Alin ba ang mas masakit at nakakadismaya? Yung pasasalubungan ka ng mag-asawang sampal ng best friend mo pagkatapos ay sesermunan ka? Yung tatalikuran ka ng mga itinuring mong kaibigan at kapamilya sa loob ng apat na taon? Yung makikita mong napahiya at nasaktan yung dating minahal mo dahil sayo? Yung malalaman ng taong kinamumuhian mo yung pinakatatago mong sikreto? O yung malalaman mo na pinagtulungan kang pasikitan at saktan ng itinuring mong ama at ang taong inakala mong pinaglaruan ka lang? Akala ko hindi ko na mararanasan yung ganitong katinding inis, galit, pagkadismaya at sakit. Akala ko tapos na ako sa pagdurusa. Akala ko oras ko nang maningil. Pero bakit ganito? Bakit hindi ako maintindihan ni Jessie? Bakit hindi niya maintindihang nadala ako ng galit ko kaya nagawa kon