Chapter Two

1590 Words
"GINO, isang bucket pa nga ng beer." Ani Pauline na kaagad ko rin'g inawat. "Hoy, tama na! Nakadalawang bucket na tayo oh, baka hindi na tayo makauwi!" "Girl, kailan ka pa tumanggi sa alak? Huwag ka nga'ng pakimerot diyan at baka sabunutan kita!" Maarteng sambit ni Gino. Ito kasi ang madalas na nag-aasikaso sa'min tuwing nagkakayayaan kami rito ng mga kaibigan ko. Kaya naman halos kaibigan na rin ang turing namin sa kanya. "Grabe ka sa'kin bakla!"reklamo ko. "Diyan na nga kayo! Kukuha na ako ng beer!" Ani Gino na kumikembot pa habang naglalakad. "Hoy friendship, huwag ka nga'ng duwag diyan! Anong hindi makakauwi? Ano tayo teenager? Hello...we're both twenty six years old na. Kayang-kaya na natin'g umuwi ng lasing. At saka, nandiyan naman si Sir Pogi. For sure, ihahatid tayo niyan." Napatingin ako sa kabilang mesa kung saan ay nakaturo ang kamay ni Pauline. Laking gulat ko pa ng magkasulubong ang tingin namin ni Jazz. Bahagya akong napalunok dahil pakiwari ko ay matutunaw na ako sa malalagkit niyang titig saakin. Kumindat pa ito kaya naman ako na mismo ang unang umiwas. Itinuon ko na lang sa alak ang aking atensiyon. Bahagya pa akong natulala dahil muli na naman'g sumagi sa isip ko si Ethan. Sa tuwing nakikita ko kasi si Sir Jazz ay naaalala ko rin si Ethan. Ethan and Sir Jazz are childhood friends kaya naman malapit talaga sila sa isa't-isa. 'Yon nga lang ay nauna lang lumandi si Sir Jazz kaya maaga rin'g nakabuntis. "Naku, tulala na naman ang friendship ko! Ano, tinamaan ka na ba kay sir pogi?" Ani Pauline na abot-tainga ang pag ngiti. "Hindi ah! Sa totoo lang ay naiinis ako sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko siya ay si Ethan pa rin ang naaalala ko." "Bakit naman? 'Di hamak naman'g mas guwapo 'yan si sir kumpara doon sa groom mong scammer." "Pauline, hinaan mo nga 'yang boses mo. Baka marinig ka ni Sir Jazz." "Eh 'di mas mainam. Kung ayaw mo sa kanya , puwede naman sigurong ako na lang ang magpapansin sa kanya tutal pareho naman kaming single di'ba?" Dagdag pa nito na pasimple kong kinurot sa singit. "Aray naman! Ba't may pakurot?" reklamo nito na inirapan ko pa. "Huwag kang magpantasya diyan. Taken na 'yan si sir. Ang alam ko may anak na 'yan eh." "Sus, anak lang pala eh. Single pa 'yan sabi ni Ethan. Matapos daw manganak no'ng babae ay iniwanan na kay sir ang anak nila. Five years ago na rin 'yon kaya, for sure hindi na 'yan babalikan ni girl." Patuloy na pagtatanggol ni Pauline kay Sir Jazz. "At saka bente-otso pa 'lang 'yan si sir pogi. Sayang ng lahi niya kung hindi niya ipapamahagi sa iba." Dagdag pa nito. Akmang kukurutin kong muli ito ngunit mabilis itong nakailag. "Uminom na nga lang tayo. Wala akong panahon para atupagin ang mga lalaking 'yan. Mga buwisit 'yan sa buhay ko eh!" reklamo ko. "Ang bitter mo naman friendship. Titigan mo kasi'ng mabuti si sir pogi, para naman tumamis man lang 'yang mga lalabas na kataga diyan sa bibig mo." Patuloy na pangungulit nito. "Ewan ko sa'yo Pauline!" "Ay, galit agad friendship? Gaga! tingnan mo kasi oh, ang hot talaga niya! Para siyang artista. Parang 'yong bida do'n sa erotic movie na ano...na...basta may Grey siya sa dulo." Giit pa ng kaibigan ko na sinabayan pa ng pagpadyak. "Fifty Shades of Grey!" Napipilitan'g sagot ko sa kanya. " 'Yon nga friendship! Siya nga 'yon! Ano nga pangalan no'n?" "Jamie Dornan." tipid kong tugon. "Hindi! Ang itinatanong ko 'yong name niya sa movie!" Naiinis na talaga ako sa kadaldalan ng kaibigan ko kaya naman sinagot ko na lang ito para mahinto na sa pag-iingay. "Si Christian Grey. Ano okay na ba? Puwede ka na bang manahimik?" "Tsk...sasabihin naman pala eh. Ang dami pang pasakalye."Bubulong-bulong pa ito kaya't pabirong hinatak ko ang ilang hibla ng kanyang buhok. "Aray naman! Huwag mo nga'ng pag diskitahan ang maganda kong hair." reklamo nito na tinawanan ko lang. Buong akala ko ay tapos na ang kahibangan nito, subalit may karugtong pa pala 'yon. "Pero alam mo friendship, bagay talaga kayo niyan ni sir pogi. Kung siya si Christian Grey, aba'y ikaw naman si Anastasia Steele." "Ano? Nagpapatawa ka ba? Pa'nong naging kahawig ko 'yon? Bangs lang 'yong magkapareho sa'min, at bukod do'n ay wala ng iba!" Giit ko pa. "Tsk... alam mo maganda ka naman talaga friendship eh. Kailangan mo lang ng kaunting make-over. Sa halip kasi na eyeglass ang gamitin mo, much better kung contact lens na lang tapos, medyo curl mo lang ng konti 'yang dulo ng hair mo. Oh, dj'ba bongga? Mas maganda ka pa tuloy kay Anastasia Steele." "Naku, tumigil ka na sa ka-praningan mo! Masaya na ako sa kung anong hitsura ko. Kahit pa nga ako na ang pinakapangit na nilalang sa mundo, ay wala pa rin akong pakialam. Basta ang importante sa'kin ay humihinga ako at hindi nagugutom. 'Yon, masaya na ko do'n." "Sus, ang pangit mo mag move on. Dapat, ipakita mo sa ex mong gumanda ka lalo ng mawala siya sa buhay mo." Nakangiwing sambit ni Pauline. Tama naman ang lahat ng sinabi ni Pauline. Ngunit ayoko na lang na mag-aksaya pa ng oras at panahon sa mga gano'ng bagay. Kaya naman sa halip na makipagtalo pa ay masaya na lang namin na tinungga ang mga beer na naroon sa mesa. Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng pagkahilo kaya naman niyaya ko na pauwi si Pauline. Ngunit, tila wala pa talaga itong balak na umuwi. "Halika na! Baka hindi na tayo makapagmaneho. Nahihilo na rin ako eh." "Ako na ang bahala sa'yo friendship. Stay foot ka lang diyan ah." Ani Pauline na nagmamadaling umalis. "Hoy, saan ka ba pupunta? Sandali, sasama ako?" Hindi man lang ito huminto. Sa halip ay paulit-ulit pa ako nitong kinawayan. "Bruha talaga'ng babae 'yon! Paano na ako nito uuwi?" Bigla ay naibulalas ko. "Ihahatid na lang kita pauwi." Anang preskong tinig na nagmula sa aking likuran. Dahan-dahan akong lumingon. Gayo'n na lamang ang pamimilog ng aking mga mata matapos kong mapagsino ang lalaking nakatayo ngayon sa aking likuran. Sir Christian! Ay este, Si-sir Jazz?" Kunot noong pumihit ito paharap saakin. "Who is Sir Christian? Binibinyagan mo na naman ba ako?" Puno ng iritasyon na tanong nito. "Hi-hindi no'h! Naalala ko lang 'yong ano...'yong bartender. Tama, 'yong bartender nga si-si Christian!" Bagamat kinakabahan ay pilit pa rin akong ngumiti para lang makumbinsi siya sa aking mga sinasabi. "Oo, Christian nga pala ang pangalan no'n. Kahawig mo kasi siya, kaya akala ko bumalik ulit at nagdala ng cocktail." Palusot ko pa. "Hmm...Christian huh!" Bahagya itong huminto sa pagsasalita at animo'y may iniisip. "Wala akong matandaan'g bartender dito na Christian ang pangalan. Alam mo bang nine years na kaming umiinom dito ni Ethan kaya kilala ko ng lahat ng bartender at dancer dito?" Mas lalo pa itong lumapit saakin. At ang pareho niyang kamay ay mariing nakahawak sa magkabila kong balikat. Maging ang aming mukha ay halos isang pulgada na lamang ang pagitan. Pakiwari ko talaga ay malalagutan na ako ng hininga nang mga sandaling iyon. Sinubukan kong umatras ngunit wala na pala akong aatrasan dahil sagad na sa dingding ng bar ang pagkakasandal ko. "Oh, my god! Papa G ikaw na po ang bahala sa'kin. Ilayo mo po ako sa kapahamakan. Gusto ko pang marating 'yong heaven na sinasabi nila bago pa man ako sunduin ni kamatayan." Pikit matang usal ko habang nakatingala. "Alam mo naman po na virgin na virgin pa ang lahat na parte ng aking katawan maliban na lang sa aking labi na madalas nakawan ng halik ni Ethan." Mahina pa rin'g usal ko, ngunit malinaw na malinaw pala iyon sa pandinig ni Jazz lalo pa't magkalapit kami. "Tsk...insane! Huwag kang feelingera diyan! Dahil wala akong balak na pagsamantalahan ka! Hindi rin ako pumapatol sa mga babaeng mabaho ang hininga at may sira sa utak." Ani Jazz. Sa wakas ay dumistansiya na ito saakin. Idinilat ko kaagad ang aking mga mata, at sinubukan kong magbuga ng hangin sa aking palad para lang mapatunayan kong mali ang sinasabi niya. Subalit, tama nga siya. Ang baho nga pala ng aking hininga. Pinaghalong amoy ng beer at sisig iyon kaya masangsang talaga ang amoy. "Hoy! Hindi porket guwapo ka at mabango ka ay puwede mo na akong laitin! Natural uminom ako ng alak kaya gan'to ang amoy ng hininga ko!" pagtatanggol ko sa aking sarili. "Okay. Sabi mo eh. Madali naman akong kausap at saka lahat ng mga sinasabi mo ay pinapaniwalaan ko naman." Nakangising saad nito. "Aba'y dapat lang! Nagto-toothbrush ako palagi pagkatapos kong kumain kaya wala akong bad breath no'h!" "Oo na, naniniwala na nga ako. Pero syempre mas naniniwala at nagpapasalamat ako no'ng sinabi mong guwapo at mabango ako. You know, i really appreciate it." "Hindi sincere 'yon. Nagkamali lang ako ng-" "Oops...wala ng bawian 'yon. Nasabi mo na eh." "Buwisit talaga ang lalaking ito!" Gigil kong sambit. "Relax! Halika na nga, ihahatid na kita pauwi." Aniya na sinubukan pang kunin ang kanan kong kamay. "Hindi ako sasama sa'yo! Kaya kong umuwing mag-isa!"protesta ko. "Hindi kita puwedeng pabayaan. Magagalit sa'kin si Ethan pati na rin si Pauline. Ibinilin ka nila sa'kin." "Sinungaling! Imposibleng maalala ako ni Ethan!" giit ko pa. "Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala. Basta sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid pa rin kita." Pamimilit pa nito. Wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag na lang. Ilang beses ko rin kasi'ng sinubukan'g pumara ng taxi ngunit wala ni isa sa mga ito ang huminto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD