Martenei University
Ilang malalalim na hininga ang ginawa ko. Pinuno ko ang baga ko ng amoy ng eskwelahang kinaroroonan ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang narito na ako ngayon. Nakabalik na ako sa wakas pagkatapos ng dalawang taon. Walang masiyadong pagbabago sa eskuwelahan. May nadagdag lang na mangilan-ngilang buildings. Pero ganun pa rin ang mga estudyante. Karamihan ay tahimik. Takot na masita ng mga members ng 7 Demons. At base sa mga tingin na ibinibigay nila sa akin, hindi nila ako nakilala. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang ako si Ezekiel Martenei? Ako yung binully at ipinangalandakang bakla sa harap nilang lahat ng sarili niyang kapatid? The painful past started to fog my mind pero agad ko iyong inalis sa isipan ko. I am here for a purpose at hindi kasama dun ang iyakan pa ang masasakit na pinagdaan ko sa lugar na ito. Narito ako para ibalik ang sakit kay Jarius Vei Martenei. Narito ako para iparanas sa kanya ang lahat ng pamamahiyang ipinaranas niya sa akin noon.
Alam kong wala si Jarius dito ngayon. Mula sa mga imbestigador na binayaran ko kaya ko nalaman na hindi pa siya bumabalik sa bansa mula noong umalis siya dalawang taon na ang nakakaraan. Nalaman ko rin na kasalukuyan niyang hinahawakan ang isang kumpaniya ng mga Martenei na nasa Australia. Alam kong mas makabubuti sa akin na wala muna siya pagbalik ko dito. I have to build my name here in Martenei first para sa aming magiging paghaharap. Kailangan ko munang imarka ang sarili ko sa eskuwelahan at sa 7 Demons. It will take time but I'll make sure na sa pagbabalik ni Martenei sa Pilipinas, wala na siyang kapangyarihan gaya ng dati. Wala na siyang mga kaibigan. Wala na ang impluwensiya niya. Walang matitira sa kanya kundi ang pangalan lang ng eskuwelahang pagmamay-ari ng pamilya niya.
Ezekiel Froi Kaide ang inenroll kong pangalan. At hindi gaya noong Martenei pa ang apelyido ko, pinagdaanan ko ang lahat ng proseso para makapasok ako dito sa unibersidad. I have to take the entrance exam, interview, etc. I have to start with my course all over again.
Nang maging maayos na ang lahat ay kumuha ako ng kuwarto sa dorm ng university. Hindi man ito maikukumpara sa penthouse, maayos naman ito. Maluwang ang kama at may study table din sa tabi nito. At isa pa, may room mate din ako na siyang magbibigay ng impormasyon sa lahat ng gusto kong malaman tungkol sa Martenei at 7 Demons.
"Zeke, are you coming?" Gaya ng isang hospitable na Pinoy, si Bjorn ang nagsilbi kong guide dito sa school dahil nga 'bago' pa lang ako sa Martenei.
"Where are you going?" Interesado kong tanong sa kanya.
"Gym. Magpapaaudition yung banda ni Jessie Ruiz." Agad na tumibok ng mabilis ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ng best friend ko. Jessie. He'll be there for the audition for sure. I miss him. And I'm glad na sa ikalawang araw ko pa lang ay makikita ko na siya agad.
"Are you joining the audition?" Ngumisi siya sa akin.
"Manunuod lang ako ng mga pipiyok mamaya." Tumatawang sagot niya.
"Oh yeah. That'll be fun." I deadpanned. Sinagot lang niya ako ng mas malakas na tawa.
"Tara na nga." Napailing na lang ako sa kababawan ng kaligayahan ng aking room mate.
Gym
Napakaraming estudyante ang naririto ngayon para sa audition. Lahat ay interesadong malaman kung sino ang magiging bagong bokalista ng bandang Demons - ang pangalan ng banda nila Jessie.
Napakarami ring nagpapalista para sumubok.
"Hey! Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Bjorn nang maglakad ako patungo doon.
"Sasali ako." Sagot ko sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay na tila ba umamin ako sa kanyang anak ako ni Zeus.
"Dude..."
"I'm serious. Sasali ako." If I want my plans to take place as soon as possible then this is the best way to start.
"Kaw ang bahala. Pero wag mo akong susuntukin kapag ako ang pinakamalakas ang tawa mamaya ha?" Ngingisi-ngising sabi niya.
"Wow! What an encouragement!" I sarcastically said.
"And I'm gonna take videos too." Bago pa ako makasagot ay nakatakbo na siya palayo para maghanap ng puwesto niya. Wala na akong nagawa pa kundi habulin na lang siya ng tingin.
After ten minutes ay nailista na rin sa wakas ang pangalan ko. Pinapunta kaming nagpalista sa backstage. Mga 50+ ang lahat ng nagpalista kaya kinakailangan daw na itrim down ng mga organizers ang bilang namin sa sampu. Kailangan naming kumanta ng acapella. After 30 more minutes, isa ako sa sampung napili nila.
We waited for another 15 minutes bago inanunsyo ng mga organizers na mag-uumpisa na ang audition dahil dumating na daw ang mga miyembro ng Demons. Tumalon sa excitement ang puso ko. Konting oras na lang, magkikita na kami ng matalik kong kaibigan.
Ilang saglit pa nga ay pumailanlang na ang mga minus one at mga boses ng mga kasama kong susubok. Ako ang huling kakanta kaya may oras ako para ihanda ang aking sarili. Pinilit ko ang magrelax kahit nananabik na akong malaman kung makikilala ba ako ni Jessie lalo na at badboy image na ako ngayon. Bukod sa itim na tshirt at pantalon, may mga facial piercings na rin ako. I even have snakebites. And of course, may malaking tattoo na rin ako sa kanang leeg ko. Jessie is surely in for the biggest surprise today once na makilala niya ako.
Nagulat pa ako nang sabihin ng organizer na ako na ang susunod na kakanta. I walked towards the stage boosting with enough confidence only to be shocked with booming screams that went all over the gym. Nakabibingi ang tilian ng mga kababaihan. Sigawan na may kasamang encouragement naman ang mula sa mga kalalakihan. I even heard Bjorn's voice screaming, "That's my best friend!!!"
Tss. Saan na napunta yung sinabi niya kaninang pagtatawanan niya ako?
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa harapan ng stage kung nasaan ang mikropono. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinignan ang mga miyembro ng banda. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Jessie. Nabasa ko ang pagkamangha doon marahil dahil sa itsura ko o dahil sa epekto ko sa audience ngunit wala doon ang tingin na nagsasabing kilala niya ako. Nakita kong inabot niya ang mikropono na nasa mesa.
"The Marteneians love you." Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya.
"I'm fine with it." Simple kong sagot. Nakita kong natigilan siya nang marinig niya ang boses ko ngunit saglit lang iyon dahil muling nag-ingay ang mga estudyante.
"What's your name?" Tanong niya.
"I'm Ezekiel." Pumailanlang ang napakasakit sa tengang tunog ng nabitawang mikropono. Tulala si Jessie at waring hindi pa niya alam na siya ang nakabitaw sa mike.
Agad naman iyong kinuha ng isang miyembro ng banda.
"Ezekiel....?" Tanong nito sa akin.
"Kaide." Nanatili ang tingin ko sa mangiyak-iyak nang si Jessie. Nakita ko ang pagkabigong bumalatay sa mukha niya.
"So, what song are you going to sing?" Patuloy na pagtatanong ng miyembro sa akin.
"What do you prefer?" Balik-tanong ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago nagtaas-baba ang mga mata niya sa akin.
"For a change, why don't you sing a Filipino song?" May paghahamon niyang sabi. Hindi ko siya masisisi. Itsura naman kasing wala akong dugong Pinoy.
"Do you mind if I'll borrow your guitar then?" Paghingi ko ng permiso. Ewan ko kung bakit nagtilian ang audience dahil sa sinabi ko pero mukhang advantage ko iyon na maipakita pa ang isa sa mga skills ko kaya ngumiti na lang ako. May nag-abot sa akin ng gitara.
"What are the other instruments you could play aside from guitar?" Curious na tanong sa akin ng isa pang miyembro ng banda.
"I can play the piano and a little skills in drums." Napatitig na naman sa akin si Jessie habang muling pumailanlang ang tilian.
Nakita ko namang napailing na lang ang mga kamiyembro niyang puro kalalakihan.
"You can start." Utos sa akin ng isa pang miyembro pagkatapos niyang sabihan ang audience na manahimik sa buong durasyon ng pagkanta ko. Tumango ako sa kanya at nagsimula nang laruin ang strings ng gitara.
Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik sa isang pugad
Nakita ko ang pagtakip ni Jessie sa kanyang bibig. Ilang butil din ng mga luha ang tumulo mula sa mga pisngi niya.
Hi, best friend. It's me, your friend. Your best friend.
Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan
At di na 'ko muli pang lilisan
Ipinagpatuloy ko ang maingat na pagkanta. Ayokong maapektuhan ng emosyon ni Jessie para hindi maapektuhan ang pagkanta ko.
Malakas na palakpakan, sigawan at tilian ang sumalubong sa akin nang matapos ko ang pagkanta. Ngunit mas malakas ang boses ni Jessie gamit ang mikropono.
"Oh my God... Z-zeke?!"
Saglit akong natigilan at pagkatapos ay napangiti ako ng matamis. Sa wakas, nakilala na rin niya ako.
"Hi, Jess." Nakita ko ang halos patalon niyang pagtayo. Halos madapa siya sa ginawa niyang pagtakbo papunta sa akin. Ngunit naunahan na siya ng may kaliitan at abuhing aso. Mabilis ang pagtakbo ng maliliit na mga paa nito papunta sa direksyon ko. Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay yumuko na ako para saluhin siya sa ginawa niyang pagtalon papunta sa akin. Hindi ko pa man naaayos ang pagkakasalo ko sa kanya ay pinaliguan niya na ako ng halik. Walang parte ng mukha ko ang hindi dinaanan ng dila niya. Hindi ako nakaramdam ng pandidiri. Bagkus ay masaya akong napangiti kahit na sobrang sikip na ng dibdib ko.
"Hello, Timber." Halos pumiyok ang boses kong sambit. Umungol nang umungol si Timber na waring umiiyak. Hinalikan ko ang kanyang ulo at dinama ang init ng kanyang katawan at lambot ng kanyang balahibo.
"Z--zeke..." may iyak sa boses na tawag sa akin ni Jessie.
Nagmulat ako ng mga mata. Luhaan nga siya sa harap ko. Nasa likod niya ang nakangangang si Jayson. Napasulyap din ako kina Jurace at Miggy. Parehong bakas sa mukha nila ang pagkabigla. Tila hindi sila makapaniwalang ako ang dating si Ezekiel Froi Martenei. Muli kong ibinalik ang mga mata ko kay Jessie. Ngumiti ako sa kanya na lalo namang ikinabuhos ng mga luha niya.
"I missed you, too, Jessie." Sabi ko sa kanya. Ngunit imbes na sagutin niya ako ay patakbo siyang yumakap sa akin at humagulgol sa aking dibdib. Tumingala ako para pigilin ang pagtulo ng aking mga luha. Jessie was mewling on my shoulder. Napakahigpit ng pagkakayakap niya sa akin na waring mawawala ako kapag binitawan niya ako. Hinayaan ko lang siya habang pilit kong pinapahinahon ang mga emosyong nasa dibdib ko.
"Zeke?" Napatingin ako kay Jayson. Sinulyapan ko rin sina Miggy at Jurace. Matagal kaming nagsukatan ng mga tingin bago ako nagsalita.
"How are you, demons? What a pleasant surprise, huh?" I gave them a confident smirk, Ala smirk telling them that they're in for more and bigger surprises now that I am back here in their world.
Pare-pareho silang natigilan. Pare-parehong napalunok. At pare-parehong wala sa sariling tumango.
Ganiyan nga, 7 Demons. Mangamba na kayo sa pagbabalik ako. Because I'm back with much, much more you'll even doubt your existence in this group. I'm gonna sweep you off of your feet with the brand new me.
And this?
This is just the beginning.
....