ILANG beses ko ng pinraktis sa harap ng salamin ang mga dapat kong gawin at sabihin mamaya pagdating sa kompanya. Sa totoo lang ay hindi pa ako handang harapin si Jazz ngayon. Wala rin sana akong balak na pumasok pero ayoko naman na madamay pati ang trabaho ko. Isinukbit ko na ang aking bag. Dinampot ko na rin ang susi ng aking kotse at nagmamadaling lumabas ako ng silid. Tinanghali rin kasi ako ng gising kaya't paniguradong traffic na naman. "Sumabay ka na sa'kin!'' Bahagya akong napaigtad ng marinig ko ang boses ni Pauline. Buong akala ko ay nakaalis na ito. "Ginulat mo 'ko do'n ah! Teka, ba't nandito ka pa?'' "Naku naman friendship! Syempre hinintay kita! Dalian mo na. Late na ako oh.'' "Eh, wala naman kasi tayong usapan na magsasabay -'' ''Huwag ka ng magreklamo. Sumakay ka na sa