Chapter 5

1283 Words
Nasa dirty kitchen kami ni Briget at ate Letty nang bigla akong nakaramdam ng matinding hilo. Napakapit ako sa balikat ni Bridget. "Oh?? Kara?? Ok ka lang?" Nagaalalang tanong nito sakin. Tumango lang ako at pilit na minumulat ang aking mga mata. Pero kada mulat ko ay umiikot ang paligid ko hanggang sa.... Huli kong naramdaman ay may bumuhat sakin bago pa ako bumagsak sa sahig. SANDRO's POV Kumakain kami with my whole fam today like what we always do once a month. Noong nasa iisang bahay palang kami every sunday kami nagkakaroon ng family gathering, hindi pwedeng mawala yon. We talk and share things na nangyari nitong mga nakaraang araw, about our company, Matthew's new business (bar), Gabriel's being a doctor, and Ashley's modeling, that's why sobrang close sila ni Nica, my girlfriend. "Anak, saan ang magiging venue ng engagement party nyo ni Nica? I want to help" tanong ni mommy sakin. "I'm planning to celebrate it here mom. Naghire na rin ako ng event's planner and it's all settled" paliwanag ko dito. "Talagang magpapatali ka na huh?" Sarcastic na sabi ni Matthew sakin. "Yes, how about, you look for a girl to settle down with? Hindi yung kung sinu sino ang inuuwi mo sa condo mo?" Tanong ko dito. "Dude, I'm still enjoying my life, you know!" At tinaas pa nito ang dalawang kamay. "So, kuya, can I invite my friends to your engagement party? Please?" Singit na tanong ni Ashley. "Is it your party?" Pilosopong tanong ni Gabriel dito. Natawa naman kami sa biro ni Gabriel dito. At kita ko naman ang sama ng tingin ni Ashley kay Gabriel. "Of course, you can" sagot ko nalang sa kanya at baka magtampo ito. "How about you Gabriel? Baka naman hindi ka magpakita sa araw na yon? Importanteng okasyon iyon ng kuya mo." Tanong ni Daddy kay Gabriel. "We'll see about that" Gabriel said. "Oh come on Gabriel! Lagi ka nalang ganyan" sabi naman ni Mommy. "Mom, engagement party lang yon, not a wedding occasion, right Sandro?" Tumingin ito sakin. "Yah right" at umiling iling nalang ako na natatawa. Maya maya pa ay nakarinig kami ng sigaw. "Kara!" MaBilis akong tumingin sa gilid papuntang dirty kitchen, and we saw ate Letty running toward us. "Ate Nena, tulong po" Kinakabahang tinawag ito si Nanny Nena. Mabilis naman akong tumayo pati na rin sina mommy at daddy. Tumakbo rin ako papuntang dirty kitchen. And to my surprise, This girl, Kara is about to faint and I suddenly grab her hands and carry her. God! She's burning! "Gabriel, help" kalmadong sabi ko sa kapatid ko. Pinahiga namin sya sa sofa. "Nilalagnat sya" sabi ni Gab. Agad namang lumapit si Gabriel at agad syang humingi ng mga ka kailanganin nito. Agad namang binigay ng mga katulong ang hinihingi nito. "My God, is she ok?" Tanong ni Ashley. "Of course not, can't you see?" Sarcastic na sabi ni Gabriel dito. "Who is she?" Matthew asked. Sinasabi ko na nga ba at ito ang unang tatanungin nito. "My new maid" sabi ko dito. "Really? I thought she's a model like me? She's so beautiful" Ashley said. "Yeah, like I wanna kiss her right now" pabirong sabi ni Matthew. (Yeah, we're the same, I wanna kiss her tiny and red lips too when I saw her last night with that wet white thin dress.) sabi ko sa isip ko. "Matthew!" Suway ni mommy sa kanya. "What? I'm just kidding" inosenteng sabi nito. "Mas maganda kung dalhin mo muna sya sa kwarto at doon nalang gamutin, iho" dad suggested. "I'll carry her" Matthew insist. "NO, now, move" sabi ko sa kanya dahil nakaharang sya sa sofa. Binuhat ko uli sya at dinala sa guest room. Doon muna sya habang ginagamot sya ng kapatid ko. Tsk. Ang tigas kasi ng ulo, di agad nagbihis nang maulanan kagabi. (Pero gustung gusto mo namang titigan ang buong katawan nya at ang inosente nyang mukha) sabi ng utak ko. Damn! God knows kung paano ako nagpigil na lumapit sa kanya that moment when she entered my room. Pinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip ko. Kailangan ko yatang maligo uli. Pagkatapos gamutin at mapababa ang temperature ni Kara ay nagpaalam na rin sina mommy na uuwi. Sinabihan naman ako ni Gabriel na kapag tumaas pa uli ang lagnat nito ay dalhin na ito sa hospital. Tumango naman ako. "Sandro" tawag sakin ni nanny Nena. "Yes Nay?" "Pwede bang pakibuhat uli si Kara at dalhin nalang ito sa kwarto nila para makapagpahinga ng maayos?" Pakiusap nito sakin. Tumango naman ako at binuhat ito sa kabilang kwarto kung saan sila namamalagi. Walang imik ko syang binuhat. Halos ramdam ko ang init ng hininga nito na tumatama sa leeg ko. And I swear to God, I wanna ripped this clothes off. Right now! Bakit iba ang dating ng babaeng ito sakin? Nica and I has been together almost 3 years but I never felt this way. She needed to seduce me first bago ako maginit. Pati na rin ibang babaeng naikama ko. Not to brag, but it's true. But, this girl? She's effortless! For Pete's sake! Agad ko siyang binaba sa kama, narinig ko pa ang mahinang ungol nito. Jesus Christ! She's turning me on! Agad akong lumabas ng kwarto nila at si Nanny Nena nalang ang bahala sa kanya. Nagpasalamat pa si Nanny Nena sakin nong bago ako umalis. Agad akong nagtungo sa taas at naligo uli. Kailangan kong ilabas to! KARA’s POV NAGISING ako na magaan na ang pakiramdam, nang tignan ko ang oras ay alas nwebe na ng gabi! Napabangon ako nang wala sa oras. Nang tignan ko ang paligid ko ay masarap na rin ang tulog ng mga kasama ko. Nakita kong napalitan na rin ang suot kong damit kanina. Anong nangyari kanina? Ang huli kong naalala ay nahilo ako habang kumakain sina Sir Sandro at naramdaman ko na lamang na may bumuhat sakin. Biglang kumalam yung tiyan ko, tanda ng gutom ako. Wala pa kasi akong kinakain simula kaninang umaga pagkagising ko dahil wala akong gana kanina. Bumaba ako ng kama at dahan dahang naglakad palabas ng kwarto. Pupunta ako ng kusina at maghahanap ng pagkain, di ko na kasi kayang itulog nalang yung gutom ko. Dahan dahan akong naglakad dahil nakapatay na yung mga ilaw. Ganon nalang ang gulat ko nang marinig ko ang boses ni Sir Sandro nang magsalita ito. "Hungry?" Halos mapasandal ako sa lababo nang makita ito. "Sir! K-k-kayo po pala!" Gulat na sambit ko. Dahan dahan itong lumalapit sakin na may dalang baso. Halatang may alak ang ininom nito. "S-s-sir?" Tawag ko dito. Pero parang wala itong naririnig. Titig na titig ito sakin at naiilang ako sa mga titig nya. Aalis na sana ako nang iharang nya ang magkabilang kamay nya sa gilid ko at amoy ko ang bango ng hininga nito na may halong alak. "Sir? Lasing na po kayo" sabi ko dito na hindi tumitingin sa kanya. "Do you think so?" Tanong nito sakin pabalik. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Biglang tanong uli nito sakin. "Ok n-na po" utal na sagot ko dito. "Good" sabi lang nito at tumango tango pero di parin umaalis sa harapan ko. "Babalik na po ako sa kwarto" sabi ko dito dahil di ko na kaya na sobrang lapit namin sa isa't isa. Halos di ako humihinga. Nakatingin lang ito sakin at biglang tumuwid ng tayo at inisang lagok ang natirang alak sa baso. At sa bawat lunok nito ay ibang init ng katawan ang dala nito sakin. Pagkalagay niya ng baso sa sink sa likod ko ay bigla nalang itong umalis na parang walang nangyari. Parang nawala yata ang gutom ko at Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD