KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Ako na rin ang nagluto ng almusal namin ni Pauline at ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. Kaya naman, ang lapad ng ngiti nito nang makita'ng wala na siyang ibang gagawin kundi ang umupo na lang at isubo ang pagkain. "Wow, friendship, naninibago ako sa'yo! Mukha yatang maganda ang resulta ng first day of work mo kahapon ah!'' Ani Pauline. "Tsk...nagkakamali ka! Sa totoo lang ay mala-impiyerno." Nakairap kong tugon. Kapagkuwa'y umupo na ako sa katapat niyang silya at nagsimula na rin akong kumain. "Talaga ba? Sa lahat kasi ng nakaranas ng mala-impiyernong buhay sa work place eh, ikaw lang ang nakita kong nakangiti." Dagdag pa niya. "Eh kasi nga, akala ko matagal pa kaming magkakasama no'ng demonyong secretary ni Jazz 'yon pala ay sinisante niya na pa