CHAPTER TEN

1250 Words
Jacob’s POV NAGTATAKA ako kung bakit kakaiba ang mga kinikilos ng kapatid kong si Gretchen simula noong sinama ko siya sa aking bar. Gulat na gulat ako ng nalaman kong magtatrabaho siya bilang Call center agent. Mas lalo pa akong nagtaka ng sabihin niya na na gusto niyang magsarili ng tirahan. May nararamdaman akong kakaiba dahil ever since ay hindi siya umaalis sa tabi ng parents namin kahit ilang taon na siya at wala siyang pakialam sa mga mortal. Something fishy talaga. Hinayaan ko muna siya hanggang sa lumipat na siya ng condo at nagsimula ng magtrabaho bilang call center agent. Bigla akong nakatanggap ng text mula sa kanya about reservation sa bar ko dahil may gaganapin daw silang bridal shower at stag party sa linggo. Since siya raw ang organizer ay siya ang pumili ng venue at pumayag naman ako. Maliit na bagay lang naman kasi ang gusto niya. Lumipas ang mga araw ay wala na akong natanggap na mga tawag mula sa kapatid ko at nakakapanibago talaga dahil kahit nasa bahay lang siya noon ay araw-araw niyang akong kinukulit. Ang mga magulang namin kahit nasa bar lang naman ako ay nasa mansion naman sila. Malaking bagay ang pagiging bampira namin dahil nakukuha namin ang lahat ng aming gusto sa isang pitik lamang ng aming kamay. Araw ng event nila mamayang gabi kaya nagpasya ako na dalawin siya sa kanyang condominium. Hindi na ako tumawag o nagtext man lang dahil gusto ko siyang sorpresahin. Hapon na akong nakarating sa kanyang condo dahil may inasikaso muna ako sa aking bar para sa event mamaya. Hinanap ko ang room 35 kung saan ito nananatili at kaagad akong kumatok. Nagulat pa ito ng makita ako sa pinto nito. “Oh, Kuya! What are doing here?” gulat na gulat na tanong sa kanya ni Gretchen. “Oh, I’m your brother so anytime pwede kitang dalawin. Wait----- do you expect someone?” tiningnan ko siya ng matatalas na tingin. Overprotective ako kay Gretchen at alam nito yun. “Of course not, come in!” yaya niya sa akin na niluwagan ang pinto upang papasukin ako. “Siguro may lalaki ka ng inuuwi rito kaya nagpasya kang mag sarili, ano?” pabiro kong tanong. “Of course not! Wala akong interest sa mga guys,” depensa nito. “Hmmmp, I smell something fishy little sister,” dagdag ko pa. “Wala nga kuya, seryoso,” sagot pa ng kapatid. “So, anong purpose mo bakit ka lumipat ng bahay at nagtrabaho bigla and the worst is a call center agent? I don’t believe you,” wika ko sa kanya. “What’s wrong with a call center agent? Masaya ako sa trabaho at walang rason dahil gusto ko lang mag-explore. New friends---new life!” depensa niya sa akin pero hindi pa rin ako panatag dahil kilala ko siya pag nagsisinungaling. “You want coffee?” tanong niya sa akin. Tango lang ang tanging sagot ko. Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ay puro kalokohan at pang-aasar ang ginagawa ko sa kanya. Hihigop na sana ako ng kape ng natapunan ako sa damit. “Oh s**t!” bulalas ko. Tinawanan lang ako ng kapatid ko kaya agad kong hinubad ang damit ko dahil basang-basa iyon. “Wait---- I have extra tshirt here,” wika nito pero tinatawanan pa rin ako ng bruha kong kapatid. Tuwang-tuwa pa ito na mabanlian ako. Habang naghahanap si Gretchen ng damit ko sa kanyang aparador ay biglang may kumatok. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. “Huli ka balbon! Deny pa little sister!” sa loob-loob ko. Pagbukas ko ng pinto ay isang babae ang tumambad sa akin. Isang magandang babae na mahaba ang buhok, maputi, balingkinitan ang katawan at higit sa lahat ay may kakaibang amoy ang kanyang dugo kaya nagtaka ako. Parang alam ko na kung bakit nagtrabaho at lumipat ang kapatid ko. Ang babae ay gulat na gulat habang nakatingin sa katawan ko. Doon ko lang naalala na wala pala akong damit. Nakaramdam ako ng hiya kaya napaatras ako. Paglabas ni Gretchen ay dala-dala ang damit at na itinapon sa akin. Mabilis akong nagdamit. Tinataboy na ako ng kapatid ko kaya nagpaalam na ako sa kanya at habang nagpapaalam ako ay pinandilatan ko siya ng tingin at nakuha niya rin ang ibig kong ipinapahiwatig. Nakangiti rin akong nagpaalam sa babae sabay kinindatan ito. Napansin ko pa ang pamumula ng kanyang mukha. Habang nasa sasakyan ako ay nagtataka ako tungkol sa bababeng kaibigan ni Gretchen. “Bakit mabango ang kanyang dugo? Siya ang babaeng matagal na naming hinintay upang mapalakas ang angkan namin. Ang kanyang dugo ang tutulong sa amin para maging isang pinakamalakas at makapangyarihang bampira katulad ng mga Alpha Vampire. Magandang balita ito sa amin. Pero masyadong maganda ang babae yun para maging alay namin. Bakit sa dinami-dami ng babae ay bakit siya pa? Masyado siyang maganda. Uuwi na sana ako ng bahay nang naisipan ko na pupunta pala sina Gretchen sa aking bar mamayang gabi. Hihintayin ko doon si Gretchen at kakausapin ko siya tungkol sa babaeng kaibigan nito. Kaagad kong pinatakbo ang aking sasakyan papunta sa aking bar. Gabi na nang makarating sina Gretchen. Agad kong natanaw ang aking kapatid kasunod ang babaeng gustong-gusto ko makilala. Napakaganda niya sa kanyang suot na mas lalong nahubog ang kanyang katawan. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang damit. She was f*****g hot! Kahit sinong lalaki ay maaakit sa kaniyang ganda. Iba ang dating nang babaeng ‘to. I like her. Agad naman akong nakita ni Gretchen at sinenyasan ko siya na mag-uusap kami. Kaagad naman niyang nakuha ang pagsenyas ko. Nagpaalam ito sa kanyang mga kasama. Pumunta ako sa aking office at doon ko siya kinausap. “Who’s that girl?” tanong ko sa kapatid ko. “Her name is Ysabel…Alam ko ng alam mo na rin kung bakit ko siya kinakaibigan.” “Bakit hindi mo sinabi sa akin,” tanong ko. “Sasabihin ko sana sa inyo pag nakuha ko na siya at may plano na ako,” paliwanag niya sa akin. “Do you need my help?” tanong ko sa kanya. “No kuya, kaya ko ito at malapit na kami sa isat isa kaya madali nalang na makuha siya. Ngayon pa na kuhang-kuha ko na ang loob niya… Anyway, do you like her? The way you look at her alam kong gusto mo siya. Pagpasok pa lang namin kanina ay nakita na kitang nakatingin sa kanya-----tinitingnan mo siya from head to toe. Sabagay hindinaman ako magtatakang na magustuhan mo siya dahil talagang maganda siya,” wika pa ng kanyang kapatid. “I like her… Iba ang dating niya at hindi lang ang kanyang dugo ang nakakakaakit, even her beauty…I want her,” sagot ko sa aking kapatid “Sorry bro----isantabi mo nalang ang love na ‘yan dahil kailangan natin siya,” wika pa sa kanya ni Gretchen. Bumalik na ang aking kapatid sa kanyang mga kasama. Gusto kong mapalapit sa baabeng yun. Nasa second floor ako habang pinagmamasdan ang dalagang gusto kong makita. Tanaw na tanaw ko siya mula sa hallway. Napansin ko kaagad na maraming lalaki ang nag-aaligid aligid sa kanya. Hindi mo rin masisisi ang mga ito dahil sa taglay niyang kagandahan na talagang maaakit ka. Habang pinagmamasdan ko siya sa malayo may biglang tinawag ako ng isa kong empleyado. Kinausap niya ako at pagbalik ko ay hindi ko na mahanap ang babae. Hinanap ko siya pero hindi ko na makita pa. Nakita ko rin si Gretchen na hinahanap siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD