Ysabel’s pov
NAGISING ako sa katok at boses ni mama. Tinalo pa nito ang speaker sa lakas ng boses.
“Ysay, bumangon ka na at tanghali na!” sigaw pa ng Nanay ko.
Napahawak ako sa aking ulo na sumasakit. Hindi ko alam kung paano ba ako nakauli kagabi? Ano ba ang nangyari at di ko matandaan dahil sa sobrang kalasingan. Kinakabahan ako na baka nagkalat ako kagabi. Bumaba na ako mula sa aking kwarto at tinungo ang kusina para uminom ng tubig ng tubig.
“Aba, Ysay kailan ka pa natutong uminom ng sobra- sobra?” sermon sa akin ni inay. “Tinalo mo pa ang kaladkarin ah? Mabuti na lang nakauwi ka pa nang buo” dagdag pa nitong sermon.
“Nagkasiyahan lang po kami,” sagot kong napangiwi. “Sino pala ang naghatid sa akin kagabi? Wala akong matandaan eh. Napakamot ako sa ulo ko.
“Walang naghatid sayo,” sagot niya sa akin.
“Seryoso?”
“Oo nga walang naghatid sayo. Sa susunod kung iinom ka yung kaya mo lang. Para kang hindi babae!” pangaral pa sa akin.
“Kaya ko naman. Sabi mo nga nakauwi pa ako mag-isa hindi ba? Pero Nay, seryoso----- para talagang may naghatid sa akin kagabi,” giit ko pa.
“Mukha ba akong nagbibiro? Pagbukas ko ng pinto nakaupo ka na sa sahig at wala akong nakitang kasama mo. Hay naku, ewan ko sayo! Ito ang kape para mainitan yang sikmura mo. Batang ito! Mukhang hindi yata magandang impluwesya yang mga kaibigan mo. Kung may naghatid nga sayo bakit hindi man lang nagpakita sa akin? Ano yun hinayaan kang maglupasay diyan sa labasan? Kung kailan tumanda ka saka ka ng walwal!” panermon sa akin ni nanay sabay walkout at nagtungo sa likuran ng bahay para maglaba. Panay pa rin nag ngawa nito kakasermon sa akin.
Habang nagkakape iniisip ko pa rin kung paano ako nakauwi kagabi at kung sino ang naghatid sa akin. Ang naalala ko, lasing ako habang may kausap at hindi ko na alam ang mga nangyari pa. Pilit kong inaalala kung sino ang naghatid sa akin pero lalo lamang sumasakit ang ulo ko. Sigurado talaga akong may naghatid sa akin kagabi. Imposibleng makauwi pa ako sa labis na kalasingan.
Biglang tumunog ang cellphone ko at doon ako napahinto sa pag-iisip. Si Gretchen ang nagtext.
“Hey Girl. Anong nangyari sayo kagabi? Nakauwi ka ba? Bigla kang nawala ah?” wika ni Gretchen sa text.
Napaderetso ako ng upo. Hindi si Gretchen ang naghatid sa akin?
“Andito ako sa bahay. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi,” sagot ko sa kanya. “Alam mo ba ang nangyari sakin kagabi?” dagdag ko pa.
Tinawagan ko na si Gretchen dahil naguguluhan na ako.
“Hindi nga girl, hinanap nga kita kagabi. Ang pagkakatanda ko ay may kausap kang lalaki. Lumingat lang ako paglingon ko ay wala ka na. Tinanong ko pa nga yung lalaking kausap mo at ang sabi ba naman ay wala raw siyang nakausap na babae. Sabi naman ng mga kasamahana natin ay wala rin may nakapansin sayo. Nawala ka sa loob ng bar,” wika pa nito sa kabilang linya.
“Hindi ko matandaan ang nangyari sa akin kagabi,” napapangiwi kong sagot. “But anyway, thank you. Safe naman akong nakauwi,” ani ko pang nagpaalam na.
Napabuntonghininga na lamang ako. Gulong-gulo pa rin ako. Kung ginalaw ako ng lalaking nilandi ko kagabi sana masakit ang kepay ko ngayon pero ulo ang masakit sa akin. Tila bubuka iyon dala ng hang over.
Gabi pa naman ang trabaho ko kaya naligo na ako at nagpahinga na rin. Plano kong mamili dahil payday ngayon at nangako ako sa kapatid ko at kay Nanay na pagkasahod ko ay kakain kami sa medyo social na restaurant kahit na paminsan-minsan lang.
Sa BGC namin pinili kumain. Ilang buwan na rin akong di nakakapunta, Kailangan ko din ng free time sa sarili ko at makakain ng mamahalin. Wala na ngang jowa di pa mahal ang sarili.
Habang naglalakad kami sa mall ay tulala pa rin akong iniisip kung paano nga ba ako nakuwi sa amin? Basta sa mga oras na iyon ang naaninag ko ay isang lalaking nagmamaneho. Sino naman kaya siya? Possible bang ang lalaking nakausap ko kagabi? Pero paano niya malalaman kung saan ang bahay namin samantalang kakakilala pa lang namin noong gabing ‘yon at ang sabi ni Gretchen nang tinanong niya ang lalaking kausap ko at wala naman daw siyang nakausap na babae kagabi. Ilang beses akong umiling
“Erase! Erase! Erase! Dapat mag-enjoy ako ngayon!” wika ko sa sarili ko.
Pumunta muna kami sa section ng mga damit gusto ko kasing bilhan ng bagong damit si nanay at ang aking kapatid at sympre ang sarili ko. Deserve namin ito. Pagkapili namin ng mga damit ay agad na akong pumunta sa cashier para magbayad. Pagkatapos namin ay agad nagyaya ang kapatid kong kumain dahil nagugutom na ito at hindi raw kami kumain kaninang umaga. Pumasok kami sa isang restaurant at agad na naghanap ng pwesto.
Agad akong nag-order para sa amin. Masaya kaming kumain habang nag-uusap.
Pumasok ako sa isang store at agad akong pumunta sa cashier at nagtanong kung pwede na tulungan akong pumili ng laptop. Yun kasi ang isang hiling ng kapatid ko dahil nahihirapan daw siya sa pag-aaral. Kaya naman ako muna ang magiging fairy god mother niya ngayon kaya lang second hand lang muna ang bibilhin ko dahil nag-iipon din ako para sa tuition niya dahil matatapos na rin ang semester.
“Salamat Ate,” ani pa ng kapatid ko kaya ginulo ko buhok niya.
“Second hand lang muna tayo at baka naman mag-ulam tayo ng asin,” sagot ko naman.
“Hay naku, sana nga pag-aaral ang atupagin niyan!” sabat ni Nanay.
“Dapat lang naman Nay.”
“With hight honors kaya ako,” sabat pa ni Xyriel.
Nag ikot-ikot ako para tumingin ng laptop na second hand at ang napili ko sa kaniya ang HP na kulay gray at agad namang sinabi ng saleslady ang mga detalye ukol rito. Nakuha ko iyon sa halagang 10,000 pesos. Agad ko iyong binayaran. Masakit sa bulsa pero okay lang, basta para sa pamilya ko.
Kahit second hand ang nabili namin ay hindi maitago sa mukha ni Xyriel ang saya dahil sa pangako kog laptop.
“Pinapangako ko pong pagbubutihin ko ang pag-aaral ko at ibabalik ko po ang sakripisyo ninyo ni nanay,” wika pa ni Xyriel sa akin. Niyakap niya ako sa labis na tuwa.
“Pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo Xyriel. Wala kaming ibang hangad sayo kundi ang makapagtapos ka. Hindi ka namin sinisingil, Xyriel at wala ring bayad ang pagpapaaral ko sayo. Magtapos ka lang ng pag-aaral mo para kahit wala na kami ng nanay ay hindi ka na lugi. Hindi ka na talo dahil ‘yon ang pundasyon mo at habang buhay mong mapapakinabangan,” ani ko pa.
Niyakap ko rin siya siya pabalik.
“Hay naku, halika ka’na at umuwi na tayo at nagiging madrama na tayo,” yaya ko dahil naiiyak na rin si Nanay.
Habang nasa hallway at naghahanap ng taxi. Naisipan kong tawagan si Gretchen para magpasundo para sana makalibre dahil parang naholdap na ako ngayon. Lumayo muna ako sa kapatid ko para tawagan si Gretchen. Nagtext kasi ito na malapit lang ito sa area. Kung minsan nga iniisip ko na stalker itong si Gretchen at nagiging anino ko na yata.
Dalawang beses kong tinawagan si Gretchen dahil ang unang tawag ko ay hindi ito sumasagot.
“Hello,” sagot ni Gretchen sa tawag ko.
“Hi, Gretchen? Busy ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya. “Pauwi na kasi ako ngayon at------------------- Hindi kona naituloy ang sasabihin ko nang tawagin ko ang pangalan ng kapatid ko. “Xyrieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeel!!!!! Tabi!” sigaw ko sa kapatid ko sabay hablot sa kanya. Nagpaalam kasi si Nanay na magbabanyo. May sasakyang mabilis ang takbo at muntik nang mahagip si Xyriel, kung hindi ko ito nahablot kaagad.
Sa lakas ng pagkakahablot ko ay nakita kung tumilapon si Xyriel sa sahig habang yakap-yakap ang kahon ng laptop. Nakita kong napatigil ang itim na sasakyan. Umuusok ang ilong ko at sinugod ko ang driver. Nasa gilid na nga ang kapatid ko ay muntik niya pang mahagip. Barambado sa kalsada. Dapat itong makulong.
Bulag ba siya? Siya ba ang may ari ng kalsada? Gigil na gigil ako sa driver… Paano kung nasagasaan nito ang kapatid ko? Maibabalik ba nito ang buhay ni Xyriel?
“Hoy! Kung sino ka man ay bumababa ka riyan!” kaagad kong sigaw rito. Kulang na lang ay batuhin ko ang sasakyan. “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakitang may tao rito sa gilid? May-ari ka ba ng kalsada ha?” sunod-sunod kong tanong rito.
Naputol ang aking sinasabi nang bumaba ang isang lalaking matangkad at nakasalamin. Agad kong nakilala ang lalaking ito.
“I’m sorry, miss, I was on hurry! May nasaktan ba sa inyo?” wika ng lalaki pagkatapos nitong magbukas ng bintana.
Nakatulala lamang ako ng maalala ko ang lalaking muntik ng makasagasa sa akin.
“Wait, you are Gretchen’s friend, right?” tanong nito.
“You are Gretchen’s brothers?” tanong ko rin sa kaniya.
“Oh! I’m sorry for what I said earlier!” kaagad kong bawi sa mga sinabi ko kanina. Tutop ko ang bibig ko. “Nabigla lang ako at muntikan mong nasagasaan ang kapatid ko,” sagot ko.
“Naiintindihan ko. Kasalanan ko naman talaga. Mabuti na lang at walang nasaktan sa inyo. Sobrang nakakahiya,” wika pa ng lalaki.
“Okay lang,” kinikilig kong sagot.
Nakakahiya at sa kapatid pa talaga ni Gretchen. Napakaswerte ko nga naman ngayong araw pero hindi swerte kung nasaktan si Xyriel dahil kung nagkataon baka hindi ito matantiya.
“By the way, I’m Jacob. I’m sorry I was in a hurry. I was late in my meeting,” pagpapaliwanag nito. “Saan ang punta niyo? Ihahatid ko nalang kayo bilang paghingi ko ng pasensiya,”sunod sunod nitong wika sa akin.
“I’m Ysabel Torres, pakilala ko rin sa kanya. Pauwi na sana kami at naghahanap kami ng taxi,” dagdag ko pa.
“Ah isasabay ko nalang kayo since I’m already late for my meeting. I can cancel my plans for a beautiful girl like you!” sabay kindat nito sa akin. Masyado nga itong mabilis. Pasalamat nalang ito at gwapo dahil kung hindi tiyak na hindi ito papansinin.
“Nakakahiya naman Jacob, can I speak casually?” tanong kong parang ewan. Kilig na kilig lang naman ako. Nakalimutan ko na ang kapatid ko na nabuwal dahil sa lakas ng paghila ko.
“Of course, you are my sister’s friend kaya magkaibigan na rin tayo. At wag na kayong mahiya okay? Pumasok na kayo sa kotse at ihahatid ko na kayo,” alok pa sa akin ni Jacob.
“Paano na ang lakad mo?” tanong ko.
“Okay lang. Late na rin naman na ako kaya bakit pa ako sisipot.”
“Kasama ko pala si Nanay, nagbanyo lang siya,” ani ko pa kaya tumango si Jacob. Bumaba na ito ng sasakyan nito at hinintay na rin si Nanay. Tulad ni Gretchen ay mabait din naman si Jacob. Ipinakilala ko si Nanay kay Jacob.
Masayang kausap si Jacob at magalang din ito kay Nanay.
“Pasensya na po talaga kayo kanina,” paghingi pa ng tawad ni Jacob kay Nanay.
“Wala naman masamang nangyari kaya pinapatawad na kita. Mag-ingat ka nalang sa susunod,” ani pa ni Nanay. Humingi rin ng tawad si Jacob kay Xyriel…
Paglingon ko sa likod ng sasakyan ay nakita ko ang ngisi ng aking kapatid na para bang may nanunukso. Kinukurot pa nito sa Nanay kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. G na G na talaga ang mga ito na mag-asawa na ako.
Napag-alaman ko na si Jacob ang may ari ng bar kung saan kami nag-celebrate ng bridal shower ni Ellaine at lahat ng yun ay libre dahil na rin kay Gretchen.
Pareho sila ng ugali ni Gretchen madaling pakibagayan at magaan kasama. Kahit pa mayaman ang mga ito ay hindi alintana ang squatter namin bahay pagkatapos kong itunuro sa kanya ang bahay namin…Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng sasakyan na tila na jowa niya ako. Parang umakyat tuloy lahat ng dugo sa mukha ko pero pakialam ko ba? Isa pa ang mga chismosa naming kapitbahay ay nagkandahaba-haba ang leeg sa kakatanaw kay Jacob at sa sasakyan ng lalaki. Mga dukha talaga!
“Ah Jacob, Mmraming salamat nga pala sa paghatid,” wika ko pang nakangiti.
“Baka gusto mo munang pumasok at magkape?” yaya ko sa kanya.
“Hindi na Ysabel… Mauuna na ako maybe next time nalang,” sagot ni Jacob.
“Sige salamat, Ingat ka!”
“Salamat sa paghatid,” ani naman ni Nanay sabay talikod at pumasok na ng bahay.
Papasok ito sa kanyang kotse pero sa huling pagkakataon nilingon niya ako at kumindat. Hindi ko alam kung para saan ang kindat na iyon pero lihim akong kinilig. Pinaandar niya ang kanyang kotse kaya sinundan ko siya ng tingin hanggang mawala ito sa aking patingin.
“Oyy si ate, kanina pa namumula!” pang-aasar sa akin ni Xyriel. Halata naman kasi kanina pa na mala-kamatis ang mga pisngi ko.
“Tsk! Manahimik kana nga. Ang mabuti pa ay pumasok na tayo,” yaya ko sa aking kapatid para maputol na ang pang-aasar niya sa akin dahil mas lalo lamang namumula ang mga pisngi ko.
“Pero Ate, ang gwpo ng mamang yun. May makikisig na katawan na tila baa ang sarap magpakulong sa kanyang mga bisig. Para siyang anghel na nahulog mula sa lang. Hindi kaya Ares siya?” tanong pa sa akin ni Xyriel kaya napakunot ang noo ko.
“Anong Ares na pinagsasabi?”
“Ares----He was a God of war, Ares was reckless, bloodthirsty and brutal. OMG ate ang katangian ng Jacob na yun ay mala Ares------he was too perfect to became human hindi ba? Sigurado ka bang Mortal siya ate?” saad ni Xyriel.
“Tsk! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo--- kakawattpad mo yan! Tigil-tigilan mo nga ako sa mga ganyan. May pa Ares-Ares ka pa. Pag-aaral ang atupagin mo Xyriel at hindi ang pagiging mortal ni Jacob dahil totoo siya----tao siya!” sagot ko pa.
“Ate naman, alam ko naman yun eh, kayo ni nanay at ang pag-aaral ko ang priority ko no?”
“Mabuti naman kung ganon,” saad ko sa kanya.
“Ano ba ang pinag-uusapan niyong dalawa?” singit ni Nanay
“Wala po Nay. Intrigera lang po talaga itong anak ninyo. Sige po Nay at magpapahinga muna ako,” paalam ko.
“Tigilan mo nga ang ate mo!” sermon ni Nanay kay Xyriel kaya napangiti ako pero mamaya ay napasimangot ako nang marinig ko ang sinabi ni Nanay. “Baka nagme-menopause na,” hagikhik pa ni Nanay.
Pumasok ako sa aking silid at inilatag ko ang dala kong bag sa aking kama at ibinagsak ang aking katawan sa aking kama. Nakakapagod ang mga araw pero okay lang din dahil may mga bagong nangyayari sa buhay ko na nakakapanabik…
Pumasok sa aking isip ang mga sinabi ni Xyriel. Totoo ang mga sinabi ni Xyriel, mala Diyos nga si Jacob, sobrang gwapo pero para sa akin mas gwapo parin yung nakasabay ko sa jeep. Iba ang kanyang dating at kapag iniisip ko siya ay kinikilig pa rin ako. Sayang lang at pagkakataon na sana yung nasa resto ako at nakita ko siya. Sana man lang natanong ko kung ano ang kanyang pangalan. Wala akong ibang sinisisi kundi si Gretchen kaya tuloy hindi ko nakilala ang lalaking hindi maalis-alis sa isip ko. Naniniwala talaga ako sa destiny. Kapag magkita kami ulit hindi ko na siya papakawalan dahil sigurado akong kami ang nakatadhana. Napapatawa ako sa mga naiisip kong kalokohan. Ang sarap pala managinip ng gising.
Sino nga ba sa kanila? Ang lalaki sa jeep o si Jacob na halos abot kamay ko lang?
Pakiramdam ko kung minsan ay desperado ako dahil hindi pa ako nagkakajowa. Hindi naman ako atat pero pakiramdam ko ay madali na akong maattract ngayon.
“Handa na kaya ako makipagrelasyon?” tanong ko pa sa sarili. Ko.