CHAPTER ELEVEN

938 Words
Azriel’s POV NAPAHAWAK ako sa aking ulo at napapikit. Nakita ko si Ysabel na lumapit sa isang lalaki at nakikipag-usap ito. Wala namang masama sa ginagawa ng babae bukod sa nakikipag-usap ito ngunit hindi ako mapakali lalo na at may kasama itong hindi kilalang lalaki. May hawak-hawak itong alak sa kabilang kamay at sa kaniyang kaliwang kamay ay kuyom niya ang kaniyang kamao na para bang may tinatago ito. Nag-uusap ang mga ito at mayat-maya pa ay nakita ko si Ysabel at dinilaan nito ang leeg ng lalaking kanina lang ay kausap niya. Mukhang hindi nito alam ang ginagawa. Sa kinikilos ng babae ay hindi ko mapigilan na hindi siya husgahan lalo sa paglalanding ginagawa nito. Binabastos na ito at gustong-gusto naman nito. Bigla akong napatayo sa kaniyang ginawa ngunit napahawak ulit ako sa aking ulo dahil masakit iyon. Hindi ko mapigilang hindi mainis sa babae. Masyado itong pariwara. Naisip kong kontrolin ang isipan ng babaeng ito. Kaming mga bampira ay may kakayahang mag control ng mga isipan ng mga tao. Isang sabi lang namin sa aming bibig ay kaagad kang mapapasunod nito. Kaya naisip kong kontrolin ang isip ni Ysabel baka may mangyari pa sa dalawa at ayoko namanna pagsisihan ni Ysabel lalo na at lango na ito sa alak. Oo, hindi ko naman kilala ang babae pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ba apektadong-apektado ako sa kanyang ginagaw. Naiinis na ako sa aking sarili dahil kahit anong pilit ko na hayaan na lamang ito ay hindi ko naman magawa. Kitang-kita ko rin na lasing na lasing na ang babae. Nakita kong maghahalikan na sana ang dalawa dahil nilapit na ng lalaki ang mukha nito kay Ysabel. ‘’Tumayo ka!” kaagad kong utos sa babae upang makaiwas ito sa halik ng lalaking yun. Tumayo kaagad si Ysabel na parang wala sa kaniyang sarili at nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Marahil ay hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon. Kitang-kita niyang niyaya ni Ysabel sa dance floor ang lalaki. Gusto pa nitong sumayaw kasama ang lalaking parang hindi naman nito kilala. Nakita ko kung paano ihagod ni Ysabel ang kamay niya sa kaniyang katawan. Parang akong pinagpapawisan sa kaniyang ginagawa. Ang kamay ng lalaki ay nakalagay sa kanyang beywang at kung minsan ay nilalakbay ng kamay nito ang katawan ni Ysabel. Umusok ang aking tenga dahil sa nakikita ko at hindi ko alam kung bakit. Galit ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa babaeng ito samantalang hindi ko naman siya gusto. Maliban nga lang sa mabango niyang dugo. Nadala ako sa aking galit kaya’t napatayo ako at kinontrol ko ulit ang pag-iisip ng babae ngunit sa lakas ng aking pagkontrol ay biglang humandusay sa sahig si Ysabel. Nilabas ko ang buong lakas ko upang kontrolin ang lahat at sinubukan na patigilin ang oras. Tumigil ang lahat sa pag-galaw tanging ako lamang ang nakakagalaw. Pati ang musikang umuugong at tanging nangingibabaw sa buong lugar ay huminto. Kaagad akong lumapit sa kay Ysabel. Pinagmasdan ko ang mukha ng babae. Nakaramdam ako ng awa sa babae dahil sa hindi ko pag -ingat ay nawalan siya ng malay. Dahil na rin sa siguro sa lakas ng impact ng pagkontrol ko sa kanya kung kaya siya nawalan ng malay. Nilapitan ko muna ang lalaki at hinawakan ang ulo nito upang burahin ang alaala nito tungkol sa babae para kung sakaling magkita sila ulit ay hindi siya makilala ng lalaki. Pagkatapos kong gawin iyon ay nilapitan ko ulit ang babae at hinawakan ko rin ang kaniyang ulo at hinalikan ito sa noo. Kaagad akong nagtaka sa ginawa ko. Ano ba ito? Bakit nagkukusa ang kalahati kong utak na gawin ang mga bagay na iyon? Tulad na lamang ng ginawa kong paghalik sa kaniyang noo kanina. Ano ba itong nararamdaman ko? At nakakalito na. Kaagad kong binuhat si Ysabel na walang kahirap-hirap. Kung tutuusin ay parang wala siyang bigat at para lang akong may hawak na isang basong tubig sa aking kamay. Buong lakas ang ginamit ko upang makalabas kami na para bang hangin na dumaan lang sa kanilang paningin. Agad ko siyang isinakay sa aking sasakyan. Sa likod ko siya inilagay upang makahiga siya ng maayos. Hindi ko alam kong bakit ako nagkaroon ng pakialam sa babaeng ito. Hinawakan ko ang kanyang ulo upang tingnan ang kanyang alaala kung saan siya nakatira. Agad kong nakuha ang kanyang address. Napahinto ako sa ginawa ko at pinagmasdan ko ang kanyang mukha. May mahahabang pilik mata ito, matangos na ilong at napatitig ako sa mapupula niyang labi. Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha para madama ang kanyang mga labi. Napapikit pa ako. Bigla akong natauhan at sinaway ko ang aking sarili. Napangiti na lang akong sa aking ginawa. Kinuha ko ang jacket na nasa kabilang upuan ng aking kotse upang takpan ang kanyang katawan na siya ang rason kung bakit hindi ako mapakali. Pumasok na ako sa driver seat para maihatid na ang babaeng kasama ko. Habang nagmamaneho ako ay tinitingnan ko siya pasulyap sa aking maliit na salamin ng kotse. Tulog na tulog pa rin ito. Nang makarating ako kung saan siya nakatira ay kaagad ko itong binuhat at binaba sa tapat ng kanilang pinto at kumatok. Nang makita kong bumukas na ang ilaw sa loob ng kanilang bahay ay kaagad akong umalis at nagtago sa madilim upang hindi ako makita. Pagbukas ng pinto ay isang babaeng hindi naman gaano matanda ang bumungad at nakita kaagad si Ysabel sa sahig na nakaupo. Agad naman niyang pinatayo at inalalayan papasok ng kanilang bahay. Saka lamang ako lumabas sa aking pinagtataguan at pumasok na sa aking kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD