Chapter 1
Kara Perez. 24 years old. Simpleng babae na maraming pangarap sa buhay ngunit dahil sa hirap ng buhay ay natuto syang magtrabaho ng maaga at tinigil ang pagaaral.
Nakatapos na sana sya ngayon sa kolehiyo kung hindi lang sya pinatigil ng kanyang tumatayong ina, oo, tumatayong ina, dahil inampon daw sya nito, may nagbigay lang daw sa kanya noon ditong lalaki sa bus terminal pauwing probinsya at pagkatapos non, wala nang balita sa tunay na magulang nito dahil wala naman daw naghahanap ng sanggol kaya tuluyan na syang kinupkop ng kanyang nanay Belen lalo at matandang dalaga ito. At hindi maikakaila na ampon nga talaga sya dahil sa kaputian nito at kagandahang taglay kung ikukumpara mo sa nanay Belen nya. Ngayon ay sumasama siya sa nanay niya bilang labandera sa kanila sa isang mayamang pamilya sa lugar nila para may pangkain sila at panggastos sa araw araw.
"Belen, naku ba't mo naman pinaglaba etong anak mo?" Tanong ng isang katulong na kasing edad din ni Nanay Belen.
"Hay nako Sonia, sinabihan ko na iyan na huwag nang sumama pero nagpumilit parin" sagot naman ni nanay Belen dito.
"Ayos lang po Aling Sonia, wala rin naman po akong ginagawa sa bahay at ayaw ko rin pong napapagod ang nanay" ngiting sagot ko dito.
"Mabuti ka pa Kara at naiisip mo yan, samantala ang anak kong si Mila, wala nanag ibang ginawa kung hindi lumabas at mamasyal! Ewan ko ba sa batang yon at pinapag aral ko, ayaw naman" sabi ni aling Sonia sa akin.
Si Mila ay kababata din nya na wala nang ibang ginawa kung hindi siraan sya dahil sa inggit nito sa kanya dahil sa dami ng gustong manligaw sa kanya nung nagaaral pa siya.
Wala namang akong pakealam sa mga lalaking yon dahil ang gusto ko lang naman ay makapagtapos sa pagaaral.
"Belen, may inaalok na trabaho si Freda sa akin sa Maynila, baka gusto mong ikaw nalang pumunta? Di ko kasi maiwan si Mila. Malaki daw ang sahod Belen." Suhestyon ni Aling Sonia kay Nanay.
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Agad naman umiling si Nanay Belen kay Aling Sonia.
"Belen! Mapapag aral mo na si Kara kapag tinanggap mo ito, malaki daw ang sahod sabi ni Freda kapitbahay daw ng amo nya yun, mayayaman daw ang mga nakatira sa lugar na pinapasukan nya, ano? Ayaw mo parin?" Pilit ni Aling Sonia kay nanay.
"Sa Maynila po?" Pagsingit ko sa kanilang usapan.
Napatingin silang dalawa sakin.
"Oo Kara, naku, makakapagaral ka na non kapag pumunta ang nanay Belen mo doon, pero kung ayaw ng nanay Belen mo e pwede namang ikaw nalang Kara, para makapagipon ka, total marunong ka naman sa mga gawaing bahay." Suhestyon nito sakin.
"Talaga po? Pwede ako?" Tanong ko dito.
"Aba'y oo naman! Lalo na sa ganda mong iyan e baka may magkagusto sa iyo doon na mayamang lalaki" pagbibiro ni Aling Sonia sa akin.
Agad namang sinuway ni Nanay si Aling Sonia sa sinabi nito
"Sonia! Yang bibig mo!"
At tumawa nalang kami.
Pag uwi namin ng bahay ay yun parin ang nasa isip ko.
"Nay"
Tawag ko kay nanay
"Naku, Kara wag mong subukan"
Alam na agad nito na iyon ang sasabihin ko.
"E nay, malaki daw ang sahod e, makakapagaral na ako, nay" pilit ko dito.
"Anak naman, di ba nagusap na tayo na di natin iiwanan ang isa't isa? Kaya nga di ako pumayag dahil ikaw agad naisip ko kung maiiwan kita dito" Malungkot na sagot nito sakin.
Naawa naman ako dito, kami lang palang dalawa ang magkasama simula noong kinupkop nya ako. May mga kapatid naman si nanay pero may kanya kanya nang pamilya ang mga ito.
"Sige na nga nay, di na ako pupunta, malakas ka sakin e" Biro kong sabi dito at niyakap ko sya mula sa likuran.
"Pangako ko naman sayo anak na magiipon ako para maipagpatuloy mo na ang pagaaral mo"
"Wag nyo po munang isipin yun nay" Sagot ko nalang sa kanya.
"O sya halika na at magluto na tayo para makakain na tayo ng hapunan" yaya nya sakin. Agad naman kaming nagtungo sa kusina.
Isang maliit at pawid na bahay lang ang tinitirhan namin ni nanay Belen at may isang kwarto lang ito na sapat na sa aming dalawa. Dito ako lumaki kasama si nanay Belen.