Ysabel’s pov
NAPABALIKWAS ako nang makarinig ako ng katok sa aking pintuan. Nagulat ako sa aking panaginip. Tutop ko ang aking dibdib.
“Diyos ko po! Bakit naman ako mananaginip ng ganoon? Bakit hanggang sa panaginip ko ay sinusundan niya pa rin ako? Erase! Erase! Panaginip lang iyon, tama----- panaginip lang iyon at ang panaginip ay hindi totoo! Pero bakit parang totoo talaga subalit wala akong matandaan sa sunod kong ginawa? At saka paano ako nakarating dito sa kwarto?”
Hinawakan ko ang aking labi. Bakit parang ramdam ko pa rin ang labi niya? Totoo kaya ‘yun? Naguguluhan ako dahil may mga bagay na nangyayari sa akin na hindi ko maintindihan. Marami akong tanong na hindi ko naman masagot-sagot.
Nagulat ako nang biglang sumigaw si mama at malakas na kumatok. Kaya bumangon na ako at pinagbuksan siya ng pinto at baka gibain pa nito ang pinto nng maliit kong silid.
‘’Lumabas ka ba kagabi, Ysay?’’ tanong sa akin ni
‘’Naiwang nakabukas ang pinto kagabi. Pagkagising ko pa lang ay pintuang nakabukas agad ang bumungad sa akin. Paano ngayon kung may magnanakaw? Ehh di nanakawan tayo ngayon?’’ sermon ng nanay ko kaya napangiwi ako. ‘’Sa susunod ay mag-iingat kayo lalo pa at pawang mga babae tayo rito sa bahay!’’
“Hindi naman po ako bumaba,” sagot ko. Hindi ko naman maamin na nananaginip ako at may nakitang tao at nauwi sa halikan. Tiyak na mababatukan lang ako.
“Kung ganun sino sa ating tatlo ang nagbukas ng pinto?” bulalas pa ni Nanay si akin.
“May nawala po bang gamit?” tanong ko pa.
“Mabuti na lang at wala silang makuha dito sa bahay,” ani pa nito. “Magnanakaw na lang ay sa barong-barong pa… Gagong magnanakaw yun! Sige na, bumaba ka na rin at ng makapag-almusal,” mahabang litanya ni nanay at saka tuluyang nawala sa harap ko at bumaba.
Naiwan akong nakatulala sa aking pintuan dahil sa mga sinabi ni nanay. Hindi ko mapigilang hindi kausapin ang akong sarili.
“Iniwan ko raw na nakabukas ang pintuan kagabi? Lumabas daw ako kagabi? Kung ganoon ibig sabihin ay totoo nga ang panaginip ko. Wait what? Ibig sabihin hindi nga panaginip ang mga nangyari kagabi? Hindi panaginip na hinalikan ako ni ------anong pangalan non? Si Azriel! Totoo nga… Hinalikan niya ako!”
Bumaba ako at dumeretso na sa mesa. Handa na ang almusal at ang aking kape dahil may pasok ako ngayon. Kaharap ko ay si Nanay at katabi ko naman ay ang kapatid kong si Xyriel. Nauna pa akong magising kaysa alarm clock ko dahil nagising ako dahil sa sermon ni nanay. Nasanay na ako na sermon ang almusal ko.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang mag-isip. Narinig ko si Azriel na tinawag niya ako sa pangalan ko. At hindi ko rin alam kung saan niya nalaman ‘yon. Possible bang stalker ko siya? Ang poging lalaki ay stalker---- sabagay maganda rin naman ako at saka balingkinitan rin ako at maputi kaya hindi imposible ang magkaroon ako nang stalker ano!
Natigilan ako nang maalala ko ang sinabi niya sa akin. a kapahamakan daw ako.
Naisip ko tuloy kung may iba pa ba akong stalker at balak akong gahasain pagkatapos ay papatayin? Huwag naman sana at gusto ko pang makitang makapagtapos ang kapatid ko. At saka wala pa akong asawa hindi pa ako pwedeng mabura sa mundo!
‘’Ahhhhhhh! Hindi ko pa kaya, ‘wag niyo po muna akong kunin ngayon!’’ bigla kong sigaw.
Natauhan lamang ako nang sabay akong binatukan nang kapatid ko at ni nanay.
‘’Aray ko naman Nay! Makabatok naman kayo parang hindi ninyo ako anak!’’ reklamo ko dahil ang sakit ng pagkakabatok nila sa akin. Si Xyriel ay pinandilatan ko.
‘’Ano bang nangyayari sayo? Akala namin ay nasisiraan ka na ng bait!’’ sagot ni Nanay sabay tawa at nakitawa rin si Xyriel. Magnanay nga ang mga ito.
“Masakit kaya,” ngiwi ko pa.
‘’At saka ate akala ko tulog ka pa dahil nananaginip ka pa yata,’’ sabat naman ng kapatid ko.
“Tsk! Biniro ko lang naman kayo!” irap ko pang himas-himas ang ulo.
‘’Iligo mo na yan at ng mahimasmasan ka dahil mukha kang may tililing na bigla-bigla na lang ay sumisigaw,”’ pabirong wika ni Nanay at saka bumungisngis ulit sila ng kapatid ko. “Wala tayong lahing baliw okay?”
Nakabusangot akong kumain at pagkatapos ay naligo na ako. Nakakayamot naman ‘tong si nanay. Wala sa hulog kong mang-asar kung hindi ko kaya siya bigyan ng pera?
Pagkatapos kung magbihis ay dumeretso na agad ako sa baba at nadatnan ko si nanay na nagtetelebabad. Agad akong nag-abot ng pera para sa bayarin ng mga bills namin.
‘’Pambayad po sa bills, Nay. Ang matitira po ay allowance niyo rito sa bahay,” wika ko pa.
‘’Sige, anak. Salamat. Huwag kang magpapalipas ng kain at mukhang malapit-lapit na,” tumatawa pa nitong wika sakin.
Napataas ang aking kilay.
‘’Mauuna na rin ako,” paalam ko.
“Mag -ingat ka sa trabaho at maghanap ka na rin ng nobyo mo. Mukhang nagkakaubusan na ngayon,” biro pa nito sa akin.
Alam kong hindi titigil si Nanay hangga’t hindi ako napipikon. Hindi nalang ako sumagot sa kanyang sinabi. Lalabas na sana ako nang biglang tinawag ako ni Xyriel.
“Ateeee, wait!!!” tawag nito kaya napalingon ako sa kanya.
“Bakit?” sagot ko sa kanya.
“Nakalimutan kong sabihin sayo kahapon na meron pala kaming meeting sa school about graduation raw,” ani pa nito.
“Ano bang oras? Bakit kailangan ako pa ang pumunta sayo? Si nanay nalang dahil may pasok ako,” tanggi ko.
“Ysay may lakad rin ako at magbabayad ako ng bills kaya ikaw muna at pumunta. Magpaalam ka muna sa team leader ninyo. Hindi naman matagal yang meeting na yan,” singit ni Nanay kaya napangiti ako.
“Nay hindi po ako ang may-ari ng kumpanya na pwedeng umalis anumang oras ko man na gustuhin ko,” sagot ko pa.
“Mabilis lang naman ate,” hirit pa ni Xyriel sa akin.
“Oo nga naman. Isa pa ikaw ang gusto kasama ng kapatid mo dahil hindi ko naman maintindihan ang pag-uusapan sa meeting,” ani pa ni Nanay.
“May magagawa ba ako?” tanong kong pumayag na rin
Pagdating ko ng trabaho ay kaagad akong sinalubong ni Gretchen. Hindi na ako magtataka dahil talaga namang inaabangan ako lagi nito upang sabay kaming papasok. Sinalubong Ako ng ngiti ni Gretchen at agad ko naman itong pinalitan ng ngiti pabalik. Tumungo na ako sa aking pwesto para simulan ang pagtatrabaho dahil maaga akong magpaaalam mamaya dahil may hahabuling akong meeting. Nagpaalam na rin ako sa aming team leader. Habang tra-trabaho kami ay lumapit sa akin si Gretchen.
“Ysabel, sabay tayong mag-lunch mamaya ah?” yaya niya sakin.
“Sorry Gretch, maaaga akong uuwi mamaya dahil may pupuntahan akong meeting,” pagtanggi ko.
“Ganon ba? Sige, mag-iingat ka,” malungkot na sagot ni Gretchen at bumalik na sa kanyang pwesto.
“Next time,” ani ko pa sa kanya na ngumiti.
Pagtingin ko sa aking pambisig na orasas ay pasado na alas diyes na kaya nagmamadali na niligpit ko ang mga gamit ko at agad akong nagpaalam sa mga katrabaho ko. Kailangan kong habulin ang meeting ng kapatid ko.
Fifteen minutes na akong nakarating sa paaralan nila Xyriel. Agad ko siyang tinext na nandito na ako. Inikot-ikot ko ang tingin ko sa kanilang paaralan. Napakaganda, nakakatuwang pagmasdan ang mga batang nag-aaral. Siguro kung hindi lang namatay si Tatay ay graduate na sana ako sa college pero wala, maagang kinuha si Tatay sa amin kaya napilitan akong huminto at magtrabaho para maipagpatuloy ni Xyriel ang pag-aaral nito. Kailangan namin magtulungan para sa araw-araw naming gastusin.
Natigilan ako nang biglang sumingit sa isip ko ang lalaking nakasabay ko sa jeep at nakita ko sa aking panaginip. Dito siya nagpababa at pumasok sa eskwelahang ito. Possible kayang estudyante siya rito or professor? Masyado kasi siyang bata para maging professor agad.
Agad kong inikot ang paningin ko baka sakaling makita ko siya perro ang nakita ko ay si Xyriel na kumakaway sa akin. Abot tainga ang ngiti.
“Ateeeee!” tawag niya sa akin.
“Ang lakas ng boses mo hinaan mo nga,” saway ko sa kanya.
“Okay lang ‘yan ate, halika na at kanina pa sila nag-simula. Akala ko nga hindi ka na darating,” ani pa ni Xyriel sa akin. Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ng aking kapatid.
Agad naman akong hinila ng kapatid ko papunta sa kanyang silid.
Pagpasok ko ay bigla akong napahinto. Gulat na gulat ako.
“Tama ba ang nakikita ko?”
Sobrang hiya ko pa kasi biglang sumigaw si Xyriel na nandito na daw ang ate niya kaya napatingin sa akin ang ibang parents pati na rin ang kanyang teacher. Parang gusto ko ng umalis sa kinatatayuan ko at tumakbo ng mabilis para makaalis sa paaralan na ito. Ang teacher ni Xyriel ay ang lalaking nakasabay ko sa jeep at ang lalaking bumisita sa mga panagip ko. Bumalik ako sa sarili ko ng tapikin ako ng kapatid ko.
“Ate, maupo ka’na,” utos sa akin ng kapatid ko.
Agad akong umupo at yumuko dahil sa hiya. Nakinig ako sa sinasabi ng professor nila. Binasa ko ang mga nakasulat sa whiteboard at binaling ang tingin kong saan-saan dahil umiiwas ako sa tingin sa lalaking nagpapagulo sa aking panaginip. Tuwing tumitingin ako sa kanya ay palaging tumatama ang mga mata namin. Para akong nakukuryente na hindi ko maintintindihan. Dagdagan pa ng puso ko na kulang na lang ay lumabas sa lakas ng t***k. Hindi ko maintindihan kong matatae ako o ano… Sobrang gwapo niya. Kasalanan talaga ito ni Xyriel. Hindi man lang nito nabanggit na sobrang gwapo ng guro nito. Kung siya talaga ang magiging teacher ko ay naku------hindi talaga ako mali—late at sigurado na palagi akong maganda sa kanyang mga mata. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Nahimasmasan lamang ako ng tapikin ako ni Xyriel. Palagi nalang yata akong lutang dahil sa guro ng aking kapatid.
“Atee, tawag ka ng teacher namin, tinatanong ka,” wika sa akin ni Xyriel.
“H-------a? Ako?” tanong kong nauutal.
“Yes Miss Torres. She is your sister, right?” Tanong sa akin ng poging guro.
Agad naman akong tumayo para sumagot.
“Y----es, po,” nauutal kong sagot.
“Kalma lang girl, wag mong masyadong ipahalata na na tensyonado ka!” saway ko sa aking sarili.
“What is your opinion about this matter Ms. Torres, as a guardian of the valedictorian? Baka meron kang suggestion about this matter?” tanong niya sa akin.
Parang nanginig bigla ang dalawa kong tuhod.
“God! Grabe naman makaenglish si kuya mas lalo tuloy ako naiinlove. Mahal na kita!”
“Ms. Torres?” untag pa nito sa akin.
“Ahhhhm wala naman akong masasabi since all of the parents here are agree, there’s no issue,” proud kong sagot sa kanya na nangangatog.
Oh, ang lola niyo nag- english din. Akala niyo hindi ako marunong? Call center agent kaya ito at international ang mga client namin at natural din na marunong akong mag english.
Sa wakas ay natapos na rin ang meeting at halos hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan. Magpapaalam sana ako nang bigla akong tinawag ng teacher ni Xyriel.
Muli na naman akong nataranta. Boses niya pa lang ay nanghihina na ako.
Agad akong lumingon. Lumapit siya sa kinaroonan ko at nararamdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang papalapit siya.
“Miss Torres, pwede mo ba akong tulungan para mag-ayos dito sa classroom since ikaw lang din ang medyo bata sa ibang parents, maari ba?” wika pa nito sa akin.
Agad naman akong namula dahil pati tuno ng kanyang boses ay sobrang gwapo rin. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Kung bakit ba kasi sa dami naman namin ay ako pa ang naisip nitong tumulong. Sabagay ako lang daw ang medyo bata sa amin.
“Of course, si-r okay lang po,” kaagad kong sagot sa kanya.
Nagulat pa ako ng agad niya akong binigyan ng walis.
“At ginawa pa akong katulong!”
Napansin kong pangiti-ngiti pa ang lalaki... Hindi ko alam kung ako ba ang pinagtatawan o ang sarili nito. Kaagad kong sinimulan ang pagwawalis. Pinauna ko ng pauwiin si Xyriel dahil babalik pa ako mamaya sa trabaho ko. Kami lang dalawa ng poging ito sa loob ng classroom at inaatake na talaga ako ng kaba dahil sa presensya niya. Pigil na pigil ko ang sarili ko. Hindi ko rin magawang kausapin siya dahil sa tensyin na nadarama ko.
Nagulat pa ako nang magsalita siya.
“Ms. Torres, tapos ka’na ba diyan? It’s already lunch break. Gusto mo bang sumabay na lang sa akin mag-lunch?” yaya niya sa akin.
“Ha? Ahhhhm sure!” sagot ko. Magpapatumpik-tumpik pa ba ako kung gustong-gusto ko naman itong makasama?
“Gusto niya kaya ako? Bakit ang pormal niya sa akin ngayon samantalang dalawa lamang kami? Isa pa kagabi ay hinalikan niya ako?” tanong ko sa aking isip.
Siguro kong contest lang ang pagiging assumera, panalo na ako. Palagi na lang akong nananaginip ng gising.
Sabay kaming nagtungo sa parking lot kung saan naroon ang kanyang sasakyan.
Sasakay na sana ako sa likuran ng bigla niyang pinagbuksan ako ng pinto sa harap.
“Balak mo pa yata akong gawing driver. Dito ka na umupo sa harap,” wika ni Azriel sa akin kaya natawa ako.
“Sorry,” sagot ko.
Napangiti si Azriel sa akin. Tahimik lang ang lalaki habang nasa biyahe kami at nakatutok lang sa kalsada ang mga mata samantalang ako ay puro kalaswaan ang nasa isip. Puro larawan niyang walang saplot ang pumapasok sa akin isip. Pinagpapantansyahan ko ang lalaki.
Agad niyang pinarada ang kotse at nag desisyon kaming mag fas food na lamang para madali dahil may kanya-kanya rin kaming trabaho. Siya ang umorder ng kakainin namin samantalang ako ay naghanap ng mauupuan namin. Habang naghihintay ng order namin ay nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa amin. Mga ilang minuto pa ay tumayo ito para kunin ang kanyang inorder. Nagulat pa ako habang papalapit siya dahil marami ang kanyang inorder. “Ano ba ang akala niya sa akin matakaw?”
“Sir, pwede pong mag tanong? May hinihintay pa po ba tayo dahil sa sobrang dami ng inorder ninyo?” hindi ko na mapigilang tanong.
“Wala naman. Para sa atin ating dalawa lang ito,” wika pa ng lalaki kaya nanlaki ang mata ko. Mauubos kaya namin ang one bucket chicken at limang rice at kung ano-ano pang inorder nito.
Ang sarap pakinggan ng salitang tayong dalawa para akong mabubululan kahit na hindi pa man ako kumakain.
“Ms. Torres, please don’t call me sir. Tawagin mo nalang akong Azriel total nandito naman tayo sa labas. And by the way hindi pa pala ako nagpapakilala sayo… I’m Azriel Morgan,” wika pa ng lalaki sa akin.
Napatigil ako sa pagkain para akong nabingi sa pagsabi niya ng kanyang pangalan. Nakita niyang gulat na gulat ako at nagkatitigan kami.
“Wala ba talaga siyang balak na sabihin sa akin ang lahat? Na pinuntahan niya ako sa bahay at hinalikan niya ako? Panaginip lang ba talaga yun? Bakit parang wala siyang alam?
Ang misteryoso ng lalaki sa akin. Hindi ko maintindihan pero nahihiwagaan ako sa pagkataon ni Azriel. Bukod sa gwapo ito ay hindi ko maintindihan ang connection niya sa akin. Tila ba may nag-uugnay sa aming dalawa na hindi ko alam.