, may ipapakisuyo sana ako sa'yo Pauline. Baka puwedeng ikaw na lang ang mag-abot ng resignation letter ko."
" 'Yon lang pala eh! Akin na nga!" aniya sabay hablot ng envelope na nasa kamay ko.
Maya-maya lang ay bumalik na ito.
"Friendship, halika may sasabihin ako!" Tumitiling sigaw nito ng makalapit na saakin.
''Ano ba 'yon?" Puno ng pagtatakang nagpatianod na lang ako matapos niya akong hilahin papunta sa isang sulok.
"Si Lea, nakita ko sa office ni Ethan."
"Eh, ano naman'g gagawin niya do'n?" Hindi makapaniwala'ng usisa ko.
"Ewan ko basta naabutan ko silang nagkakape. Si Lea pa nga ang nagtimpla ng kape nila eh." Dagdag pa nito na siyang nagpagulo sa aking isipan. ''Naku, friendship...duda talaga ako diyan sa kaibigan natin. Ayoko na lang sana mag-talk pero promise, iba talaga ang pakiramdam ko." Giit pa nito.
"A-anong sabi ni Lea ng magkita kayo?"
"Wala siyang explanation. Basta inalok niya lang ako ng kape pero hindi ko naman tinanggap."
"Ah okay. How about my resignation letter? Anong say ni Ethan matapos mong i-abot sa kanya?" Patuloy kong usisa.
"Wala! Basta sinabi ko lang na pinapabigay mo 'yon. Tapos nagmamadali na akong umalis kaya hindi ko rin alam kung anong naging reaksiyon nila. Okay na ba madam?" Pinandilatan pa ako nito ng kanyang mga mata kaya't natatawang nagyaya na lang ako pauwi.
"Halika ka na nga! Umuwi na tayo Pauline! Baka bigla pang dumating dito si Lea at mag-away lang kayo."
"Grabe ka sa'kin ah. Mabait ako at never akong nang-away ng kaibigan." Inirapan ko lang ito, dahilan upang matawa naman ito.
Hanggang sa makabalik kami sa bahay ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi kanina ni Pauline tungkol kina Ethan at Lea.
Ayoko sana'ng isipin na may relasyon sila pero sa mga nangyayari ngayon ay parang gusto ko ng maniwala.
"Mag-juice ka muna friendship para mahimasmasan ka at magising ka na sa katotohanan'g may namamagitan nga kina Lea at Ethan." Hindi agad ako nakakibo. Tinitigan ko lang ang juice na iniabot niya. Kaya naman tahimik itong naupo sa tabi ko.
"Pau, tulungan mo na lang akong maghanap ng ibang trabaho." Seryosong sabi ko sa kanya.
"Naku friendship, walang problema! Kakausapin ko ang boss ko. Do'n ka na lang sa'min."
"Uhm...ibang work sana eh."
"Huh? Eh bakit? Paano ang passion mo? Paano ang career mo?" Sunod-sunod na tanong niya saakin.
"Kailangan ko muna sigurong i-give up 'yon friendship." Malungkot kong tugon.
"Ano? Nang dahil lang sa lalaking 'yon ay sisirain mo na ang buhay mo!"
"Hindi naman sa gano'n. Alam mo naman'g kapag gan'to ang kalagayan ko ay hindi ko rin naman maayos ang pagdidisenyo. Kilala mo ako Pauline, nawawala ako sa focus kapag may problema akong dinadala."
"Okay. I understand you friendship. Sige, ibang work muna habang nagmo-move on ka. Pero promise me na babalik ka rin sa pagiging isang fashion designer kapag okay na ang puso't isip mo huh!"
"Yes ma'am!" sumaludo pa ako rito, dahilan upang bigla itong matawa.
"Hoy, seryoso ako! Di'ba simula ng mamatay ang mga magulang mo at hanggang mag-college na tayo, 'yan na ang number one goal natin? Kaya, magpapahinga ka lang ngayon ah, pero hindi ibig sabihin no'n ay do'n na natatapos ang career mo." Natawa ako, dahil sa kabila ng pagiging sira ulo nito ay may kaakibat rin pala itong katinuan sa buhay.
"Oo na! Payakap nga!"Nakangiting sigaw ko sa kanya at agad naman itong lumapit. ''Salamat friendship. Salamat din dahil itinuring mo na akong kapamilya mo sa loob ng maraming taon." Pabulong na sambit ko.