CHAPTER SEVEN

1508 Words
SINULIT ko na ang pahinga ko dahil may trabaho na naman ako bukas. Alas siete pa lang ng gabi ay tila ba bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko namalayan na nakatulog kaagad ako. Naalimpungatan ako ng gising nang maramdaman ko na parang may humahagod sa aking makinis hita gayong wala naman akong ibang katabi. Hindi ko maimulat ang aking mga mata at walang lumalabas na tinig sa aking bibig at parang may nakadagan sa akin. Ang kamay na nasa aking hita ay tila ba lumalakbay patungo sa iba’t ibang parte ng aking katawan at nararamdaman kong nag iinit din ang katawan ko sa bawat haplos nito. Sa bawat paglakbay ng kamay nito sa aking katawan ay napapaimpit ako sa pag-ungol. Maya-maya pa ay may mainit na kamay akong naramdaman sa aking dibdib. Napaungol ako. Hawak nito ang dalawang bundok sa aking dibdib. Nagliliyab ang aking nararamdaman. Napahawak ako sa unan sa sarap na aking nararamdaman. Mainit ang kamay na nasa aking dibdib at patuloy nitong nilalakbay ang mga kamay sa aking uhaw na katawan. “Diyos ko po! Panaginip ba ito? Diablo ba ang gumagawa sa akin nito? Diyos man o Diablo ay parang ayaw ko munang magising. Gusto ko pang damhin ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay dinadala niya ako sa langit. Parang may kung anong pumipihit sa akin puson kaya napaliyad ako. Biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko at umihip ang malakas na hangin. Bigla akong napabalikwas sa aking higaan at hapong-hapo akong nagising. Dumako agad ang aking mata sa nakabukas kong bintana. Ang katawan ko ay parang pagod na pagod. Pakiramdam ko rin ay tuyot na tuyot ang aking lalamunan. Napasinghap na lamang ako. Agad akong tumayo at pinatay ang alarm ng cellphone ko at isinara ang aking bintana. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa alarm ko o mababadtrip. Nakalimutan kong naka-on ang alarm ko dahil twelve midnight ang aking pasok. Bumaba ako para uminom dahil tuyong tuyo ang aking lalamunan. Binuksan ko ang aming refrigerator na maliit at nagsalin ng tubig sa aking baso. Hindi pala ako kumain kaya kumukulo ang tiyan ko. Aakyat na sana ako pabalik sa kwarto nang may nakita akong anino ng isang lalaki. Malakas ang hangin sa labas kaya’t hinahawi nito ang aming kurtina. Nakatayo ito sa gilid ng aming bintana na malapit sa aming pintuan. Nakatayo lamang ito at parang estatwa na hindi gumagalaw. Nasa ikatlong palapag pa lamang ako ng hagdan nang mapansin kong may tao. Nakaramdam ako ng takot kaya bumaba ako ulit. Baka mamaya ay namalikmata lamang ako sa aking nakita at ayaw ko naman na gumawa ng scene lalo na at tulog na ang mga tao. Nagdadalawang isip ako kong titingnan ko ba ulit para matiyak ko na tao ba talaga ang nakita ko baka kasi magnanakaw ito at may dalang armas. Kung ano-ano ang iniisip ko pero sigurado akong may tao talaga. Kumuha ako ng baseball bat para kung sakali ay makakapaglaban ako kung magnanakaw ito. Bitbit ang baseball bat ay dahan dahan akong naglakad patungo sa pintuan upang buksan iyon. Kinakabahan ako dahil sino ba namang tangang tao ang tatambay diyan sa labas namin ng ganitong oras na. Hindi ko muna binuksan ang pintuan at nag-ipon muna ako ng lakas ng loob at pinakiramdaman mo muna ang mga susunod ng mangyayari. Dahan-dahan ang mga kilos ko na para bang hindi pwedeng lumikha ng tunog. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa baseball bat at buong pwersa kong binuksan ang pinto namin at nagtatakbong pinaghahampas ang lalaking nakatayo sa bintana. ‘’Magnanakaw kang hayop ka, papatayin kita!’’ pambibintang ko sa kaniya habang pinaghahampas ito ng baseball bat. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim. ‘’Kami pa talaga ang balak mong nakawan ha! Naghihirap na nga kami sa buhay! Mga salot kayo sa lipunan, bakit hindi kayo maghanap ng matinong trabaho ha?’’ Patuloy ko itong pinaghahampas at magaling itong umilag. Pinipigilan nito ang bawat hampas ko at magaling talaga itong magnanakaw na ‘to. Ngunit ang nakakapagtaka ay bakit mabango ang magnanakaw na nasa harapan. May magnanakaw bang mabango? Napatigil ako sa paghampas nang bigla akong ikinulong sa bisig nito. Ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking leeg at amoy ko ang kaniyang hininga. Infairness----hindi mabaho ang kaniyang hininga. Napakabilis gumalaw ng lalaking ito. Kanina lang ay nakakulong ako sa bisig niya at wala pang ilang segundo ay naisandal na ako nito sa pader. Ang kaniyang dalawang bisig ay nakasandal din sa bawat gilid ko na para bang wala akong takas. Madilim man ngunit sa sobrang lapit ng aming mukha sa isa’t isa ay naaninag ko ang kaniyang mga mata. Ganon na lamang ang aking pagkagulat ng makita kong kulay asul ang kaniyang mata. Isang tao lang ang alam kong may kulay asul na mata at hindi ako maaaring magkamali. Siya ang lalaki sa jeep at ang nakabangga ko sa isang resto. Pano niya nalaman na dito ako nakatira? Kilala niya ba ako? Paano? Wala akong matandaang nagkausap kami dahil ang huling kita ko sa kaniya ay noong nakabangga ko siya sa resto. ‘’Sino ka ba tala---‘’ pinutol niya ang sasabihin ko at nilagay ang kaniyang daliri sa aking bibig. ‘’Azriel is my name. and I am here to protect you, Ysabel,” napakaganda talaga ng boses niya. Parang musika sa pandinig. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong protektahan. ‘’Protect me from what?’’ naguguluhan kong tanong sa kaniya. “Enlighten me, please. Hindi nga kita kilala tapos ngayon sumugod ka rito sa bahay ng dis oras ng gabi para sabihing protektahan ako? Ginagago mo ba ako lalaki?’’ pagtataray ko rito kahit ang totoo ay gusto kong maglupasay dahil nasa harapan ito. ‘’Just do what I say, Ysabel! Mas lalo kang mapapahamak kapag hindi ka nakinig sa akin!’’ wika pa niya. ‘’Who ar—‘’ Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko dahil inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Halos isang dangkal lang ang pagitan namin sa isa’t isa at magdidikit na aming labi. ‘’ Anong kapaha—‘’ Hindi ko na naman natuloy ang aking sasabihin dahil hinalikan niya na ako sa aking labi. Labis ang aking pagkagulat sa ginawa niyang iyon dahil una sa lahat ngayon ko palang siya nakilala. Totoong may gusto ako sa kaniya. And for Pete’s sake he is too handsome to resist. At ngayong nagkadikit ang aming mga labi ay hindi ko maiwasang kiligin. Ang mga paro-paro sa aking tiyan ay tila ba nabuhay at nagsisiliparan. At lahat ng aking dugo ay parang umakyat lahat sa mukha ko. Ang lambot ng labi niya. At sayang hindi ako nakapikit nong hinalikan niya ako hindi ko tuloy na naramdaman dahil sa pagkabigla. Sana maulit. ‘’Bakit mo ba----‘’ Bigla niya akong hinalikan ulit. And this time I close my eyes to feel his lips. Ayon na naman ang mga paro-paro sa aking tiyan nagsisiliparan na naman sila. At napapadasal ako sa aking sarili dahil sa labis na kilig. Ilang minuto rin ang tagal bago siya bumitaw sa paghahalikan namin. Kung ganito rin lang naman ang uutos sa akin ay aba! Hindi na ako magdadalawang isip na sumunod dito. At tsaka ang sarap magsalita at mag-ingay. Ikaw ba naman ang halikan para manahimik lang? Parang gusto ko na lang mag-ingay nang mag ingay para ikulong niya ang aking mga labi sa kanyang labi. Saglit kaming nagkatitigan at ni isa sa amin ay walang nagsalita. He tastes so sweet and mint. Tiningnan ko siya sa kaniyang mata at bumaba ang aking titig sa kaniyang labi. His soft and smooth lips invite me to initiate a kiss. And without hesitation I pulled him into a kiss. Ang kamay ko ay inilagay ko sa kaniyang batok. Amg kaniyang kamay ay nakalagay sa aking beywang at naglalakbay ito patungo sa aking likod Our kiss was soft at first, feeling each others lip. Pero kalaunan ay nagiging mapusok ito. He sucks my lower lip as if he marks me that I am his property. At ang kamay na kanina ay nasa aking likod ay hinahagod ang aking leeg. My hand is in his shoulder squeezing it. Ang sarap niyang panggigilan. He kissed me again and I welcomed his lips with mine. He sucked my tongue and bite it. I moaned in between of our kisses. He kisses me so hard as if never been kissed for a long time. Para bang uhaw na uhaw ito sa halik at matagal bago makatikim ng halik. Bumababa ang halik niya sa aking leeg. At sa kaniiyang ginagawa ay nag-iinit ang katawan ko. Gusto kong magpatangay sa lambot ng kaniyang mga labi. I tilted my head to give him access more in my neck. Bumalik ang kaniyang halik sa aking labi. We’re panting when we stop kissing. Hinahabol namin ang hininga ng bawat isa. Nang mahimasmasan kaming pareho ay doon pa lamang kami natauhan. Maging siya ay hindi rin makapaniwala sa aming ginawa. Panagip lang ba ito? Sino siya? Bakit alam niya kung saan ako nakatira?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD