1: Zeke
Kushiro, Japan
Sinulyapan ko ang mga kalalakihang yumukod sa aking pagdaan. Papunta ako ngayon sa garden ng mansyon para magpalipas ng oras. Kailangan ko rin ito para mabawasan ang tensiyon na nasa aking dibdib. Mamaya kasi ay kakausapin ko si Papa para ipaalam sa kanya ang aking desisyon.
Dumiretso ako sa aking paboritong puwesto. Dito lang sa garden bukod sa aking kuwarto ako nakakatagpo ng kapayapaan tuwing gusto ko ang mapag-isa. Magaling ang gardener dahil punung-puno ng nagagandahang bulaklak ang paligid. Lubhang nakakagaan sa pakiramdam tuwing tinititigan ko ang pamumulaklak ng mga cherry blossoms. At kahit anong oras ako pumunta dito, malilim pa rin ang puwesto ko dahil sa matatayog na puno sa paligid ng garden set.
Naupo ako sa isang upuan at ipinatong ang gitara sa aking mga hita. Nagsimula sa paggawa ng musika ang aking mga daliri at saglit pa ay pumailanlang na ang aking boses sa katahimikan ng paligid.
I was too dumb to notice
That there's something about you
Jarius Vei.
Kailan kaya darating ang araw na sasambitin ko ang kanyang pangalan na hindi na ako makadarama ng sakit sa aking dibdib?
Dalawang taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin ang sugat na idinulot niya sa aking puso. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Damang-dama ko pa rin ang pait ng ginawa niyang panlalaro sa damdamin ko. Parang kahapon ko lang narinig ang ginawa niyang pamamahiya sa akin at ang pagtanggi niyang kilalanin ang pagmamahal na ipinagsigawan niya para sa akin sa harap ng kanyang mga kaibigan.
At least ngayon, kapag naaalala ko siya, kaya ko nang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kaya ko nang tabunan ang bakas ng sakit sa mukha ko. Hindi katulad noong mga unang buwan ko dito sa Japan, sa piling ng aking tunay na ama at kapatid. Noon, may mabanggit lang si Papa na miyembro ng pamilyang Martenei, kulang na lang ay mawalan ako ng malay dahil sa panunuot ng sakit at hapdi sa aking buong pagkatao. Hindi ko inakalang magagawa nila akong paikutin sa kanilang palad sa loob ng labinlimang taon. Isa lang ang naging konsolasyon ko. Naramdaman ko namang pinahalagahan ako nina Marcus Martenei at Daddy. I won't call Mr. Martenei as Papa anymore now that I already know who my real father is. And that's Kenth Kaide. Pero si Daddy Francis, I still treat and call him daddy. Dahil sa kanilang tatlo, siya lang ang natitiyak kong nagmahal sa akin nang totoo.
I don't know how Papa did it, but I am no longer connected to the Martenei family. Ezekiel Froi Kaide na ang gamit kong pangalan.
"You're singing again?" Napangiti ako nang marinig ang boses na iyon. Ilang saglit pa nga ay naupo na sa isang upuan sa harap ko ang isang payat, maputi at nakabusangot na binata. He's already seventeen pero kadalasang napagkakamalang 13 lamang dahil sa pagkaisip-bata nito. He is actually the exact replica of his biological father who is none other than Francis Martenei.
Napatingin ako sa humahangos na bodyguard ng aking kapatid. Nang makita niyang prente nang nakaupo ang kanyang spoiled at sutil na amo sa harap ko, eksaherado itong nagbuga ng hangin sa bibig at saka pumuwesto kung saan makikita nito ang bawat galaw ng binatang binabantayan. Ibinaba ko ang gitara at saka ako humalukipkip.
"Ano na naman ang ginawa mo sa bodyguard mo, Isly?" walang kangiti-ngiti kong tanong.
"What?! I didn't do anything bad! I mean, yeah I did something but I think it wasn't THAT bad." Nanlaki ang may pagkasingkit na mga mata nito.
"If you're not gonna tell me, I'm gonna tell Papa," pananakot ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nag-iwas lang ng tingin.
"Isly..." may pagbabanta na sa tono ng boses ko kaya lalo siyang bumusangot.
"Fine! I locked him up in the cubicle." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Base sa hingal ng bodyguard niya, alam kong hindi lang 'yun ang ginawa niya.
"I also locked the door of the room from the outside." Ngumisi siya. Hindi ko napigilan ang mapangiti sa kalokohan ng kapatid ko. Ang kalokohan niya ang isa sa nagpapalimot sa akin sa mga masasakit na alaalang pinagdaanan ko.
Isly o Francis Liev Kaide. At ang eksplinasyon kung bakit Isly ang palayaw niya ay dahil four years na raw siya noon pero bulol pa rin siya. At tuwing nagpapakilala raw siya, ang tanging sinasabi niya ay 'Isly' kaya naman nasanay na ang lahat na tawagin siyang ganun.
Ngunit kahit payat siya sa paningin ng lahat, hindi matatawaran ang galing niya sa pakikipaglaban. Papa taught him well. Ilang ulit na ba akong muntik nang mabaldado tuwing nag-i-sparring kami. Isa siya sa mga nag&train sa akin sa larangan ng Judo at Aikido. Siya at ang mga piling tauhan ang nagligtas sa akin noon mula kay Aerol. He forced Papa to send him to the Philippines nang malaman niyang may kapatid siya. Papa was there, too, but it was Isly who went to save me. Pagkatapos nilang i-salvage si Aerol at ipinakain sa buwaya sa isang crocodile farm, iniuwi na nila ako rito sa Japan. And the rest is history.
Papa has spoiled him rotten. Senyoritong-senyorito ang kapatid ko na ultimo sa pagkain at pagligo ay may mga nakaalalay sa kanyang mga maids, nagpapakain at nagpapaligo sa kanya na tila siya sanggol. He has his own tutor and sadly, he has not experienced attending schools. Sayang. He could be an asset sa school niya. He's a genius.
Papa kept him a secret from the outside world. Tanging malalapit na kapamilya lang ang nakakaalam that Francis Liev Kaide exists. At mula nang tumuntong siya sa edad na labindalawa, may sarili na siyang bodyguard na kasa-kasama niya sa lahat ng oras.
Hindi pa man niya sinasabi, ibinibigay na sa kanya. Lahat ng gugustuhin niya ay busangot lang ang ginagawa niya at nakukuha na niya. At kahit na anong kapilyuhan o kalokohan pa siguro ang gawin niya, okay lang iyon kay Papa. Pagsasabihan siya ngunit lalabas lang iyon sa ilong niya. Marahil ay 'yun ang ginawang paraan ni Papa upang hindi na siya maghanap pa ng ina.
But I know deep inside of him, hinahanap pa rin niya ang pagkalinga ng isang ina. Napagtatakpan nga lang iyon ng kakaiba niyang pag-uugali. He has not met Daddy yet. He doesn't even know that Papa isn't his biological father. And I doubt kung totoong patay na nga ang kanyang ina gaya ng sabi ni Papa. But I don't have the right to force my father to tell me who she is. What I only know is that, alam na ni Dad na may anak siya na nasa pangangalaga ni Papa at pinipigilan ni Marcus Martenei ang pagkikita ng mag-ama. That made me hate Marcus. But that's just a dot compared to the hatred I feel towards his son.
"Oniichan, can you plead Papa for me to study in the Philippines with you?" Muling bumalik ang atensyon ko kay Isly. Eto na. Mag-uumpisa na naman siyang mangulit.
"Papa said no, right? Besides, ayokong mag-alaga ng batang makulit." Pagtatagalog ko. I've been teaching him to speak the language kapalit ng pagtuturo niya sa aking mag-Nihonggo.
"You need not to take care of me! I have Aspen." Sinulyapan nito ang bodyguard. "C'mon, Uya."
"What 'uya'? It's kuya." Pagtatama ko sa kanya.
"Uya is cuter. C'mon, please...? I wanna go to school, too." Nagkalambong ang mga mata niya. Alam kong sabik na sabik na siyang maexperience ang mag-aral sa totoong eskuwelahan o marahil ay makawala mula kay Papa. Ngunit alam ko na malayong pumayag si Papa. Tuwing nagpapalam nga ang kapatid ko na mamamasiyal lang sa mall ay natatagalan pang magdesisyon si Papa, paano na lang ito papayag kung mag-aaral pa si Isly sa Pilipinas at sa Martenei pa? At least ako, may misyon ang pagbabalik ko dun. May mabigat akong dahilan kaya nakuha ko ang blessing ni Papa.
"Please, Uya..." muling pakiusap ng kapatid ko.
"I'll try, okay. But I'm not... " naunahan na ako ni Isly. Tumayo na siya at nagtatatalon sa saya.
"... promising anything." Pabulong na pagtatapos ko sa aking sinasabi habang pinapanuod ang kapatid kong nagsisisigaw ng "YES!"
.....
"So, when are you leaving?" Hindi nag-aangat ng tingin na tanong ni Papa. Abala pa rin siya sa pag-aaral sa mga papeles na hawak niya.
"Two days from now." Natigilan siya nang marinig ang sinabi ko. Ibinaba na niya ang hawak niyang mga papeles at saka tumingin sa akin.
"Are you sure you're ready?" Walang kangiti-ngiti niyang tanong.
"I've been waiting for this." Pormal kong sabi sa kanya.
"Just don't forget the reason why you're going back to that place." Matigas ang tonong bilin niya sa akin.
"It's marked not just in my mind but also in my body." Itinuro ko ang tattoo na nasa leeg ko. Ngumisi si Papa. Tumango-tango.
"By the way, Isly wants to come with..."
"No." Isang salita ngunit napipilan na ako. Alam kong pinal na desisyon na yun mula sa kanya.
"Very well. I'm gonna start packing now." Pagpapaalam ko sa kanya. Nang muli niyang yukuin ang mga papeles ay umatras na ako at tumalikod.
Walang lingon akong lumabas sa kanyang opisina. Naabutan kong nakatanghod ang sabik na si Isly sa labas ng pinto. Umaasa ang kanyang mga mata na tumingin sa akin. Malungkot akong umiling sa kanya. Lalo akong nakadama ng lungkot para sa kapatid ko nang bumagsak ang kanyang mga balikat at sukot-sukot na naglakad palayo. Nagkatinginan kami ng kanyang bodyguard bago ito humabol sa aking kapatid.
Naglakad na ako papunta sa aking kuwarto. Kahit mabigat ang loob ay hindi ko maiwasan ang makadama ng pananabik na muling makita ang mga taong naging parte ng buhay ko sa Martenei.
Kumusta na kaya si Jessie?
Ang 7 Demons?
Natitiyak kong magugulat sila sa aking pagbabalik. Wala na ang dating si Zeke. Wala na ang lampa, mahina at mahiyaing si Ezekiel Froi Martenei.
Ako na ngayon si Ezekiel Froi Kaide.
Fiercer.
Stronger.
Wiser.
At kahit sino sa 7 Demons, wala ng mas makakahigit pa sa akin. Kahit na ang kanilang master.
Jarius Vei Martenei.
Humanda ka. Sa muli nating paghaharap, I will show you what a real sadist is.