4: Zeke

2403 Words
Since na-curious ako kung ano na ang mga naging pagbabago sa 7 Demons building at sa 7 Demons mismo, nagpahila ako kay Jessie papunta roon. Syempre pa kasama ang magkakaibigan na sumusunod lang sa aming likuran. Napansin ko na gaya ng dati, madaling nagbibigay ng paggalang at daan ang mga estudyante kapag nakita na nilang paparating ang 7 Demons. Isa pang napansin ko ay ang mga kuryosidad at paghanga sa kanilang mga mata habang pasulyap-sulyap sila sa akin. Mayroon pang mga kababaihang kaagad na pumungay ang mga mata at natigil sa pagbubulungan nang mapatingin ako sa kanila. Napakaraming kuwento si Jessie habang naglalakad kami patungo sa 7 Demons buiding. Napag-alaman ko na si Kuya Ivory na pala ang tumatayong tagapamahala ng Martenei U mula nang umalis ang pamilyang Martenei papuntang America. Pati ang 7 Demons ay pinamumunuan na din niya. Hindi na surpresa pa iyon dahil siya naman ang pinakamatanda sa grupo. Wala ding gaanong pagbabago sa loob ng building nang makapasok na kami roon. Ang napansin ko lang ay mas dumami pa ang mga nakaitim na estudyante na miyembro ng grupo. Dumiretso kami sa opisina ng 7 Demons at naabutan naming kalalabas lang ni Ivory mula sa banyo at bagong ligo ito. Tulad nina Jayson, Miggy at Jurace pati na rin ni Jessie, nagmature rin ang itsura niya mula noong huli kaming magkita. "Sa wakas, makakapagbanyo na rin ako! Kanina pa ako naiihi!" Tumakbo si Jurace patungo sa banyo ngunit kaagad na nahila ni Ivory ang braso niya. "May tao pa sa loob." Walang kangiti-ngiting turan nito kay  Jurace. "Huh?! Sino..." Napatingin kaming lahat sa banyo nang bumukas ang pintuan nun at lumabas si Robby na tulad ni Ivory ay bagong ligo din. "Eww! Titiisin ko na lang ang pagputok ng pantog ko kesa naman madulas pa ako sa loob ng banyo." Tila nandidiring turan ni Jurace. Robby glared at him. "Stupid!" Padaskol na binitawan ni Ivory ang braso ni Jurace na nakapagpangiwi sa kanya. Bago pa magkainitan ay sumabat na si Miggy. "Kuya, look who's back." Lumingon sa kinatatayuan namin si Ivory ganun din si Robby. Parehong nanlaki ang mga mata nila, nalaglag ang panga at namutla nang mapatingin sila sa akin. "Z--zeke?!" Halos mautal na sambit ni Robby sa pangalan ko. Nanatili namang nakatitig sa akin si Ivory. "Surprised?" I mocked at them. Tinungo ko ang sofa at naupo ako doon. Ilinapag ko si Timber na buhat ko pa mula noong manggaling kami sa gym. Napansin ko ang pagtitinginan ng magkakaibigan bago sila sumunod na umupo sa sofa. Tumabi sa akin sina Jessie at Jayson. Ang iba naman ay sa harapan namin umupo. "When...? How...? I mean... why....?" Halos di malaman ni Robby kung ano ang una niyang itatanong sa akin. "My instinct was telling me that it was you when I saw your name on the enrollment list." Napatingin ako kay Ivory na matiim na nakatingin sa akin. Sinalubong ko ang kanyang mga tingin. "And...?" "Why are you using Kaide?" Tanong niya. "'Coz I am a Kaide." Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Teka, anong Kaide? Kaide na ang apelyido mo?!" Gulat na tanong ni Jurace. Nakita ko rin ang kuryosidad ng iba pa. "Do I need to show you my birthcertificate?" Hindi ko man kagustuhan ngunit lumabas ang panunuya sa tono ng boses ko. Nakita ko ang pagkainsulto at pagkapahiya sa mukha ni Jurace. Naningkit din ang mga mata ng iba expect for Jessie. Bumigat ang hangin sa paligid. Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming lahat. I know na wala silang alam sa mga nangyari sa akin pero deep inside of me, I was quite blaming them for not coming to my rescue when I needed them most. I thought, I was their friend. I thought, they hated Jai for doing bad things to me when his parents were here. Pero mukhang gaya ni Jai, wala rin silang pakialam kung ano ang nangyari sa akin nung gabing nawala ako. I swallowed the bitterness on my tongue. "Sorry. I'm now using my real father's name." Mahina ngunit sinsero kong paghingi ng paumanhin at pagpapaliwanag kay Jurace. Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin. "Seriously, Zeke, saan ka nagpunta sa nakalipas na dalawang taon? Huli ka naming nakita nung magwalk out ka sa birthday party mo. Sobrang nag-alala si Tito Francis sayo. Buong magdamag siyang gising, natatakot at umiiyak sa labis na pag-aalala sayo. Halos lahat ng pwedeng hingian ng tulong pinaghanap namin sayo. Hanggang ngayon nga ay may mga binabayaran pa rin ang eskwelahan para hanapin ka." Napangisi ako sa sinabi ni Ivory. Daddy knew where I was for the past two years. He knew that I'm living with Papa and Isly in Japan. Pero ni minsan, hindi niya kami pinuntahan. Marahil ay ayaw ni Marcus na magkita sila ulit ni Papa and Daddy had no choice but to please his husband. Oh, I f*****g knew that Papa and Daddy were husbands first before Marcus Martenei betrayed Papa during their duel kaya niya nakuha si Daddy. Ano at pinapahanap pa rin niya ako hanggang ngayon? Para kunin ako at si Isly mula kay Papa? "What happened? Yoseph happened." I spat the poisonous name. "Yoseph? Anong kinalaman ni..." Jayson's words hanged in the air. "f*****g shit." Robby was the one who successfully put the pieces of puzzle first before the others. "What did he do to you?!" Nanggagalaiting tanong niya sa akin. Saglit akong pumikit para tanggalin ang bigat sa aking dibdib. Kaya ko bang sabihin sa kanila ang ginawa ni Yoseph sa akin? Halos isang taon akong nakulong sa alaala ng napakasamang karanasan na yun na isa sa mga sumira sa buhay ko. Halos gabi-gabi noong mga unang buwan ko sa Japan na pinapakinggan at pinapanuod ko ang video ng ginawa nila sa akin. Kung paano nila ako pinaglaruan at binaboy. Yes. It was Aerol who r***d me but it was Yoseph who sold me to that evil man. Mabuti na lamang at nakita ni Isly ang camcorder noon at binigay sa akin pagkatapos kong maospital. Dahil sa video, nalaman ko ang pananraidor sa akin ni Yoseph. Napanuod ko ang ginawang pambababoy ni Aerol sa katawan ko. I was so hurt that time. His betrayal has broken me completely. Kung puso ko ang ginamit ng kuya niya para saktan ako, Yoseph broke my body and my soul. He hurt me before when Jai and I were still together and I've forgiven him. I even trusted him. Pero isa siyang hudas. Sinira niya na ang tiwala ko, nagmarka pa siya ng sugat na mananatili sa pagkatao ko sa buong buhay ko. But unlike before, hindi ko na siya patatawarin ngayon. Before, I was never the type of person who easily forgive and forget. It was Jai who taught me to forgive. I learned because I loved him. Pero balewala pala ang magpatawad. Nung saktan at ipahiya niya ako sa harap ng mag-aaral ng Martenei, kaya ko pa sana siyang patawarin kung humingi lang siya ng tawad at nagpaliwanag kung bakit niya ginawa sa akin yung mga bagay na yun. Pero wala. Wala akong narinig na paghingi ng tawad, ni anumang paliwanag. Bagkus, nagawa pa niya akong iwan na luhaan at sugatan. That's the time that I've realized, that when you forgive, you are showing your vulnerability to people. You are like giving them a chance to hurt you again. Papa was never the forgiving type. Kapag may nagkasala sa kanya, gaano man kaliit ang kasalanan ng tauhan niya ay agad niya itong pinapapatay. He told Isly and I that if he won't do it, next time baka kami naman ang lokohin, saktan o traidurin ng taong iyon. At hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag nasaktan kami dahil sa pagkakamali niyang patawarin ang taong nakagawa sa kanya ng pagkakamali. Tama si Papa. Sa panahon ngayon, wala ng puwang ang pagpapatawad sa mundo. "Ezekiel." Ang malamig na boses ni Ivory ang nagpabalik ng pansin ko sa kanila. "Is he still in Martenei?" Tanong ko sa kanila. "Yes. He called yesterday. Pauwi na raw siya dito galing States." Napangisi ako sa naging sagot ni Miggy sa aking katanungan. Mukhang mapapaaga ang magiging paghaharap namin ng isa sa mga dahilan ng pagbabalik ko dito sa Martenei. "Ano ba ang ginawa niya sayo? Siya ba ang dahilan kung bakit ka... nagkaganiyan?" Liningon ko si Jessie na nagtanong. "He's one of the reasons. Another is...." tinignan ko ang 7 Demons isa-isa pagkatapos ay itinutok ko ang mga mata ko kay Ivory. "I wanna be the next Master of the 7 Demons." Walang pag-aalinlangan kong sabi sa kanya. Natigilan siya. Nakita ko ang pagdiretso ng kanyang katawan sa pagkakaupo. "Ezekiel, not because you look like a punk now..." "Punk?!" I raised my eyebrow at him. "What I'm trying to say is that, kahit napakalaki na ng pagbabago ng pananalita at pananamit mo, o maging ng itsura mo at katawan mo, for me you're still the young, weak Ezekiel that I used to know." Imbes na mainsulto ay natawa ako sa pangmamaliit niya sa akin. "Oh, I can assure you. I could break your bones in just a matter of seconds." Naglaban ang tinginan namin dahil sa tinuran ko hanggang siya ang unang bumitaw. "Zeke, sabihin na nating marunong ka nang lumaban at ipagtanggol ang sarili mo pero Zeke, alam mo naman kung paano gumawa at gumalaw ang 7 Demons. Can you make your hands dirty by doing bloody punishments?" Dagdag na panghahamon niya sa akin. "I think you should wait for the dirty revenge I'm planning to do with your precious demon named Yoseph. I promise you. You'll find out how dirty my hands can be." Panghahamon ko rin sa kanya. "Ano ba talaga ang ginawa ni Yoseph sayo? Bakit ba init na init kang makita siya?" Hindi nakatiis na pagsingit ni Jayson. "I'd rather show you than tell you." Ilinabas ko ang phone na binili ko kamakailan lang at iwinagayway sa harap nilang lahat. "Let's go to the Conference Room." Utos ni Ivory sa lahat. Magkakasunod kaming tumayo at pumunta sa Conference Room. Lahat sila ay curious sa kung anumang ipapakita ko sa kanila. Hindi ko ipinahalatang halos bumabaliktad na ang sikmura ko sa antisipasyon sa magiging reaksyon nila sa aking ipapakita or rather, ipapanuod. Oo. Nakasave sa phone ko ang video sa ginawang panghahalay sa akin ni Aerol. Pinapanuod ko ito para lalo pang palakasin ang loob ko na gawin ang lahat ng plano ko. Mapapanuod nila kung paano ako binaboy. Maririnig nila ang boses ni Yoseph. Ang lahat ng isiniwalat niya tungkol sa ginawa niyang pambebenta sa akin. Mapapanuod nila kung paano ako nagmakakaawa, nanangis. Mapapanuod nila ang ginawang pagpapahirap sa akin. At sana, marealize nila na wala silang ginawa nung kinailangan ko ang tulong nila. Yes. They will know the dirtiest thing that ever happened to me. They may be disgusted or they may even pity me. But whatever they'll feel or decide on, I'll take it as an opportunity to lay down my plans. Hindi na ako makapaghintay na isa-isang maisakatuparan ang lahat ng plinaplano kong paghihiganti. At kung may isa man sa kanila ang kokontra o hahadlangan ako sa mga plinaplano kong gawin, aalisin ko sila sa daraanan ko. I won't care kung masasaktan o mapapatay ko man sila. I'm here for revenge kaya wala na akong iisipin na iba pa. Nang makapasok kami sa kuwarto ay tinulungan ako ni Miggy na maiconnect ang phone sa laptop na naroon habang inaayos ni Robby ang projector. Pinatay ni Jurace ang ilaw at isang saglit pa ay pinanuod na nila ang lahat ng nangyari sa akin noong gabing iyon sa condo unit ni Aerol. Pumailanlang ang mga pag-uusap, ang mga sigaw, ang mga ungol ko at paghagulgol. Narinig nila kung paano ko sila tinawag isa-isa noong iniwan ako ni Yoseph. Napanuod nila kung paano ako pinagsamantalahan at ginawang hayop ni Aerol ng buong magdamag. Ang hagulgol ni Jessie ang bumalot sa buong silid nang matapos ang palabas. Mula sa kaunting liwanag ay kitang-kita ko ang galit, pagsisisi at pagkasuklam sa mukha ng 7 Demons para kina Aerol at Yoseph. Wala akong nakitang pandidiri para sa akin mula sa isa man sa kanila. Nang hindi ko na makayanan ang tensyon sa paligid ay tumayo na ako at pumunta sa kinaroroonan ng switch ng ilaw. Nang magliwanag ang paligid ay umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Jessie. Agad akong yinakap ng kaibigan ko. "Oh, God! Zeke... Zeke, patawarin mo ako. Hindi ko alam! Hindi namin alam!" Nanikip ang dibdib ko sa tinuran niya. Nakita ko rin ang pagpupunas nina Miggy at Robby ng kanilang mga luha. Maging sina Jayson at Jurace ay namumutla na rin ang mga mata. "So, you're back to extract revenge to those who've hurt you." Nakatiim-bagang na sabi ni Ivory. "Yes." Walang pag-aalinlangang sagot ko. "And what the f**k make you think that you can use the 7 Demons for your revenge?!" Nanggagalaiting bulyaw niya sa akin. "Because I don't want to include this group among the things that I'm gonna destroy!" Hindi natatakot na sagot ko ulit. Naglaban ang titigan namin. We are both seething in anger. Matagal-tagal ding katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Bawat isa ay may kinikimkim na saloobin. "Pati ba si Jarius, kasama sa paghihigantihan mo?" Medyo mahinahon nang muling tanong ni Ivory sa akin. He had probably realized that I won't back out from my plans. "He's on the top of my list." Pag-amin ko sa kanya. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. Kitang-kita ko rin ang pagtatalo ng loob niya kung papayag ba siyang pamunuan ko ang 7 Demons at gamitin ito sa aking paghihiganti. "So, what's your decision?" Naiinip kong turan. "Let's vote." Lahad niya sa mga kagrupo. "Those who are in favor of Zeke claiming the leadership of the 7 Demons, raise your hand." Nagtaas ng kamay sina Miggy, Jayson at Jurace. Maging si Jessie ay nagtaas din ng kamay. "Damn it." Ivory muttered. Nagkatinginan sila ni Robby at sa pamamagitan ng pagtitinginan ay nag-usap. "Then, we should watch how you do your revenge to Yoseph before Robby and I will give you our blessing." Pagsuko niya. "I'll easily have your blessing after I'm done with him." Buong kumpiyansa kong turan. I saw how everyone swallowed when my eyes glinted with so much venom for my upcoming revenge to one of my most hated person in the world. Sana lang makayanan nila ang kanilang mapapanuod.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD