Maagang nagising si Kara kinaumagahan dahil sa ingay na naririnig nya sa labas ng kanilang bahay.
"Matagal na kaming nakatira dito, sige naman na ho, pagbigyan nyo na kami, wala po kaming malilipatan pag pinaalis nyo kami dito." Umiiyak na sabi ni Nanay Belen.
"Nay, Anong nangyayari dito?" Singit nya sa usapan ng matandang lalaki at kay nanay Belen.
"Anak, pinapaalis na tayo ng may ari ng lupang kinatatayuan ng bahay natin" hagulgol ni nanay sa balikat ko at yumakap sa akin.
"Bakit ngayon pa po? Pwede ko po bang makausap ang may ari ng lupa?" Tanong ko sa matanda.
"Naku ineng, kung ako sa inyo ay magbalot na kayo ng mga gamit ninyo at maghanap na kayo ng bagong matitirhan." Sagot ng lalaki
"Pero walang wala po kasi kami ngayon, sige na po, parang awa nyo na. Wag nyo po kaming paalisin dito." Pagmamakaawa ko.
"Neng, sige ganito nalang, kakausapin ko ang may ari ng lupa na bigyan kayo kahit isang linggong palugit para makapaghanap ng malilipatan, sige na aalis na ako" sabi ng matanda at tinalikuran na kami at di na nya kami pinakinggan pa.
"Nay" tawag ko dito pero di ito umiimik.
"Nay" ulit ko dito pero wala parin at nang lingunin ko ito ay nawalan ito ng malay, tinatawag ko sya pero hindi parin ito gumigising. Agad akong humingi ng tulong sa mga taong dumadaan at nagtawag ng tricyle at dinala ko si nanay sa Hospital sa bayan.
Umiiyak akong lumapit sa doctor at laking gulat ko nang sabihin ng doctor ang kalagayan ng nanay.
"Iha, namild stroke ang nanay mo, kailangan mong bilhin itong mga gamot na ito at kailangan muna nyang manatili dito sa hospital para maobserbahan sya ng mabuti hanggang sa gumaling sya."
Pagkabigay nito sakin ng mga gamot na bibilhin ay agad akong nanlumo nang makita ko ang laki ng perang magagastos.
"Saan kaya ako kukuha nitong ganito kalaking pera?" Tanong ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang lumang modelong cellphone ko na de keypad at sinubukan kong tawagan ang mga kapatid ng nanay ko para makahiram ng pera ngunit ni isa sa kanila ay tumanggi at sinabing wala din daw silang pera.
Umalis ako ng hospital at sinubukan kong puntahan si Aling Sonia sa pinapasukan namin.
Agad ko syang nilapitan at humingi ng tulong at sinabi ko dito kung ano ang nangyari.
"Naku Kara, kahit na gusto kong tumulong pero walang wala din kami, bakit di mo subukang mamasukan sa Maynila? Yung sinasabi ko sayo kahapon Kara"
"Aling Sonia, gustuhin ko man po, e wala pong kasama at magbabantay kay nanay sa ganitong kalagayan nya"
"Ay naku Kara! Yun lang ba? Walang problema, nandito naman ako, bibisitahin ko sya bago ako pumasok at paguwi ko galing dito sa trabaho"
Natahimik ako, kailangan kong magdesisyon ngayon din.
"Ano Kara? Sabihin mo na agad kung payag ka kasi baka nakahanap na si Freda ng mamamasukan doon, magisip kang mabuti, isipin mo ang nanay mo, kailangan mo ng malaking pera para sa bayarin sa hospital"
"Sige po, payag na po ako"
Sagot ko agad.
"Sigurado ka? Pupunta mamaya dito si Freda at sasabihin ko sa kanya, dahil luluwas na sya sa susunod na Buwan"
"Opo, nakapagdesisyon na po ako"
"O sya, sige, mabuti kung ganon"
Pabalik na sana ako sa hospital nang paglabas ko ng gate ng pinapasukan namin ay nakita ko si Aling Freda.
"Aling Freda!"
"Kara! Naku ineng! Mas lalo kang gumaganda! Kamusta ka na?"
"Hindi po maayos" malungkot na sagot ko.
"Bakit naman?" Nagaalalang tanong niya sakin.
At kinwento ko nga sa kanya ang nangyari kay Nanay.
"At yun na nga po, may ipapakiusap po sana ako sa inyo, na kung pwede po ay ako nalang po ang isama ninyo sa susunod na buwan sa Maynila, sabi po kasi ni Aling Sonia may trabaho daw po kayo g sinasabi"
"E Kara ang problema nga ay sa susunod na Linggo na ang luwas ko, kung gusto mong sumama e pwedeng pwede na, pero nandyan naman si Sonia matutulungan ka nya sa pagbabantay sa nanay Belen mo"
"Talaga po? Sige po, Ako nalang po" pagpayag ko.
"At yung sinasabi mong wala kayong malilipatan na bahay ay dun muna kayo sa bahay, dahil wala din namang tao don pag umaalis ako kasi sa Maynila naman nagaaral si Franky, hanggat di pa kayo nakakahanap ng matitirhan ay doon muna kayo."
"Talaga po Aling Freda? Maraming salamat po! Tatanawin ko pong malaking utang na loob to" umiiyak na sabi ko dito.
"Naku, Kara, ikaw talagang bata ka! Kayo rin namang mag ina ang nandyan nung nangangailangan din ako ng pangtuition ni Franky, Sya, sige na at magayos ka na ng gamit mo doon at sasama ka na sakin sa Lunes"
"Sige po, Salamat po uli"
Agad akong nagtungo sa bahay at nagbihis. Inayos ko muna ang mga gamit at pati narin ang mga dadalhin kong mga gamit ni nanay sa hospital.
Mabuti nalang at kahit papano may konting naitabi pa kami ni nanay dito. Kung hindi ay baka sa kalye ang bagsak namin nito.
Lunes na at nandito ako sa hospital at nagpapaalam sa nanay. Nagising na sya at kahit papaano ay naigagalaw at naibabangon na nya ang katawan nya.
"Nay, wag ka nang malungkot, wag po kayong magalala at buwan buwan naman po akong uuwi, malaki po kasi ang nahiram kay Aling Susan nay, sa kanya po kasi ako himiram ng pera sa ibang gastusin dito" paliwanag ko sa kanya.
Di parin sya umiimik at tahimik na umiiyak. Niyakap ko nalang ito.
"Tahan na nay, pag ako nakapagipon at nabayaran ang mga utang natin nay, uuwi din po ako, tatawag naman po ako lagi" pangungumbinsi ko sa kanya.
"Pangako mo yan ha?"
Tumango ako at pilit na ngumiti.
"Oo naman po, sige na po nay, aalis na po kami ni Aling Freda, araw araw po akong tatawag nay"
Nagyakapan pa uli kami at nang pagkalabas ko nang hospital ay saka nagunahang tumilo ang luha ko.
"Tahan na Kara, mabilis lang ang araw, tiwala lang" sabi ni Aling Freda.
"Salamat po Aling Freda"
"Halika na, andyan na yung bus"
Agad kaming sumakay ni Aling Freda at ilang oras lang ay nasa syudad na kami.
Tanaw ko na ang mga nagtataasang gusali, maraming tao at mga sasakyan, unang beses na apak ko palang dito sa Maynila kaya naninibago ako, sa TV ko lang kasi nakikita ang siyudad ng Maynila.
"Kara baba na tayo, nandito na tayo"
Tumango naman ako. At tinulungan ko na rin syang buhatin ang ibang mga gamit nito dahil konti lang naman ang damit na dinala ko dahil sabi ni Aling Freda ay may uniporme naman daw na sinusuot ang mga katulong sa papasukan kong bahay.
Pagbaba namin ng Bus ay agad pumara si Aling Freda ng Taxi at sinabi dito ang address ng pupuntahan namin.
"Kara, pinapaalalahanan lang kita ha? Pag nandon ka na, sundin mo lahat ng utos ha? Pag may narinig ka wag kang magbibigay ng mga opinyon lalo na sa mga kasamahan mo doon, ngumiti ka lang pag may sinasabi sila para magtagal ka sa trabaho, at isa pa yung magiging amo mo, may pagkasuplado sabi nang mga kasambahay doon kaya umalis yung isang katulong nila"
Pinapaliwanag palang ni Aling Freda ang mga dapat kong gawin pero kinakabahan na ko. Siniksik ko nalang sa utak ko na para to kay nanay para mawala ang kaba ko.
"Nandito na tayo" biglang sabi ni Aling Freda nang tumigil ang taxi sa tapat ng isang bahay.
Pagbaba namin ng taxi ay halos malula ako dahil sa mga naggagandahang mga bahay sa village na to.
"Ang yaman naman po ng mga tao dito Aling Freda" naaamaze kong sabi dito.
"Naku, wala yan sa loob ng mga bahay nila Kara, ang mga taong nakatira dito puro lahat kilalang tao kaya mabilis kang makakaipon dito ng pera dahil malaki sila magpasahod"
Tumango tango lang ako.
"Hintayin mo ako dito sa labas at papasok lang ako dito sa bahay ng amo ko, yan pala yung papasukan mo" turo nya sa katapat na bahay.
Halos malaglag ang panga ko dahil sa ganda at laki nito. Iba talaga ang mayaman.
Paglabas ni Aling Freda ay agad kaming tumawid at nagdoor bell sa katapat na bahay.
Agad namang bumukas ang gate.
"Freda, ikaw pala yan!" Sabi ng katulong na di nalalayo sa edad ni Nanay Belen at Aling Freda.
"Oo, Nena, eto nga pala si Kara, yung sinasabi ko sayo na ipapasok ko dito"
"Iha, sigurado ka bang katulong ang gusto mong pasukinng trabaho? Kagandang bata.” Gulat na tanong nya.
"Nena, kilala ko ang batang to simula noong maliit pa. Masipag to" pagmamalaki ni Aling Freda.
"O sya sige pumasok ka na iha at para makapagpahinga ka"
"Nena, ikaw na bahala sa kanya ha?"
"Oo naman Freda, Halika iha pumasok ka na"
"Kara, lahat ng payo ko sayo ha? Sige na at aalis na din ako, nandito lang naman ako sa tapat" hinawakan nya ang kamay ko at nginitian nya ako.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay agad bumungad sa akin ang napakagandang bahay mula taas hanggang baba ay mukhang mamahalin lahat.
"Kara, iha, halika sumunod ka sakin ituturo ko sayo ang amgiging kwarto mo, nasabi ko na rin kay Sir Sandro na ngayon ang dating mo"
Nginitian nya ako at sa tingin ko ay mabait naman sya. Sumunod naman ako sa kanya.
"Ilang taon na po kayo dito Aling Nena?"
"Naku, Nanay nalang itawag mo sa akin, yun kasi tawag nilang lahat sakin dito"
Natuwa naman ako sa narinig ko, naalala ko tuloy si nanay Belen. Matawagan nga sya mamaya.
"Simula nung magasawa palang ang mga magulang ni Sir Sandro ay kasama ko na sila, hanggang maipanganak si Sandro at ako na rin ang nagalaga sa kanya at nang lumaki at humiwalay na ng bahay si Sandro ay sinama rin nya ako dito sa bahay nya."
"Talaga ho? E ilang taon na ho si Sir Sandro?" Tanong ko dito.
"30 na sya Kara" ngiting sagot nya sakin.
"Ang tagal nyo na po pala sa kanila Nay"
"Oo, Kara"
Pagdating namin sa kwarto ay agad na nagtinginan ang mga katulong. Ipinakilala ako ni Nanay Nena sa kanila.
Tumango ako aa kanila at ngumiti naman sil sakin.
"Ang ganda mo naman Kara" pqgpuri sakin ng isa sa kanila at sumang ayon din ang iba.
Ngumiti nalang ako sa kanila bilang tugon.
Hindi muna ako pinagtrabaho ni Nay Nena, pinakain muna nya ako at pinagpahinga, dahil alam daw nyang pagod ako sa biyahe. Pagkatapos kumain ng hapunan ay pumasok ako ng kwarto at umupo muna sa gilid ng kama at tinawagan si Nanay Belen.
Ilang ring lang ay, sinagot nito agad ang tawag, maluha luha akong kinakamusta sya at pinapakalma ko ng pilit ang boses ko dahil baka mahalata nitong umiiyak ako. Pagkatapos ko syang kausapin ay nagbihis na ko ng pangtulog, pumasok na rin ang mga kasamahan ko at natulog narin.