Isang linggo na rin ang nakalipas nang dumating ako dito sa Maynila. Tulad ng pinangako ko sa Nanay ko, araw araw ko parin syang tinatawagan bago matulog dahil ito lang ang libreng oras ko.
Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pintuan. Agad naman akong tumayo at binuksan ito.
"Nay Nena, ano po iyon?" Tanong ko dito at kung titignan ko ay masama ang pakiramdam nito.
"Iha pwede bang ikaw nalang ang magbukas ng gate mamaya pag dumating si Sir Sandro at pwedeng ikaw na rin ang magreheat ng mga pagkain nya mamaya pagdating nya? Alam mo naman na siguro ang gagawin, masakit kasi ang ulo ko" utos nito sakin.
Tumango naman ako bilang sagot. Pumunta naman ako sa sala para doon muna ako habang hinihintay ko ang pagdating ni sir Sandro.
Nakasuot ako ng bestidang puti kaya litaw na litaw ang kaputian ako. Naisipan kong magbihis at baka malaswa ito sa paningin nya ngunit nataranta ako at di na ko nakapagbihis dahil may narinig akong busina sa labas. Inayos ko nalang ang nakalugay kong tuwid na buhok paharap.
Agad ako g lumabas ng bahay at sa kamalas malasang pagkakataon ay umuulan pa.
Hindi ko na naisipang kumuha ng payong dahil baka mainip ito at magalit sakin.
Tumakbo ako para pagbuksan ito ng gate. Basang basa na ko dahil sa lakas ng ulan.
Nang mabuksan ko ang gate at pumasok ito sa garahe ay agad kong sinara ang gate.
Mabilis akong tumakbo papuntang main door at kung sinuswerte nga naman ako ay nandon na rin si Sir Sandro.
Nakatingin lang ito sakin mula ulo hanggang paa.
"Next time, use an umbrella" poker face na sabi nito. Hindi ko sya pakakakitaan ng anumang emosyon.
"Sorry po, hindi ko po kasi alam kung saan nakalagay ang mga payong" nakayuko kong sabi. Hindi ko sya matignan ng diretso dahil sa takot ko. Para kasing sisigawan nya ako anumang oras.
Bigla syang lumapit sakin at akala ko yayakapin na nya ako pero nagulat ako nang abutin nya ang door knob sa likod ko at binuksan ang pinto.
Halos hindi ako huminga sa sobrang lapit nya sakin. Nanunuot sa ilong ko ang kanyang pabango na kulang nalang ay isubsob ko ang mukha ko sa kanyang long sleeves.
"Get inside" malamig na sabi nito na nakapagpainit ng buong katawan ko, hindi ko alam kung bakit. First time kong maramdaman ito.
Taranta akong pumasok sa loob ng kabahayan at hinintay syang pumasok at ako na ang nagsara ng pinto.
"Iinitin ko lang po yung pagkain nyo, Sir" sabi ko agad dito at inunahan ko na syang maglakad.
"Dalhin mo sa kwarto ko" sabi nito na nakatingin parin sakin.
"O- opo S-s-sir" utal na sagot ko dito.
"Do you have a speech problem?" Tanong nito.
"Wala po sir" gulat na sagot ko sa kanya. Wala na akong narinig sa kanya at tanging yabag nalang niya paakyat ng hagdan ang narinig ko.
Mabilis naman akong pumunta ng kusina at nireheat ang mga pagkain niya.
Pagkareheat ko ay agad kong inayos ito sa isang tray at dinala sa kwarto nya.
Kinakabahan akong umakyat at nakailang hingang malalim pa ako bago kumatok sa kwarto nya.
Kumatok muna ako at nang walang sumagot ay pumasok na ko.
Unang beses kong pumasok sa kwarto ng isang lalaki dahil sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasang sumama sa lalaki, may kaibigan ako, si Franky, kababata ko, pero nakakalaro ko lamang sya noon at nang lumaki na kami ay di na kami nagkikita at nagsasama dahil nagaral na sya dito sa Maynila.
Pagpasok ko ng kwarto ay syang paglabas din ni Sir Sandro sa banyo nito at nakatapis lang ito ng twalya at maliban doon wala na itong suot na damit pangtaas.
Napapikit ako habang dala dala ko ang tray, hindi ko alam kung lalabas ba uli ako o tutuloy sa loob ng kwarto nito.
"Ilapag mo nalang sa table" turo nya sa table malapit sa bed nya habang nakatingin parin sa akin.
"S-sige po s-sir, labas na po ako" paalam ko sa kanya.
"What's your name again?" Tanong nito bago ako makalabas ng pintuan nya.
"Kara po" nahihiyang sagot ko sa kanya.
"How old are you?" Sunod na tanong nito.
"24 po" nakayukong sagot ko sa kanya.
"Magbihis ka na. Baka magkasakit ka." Sabi nito.
May ngiting gustong kumawala sa mga labi ko pero agad nitong sinundan ang sinabi nya.
"Ayokong may nagkakasakit sa pamamahay ko, problema ko pa" sabi nito. Napapahiyang tumango nalang ako dito at lumabas ng kwarto niya.
Para akong nakahinga ng maluwag nang makalabas ako ng kwarto niya.
Medyo bastusin din pala ang lalaking yon. Napairap nalang ako sa kawalan.
KINABUKASAN ay nagising akong masakit ang ulo. Pero pinilit ko paring bumangon at nagayos nang makita kong alas syete na ng umaga dahil baka kung ano pang sabihin nila sa akin pag humilata lang ako sa kama.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko silang busy sa pagluluto.
"Oh, iha, gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Nay Nena sakin.
Nagtataka naman akong tumingin kay Nay Nena.
"Medyo masakit lang po ang ulo ko, pero kaya ko naman po. Pano po ninyo alam?"
"Kagabi kasi nagising sila Briget inaapoy ka raw ng lagnat kagabi."
"Hindi ko po alam Nay, nabasa po kasi ako ng ulan kagabi nang pagbuksan ko ng gate si Sir Sandro" sabi ko dito.
"Sa susunod iha, magpayong ka ha? May payong sa gilid ng garahe, mamaya ituturo sayo ni Conie kung saan nakalagay ang mga payong." Sabi nito.
"Salamat po." sagot ko kay Nay Nena
"Kara, sa susunod ha? Pag pagbubuksan mo ng gate si Sir Sandro tawagin mo ko" Kinikilig na singit ni Briget.
Tumawa naman kami sa sinabi nito at nilapitan sya ni Nay Nena at kinurot ang tagiliran.
"Ikaw na bata ka" Sabi ni Nay Nena.
"Nay, mabigat po kasi yung gate, kailangan ng dalawang tao para mabuksan" pabirong sinabi ni Briget dito at nagtawanan nalang kami.
"O sya, Kara at Briget dun muna kayo sa sala maglinis at darating ang mga magulang ni Sir Sandro mamaya at dito sila kakain ng Lunch." Sabi ni Nay Nena.
Kaya pala marami silang niluluto dahil may bisita. Agad naman kaming sumunod dito.
"Darating din yung mga kapatid ni Sir Sandro Kara, mabubusog mamaya yang mata mo dahil tulad ni Sir Sandro mga gwapo din ang mga ito." Biro nya sa akin.
"Sira ka talaga!" Sabi ko dito na natatawa.
Nagkwentuhan lang kami doon hanggang sa matapos kami at tinawag na kami ni Nay Nena dahil dumating na ang pamilya ni Sir Sandro.
"Ihanda nyo na ang lamesa at bubuksan ko lang yung gate." Utos nito samin.
Agad naman kaming gumalaw at maya maya pa ay sunud sunod na pumasok ang mga bisita. Napalingon din ako sa hagdan nang makita kong nakatayo doon si Sir Sandro
At nakatingin sa akin.
Agad akong nagiwas ng tingin dahil para akong napapaso.
"Lee Sandro! Brother!" Tawag ng isang matangkad na lalaki at mukha ring modelo. At kung di ako nagkakamali ay kapatid nya ito sunod naman pumasok ang dalawa pang kapatid nito, So apat pala sialng magkakapatid. Tatlong lalaki at bunso nilang babae. Panganay si Sandro.
Parang akong nakakita ng mga artista dahil sa angking ganda at gwapo ng mga ito. Hind ko pa man sila nakikilala ng lubusan ay parang kilala ko na rin sila dahil sa katabi kong si Briget na nagkekwento at nakasilip din.
"Shut up Matthew!" Sagot naman ni Sandro sa kapatid nitong tumawag sa kanya.
Maya maya pa ay pumasok din ng kabahayan ang mga magulang ni Sir Sandro.
Nang makababa na ng tuluyan si Sandro ay agad nitong sinalubong ang mga kapatid at magulang.
"Where's Nica?" Tanong ng mommy nito.
"She's still in France mom, fashion week" simpleng sagot nito.
"Omg! I'm gonna call her later!" Maarteng singit ng kapatid nitong babae.
"Ashley, how many times do I have to tell you to lower down your voice?" Iritadong sabi ng kapatid pa nilang lalaki.
"Whatever, Gabriel, whatever!" Irap na sabi ni Ashley dito.
"And how many times do I have to tell you guys na kapag nandito kayo sa bahay ko ay tumigil muna kayo bangayan nyo" sabi naman ni Sandro.
"It's asaran bro, not bangayan" kontra ni Matthew kay Sandro.
"Stop it, Guys, let's eat, I'm hungry" sabi ng daddy nila. Natawa naman ang mommy ng mga ito.
Ang saya nilang panoorin. Habang naguusap usap.
Si Nay Nena at Ate Connie ang tumayo sa gilid ng table habang kumakain sila para kapag may kailangan ang mga ito ay agad maibibigay.
Iba talaga pag mayaman. Nasabi ko nalang sa isip ko.