LAKING pasasalamat ko na wala pa si Pauline nang dumating ako sa bahay. Kaya't dumiretso na ako sa aking silid. Ngunit, wala pang isang oras na nagmumuni-muni ako ay may kumatok na agad sa pintuan. Wala sana akong balak na buksan iyon ngunit nang marinig ko ang boses ni Pauline ay wala rin akong nagawa kundi ang buksan 'yon. "Ba't ka ba sumisigaw? Eh may susi ka naman diyan at saka-" Hindi ko na natapos pa ang iba kong sasabihin dahil bigla na lang lumitaw si Jazz mula sa kanyang likuran. "J-jazz?" Nauutal kong pag tawag sa kanya. Tiningnan niya lang ako at nanatili lamang ito sa kanyang kinatatayuan. "Hoy friendship! Kausapin mo nga 'yang boyfriend mo! Huwag niyo na akong idamay pa sa tampuhan niyo!" Ani Pauline. "Pau, bakit magkasama kayo ni Jazz?" Bulong ko sa kanya. ''Huwag mo ng