Nagising ako ng maaga dahil sanay akong gumising ng maaga simula pa noon. Naghilamos muna ako at nagayos saka ako lumabas ng kwarto. Gising narin ang mga kasama ko. Nang tignan ko ang orasan ay alas singko palang ng umaga.
"Good morning po" bati ko sa mga kasamahan ko pati na rin kay Nay Nena nang datnan ko sila sa kusina.
Binati rin nila ako pabalik.
"Letty, kunin mo nga muna ang susuotin ni Kara na uniporme, at ikaw na muna ang bahalang magturo sa kanya ng mga gagawin" utos ni Nay Nena dito sa kay Ate Letty kung tawagin.
Ngumiti naman ako kay Ate Letty at pinasunod nya ako sa kanya.
"Heto, magbihis ka na at para paggising ni Sir Sandro ay nakahanda na ang lahat, para mamaya ituturo ko na sayo ang mga gagawin."
Utos nito sakin at ngumiti. Tumango naman ako.
Pagkabihis ko ay agad akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko na yung iba na naglilinis ng Sala. Agad ko silang pinuntahan.
"Aba Kara! Bat napakaunfair ng mundo?" Sabi ni Briget sakin. Sa lahat ng kasama namin dito halos sya lang yung mukhang bata din.
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Nakita siguro nya sa mukha ko ang pagtataka sa sinabi nito.
"Kahit ano yata ang ipasuot sayo ay maganda ka parin" sabi nito na sinang ayunan din ng ibang kasama namin.
"Hindi naman" nahihiyang sagot ko nalang sa kanila. Lumapit nalang ako sa kanila tinuro ni Ate Letty sakin ang mga dapat kong gawin sa araw araw.
Naglilinis kami nang biglang sabay sabay tumuwid ng tayo ang mga kasama ko.
"Good morning Sir Sandro" sabay sabay na bati ng mga katulong.
Ako namang aligaga at hindi alam ang gagawin ay nakatunganga lang ako sa taong kadadaan lang.
Hinila naman ako ni Briget ng palihim para yumuko.
At nang makabawi ay humarap sakin si Briget at bumulong.
"Sya ang amo natin, ang gwapo diba?" Humahagikgik na sabi ni Briget.
Para akong naestatwa dahil hindi maikakaila na gwapo nga ito. Para itong modelo na rumampa lang sa harap namin.
"Briget!" Pabulong na suway ni Ate Conie
"Sorry po" hinging paumanhin ni Briget.
Bumalik nalang kami sa kanya kanya naming ginagawa.
Maya maya pa ay tinawag ako ni Nay Nena.
"Kara, halika, ipapakilala kita kay Sandro"
Mabilis naman akong lumapit kay Nay Nena. Hawak hawak ni Nay Nena ang braso ko habang hila hila ako papuntang dining table kung saan kumakain si Sir Sandro.
Pagkakita ko palang sa kanya habang sumusubo ay para akong nanonood ng advertisement sa TV parang halos lahat ng kilos nito ay maayos at mapapatulala ka.
"Kara, kinakausap ka" baling sakin ni Nay Nena
"Ho? Ano ho?" Tarantang tanong ko dito.
"I said, What else can you do?” Ulit na tanong ni Sir Sandro.
Natahimik ako, parang hindi ko alam kung anong isasagot ko kahit alam ko, para akong natatakot lalo nang tignan nya ako at sumandal sa upuan nya.
"A- ahm- Ano po.." pautal utal kong sagot.
"Never mind." Pagtatapos niya sa usapan.
Napayuko nalang ako sa kahihiyan.
Umalis na ito sa kinauupuan nya at umakyat ng kwarto nito.
Tumingin ako kay Nay Nena para humingi ng tulong. Nginitian naman nya ako.
"Ayos lang yan Kara, ganon talaga si Sandro, ayaw nya ng pinapaulit ulit ang sinasabi nya"
"Nakakatakot po sya Nay"
"Naku, wag kang matakot iha, mabait sya at matulungin" ngiting sabi ni Nay Nena.
Nginitian ko nalang din sya ng may pagaalangan.
Bakit ba kasi ang gwapo nito? May mga nanligaw na din naman sakin na gwapo pero walang dating sakin. Pero iba to. Tingin palang nya parang kakainin ka na ng buhay.
Umiling iling nalang ako habang naglalakad ako papuntang garden kung saan nandoon ang iba kong kasama.
Ilang oras din kaming naglinis ng pool at naglinis sa garden. Ang lawak ng bakuran, kasyang kasya ang maraming tao at pwedeng pagdausan ng okasyon.
Maya maya pa ay narinig kong may bumusina at pagtingin ko ay palabas ng gate si Sir Sandro, agad namang tumakbo si Briget para buksan ang gate halos madapa ito sa bilis ng takbo.
Pagbalik ni Briget ay tumabi sya sakin at kumuha ng net na panglinis ng pool.
"Alam mo ba? May girlfriend na si Sir" malungkot na sabi nito.
Nakinig lang naman ako sa kanya. Ewan ko ba, bat ba interesado ako masyado sa lalaking yon e amo ko yon.
"Pero hindi naman masamang magkacrush diba?" Pagpapatuloy nito.
"Maraming business sila Sir Sandro at sya na ang namumuno dito, yung girlfriend naman nya ay isang sikat na model, maganda at matangkad din, bagay na bagay sila, kung hindi lang CEO si Sir Sandro ay baka nagmodel din siguro yon. Sa susunod na tatlong buwan na rin dadausin dito sa bahay nila yung Engagement party nila ng girlfriend nya. Haaaay ang swerte talaga ng girlfriend nya no? Ang gwapo na nga ni Sir, matalino tapos mayaman pa" mahabang kwento nito.
Marami pa syang kinekwento pero ang tumatak lang sa isip ko ay ang may girlfriend na ito at nalalapit na ang engagement party nila.
Bigla naman akong nalungkot.
Hindi.
Hindi pwedeng magkagusto ako don. Siguro crush. Hihihi.
Huwag ko na ngang isipin. Nandito ako para magtrabaho at para kay nanay, pagkatapos non ay uuwi na rin ako sa probinsya.