CHAPTER EIGHT

943 Words
Azriel’ POV  NASA banyo ako nang bumiglang nag ring ang cellphone ko. Agad akong lumabas para tingnan kung sino ang tumatawag at baka importante. It was Attrius “Hello, Azriel are u busy tonight?’ “No, wala akong gagawin. Why did you ask?” “Let’s hang out bro. I’ll text you the address. See u,’’ wika ni Attrius sabay patay ng tawag. May sasabihin pa sana ako na hindi ako makakapunta pero pinatay agad ang tawag. Ang loko alam niya talagang marami pa akong rason kaya pinatay agad ang tawag. Pano ba ito? Mukhang walang atrasan ang imbitasyon nito. Ilang sandali pa ay pinadala niya na ang address. “At BGC Prime Bar 7:00 pm,” text sakin ni Attrius. Agad naman akong tumalima at pumunta sa aking closet para maghanap ng pwedeng maisuot. Polong navy blue at maong na pants ang nagustuhan ng mga mata kong suotin, tenernohan ko iyonng relos na seiko. Agad akong bumihis dahil 5:40 na---- mag-iisang oras din ang layo ng bar na yun sa aking bahay kaya agad akong umalis ng maaga para makaiwas sa traffic. It was 7:40 nang nakarating sa bar na tinutukoy ni Attrius dahil sobrang traffic. Agad akong pumasok para hanapin si Attrius pero bago paman ako nakapasok ay natanaw ko na si Attrius sa malayo. Sari-saring kulay ng mga ilaw at marami nang umiinom. Pinagmamasdan ko ang mga mortal na ito habang patungo kay Attrius na may kausap na babae. Lumapit ako sa kanya saka niya ako napansin. “Hey bro, you’re here thanks bro!” wika sa akin ni Attrius habang nakayakap. “Sorry I was late dahil sobrang traffic ,” paliwanag ko. “Oh, that’s okay… Ang importante ay dumating ka pa rin. By the way this is my future wife, Ellaine, Ellaine this is Azriel my best friend,” pakilala ni Attrius sa magiging asawa nito. “Pleasure to meet you my future sister in law,” itinaas ko ang kamay ko and ask for a handshake. “At sa wakas nakilala na rin kita… Tama nga si Attrius sobrang pogi mo nga,” pabirong sabi ni Ellaine. Tinanggap niya rin ang kamay ko. “Mabuti na lang at ikakasal na ako,” dagdag pang wika ni Ellaine kaya napangiti ako. ‘’And thank you for accepting my soon to be husband’s offer to be his best man, sayang at medyo lasing na at nagkakasiyahan sila don so I wasn’t able to introduce you--- your brides’ maid.” ‘’There’s nothing to worry about, malakas sa akin ‘yang si Attrius. Hindi niya na nga hinintay ang sagot ko kung makakarating ba ako na para bang hindi ako dapat tumanggi,’’ sagot ko naman. “Are you single Azriel?” tanong pa sa akin ni Ellaine kaya napatitig ako sa kanya. “Sa ibang araw baka may oras ka I would like you to meet my friends.” “No thanks…Hindi ako mahilig sa girls,” pabirong pagtanggi ko sa kanya. “Ilan ba sila?” dagdag ko pang tanong kaya natawa si Ellaine. Maganda naman si Ellaine at nakikita ko naman na mahal nito ang aking kaibigan. “Baby naman hindi interesado si Azriel sa mga ganyan. Mabuti pa ay pumasok ka na sa room ninyo at mag-enjoy dahil pupunta na kami sa room namin ni Azriel para mag-enjoy,” Pagtataboy ni Attrius sa kanyang nobya. “No girls!” bilin pa ni Ellaine kaya tumango naman si Attrius. “Hali ka na bro at pumasok na tayo at mag-enjoy sa aking stag party,” yaya sa akin ni Attrius. Pagpasok namin sa silid pinakilala ako ni Attrius sa iba niyang mga kasama. Mga mababait naman kahit mga lasing. They are very approachable and they wouldn’t let me left behind. Binigyan nila ako ng alak. Kaagad ko itong tinanggap kahit hindi naman talaga ako umiinom. Isa pa nakakahiyang tumanggi sa kanila. Nakailang baso pa lamang ako ng alak ay parang nahihilo na ako kaya paminsan-minsan ay sumasayaw rin ako sa dance floor para mahimasmasan at para mawala rin ang kalasingan ko pero hindi rin ako tumatagal dahil maraming babaeng umaaligid sa akin at halos idikit na ang buong katawan nila sa akin. Mga ilang oras din akong umupo sa couch at nagpahinga habang pinagmamasdan ang mga taong sumasayaw nang biglang may kakaibang amoy na naman ang aking naamoy. Amoy na naman ng dugo. Parang dugo ng isang babae na nakasabay ko sa jeep. Kaagad kong sinundan ang amoy na ito at kaagad kong nakita ang babaeng nakasabay ko sa jeep at ang babaeng nakabangga ko sa Ortigas. Tiyak na kapahamakan ang dulot sa kaniya ang amoy ng kaniyang dugo lalo na at may kasama siyang isa ring tulad ko. Napansin ko kaagad na parang wala na ito sa kaniyang wisyo at medyo lasing na kaya hinatak ito ng kaniyang mga kaibigan papuntang dance floor. Nakita ko kong paano niya ihagod ang kaniyang katawan. s**t! She’s so hot. Damn! She’s so sexy wearing that damn dress and she’s wearing make up for pete’s sake. Sino ba ang nagpasuot sa kaniya ng ganiyang damit? Halos kita na ang buong ikod niya at sa harapan naman ay kita rin ang cleavage niya. Agad kong iwinaksi sa aking isipan ang mga naisip ko. Nakapagtaka kung bakit ako ganito kung umasta. Wala dapat akong pakialam sa kaniya dahil hindi ko naman siya kaano- ano. Ngunit hindi ko talaga alam kung bakit may responsibilidad ako sa kaniya. Gusto ko siyang protektahan at gusto ko siyang pagsabihan ngunit papaano? Maiintindihan niya kaya ang mga sasabihin ko? Maniniwala kaya siya sa kung ano nga ba ako? At maniniwala kaya siya sa kapahamakang darating sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD