"Sir, may sulat po kayo," bungad kaagad ng matandang katulong sa kanya pakapasok sa loob ng mansyon.
"Sulat?" takang sagot na lang niya habang irritableng hinahatak ang suot na kurbata gamit ang isang kamay para tanggalin.
Napakunot na lamang ang noo ni Raymond sa papalapit na matanda, naroon kasi ang pamumutla at panginginig nitong habang iniabot ang naturang sobre.
"Siya pa rin po ang may padala, pero nakapangalan na po sa inyo," pagbibigay alam ng matandang katulong.
"What is it now," inis na sambit ni Raymond pakakuha noon.
Sinenyasan niya na lang ito na umalis bago tumungo sa home office. Naroon ang hirap ni Raymond sa pagbukas at pagsara ng pinto, dulo’t na rin ng pagkakasemento ng kanan niyang kamay, pero hindi iyon pumigil sa kanya upang magkulong sa naturang silid.
Napabuga siya ng hangin nang pakatitigan ang puting sobre, hindi niya napigilang mapakunot ng noo sa kaalamang nagmula ito sa taong kinasusuklaman.
Pero naroon rin naman ang pagtataka niya sa kung ano ang nilalaman noon. Dahil na rin sa pagtatalo ng kanyang puso’t isipan ay hindi niya muna iyon pinansin. Nagawa niya pang maupo, maglakad-lakad, at pakatitigan ito ng halos kalahating oras, bago magdesisyon na sa wakas ay buksan ito.
Ganoon na lang ang pagtaas ng kilay niya kasabay ng agaran na pagkulo ng kanyang dugo nang mapasadahan ang nilalaman ng naturang sulat.
"You want what now!" natatawang lamukos ni Raymond sa naturang papel bago ito isilid sa loob ng kanyang cabinet.
Hindi niya lubos akalain na magkakaroon ng kapal ng mukha ang naturang lalake na sabihin sa kanya ang bagay na iyon matapos ng lahat ng nangyari.
Irritang-irita tuloy siya kaya naman wala sa oras ay lumisan siya sa mansyon. Gusto niyang matuwa pero naroon din ang panggagalaiti niya sa nabasa.
"f**k!" inis na sigaw ni Raymond dahil sa sakit ng kanang kamay nang padabog niyang buksan ang pinto ng kanyang kotse.
Nakadagdag pa sa perwisyo niya ang natamong pinsala kaya naman mas lalo lamang bumilis ang pagkulo ng kanyang dugo.
Sunod-sunod na malalalim na hininga na lang ang kanyang ginawa; upang pakalmahin ang namumuong galit.
Nanginginig na ikinuyom ni Raymond ang kamay bago ulit-ulitin sa isipan ang mga katagang 'calm down, calm down.' Ang mantra na matagal niya ng gamit sa mga pagkakataong ganoon.
Pero alam niyang hindi sasapat ang ginagawa niya upang mapahupa ang kasalukuyan galit. Alam niyang kailangan niyang magpalamig ng ulo upang mabura sa isipan ang nadarama.
Tumungo na lang kaagad si Raymond sa bar ni Jordan, subalit ganoon na lang ang pagkadismaya nang wala nanaman ito, kaya naman tulad noon nakaraan ay mag-isa nanaman siya sa pag-inom.
Hatinggabi na nang bumalik siya sa bahay, pero ayaw pa rin siyang patahimikin ng naturang liham.
Napabalik siya sa study room at halos mapabagsak pa nang maupo. Isang makulit na halakhak na lang ang nagawa niya habang inis na inilalabas ang lukot-lukot na papel.
"Why do you bother me so," buntong hininga na lamang niya habang binabasang muli ang naturang sulat.
Raymond
Si Bobby ito, alam kong malaki ang hindi natin pagkaka-intindihan, sumusulat ako sa iyo ngayon para humingi ng isang pabor. Alam kong mahirap pero nakiki usap ako. Alagaan mo si Sheryll. Wag mo na siyang saktan pa. Alam kong may pagmamahal ka rin naman para sa kanya, dahil hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pumapayag sa hinihingi niyang pakikipag hiwalay. Maawa ka na naman sa kanya, ako na ang nakiki-usap sa iyo, masyado ng madami ang kanyang pinagdaanan at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot niya sa iyo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa siya makakapiling pero alam kong hindi na iyon magtatagal. Kaya nakikiusap na ako sa iyo.
Napadura na lang siya na tila may kung anong mapait na bumara sa kanyang lalamunan, hindi niya na rin tinapos ang naturang liham nang mapagtantong ukol iyon sa kambal na anak ng dalawa.
"Why, why, why Bobby? Did you finally lost that luster you had with her or have you finally gotten bored with my wife," tiim bagang na sambit n na lang ni Raymond sa sarili bago inis na lamukusin ang papel, "How dare you!" singhal na lang niya dulo’t ng muling pagkulo ng kanyang dugo nang maisip ang mga pinaggagawa ng mga ito.
Sadyang apektado pa rin siya ng matinding poot sa lalake sa ginawa nitong pag-agaw sa kanya, hanggang ng mga panahon na iyon ay hindi pa rin matanggap ng kanyang sistema na mas pinili ito ni Sheryll.
Malalim na ang bawat paghinga niya ng oras na iyon dahil sa namumuong poot, hindi na niya napigilan ang sarili na pagdiskitahan ang naturang sulat, kaya naman ganoon na lamang ang higpit ng pagkuyom niya rito.
"f**k you!" sigaw ni Raymond bago itapon ang sulat sa basurahan.
*****
"Why am I even in this place," saad ni Raymond sa sarili habang nakatingin sa labas.
Kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada ilang metro lamang ang layo sa labas ng maliit na barong-barong na tinirhan nina Bobby.
"Tito?" takang baling na lang ni Lukas sa kanya.
Napatingin na lang si Raymond sa harap ng sasakyan, naroon ang makahulugang tingin ng binata sa kanya nang makita nito ang kakaibang hitsura ng tiyo.
Bumuntong hininga na siya para umayos ang pagkakakusot ng mukha. Hindi niya man gusto ay wala na siyang nagawa nang ipasama sa kanya ng mga kaibigan ang ilan sa mga anak nito.
Kasalukuyan tuloy siyang binabantayan ng anak ng kaibigan na sina Vincent at Luke; sa kagustuhan ng mga ito na masiguradong wala siyang gagawin na kalokohan at maalalayan siya.
"Nothing. We better go," walang ganang utos na lang ni Raymond.
"Nasa labas pa si Jr. tito," pagpapaalala na lang ni Lukas.
"Where did he run off to?" napahilot na lamang si Raymond sa sintido sa pagkadismaya.
Gusto na sana niyang umalis doon dahil na rin sa kung anong pagkulo ng kanyang dugo habang pinagmamasdan ang naturang tahanan.
Maliit, sira-sira ang ilang parte, napapalibutan ng mga puno at maputik ang lugar, pero may kung anong nagpapahapyaw sa kanya ng inggit sa naturang lugar, lalo pa nang makita ang ilang mga gamit ng mga bata at pagkabatid ng pagkaka-alaga ng mga bulaklakin halaman doon, na sigurado niya kung sino ang nag-aalaga.
May kung anong paninikip na lamang siya sa dibdib na nadama nang sumagi sa kanyang isipan ang naturang babae, hindi niya mapigilan ang pagkulo ng dugo sa bawat pagkakataon na naiisip na nasa piling na ito ng iba.
Napakalaki tuloy ng pagsisisi ni Raymond at pumunta pa siya sa naturang lugar, hindi tuloy mapakali ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon sa kawalan ng kasiguraduhan kung anon ang magagawa niya sa oras na magkita-kita sila.
"Sabi niya he's just gonna check out the place or something." Tingin na lang ni Lukas mula sa salamin sa harap ng kotse, abala kasi itong nagtetext sa cellphone kaya hindi na siya nilingon pa.
Nabuntong hininga na lang siya muli bago dali-daling bumaba ng sasakyan. Hindi niya na magawang mapakali kung mananatili pa sila roon kaya minarapat niyang hanapin na ang isa pang kasama.
"Sir, bili na po kayo ng karioka," biglang saad na lang ng isang magandang dalaga sa kanyang harapan.
Napatuod na lang si Raymond sa gulat nang hindi mabatid na nasa tabi niya pala ito, hindi niya kasi namalayan ang paglapit nito sa sasakyan nila.
"Uhm, I think I'll pass." nginitian na lang ito ni Raymond pakaharang ng kamay bilang pagtanggi.
May kung anong kabog ang bigla na lamang lumukob sa kanyan dibdib ng mga sandaling iyon at hindi niya nagustuhan ang kung anong kaguluhan sa kanyang pakiramdam dulo’t ng kakaibang ganda ng dilag. Tila bigla na lang kung anong bumubungkal sa likod ng kanyagn isipan, pilit pinapaalala ang isang pamilyar na mukha na matagal na niyang nalimutan.
Akmang lalayo na sana siya nang muling iniangat ng dalaga ang dalang bilao, mas lalo lamang siyang hindi naging komportable dahil sa pamilyar amoy ng itinitinda nito.
"Masarap po ito, bagong luto," buong pang-eenganyong alok muli ng dalaga.
Naroon ang napakaaliwalas na ngiti nito, hindi maintindihan ni Raymond pero tila binura na lang noon ang pagtatalo sa kanyang isipan at agad siyang binalot ng kung anong tuwa habang pinagmamasdan ang malambing na mukha nito.
"Really now," biro na lang na sabi ni Raymond.
Hindi niya na napigilan ang sarili na kausapin ang dalaga, sadyang may kung ano sa nangungusap na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi nito na tila ba mayroon pilit na mukhang pinapaalala sa kanya.
"Nakasisiguro po ako, dahil ako po mismong gumawa nito, kaya bili na po kayo sir." lalo pa nitong tinamisan ang ngiti.
Napapigil na lamang si Raymond ng tawa, hindi niya maintindihan ang kung anong tuwa habang kaharap ang dilag. Hindi naman impossibleng magustuhan niya ang dalaga, pero iba iyon sa normal na libog na nadarama niya kapag nakakakita ng mga tulad nito.
"Parang ang ganda mo naman yata masyado para maglako-lako lang," makulit na balik na lang ni Raymond.
Hindi kasi siya makapaniwala nang mapansin rin na maputi’t makinis ang kutis nito, maliban pa sa napakagandang hubog ng balingkinitan na katawan at itim na itim na buhok nito na umaabot hanggang sa baywang.
Napapigil na lang ng tawa ang dalaga, napaayos pa ito ng buhok na halatang nahiya. Napakunot naman siya ng noo ng may tila maalala sa kilos nito.
"Ay, salamat ho sir, hindi naman po sa nagmamalaki, pero ako po ang nanalong mutya ng barangay dito sa amin." Sa wakas ay angat na ng dalaga ng mukha na puno ng kompyansa.
Tumuwid pa ito ng tayo na tila ba ipinapakita sa kanya ang magandang postura noong sumali ito sa nasabing patimpalak.
"Wala ka bang pasok ngayon iha?" bulalas niya na lang.
Kung totoo nga ang sinasabi nito ay sigurado niyang hindi naman basta-basta ang dalaga para maging manlalako na lamang sa kalsada.
"Kinailangan ko po munang tumigil sa pag-aaral dahil may sakit po ang tatay ko." Bahagyang napayuko na lang nito kasabay ng pagkabawas ng ngiti.
Nakadama na lang si Raymond ng kung anong panliliit at pagsisisi sa nasabi, masyado nga naman itong personal na tanong.
"Oh, sorry to hear that," buong lambing na saad niya na lang.
Doon nanumbalik ang liwanag sa mukha ng dilag, "Wala po iyon. Dali na sir, bili na po kayo, para naman po may pambili ako ng gamot ng tatay ko," pagprepresenta nito muli ng tinitinda.
"Tito, are we done? I'm kind of hungy." Biglang litaw na lang ni Jr. mula sa likod ng dalaga.
Kahit naka-sunglasses pa ito ay batid niya ang pagkabagot ng binata dulo’t na rin ng sobrang pagkakunot ng noo ng binata at pagkasimango nito.
"I was looking for you," sita na lang ni Raymond dito.
"Sir, sakto ho itong meryenda para sa inyo," biglang singit na lang ng dalaga. Dito na nito iniharap ang hawak na bilao.
"Oh." Napababa na lamang ng suot na sunglasses si Jr. upang mas masilayan ang nasa harapan.
Naroon ang bahagyang pagkatulala nito nang makita ng mas maayos ang kaharap. Halatang tulad niya ay hindi rin makapaniwala ang binata sa dilag na nagtitinda, napatanggal pa nga ito ng suot na sunglass para mas mapagmasdan ang kaharap. Ilang saglit lang ay nandoon na ang maloko nitong ngiti habang sinisipat na ito mula ulo hanggang paa.
Bigla na lang hindi na mapakali ang nasabing dilag sa pag-aayos ng sarili dahil sa mapanuring mga tingin ni Jr. Nandoon na ang biglaan pamumula nito at kung anong tuwa sa ngiti na siyang nagdulot ng kung anong pagkabugnot kay Raymond.
"Alright, give me all of it then," papansin na lang niya.
Kung tutuusin ay matatawa dapat siya at hahayaan na lang ang mga ito, pero may kung anong dikta ang kanyang konsenya na dapat niyang ilayo ang naturang dalaga sa kasama niyang binata.
"Po?" gulat na baling na lang ng dilag sa kanya.
"Ang sabi ko bibilhin ko na lahat iyan," natatawang ulit na lang ni Raymond sa nanlalaking matang binibini.
"Seryoso po kayo sir." Ngiting-ngiting harap na nito sa kanya.
Halata naman ang pagtataas ng mga kilay ni Jr. sa sinabi ni Raymond, pero mabilis rin naman nawala ang atensyon nito sa kanila dahil napukol ang tingin nito sa likuran ng dalaga na wari ba ay may nakitang interesante roon.
"Here, just take this and keep the change." Abot niya na lang ng ilang libo dito, bago kuhanin ang hawak nitong bilao. Sa tingin niya ay sapat nanaman iyon para sa lahat ng tinda nito.
"Naku sir, parang sobra naman po ito!” bulalas na lang ng dilag nang makita ang kumpol ng pera.
“Don’t worry about it, mabuting umuwi ka na, hindi ligtas na nagpapahapon ang tulad mo sa ganitong lugar,” turan na lang niya rito bago bigyan ng isang makahulugan na tingin ang kasama na binata.
Mukhang hindi pa rin nito napapansin ang kanyang mga titig dahil tulalang-tulala pa rin itong nakatingin sa likuran ng dalaga at naroon na ang mas malokong ngisi nito habang pinagmamasdan iyon.
“Maraming salamat po," sabi na lang ng dalaga.
Magkahalong tuwa, gulat at pagkamangha ang nasa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa hawak na pera.
Batid niyang hindi pa rin nito napapansin ang malagkit na titig ng binatang nasa likuran kaya naman siya na ang lumapit dito.
"Here Jr., stuff yourself," sapilitang bigay ni Raymond ng bilao sa kasama.
Doon nabali ang kakatwang tingin nito sa dalaga at napabalik na lang sa kanya.
"Wow, thanks tito," medyo nanunuyang saad ni Jr. dulot na rin ng biglaan pagkaputol ng kasiyahan dahil sa ginawa ni Raymond.
"Salamat po ulit sir," yukong paalam na ng dalaga.
"Your welcome. Sige na iha, umuwi ka na, baka abutan ka pa ng dilim," masayang balik ni Raymond bago ito yakagin para lumayo na.
Napakaway na lamang ang dilag sa kanya bago magtuloy-tuloy na sa paglalakad, kaya ganoon na lang tuloy ang kung anong tuwa sa kanyang pakiramdam.
"You know her tito?" manghang sabi ni Jr. pakatabi sa kanya.
Parehas silang nakatingin sa dalaga na medyo malayo-layo na rin. Nandoon ang galak niya sa nagawa para dito na tila ba nakagaan iyon sa kanyang pakiramdam.
"Nope," tipid na sagot ni Raymond.
Napabaling na lang siya sa kasama nang hindi ito sumagot, doon niya napansin na naroon pa rin ang malokong ngisi sa mukha nito at malagkit na titig sa dilag.
"Behave yourself Jr, where not here to have fun," sita ni Raymond bago ito hatakin para bumalik na sa sasakyan.
"What, I was just looking," natatawang balik ni Jr. na halatang naputol mula sa kung anong iniisip.
Minarapat na lang muna niyang umalis sa lugar na iyon dulo’t na rin ng kung anong init sa kanyang dugo. Hindi siya mapanatag dahil na rin sa mga kasama at sa kaalaman na bantay sarado pa rin siya.
Maliban doon ay naroon ang dikta ng kanyang isipa na hindi dapat siya nagpapaapekto sa kung ano man ang sinasabi ng naturang lalake dahil na rin sa mga ginawa nito.
Subalit ilang buwan na ang nakakalipas matapos niyang pumunta sa lugar na iyon, pero tila talagang ayaw siyang patahimik ng sulat ni Bobby.
Hindi niya man iyon binasa muli ay naroon naman ang pagkatatak ng ilang mga sinabi nito sa kanyang isipan na sadyang gumugulo sa kanya, kaya matapos ng mahabang pakikipagtalo sa sarili ay napabalik nanaman siya sa naturang lugar, pero sa pagkakataong iyon ay iba na ang mga kasama niya.
"John," tuwid na saad ni Raymond sa driver na nasa harap ng sasakyan.
"Yes sir." Tumango naman ito at lumabas na ng kotse.
Bumaba na si Raymond ng sasakyan pakabukas ng bodyguard sa pintuan. Sinenyasan niya ang apat na malalaking bantay na maghintay na lamang sa kanya, bago siya nagtuloy-tuloy sa paglalakad patungo sa naturang bahay.
Nandoon ang kung anong kabog sa kanyang dibdib sa bawat tapak na ginagawa niya palapit dito.
May kung anong pananabik sa kanyang pakiramdam na makita muli si Sheryll.
Sa isip-isip niya ay nais niyang ipamukha at pagsisihan nito ang nawalang pagkakataon na makasama siya kaya naman isinuot niya ang pinakamahal niyang black suit at sapatos. Sinigurado niya rin ang pinakabagong sasakyan ang gagamitin nila at kahit ang mga body guards niya ay pinagdamit niya ng maayos at presentable.
Nais niyang ipakita sa asawa ang buhay at karangyaan na hindi nito natamo dahil sa pagdedesisyon nitong ipagpalit siya sa naturang lalake.
Matagal niya na drin pinaghandaan ang araw na iyon, kung tutuusin ay limot niya na sana ang naturang babae kung hindi niya lang natagpuan ang tungkol sa mga patagong sulat ni Bobby.
Ang kaalaman na isinusuko na ito ng lalake sa kanya ay nagdulot ng kung anong galak at pagmamalaki dahil batid niyang siya ang nanalo sa tila matagal na nilang tunggalian.
"Sino pong hinahanap nila?" papansin na lamang ng babaeng nasa kabilang bahay na kanina lamang ay abalang nagwawalis.
"Bobby Santino." Ngiting baling niya na lang dito.
"Ay, naku sir. Wala na po sila diyan," saad na lamang ng babae na napatuwid na ng tayo.
"What?" napasalubong na siya ng kilay dulot ng pagkairita.
Pakiramdam niya tuloy ay pinaglalaruan lamang siya ni Bobby kaya naman unti-unti na lamang ang pagkulo ng kanyang dugo.
Ilang saglit din bago niya nagawang lumapit sa naturang babae upang kumalap ng impormasyon. Pinakatitigan niya pa kasi ng ilang beses ang bahay at doon niya lang nabatid na wala na ngang nakatira roon dahil na rin sa pagkasarado ng lugar at katahimikan noon.
"Kakilala niyo po ba sila?" buong galang na ngiti ng matanda.
Halata ni Raymond ang kung anong kutitap ng pagtingin nito sa kanya, kaya naman medyo nakadama na lamang siya ng pagkalilang dito.
"Family friend," tipid na sagot na lang niya dahil sa kung anong inis.
Hindi niya tuloy napigilan ang pagkabugnot dahil walang nakarating na balita sa kanya na umalis na pala ang mga ito sa tinutuluyan.
"Ay naku sir. Nahuli na ho kayo, naabutan niyo sana sila kung mas maaga-aga kayong bumisita," malungkot sa sabi ng matandang babae.
"Bakit naman ho." Pinilit na lang ni Raymond na ngitian itong muli para magmukha siyang kaswal.
Batid niyang makakakuha siya ng impormasyon mula rito, dahil na rin sa tono ng pananalita nito at kilos.
"Patay na ho si Bobby, ilang buwan na rin po ang nakakaraan." Malalim na buntong hininga na lang ng babae.
"What!" nanlalaking matang bulalas na lamang ni Raymond.
Nanlamig na lang siya bigla sa nalaman, kahit halos hindi siya makapaniwala sa nadinig, mabilis na nagbalik sa kanya ang ilang mga nabasa sa liham nito. Doon niya lang napagtanto ang nais iparating ng lalake, kaya naman nabalot siya ng kung anong konsensya at inis sa sarili.
"Nagkasakit po kasi siya ng malubha, cancer yata iyon. Kawawa nga ho iyong asawa niya, naibenta na ho lahat ng ari-arian nila para maipagamot lang siya pero talagang huli na po yata." Napapalinga na lang ang matandang babae sa panghihinayang habang sinasabi iyon.
"Alam niyo po ba kung saan lumipat iyong pamilya niya?" mabilis na tanong ni Raymond. Lalo lang siyang hindi mapakali ng mga sandaling iyon.
"Ay, oho, diyan lang ho sila lumipat sa kabilang bahay. Iyong malapit doon sa may kulay orange na gate." Turo na lang nito sa kalsada kung nasaan ang nasabing lugar.
“Thank you," paalam niya sa babae bago mabilis na naglakad paalis.
Hindi naman kalayuan ang nasabing bahay, kaya napagpasyahan niyang puntahan na iyon kaagad.
"Ay sir, wala po sila ngayon diyan." habol ng matandang babae kay Raymond.
Kunot noong napalingon na lang siya dito.
“Bakit, nasaan po ba sila?” agad na lang niyang tanong.
"Nasa hospital po si Sheryll, iyong asawa ni Bobby, naaksidente ho kasi," malungkot na pagpapaalam ng matandang babae na napayakap na lang sa walis tingting.
Napagdikit na lang ni Raymond ang kanyang mga ngipin sa pagpipigil sa kung anong sikip sa kanyang dibdib dahil sa sinambit nito. Tila nagpintig ang kanyang tenga sa mga lumabas sa bibig ng matanda, gusto niya itong sitahin dahil sa hindi nito pagpapaalam kaagad sa kanya, pero pasimpleng ikinuyom niya na lang ang palad para pakalmahin ang sarili.
Paulit-ulit niya na lang na ibinulong sa sarili ang kanyang mantra 'Calm down, calm down,' kasama pa noon ang pagsasabi niya sa sarili na wala na, wala ng pwede pang pumigil sa kanya sa pagbawi muli sa asawa. Ang kaalaman na iyon ang tila ba bigla na lang nagdulot ng kung anong tuwa sa kanyang pakiramdam, kaya naman mabilis noon nabura nag pagkairita niya ng mga sandaling iyon.
"Anong hospital ho?" sa wakas ay nasabi niya na ng mahinahon matapos ang ilang sandaling pagpipigil.
Masaya at walang pag-aalinlangan naman na sinabi ng matandang babae ang mga bagay na nais niya, kaya naman hindi niya na maitago ang malapad na ngisi habang nagsisimulang bumuo ng plano.