CHAPTER ONE
Ysabel’s pov
Napabuntong-hininga na lang ako ng ako'y magising. Kakagising ko pa lang ay nararamdamam ko na kaagad ang pagod sa araw na ito. Iniisip ko pa lang kong paano na naman ako mabuhay at ang pamilya ko ay nawawalan na ako ng pag-asa. Nakakapanghina peor kailangan lumaban. Bakit po kasi kailangan pa maghanap ng trabaho at mapagod? Dumagdag pa sa problema ko itong mga kapitbahay naminpanay ang tanong kung kailan daw ako mag aasawa? Hindi ko naman tinatanong kung kailan sila mamamatay. Bakit pag nag-asawa na ba ako sila ang magpapalamon sa pamilya ko? Hay naku! Wala ng magawa sa buhay kundi puro chismis. Hindi na nga namin kailangan ng CCTV dahil ang mata palang ng mga kabitbahay ko ay updated na sa lahat.
Bumangon akong nagdadabog dahil sa mga gagawin ko ngayong araw. Bibiyahe mag-isa, kakain mag-isa at uuwi ng mag-isa. Hays! Minsan gusto ko nalang talaga mag-asawa ng foreigner na mayaman para may isang hampas lupa na naman ang makakaahon sa hirap.
Ipapanalangin ko sa Diyos ‘yan dahil malakas ako sa kaniya. Claim it!
Naligo na ako at dali-daling bumaba sa kwarto.
"Oh, anak kumain ka na muna bago mag trabaho, mahirap ng magkasakit ngayon araw at mahirap ng kitain ang pera,". wika ng nanay kong kakagising mo pa lang ay pera na kaagad ang problema. Lalo tuloy akong na pressure.
"Magkakape na lang po ako, nay! Mali-late na po ako sa trabaho at babibyahe pa po ako,” sagot kong nakatayo na at hawak-hawak ang tasang may kapeng hindi na gaano mainit dahil kanina pa natimpla.
Tinapos ko na lang ang pagkakape ko. Dala-dala ko pa ang tinapay hanggang sa paglabas baka abutin ako ng gutom sa biyahe. Nag-abang na ako ng jeep papuntang Ortigas. Isa kasi akong call center agent. Second year college ako ng tumigil ako sa pag-aaral dahil hindi na ako kayang pag-aralin ni nanay. Nabaon kasi kami sa utang simula ng nagkasakit ang tatay kaya’t naghanap na lang ako ng trabaho para kahit papaano ay makabawas na rin sa gastusin. Mayroon akong isang kapatid si Xyriel, graduating na siya sa Senior High ngayon at kahit papaano ay desidido talaga siyang makapagtapos ng pag-aaral.
Naiinip akong maghintay kaya't sumakay na lang ako ng tricycle papuntang highway upang doon maghanap ng jeep. Marami-rami rin ang tao ngayon at medyo mabagal ang usad ng traffic, tiyak whole day bad mood ang lola niyo.
Pagkatigil na pagkatigil ng jeep ay kaagad akong nakipagsiksikan para makasakay na. Haggard na tuloy ako hindi pa man nakakarating sa opisina. Sa ilang taon kong pagsakay ng jeep ay maaamoy mo talaga ang asim ng mga pasahero pero ngayon ay kakaiba. Bakit parang amoy isang gwapong lalake? Sinundan ko ang matipunong amoy at nagulat pa ako sa tumambad sa harapan ko. Tutop ko ang aking bibig. Lihim na kinilig ang lola niyo…
"Oh, my Godness Gracious. Biyaya ito!” wika ko sa isipan ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang gwapo ng kaharap ko. Maputi siya na parang hindi nasisikatan ng araw. may matangos na ilong, makapal na kilay at mahahabang pilik mata. May mapululang labi at ang suot nitong polo na sleeve ay nakatupi hanggang siko at nakabukas ang dalawang butones sa dibdib at may kulay asul na mata parang mahahalintulad ko siya sa isang actor sa twilight.
“OMG! Eto na ba yun? Makakapag asawa na ba ako? Ikaw naba si Edward Cullen ko? Kagatin mo ako ngayon na! Kainin mo na ako! Ready na ako, please.
Ako na ba si Bella Swan? Ang ganda ko naman kung ganon.
Napabatok ako sa ulo ko ng mapagtanto kung nakanganga at tulala ako sa lalaking kaharap ko, parang bigla akong nagkaroon ng ganang mabuhay. Agad akong nakaisip ng kalokohan nang nalaman kong hindi ko pala suot ang ID ko. Dali-dali kong kinuha ang aking ID mula sa aking bag. Itinaas ko ang aking kamay sa may hawakan ng jeep.
“Sana makita niya yung name ko,” dasal ko pa. Nakafull name pa naman ako sa social media account ko. Nakita kong sumusulyap paminsan-minsan ang gwapong lalaki sa harap ko. Naisip ko na baka nagagandahan sa akin kaya tinodo ko na nag pagpapacute ko. Sumakto pa talagang ang tugtog ni kuya Driver ay Jeepney ni Yeng Constantino.
Parang nakikiayon ang tadhana sa akin ngayon. Makakapag-asawa na ako nito.
"Manong Driver ‘wag mo ng ibalik ang sukli ko,” mabait kong wika kay Manong. Sinasabayan ko ang tugtog ni Manong Driver. Relate tuloy ako na ayaw ko nang bumaba at gusto kong iuwi ang gwapong lalaki sa harap ko. Napabusangot ako ng biglang pumara ang gwapong nasa harapan ko. Gusto ko siyang pigilan. Na-love at first sight na nga yata ako.
"Para po!" wika ng gwapong lalaki.
“At may accent pa talaga siya. OMG baka siya talaga si Edward Cullen at ako naman si Bella Swan na nareincarnate lang dito sa pinas.”
At ang expensive niyang pakinggang pumara-----nakakalaglag panty.
Hinatid ko na lamang siya ng tanaw. Bumaba siya sa isang unibersidad. Hiling ko na sana ay magkita pa kita. Binuo ng lalaking yun ang aking araw.