DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mainit na sikat ng araw na tumatama saaking balat. Iginala ko ang aking paningin at napabalikwas ako ng bangon, matapos kong ma-realize na wala ako sa aking silid. Bigla akong nakaramdam ng ibayong kirot sa may sentido ko kaya naman muli akong napahiga sa kama. Saka ko lang naalala na nag-bar nga pala kami nina Pauline at Lander kagabi. Pilit kong inalala kung nasaan ako ngunit wala man lang kahit kaunting ideya na sumagi sa isip ko kung kaninong silid nga ba ako naroroon. Kaya naman pinilit kong bumangon ulit at sinipat ko ang aking sarili. Iba na ang suot kong damit. Nakapantulog na ako pero sigurado akong hindi 'yon saakin. Bigla akong kinabahan. Maingat akong tumayo at pinakiramdaman ko ang pagitan ng aking mga hita