Perth, Australia
Sumandal ako sa aking swivel chair pagkatapos kong pirmahan ang huling batch ng mga dokumento para sa araw na ito. Sampung minuto ko ding ipinikit ang aking mga mata upang makapagpahinga ang mga ito mula sa loob ng kalahating araw ng pagbabasa at pag-aaral sa mga papeles na nasa mesa ko bilang CEO ng kumpaniya namin dito sa Australia. Dito ako ipinadala ni Papa pagkatapos ng dalawang buwan kong training sa isang kumpaniya namin sa New York.
Ang kumpaniyang ipinatayo ni Papa dito sa Perth ang pinagkaabalahan ko at pinagtuunan ko ng lahat ng atensyon at pagod ko sa loob ng dalawang taon dahil nangako si Papa na kapag naging matagumpay ito, maaari na akong bumalik sa Pilipinas. Mapapatunayan ko na sa kanya ang sarili ko. Magkakaroon na ako ng kalayaan. Kalayaan upang bumalik at muling harapin ang mga taong itinago ko sa aking mga alaala sa loob ng dalawang taon. Wala na sigurong masasabi o maisisingil pa si Papa dahil lahat ng mga ipinag-utos niya ay sinunod at ginawa ko. Kahit napakahirap dahil wala akong masasandalan o makakaramay dito kundi ang sarili ko lamang.
Aminado ako na sa mga unang buwan, kating-kati na akong bumalik sa Martenei. Noon ko napatunayan na nakakabaliw nga palang talaga ang mahomesick. Miss na miss ko na ang mga kaibigan ko. Pati nga sina Jessie at Timber ay namimiss ko. Pero kung mas may pinakanamimiss ako sa lahat, iyon ay si Zeke.
Halos bawat minuto noong mga panahong nagdaan, hindi siya naalis sa puso at isipan ko. Hanggang ngayon nga ay iniyakan ko pa rin sa gabi ang mga nangyari sa aming dalawa. Buti nga ngayon, tuwing gabi na lang ako umiiyak. Dati, makita ko lang ang larawan naming dalawa, napapahagulgol na ako ng iyak. But I realized na kung magpatalo ako sa nararamdaman ko, hindi pa ako makakabalik sa kanya. Matatagalan pa ang pagkikita namin. Wala pang katiyakan kung kailan ko maipapaliwanag ang mga ginawa ko sa kanya at kung kailan ko masasabing mahal na mahal ko pa rin siya. I made those thoughts as an inspiration to prove that I can be successful on my own na walang tulong mula kay Papa o sa mga kaibigan ko.
May puwang pa kaya ako sa buhay at puso niya? Makikinig kaya siya sa mga paliwanag ko sa aming pagkikita? Nasa puso pa rin ba niya ang pagmamahal niya sa akin o mayroon na siyang ibang minamahal ngayon? At kung sakaling may iba na, ano ang gagawin ko? Hahayaan ko ba na ibang tao na ang magpapangiti, magpapatawa, yayakap, hahalik at aangkin sa kanya? No.
Hindi ako tatanga lang sa isang tabi at panunuorin siya sa piling ng iba. I didn't go this far kung hindi rin lang naman mapapasaakin si Zeke sa huli. Selfish bang matatawag kung ipaglalaban ko ang dating akin? Erase that. He's mine and still mine. And once I come back, I'll do everything to make him legally mine as soon as possible.
I opened my eyes. Nabungaran ko ang larawan naming dalawa na nasa picture frame sa desk ko. Nakatawa kaming dalawa. Masayang-masaya. It was taken when we were at Bangui, Ilocos Norte. Background pa namin ang mga windmills.
I miss him. I f*****g miss him so much. Yung mga ngiti niya, yung lalong pagsingkit ng mga mata niya kapag tumatawa siya. Yung ilong niya, baba, tenga at batok. Yung mga kamay niya, leeg niya pati mga paa niya. I miss his smell. I miss his voice calling me Kuya, Jai or Babe. I miss how he sings to me. I miss him saying how much he loves me. Namimiss ko ang pagyakap niya sa akin sa tuwing masaya siya o natatakot. I even miss those times na nakasimangot siya, nagtatampo siya o nagagalit sa akin. Miss na miss ko na rin siyang yakapin, ikulong sa aking katawan tuwing nagkakadikit kami o tuwing inaangkin ko siya. Ang tamis ng mga labi at dila niya kapag hinahalikan ko siya. Pati na rin ang bango niya. Oh, God! I miss everything about him.
Hindi na ako nakatiis pa. Binuksan ko ang laptop. Saglit lang akong naghintay at pagkatapos ay isa-isa nang lumabas ang mga larawan ni Zeke. Sa ibang mga larawan ay kasama niya ako o di kaya ay si Timber pero karamihan sa mga larawan ay siya lang. Ni hindi ko napansin na hinahaplos ko na pala ang ang screen ng laptop na tila sa pamamagitan nun ay mahahaplos ko si Zeke.
Nagsimulang mag-init ang mga mata ko pagkatapos ay humapdi ang mga ito. Bago ko pa mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ay nabasa na ang mga pisngi ko. Napasinghot ako nang magbara ang daluyan ng hininga ko.
Ipinilig ko ang ulo ko and forced myself to relax. I need to stop crying dahil baka magtaka ang mga empleyado ko kapag nakita nilang namamaga ang mga mata ko. Isinara ko na ang laptop at ilang beses din akong huminga ng malalim. Kailangan kong patatagin ang loob ko bago pa ako tuluyang makapag-isip ng hindi matino. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumakbo papunta sa airport para umuwi sa Pilipinas paglabas ko ng opisina mamaya.
Damn. Ilang araw, buwan o taon pa kaya ang hihintayin ko at pagtitiisan ko para mapatunayan ko na ang sarili ko kay Papa? Para maging karapatdapat na ako kay Zeke?
Nasa ganun akong isipin nang makarinig ako ng mga pagkatok. Pagkatapos ay bumungad si Kevin. Isa sa mga Pilipino na empleyado ng kumpaniya at isa sa mga napalapit sa akin. Siya at ang iba pang mga Pilipinong empleyado ang mga naging kaibigan ko sa nakalipas na dalawang taon.
"Boss, may jamming kina Patrick mamayang gabi. Makakasama ka ba?" Nakangiting tanong nito. Dahil nakatuwaan nila ng mga kasamahan niya ang bumuo ng banda, yun ang pinagkakaabalahan nila tuwing gabi ng Biyernes. Ilang beses na rin nila akong naimbitahan sa mga jamming sessions nila at aminado akong kahit papano ay nakakatulong iyon sa akin.
Tumingin muna ako sa wristwatch ko at nakita kong tapos na ang office hour bago ko pinag-isipan kung sasama ba ako. Sa sitwasyon ng puso ko ngayon, kung hindi ako sasama sa kanila, tiyak na magpapakalasing lang ako sa condo unit ko. Ilang pack ng sigarilyo na naman ang mauubos ko at ilang bote na naman ng alak ang maiinom ko para lang makatulog ako ng mahimbing. At least, kapag kasama ko sila, malilimitahan ang mga yun.
"Okay. What time?" Tanong ko kay Kevin.
"7:30, Boss. Dun ka na rin magdinner kung gusto mo, Boss." Masaya niyang sagot.
"Sige. Expect me to be there." Tumango siya at nagpaalam na. Tumayo na rin ako at inayos ang mga gagamitin ko.
Umuwi muna ako sa condo at naligo saka ako pumunta sa apartment ni Patrick dala ang dalawang malalaking bote ng Bourbon. Naroon na ang mga kaibigan niyang empleyado ko rin. Nagsalo-salo kami sa isang simpleng hapunan at saka nila inayos ang mga musical instruments na gagamitin nila sa jamming sa garden. Si Kevin sa vocals at lead guitar. Si Patrick sa violin. Si Fritz sa bass at si Edward sa drums. Pinagsasaluhan na namin ang alak na dala ko nang magsimula silang tumugtog. At dahil miss na daw nila ang Pinas ay puro Pilipino hits ang tinutugtog nila.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kuwentuhan nina Andrew, Paul at Leandro, kaibigan din nila, nang tawagin ni Kevin ang atensyon ko. Katatapos lang nilang tugtugin ang ika-anim na OPM na pinagjajamingan nila.
"Boss, kanta ka naman." Pambubuyo niya sa akin. Nang marinig iyon ng lahat ay nagsimula na ang kantyawan para sa pagkanta ko. Ilang excuses din ang ginawa ko pero mas lalong lumakas ang pangangantyaw nila kaya napilitan akong tumayo.
"Woooh!" Masayang sigaw nila sa saya dahil sa pagbibigay ko sa kahilingan nila.
"Wala kang Christmas bonus." Pananakot ko kay Kevin. Nagkatawanan sila dahil sa sinabi. Pumuwesto na ako sa mini stage.
Tinignan ko ang music sheet na nasa harap ko. Nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang title ng kanta na ipapakanta nila sa akin. Nagkaroon ng pagtatalo ang loob ko. Kung ibang kanta ang pipiliin ko, magtataka sila. Magtatanong. And I don't trust my self right now. May tama na ang alak sa akin kaya baka makapagkuwento pa ako ng mga di ko dapat ikuwento.
"Ready, Boss?" Tanong sa akin ni Patrick. Huminga muna ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob bago ako sumagot.
"Ready."
Bawat sandali ng aking buhay
Nawala ang music sheet sa harap ko at napalitan iyon ng mukha ni Zeke. At habang patuloy ang bibig ko sa pagkanta, lumilipad naman ang aking isipan. Bumalik ito sa mga panahong kasama ko pa si Zeke at ang 7 Demons. Yung mga panahon kung saan nagsimula ang sa amin ni Zeke sa Martenei.
Yung mga panahon na umiiyak siya tuwing binubully ko siya.
Yung araw na sapilitan ko siyang inangkin sa takot ko na umalis siya at di ko na makita pa.
Yung araw na binili ko si Timber at irinegalo sa kanya.
Yung gabi na nagkasakit ako dahil sa paghananap sa pinakidnap ko na si Timber na 'pinauwing mag-isa' ni Robby at inalagaan niya.
Yung pagpayag ni Zeke na ligawan ko siya.
Yung trip namin at ang pagsagot sa akin officially ni Zeke.
Yung pagdating ng kapatid ko at pag-aaway namin dahil may gusto din siya kay Zeke.
Yung pagtatanan namin.
Yung pagbalik namin sa Martenei.
Yung pambubugbog sa akin ni Papa.
Yung p*******t ko kay Zeke para lumaya ako sa kanya.
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Zeke, gagawin ko ang lahat to prove my self. Hold on, babe. Konting panahon pa. Babalik ako. Babalikan kita. Tutuparin ko na ang lahat ng mga ipinangako ko sayo at hihigitan ko pa. Kaya na kitang ipaglaban. Kaya na kitang buhayin na hindi umaasa sa kahit na kanino. Maipagmamalaki mo na ako. Wala ng kukontra pa sa pagmamahalan natin.
And this time, hindi na kita iiwan. Hindi na ako aalis sa tabi mo. Magsasama na tayo. Hindi na kita sasaktan at paiiyakin. Paliligayahin kita sa araw-araw. Magsusumpaan tayo sa harap ng Diyos, ng mga magulang at mga kaibigan natin. Sasaya at magmamahalan habambuhay.
Oh oh, oh woh ohh...
Makita kang muli..
Makita kang muli, makita kang muli,
Makita kang muli..
I still love you, Zeke. I will love no one but you. Kakayanin ko para sayo, Zeke. Ang pagdurusa at pangungulila ng pagkakalayo natin ang magsisilbi kong lakas. Sana, mahintay mo pa ako, Babe. Sana mahal mo pa ako.
Itinikom ko na ang bibig ko nang matapos ko ang kanta. Nagtaka ako dahil tahimik ang lahat. Tumingin ako sa kanila pero isa-isa silang nag-iwas ng tingin.
What's wrong with them?
"B-boss... umm, ba...basa po yung mukha n-yo." Nauutal na sabi ni Leandro. Awtomatikong napahawak ako sa aking pisngi at napatunayan kong tama siya.
"Excuse me." Paalam ko sa kanila. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa banyo. Naghilamos ako at tinuyo ang mukha ko gamit ang paper towel na naroon. Patapos na ako nang mapatingin ako sa salamin.
Pumayat na pala ako. May stubbles. Medyo mahaba na pala ang buhok ko. At ang mga pisngi ko. Wala na ang dati nitong lusog. Napatingin ako sa aking mga mata. Namumula ang mga ito at alam kong hindi iyon dahil sa epekto ng alak. Wala na rin ang dating kislap at sigla nito. Malayo na ang mukhang nasa harap ko ngayon sa dating mukha ni Jarius Martenei. I've matured. Nang wala man lang akong kamalay-malay.
Ito ba ang nagagawa ng pag-iisa? Ng pangungulila? Ng guilt na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa? Paano na lang kaya ang magiging itsura ko after a year? Two or three years from now? Baka hindi na ako makilala ng mga kaibigan ko. Baka ayawan na ako ni Zeke dahil pangit na ako ngayon.
"Ampangit mo na, Jai." Pagkausap ko sa sarili ko.
Napangiti ako ng mapait. At ang nakakainis pa, bigla na naman akong naluha. Hindi dahil sa nawala na ang kagwapuhan ko kundi dahil namimiss ko na naman siya. Naalala ko kasi nung na kina Yaya Bebang kami ni Zeke. Siya yung nagpapaalala sa akin na dapat na akong magshave o magpagupit. Siya pa nga ang tagalagay ng toothpaste sa toothbrush ko. Lagi niya akong binibiro na maghahanap siya ng iba kapag pumangit ako. Na sinasagot ko naman ng busangot at dabog. Syempre pa lalambingin niya ako, hahalikan, susuyuin. Susumpa siya na hinding-hindi niya ako ipagpapalit. Na ako lang ang mamahalin niya. Na ako lang ang papayagan niyang umangkin sa kanya.
"Oh, Zeke. Namimiss na naman kita ng sobra. Sobra-sobra." Paos kong bulong sa kawalan. Ilinabas ko ang wallet ko at binuksan. Bumungad sa akin ang larawan ni Zeke.
"Naaalala mo rin kaya ako ngayon? Namimiss? Galit ka pa rin ba? Mahal mo pa ba ako? Sana. Sana mahal mo pa ako. Sana may babalikan pa ako." Hinalikan ko ang larawan niya at saka ko muling isinara ang wallet at ibinalik sa back pocket ng pantalon ko. Bumalik ako sa garden at nagpaalam na kina Kevin. Nakakaintindi naman silang tumango. Hinatid ako ni Patrick hanggang sa garahe. Sumakay na ako sa aking kotse at nagdrive pauwi.
Damn.
This is going to be another sleepless night.
....