Ysabel’s POV
NAPAHINTO ako sa pagkain ng banggitin niya ang kaniyang pangalan.
‘’You can call me Azriel when we are outside, drop the ‘’sir’’ and ‘’po,” wika niya sa akin kaya natigilan ako.
Inaalala ko pa rin kung saan ko narinig ang pangalan niya dahil pamilyar siya akin ito. At nanlaki at namilog ang aking mga mata nang aking maalala ang kaniyang pangalan. Tama! Posible bang totoo ang mga panaginip ko? Azriel ang pangalan niya sa aking panaginip at Azriel ang pagpapakila niya sa akin ngayon. Pano niya naman malalaman ang bahay ko samantalang ngayon lang naman kami nagkakilala? Hindi ko mapigilang hindi magduda sa lalaking kaharap ko. Hindi naman pwedeng coincidence lang ang lahat ng ito.
Natigil ako sa aking pag-iisip nang biglang magsalita si Azriel.
‘’Ayos ka lang ba?’’ tanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. ‘’Bakit parang namumutla ka ata? Ayos ka lang ba?’’ sunod-sunod niyang tanong sa akin.
‘’ Ahhh-ayos lang ako Azriel. May iniisip lang,’’ kaagad ko namang tugon sa kaniya.
‘’Ang lalim naman yata ng iniisip mo?’’ tanong niya ngunit tanging tango lamang sagot ko sa kaniya.
Napansin niya sigurong medyo balisa ako habang kumakain kaya paminsan-minsan ay paulit-ulit niya akong tinatanong kung ayos lang ba ako. Alam kong napapansin niya ang pananahimik ko.
‘’By the way sa darating na pagtatapos ng pasukan ay si Xyriel ang class valedictorian. Well, hindi naman maikakaila because she really proves it to us. She has been in many competitions and she nailed it all,” kwento pa nito sa akin.
‘’Ahhh maraming salamat po sa pagtiwala sa kakayahan ng kapatid ko. Nagagalak po ako bilang ate niya at isang malaking parangal po ito sa amin ang maging valedictorian siya. Worth it naman po ang pagod ko kahit hindi naman po namin siya pini-pressure na maging isa sa mga matalino sa kanyang klase,’’ sagot ko naman.
‘’Anong oras nga pala ang balik ng pasok mo?’’ bigla niyang tanong sa akin.
‘’Ahhh a-ano po, 1 pm po,’’ nauutal kong sagot sa kaniya dahil sa totoo lang ay kanina pa ako kinakabahan simula nang malaman ko ang pangalan niya.
‘’You can drop the po and opo, Ysabel. Hindi pa ako sobrang matanda at halos mag kaedad lang tayo,’’ ulit niya pa sa akin.
At nagulat ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan. Wala naman akong matandaan na nagpakilala ako sa kaniya. Ms. Torres lang ang tinatawag niya sa akin simula pa kanina kaya nagulat ako kung paano niya nalaman ang aking pangalan. Napatingin ako sa kaniya na para bang nagtataka at nakita ko rin ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.
Bigla niya akong niyayang umalis dahil baka ma-late daw ako sa trabaho ko. At nag-alok pa siyang ihahatid niya na lang ako papuntang Ortigas. Hindi na ako tumanggi at baka ma-late pa ako. Isa pa, baka mahirapan din akong makasakay.
Agad akong pumasok sa kotse niya at ganon pa rin ang set up sa loob. Awkward makipag-usap. TatanUngin ko sana siya kung paano niya nalaman ang pangalan ko kaso naisip ko na baka tinanong niya sa kapatid ko. Pero bakit nya naman ang tatanungin sa kapatid ko at ako lang itong praning at kung ano-ano ang iniisip.
“Saan ba kita ibababa?” tanong niya sakin dahil malapit na kami sa kung saan ako nagtatrabaho.
“Diyan lang sa tapat ng RBC Company,” sagot ko naman.
“Dito ka ba nagtatrabaho? Oo nga pala, naalala ko nang pumunta ako rito. Ikaw ang nakabangga ko noon sa may resto malapit hindi ba?” tanong pa sa akin ng lalaki.
“Oo, sorry nga pala dun… Hindi man lang ako nakahingi ng sorry sayo,” sagot ko.
“Okay lang ‘yun,” sagot ni Azriel sabay ngiti ng matamis. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin dahil sa mga ngiti nito. Naisip ko na naman ang na aming pinagsaluhan sa aking panaginip. “Nandito na tayo.”
Hininto niya ang kanyang kotse sa tapat ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at agad naman akong namula sa ginawa niya. Kilig na kilig na naman ang lola ninyo…
“Thank you sa foods and rides,” pagpapasalamat ko sa kanya.
“Don’t mention it. See you around, Ysabel,” sagot nito.
Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Hinintay kung pumasok na siya sa kanyang kotse at sinudan ko siya ng tingin hanggang mawala sa paningin ko. The way she called my name ays nakakatulala.
Papasok na sana ako ng aking pinagtratrabahuan nang paglingon ko ay nakita ko ang katrabaho kung si Rojene… Iba ang ngiti nito at abot tenga. Alam kong iba na naman ang iniisip ng baklang ito. Papalapit na siya sa akin at hinanda ko na ang aking sarili sa kanyang panunukso.
“Hoy Bruha ka, sino ang poging ‘yun?” tanong niya sa akin sabay hampas sa likod ko.
“Ahh yun si A-zriel hinatid lang ako,” sagot ko sa kanya. Patay na naman ako sa biro nito. Bigla akong nagsisi kung bakit pumayag pa ako na magpahatid tuloy issue na naman.
“Pati pangalan ang lakas an dating. Omg ang pogi talaga niya, ano?” bulalas niyang tili ng tili kaya napailing na lamang ako.
“Eh bakit ka niya hinatid? Ano mo siya?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Rojene.
“Haaaa? Eh te-teacher siya ng kapatid ko at nagkataon lang na dadaan siya rito kaya inalok niya lang akong su-sumabay,” Pagsisinungaling ko sa baklang kaibigan ko dahil kung sasabihin ko ang totoo ay panigurado na hindi ako nito tatantanan.
“Hmmmp!” pagtataka niyang tingin sa akin.
“Ano kaba, totoo ang mga sinabi ko no? Halika na at umakyat na tayo at baka ma-late pa tayo” yaya ko sa kanya. Napatigil ang bakla sa pagtatanong. Hindi ko lang alam kong maniniwala siya sa rason ko kasi kung ako hindi ay sigurado akong hindi ito titigil.
Pagpasok namin ni Rojene ay nakita namin sina Gretchen kasama sila Ellaine, siguradong kakagaling lang din mag lunch ng mga ito. Buti nalang talaga at hindi nila ako nakitang inihatid ni Azriel.
“You know what, guys?” ani agad ni Rojene sa mga kapibigan namin. “Itong si Ysabel may hinatid ng nakakotse at gwapong mama,” kwento agad ng bakla sa mga ito. Hindi talaga maawat ang bunganga ng baklang to. Agad naman akong hinawakan ni Ellaine.
“Magkwento ka Ysabel” wika naman ni Gretchen habang hawak-hawak ang dalawa kong braso ng mga ito. Mukhang mahabang dahilan ang kailangan kong gawin kahit na wala naman akong dapat na ipaliwanag. Masyadong OA lang talaga ang mga ito. Pinandilatan ko si Rojene. Kasalana ng baklang ito kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag. Malisyosa!
“Teka nga!” pigil ko sa mga ito. “Bibitayon niyo ba ako? Wala yun, ano ba kayo… Nagkataon lang yun,” depensa ko sa kanila habang inaalis ko ang kamay ni Ellaine sa aking mga braso.
Hanggang sa makarating kami sa loob ng amin opisina ay naging pulutan ako sa kanilang mga biro. Nahinto lang ng dumating ang aming team leader kaya nagsibalik na kami sa aming pwesto.
Napapailing na lamang ako dahil masyadong ma-issue ang mga ito. Alangan naman aminin ko sa kanila na palaging laman ng aking mga panaginip si Azriel? Inilabas ko ang aking mga gamit at inilagay sa aking mesa at umupo para simulan ang trabaho.
“Good afternoon maam/sir this is RBC company, how may I help you? Thank you for trusting our company, we glad to assist you.”
Buong araw ay wala akong ginagawa kundi ang ayusin ang problema ng mga credit card holder na palaging may reklamo sa buhay. Kung minsan ay namumura pa ako ng walang kalaban-laban. Sa wakas ay natapos na rin ang shift ko. Mauubusan ako ng English, nakaka-nosebleed ang mga customer ko ngayon. Nauubos ang pasensya ko sa kanila. Kung mayaman lang talaga ako ay hindi ako magpapamura sa mga banyagang maiksi ang pasensya kahit na ang simple-simple lamang ng problema.
PAGKAUWI ko ng bahay ay naabutan ko si Xyriel sa sala na gumagawa ng kanyang words of gratitude. Agad niya naman akong nakita at binati ako. Nilapag ko ang bag ko sa mesa at ibinagsak ang katawan sa sofa na hindi kalakihan. Agad na pumasok sa isip ko ang teacher nila Xyriel kaya tinanong ko ito.
“Xyriel,” tawag ko sa kanya.
“Bakit po ate?” tanong sa aking ng kapatid ko.
“About pala sa meeting kani-na,” napapamot ako sa ulo ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at baka tuksuhin pa ako nito. Gusto kong hindi ito makalahata sa aking itatanong.
“Ano ate?” tanong niya sa akin.
“Ta----laga bang Azriel a-ang pangalan nng teacher mo?” nauutal kong tanong.
“Oo ate bakit? Siguro type mo ang teacher ko no?” binalingan niya ako ng matalas na tingin.
“Ha? Anong type ka diyan?” bulalas ko. “Nagtatanong lang po ako!” irap ko.
“Bakit natutulala ka sa kanya kanina sa meeting?”
“Natutulala? Puyat kaya ako. Isa pa hindi naman interesting ang topic. Sayang ang oras ko. Bakit hindi mo pala sinabi sa akin na lalaki pala teacher mo?”
“Di nga? Na-love at first ka nga yata sa kanya. Well, hindi naman kita masisisi Ate dahil talagang gwapo si Sir. Isa pa ate dapat po bang sabihin kung lalaki o babae ang teacher ko?” tanong pa nito.
“Sana man lang sinabi mo diba?”
“Baka naman ate ang gusto mong sabihin sa akin ay kung bakit hindi ko sinabing gwapo ang teacher ko?” tanong pa nitong binibiro ako. Ang sarap talaga nitong kutusan… Bully talaga ito.
“Gwapo na ba yun sayo?” tanong ko pa. Nanlaki ang mga mata ni Xyriel dahil sa sagot ko.
“Natawa nga ako ate ng tinawag ka niya tapos nauutal ka. Halatang namumula ka kaya kanina,” saad ni Xyriel habang tawa nang tawa.
“Tsk! Anong namumula, hindi no!” pagdedeny ko sa kapatid ko. “Pero teka, sinabi mo ba ang pangalan ko sa teacher mo?” dagdag ko pang tanong.
“Ha? Bakit ko naman sasabihin ate? Hindi niya naman ako tinanong. Bakit? Ano bang nangyari nang iniwan kita kanina? Nasolo mo si Sir ha?” biro pa nito.
Namula ang mukha ko sa sinabi niya.
“Mabuti naman at iniwan mo ko kanina,” pabulong kong sabi.
“Ano yun ate?”
“Ha? Wala…Umalis lang naman ako after namin linisin ang buong silid ninyo. Nakakainis nga ang teacher mo dahil sa dinami-dami ba naman umattend ng meeting ay ako pa ang pinatulong maglinis? Ang kapal niya! Masyado akong maganda para maglinis no?” reklamo ko kunwari...
“Ang ibig sabihin non ate ay type ka ng teacher ko!” sagot pa ni Xyriel na kinikilig. Bigla rin akong kinilig sa kanyang sinabi.
“Ano ba ang pinag-uusapan niyong magkapatid? Hali na kayo at maghahapunan na tayo,” singit ni Nanay.
“Eh kasi itong si ate kanina sa meeting, nakita lang ang teacher kong pogi nautal na,” pagbibiro parin sakin ni Xyriel.
“Totoo ba yan Ysay? Gwapo ba talaga Xyriel? Mabuti naman at ikaw ang pumunta kanina,” biro rin sa akin ni nanay.
“Isa ka pa Nay, wag ka ngang maniwala diyan kay Xyriel” depensa ko.
“Nay, kahit kailan po ay hindi ako nag sinungaling sa inyo. Totoo pong gwapo ang teacher ko at nauutal si ate kanina,” dagdag pa ni Xyriel.
“Ganoon ba? Ano pang hinihintay mo? Ilakad mo na ng Ate Ysay mo diyan sa teacher mo at baka siya na ang lalaki para sa kapatid mo,” dagdag pa ni nanay kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Tigilan niyo nga ako. Hindi naman halata na gagad kayo na magkaasawa ako no?”
“Kailan pa ba? Kapag sarado na yang bahay bata mo?” sagot pa ni Nanay.
Nakakapressure naman ang mga sinasabi ni Nanay.
“Kumain na lang tayo. Pinaghihintay ninyo ang grasya,” pikon kong wika.
Nagtawanan pa rin ang dalawa at ako naman ito ay pikon na pikon. Masarap naman maging single, iyon nga lang ay malungkot din siya. Lalo na sa gabi, wala kang kayakap. Napailing na lamang ako. Nagmumukha na nga akong gagad sa lalaki kapag nakakakita ako ng gwapo.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong umakyat papuntang silid ko para magpahinga. Habang nasa kama na ako ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Xyriel. Hindi niya naman daw ibinigay ang pangalan ko pero bakit alam ni Azriel ang pangalan ko? Totoo kaya ang paniginip ko? Kung totoo anong panganib ang kahaharapin ko? Wala naman akong kaaway at paano niya ako proprotektahan? Hanggang sa nakatulog na lang ako ay punong-puno ako ng pag-iisip tungkol sa lalaki.