Chapter One

1249 Words
HALOS maglupasay ako sa loob ng simbahan, matapos akong iwanan sa altar ng lalaking nangako saakin ng walang hangga'ng pag-ibig. Kaya't wala sa sariling hinayaan ko lang na pumatak ang masasaganang luha sa aking pisngi habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni Ethan. "Friendship huh! Kapag nakita ko talaga ulit ang ang Ethan na 'yon, naku...sisiguraduhin kong manghihiram siya ng mukha sa aso!" Gigil na sambit ng matalik kong kaibigan na si Pauline. Siya rin sana ang maid of honor ko. "Aba, isipin mo huh...sayang ang ginastos niya at saka ang bongga nitong simbahan oh. Akalain mo 'yon dito ka dapat ikakasal sa pinaka-social na simbahan sa Taguig. Tapos bigla lang mauudlot!" Patuloy pa rin sa pagdaldal si Pauline at wala man lang itong pakialam sa paligid kahit pa nga pinagtitinginan na siya ng mga tao. "Ang tanga talaga niyan ni Ethan! Ni-hindi man lang siya nanghinayang sa pang miss universe mong beauty. At talaga'ng ipinahiya ka pa niya sa buong mundo. Naku! mapipilipit ko talaga ang leeg niya!" Giit pa ni Pauline. Sa halip na sawayin siya sa kanyang mga sinasabi ay hinayaan ko na lamang ito. Nagmamadaling naglakad ako palabas ng simbahan. Hinubad ko na rin ang sapatos kong three inches ang takong. Maging ang lahat ng naroon ay hindi ko na rin pinansin lalo pa't alam kong ako ang pinagbubulungan nila. "Hoy friendship! Sandali nga! Hintayin mo naman ako!" Malakas na hiyaw ni Pauline, ngunit hindi ko man lang ito nagawang lingunin. Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa masalubong ko ang isa sa mga kaibigan ni Ethan. "Oh, Maze...what happen?" Ani Jazz na puno ng pag-aalala ang tinig. Hindi ko siya sinagot. Dire-direstso lamang ako sa paglalakad, ngunit hindi ko inaasahan'g susundan niya pala ako. "Hey! What's wrong?" Gulat akong napalingon ng maulinigan kong muli ang kanyang tinig. ''Ano ba'ng nangyari? Where is Ethan? Akala ko ba ngayon ang kasal niyo ng kaibigan ko?" Sunod-sunod na tanong nito saakin. "Sir! Iniwan niya na ako!" Hindi ko na napigilan pa ang emosyon na kanina ko pa'ng kinikimkim. Kaagad ko siyang niyakap at walang pag-aalinlangan na umiyak ako sa kanyang dibdib. Batid kong magkahalong luha at uhog na ang naroon sa kanyang tuxedo ngunit binalewa ko lamang 'yon. Ang mahalaga sa'kin ngayon ay maibsan ang bigat ng kalooban ko. Maya-maya lang ay dahan-dahan niyang kinalas ang mga braso kong nakayakap sa kanya at pagkatapos ay nakangiwing tumingin saakin. "Yong damit ko ba't idinamay mo sa problema mo?"reklamo nito habang nandidiring itinuturo ang nabasa'ng bahagi ng kanyang damit. "Tsk...sorry na sir! Kasalanan mo rin naman kasi 'yan eh. Kung hindi ka dumating eh 'di sana hindi ikaw ang napili kong iyakan at singahan ng uhog." Inirapan ko pa ito. "So, kasalanan ko pa pala? Ako na nga ang tumulong sa'yo para gumaan ang pakiramdam mo eh!" dagdag pa nito. "Eh 'di thank you na lang Sir Jaztin Dela Vega! Ang arte mo naman! Siguro magkasabwat kayo ng kaibigan mo!" Puno ng pagdududang pinandilatan ko pa ito ng mata. "Hoy, Miss Maze Tolentino, ikaw huh...ang hilig mo mangbinyag at manbintang ng tao. Unang-una, Jazz lang ang pangalan ko. Pangalawa, wala akong alam sa sinasabi mo. Huwag mo nga akong idamay sa kalokohan ni Ethan! Magkaiba kami no'n!" Gigil niyang pahayag bago ako tinalikuran. "Hala! Nagalit yata sa'kin si Sir Jazz!" Wala sa sariling naibulalas ko. "Friendship, nandito ka lang pala eh! Kanina pa kaya kita hinahanap!" Hinihingal na reklamo ni Pauline matapos akong yakapin. "Sorry, nawala ako sa sarili matapos akong iwanan kanina ni Ethan eh." Nakayukong tugon ko. "Naku, mabuti pa umuwi na tayo. Mag-beauty rest na lang tayo tutal naman ay wala na rin naman'g pag-asang matutuloy pa ang kasal ninyo ni Ethan." Anang kaibigan ko na ngayon ay magkakrus pa ang dalawang braso habang sunod-sunod ang ginawang pag-irap. "Siya nga pala friendship, natanaw ko kanina na galing rito 'yong kaibigan ng groom mo ah. Ano 'yon dumidiskarte na agad sa'yo?" Pangungulit pa nito. "Hoy! Tumigil ka nga! Ang dumi niyang isip mo eh!" "Sus, ako pa tuloy huh! Eh anong ginawa no'n sa'yo kanina?" "Wala nga! Nag-usap lang kami." "Hmm...okay. Sabi mo eh!" Napipilitan'g pag-sang-ayon nito. "Tara na friendship, uuwi na tayo." Nagpatiuna na ito sa sasakyan kaya't bubulong-bulong na sumunod na lang ako. "Hoy! Ano nga ba kasi ang piang-usapan niyo kanina ni sir pogi?" Akala ko pa naman ay nakalimutan niya na iyon, subalit hindi pa rin pala. Patuloy niya akong kinulit sa loob ng sasakyan kaya't naiinis na tinarayan ko ito. "Puwede ba Pauline...manahimik ka nga muna! Ang gulo-gulo ng isip ko ngayon oh! " Naiiritang singhal ko sa kanya. "Sus, napaka-sensitive." Reklamo pa nito. Sa halip na kumibo pa ay itinuon ko na lang sa labas ang aking atensiyon at hanggang sa makarating na kami sa bahay ay tahimik lang akong dumiretso sa aking silid. At pagkatapos ay doon ko na pinakawalan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. "Tingnan mo 'yon. Paniguradong magluluksa na 'yon sa ginawa ng kanyang hudas na groom!" Pabulong na saad ni Pauline ngunit hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig. "Ano'ng nangyari sa friendship natin? Kumusta nga pala ang wedding no'n?" Sabad ni Lea na ngayon ay kakarating lang galing Paris. Mabuti na lang talaga at hindi ito um-attend sa wedding ko, dahil masasayang lang ang oras at panahon nito. "Naku, ang malas ng friendship natin. Nabiktima ng budol-budol niyang groom." Pagkukuwento ni Pauline sa kanya. "Ano?" gulat na tanong ni Lea. "Paanong nabudol? Na-nasaan si Ethan?" Patuloy na usisa nito. "Ewan ko kung nasaan. Basta kanina sumulpot sa simbahan, palihim na nag-sorry kay Maze, tapos nagmamadali ng umalis." Ani Pauline. "Eh ikaw, ba't nandito ka? Akala ko ba hindi ka makakauwi ng Pilipinas kasi sabi mo may fashion show na magaganap ngayon'g araw na ito sa Paris." "Huh? Eh, ano kasi...na-na-cancelled. Oo, na-cancelled 'yong fashion show at pina re-schedule na lang. So, baka one of these days ay babalik din ako doon." "Okay. Mapera ka pala. Marami kang pambayad sa plane ticket!" Nakairap na sabi pa ni Pauline. "So, hindi man lang ba natin iko-comfort si Maze?" Anang boses ni Lea. "Eh, anong gagawin natin, samahan siya sa kuwarto at maki-duet tayo sa pagngalngal niya?" Puno ng iritasyon sa tinig ni Pauline. "Kung ako 'yan sa bar ako didiretso eh. Mag-celebrate pa ako do'n." Mas lalo pa nitong nilakasan ang kanyang tinig. Marahil ay sinasadya niya iyon para lumabas ako ng silid. "Naku, grabe ka naman friendship! Ang harsh mo naman sa kaibigan natin." Saway rito ni Lea. Hindi rin ako nakatiis. Lumabas nga ako at nilapitan sila. "Sa tingin ko tama ka nga Pauline. Mabuti pa siguro lumabas tayo at mag-enjoy na lang." Walang buhay na suhestiyon ko sa kanila. "Sabi ko na sa'yo friendship eh!" Tumitiling sigaw ni Pauline. Kapagkuwa'y sinugod ako nito ng mahigpit na yakap. "Tara na dali!" dagdag pa ni Pauline na halos kaladkarin na ako nito palabas ng kanyang bahay. "Hindi ako sasama. Pagod ako sa biyahe eh." Ani Lea na siyang ipinagtaka namin. "Huh? Hindi puwede 'yon. Akala ko ba dadamayan niyo ako." Mas lalo lang nadagdagan ang sama ng loob ko. "Maze, sorry talaga. Promise babawi ako next time. Sadyang-" "Oops...tama na ang pag-eexplain." Pagpigil ni Pauline sa iba pang sasabihin ni Lea. "Friendship huwag na lang natin pilitin ang ayaw!" sarkastikong dagdag pa nito. Sabay namin'g tinalikuran si Lea. Madalas kasi ay may pagka-kill joy at kuripot itong si Lea kaya minsan ay naaasar kami sa kanya lalo na kapag may perang involve sa mga naiisipan namin'g gawin ni Pauline.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD