"Naloko na, dude." Iiling-iling na sabi ni Jayson pagkatapos kong ikuwento sa kanya yung sinabi o masasabi kong imbitasyon ni Zeke. Dito ako dumiretso pagkatapos niya akong dabugan ng pinto. "Yun nga eh. God knows how much I wanted to kiss him, to make love to him. Pero yung ako yung.... damn, Jay. Kahit sabihin ay di ko kaya. Paano na lang kapag ginawa niya na talaga?" Napailing din ako. "Wag kang papayag, Jai. Ikaw ang top. Ikaw ang original na top. Tapos magpapabottom ka sa dati mong bottom? Asan naman ang pride mo dun? Dude, kahit na nakikipagrelasyon tayo sa kapwa natin lalake, iba pa rin talaga kapag tayo ang top at dominate sa isang relasyon. Tayo ang mas makapangyarihan. Tayo ang boss. Tayo ang mas mataas. Kapag nagpabottom ka kay Zeke, para mo na ring inamin na wala kang pride.