Gretchen’s POV
I am a Vampire. Isa akong uri ng mga bampira na kung tawagin ay blood sucker. Blood sucker ay isa iyon sa mga bampira na kumakain ng mga tao. Blood suckers have a red-eyes. But I used contact lens para matago ang tunay na kulay nito. I am existing in this world for a hundred years. Namumuhay bilang isang mortal, ako at ang pamilya ko. I came from a wealthy family. My dad owns a company here in the mortal world. I have a brother that named Jacob Velez. He owns a bar here in Manila. One month ago, before I started working as a call center agent.
Sumama ako sa aking kapatid patungo sa kanyang bar dahil nababagot na ako rito sa bahay at agad naman pumayag ang kuya ko na isama ako sa bar niya. Sobrang close kami sa isa’t isa dahil ilang years lang naman ang agwat namin. Bonifacio Global City (BGC) ang pwesto ng bar ni kuya at ayun sa internet palagi maraming tao ang pumupunta doon dahil na nrin sa masasarap at mamahaling kainan.
Pagkapasok namin sa BGC agad naman akong namangha sa mga mamahalin desinyo nakapaligid, marami din tao at sari sari ng kainan. Ilang taon na ako dito sa mundo ng mga tao pero ngayon lang ako nakapunta dahil hindi ako pala labas ng bahay dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na matakam sa mga mortal at pinapaiwas din ako ng mommy ko baka daw lumabas ang pagkabampira ko at mapahamak pa raw ako.
Nagpaalam ako sa kuya ko na mag iikot-ikot muna ako dito sa BGC at pumayag naman siya. Habang naglalakad ako pinagmamasdan ko ang mga tao. Kung ano ang kanilang ginagawa ng bigla akong natigilan sa babaeng dumaan sa likod ko. Iba ang kanyang amoy. Iba ang amoy ng dugo niya. Amoy na siya ang rason kung bakit napukaw ang pagkabampira ko. Agad akong lumingon at sinundan ang amoy. Agad kong nakita ang isang babaeng mahaba ang buhok, simple at isang ordinaryong mortal. Nagtaka ako kung bakit iba ang kanyang amoy. Sinundan ko ang babae palabas ng BGC pagsakay sa jeep at pagbaba.
Bumababa sya sa tapat isang building na RBC Company. Doon siya pumasok at panigurado na doon siya nagtatrabaho. Biglang tumunog ang cp ko.
“Where are you? Kanina ka pa hindi bumabalik dito?” text sa akin ng kuya ko.
“Sorry, nauna na ako umuwi. Busy kasi kanina kaya hindi na ako nakapagpaalam pa,”. reply ko sa kanya.
Nauna akong umuwi at dumaretso sa aking silid. Nag-iisip ako ng plano kung paano mapapalapit sa babaeng yun. Agad akong nakaisip, kailangan ko magtrabaho kung saan siya nagtatrabaho sa RBC Company.
Agad kong binuksan ang laptop ko upang magsaliksik tungkol sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Isang call center agent pala ang babaeng yun. Agad akong tumakbo para puntahan ang opisina ng dad ko para humingi ng permiso para magtrabaho. Agad naman siyang pumayag. Hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit call center agent ang gusto kung trabaho, walang kung ano-anong tanong ang amo ko. He used all of his connection para mapasok agad ako. Mga ilang araw nakatanggap ako ng text mula sa kumpanya kung saan ang babae nagtatrabaho. At sa wakas labis ang tuwa ko dahil pwede na raw ako magsimula bukas.
Agad akong gumising para mag-ayos. Hindi ako nag kotse para di halatang mayaman kami para hindi agad mapaghinalaan kung bakit ako nag apply bilang call center agent. Nang makarating ako sa naturang kumpanya ay agad akong pumasok sa elevator at nagtungo sa 3rd floor papuntang HR Office. Agad naman nila akong pinakilala sa magiging team leader namin. Dinala ako ng team leader namin sa 6th floor at pinakilala niya ako sa magiging ka-workmate ko. Agad ko naman nakita ang babaeng rason kung bakit ako andito, nag pakilala siya sa akin. Siya si Ysabel Jade Torres 29 years old. Kailangan kong mapalapit sa kanya at makuha ang loob niya. Nagpakilala na rin ako at nag kanya-kanya na silang balik sa kani-kanilang pwesto. Tinuro naman ng team leader namin ang magiging table ko. Agad na akong nagsimulang mag trabaho.
Lumipas ang mga araw hindi nga ako nagkamali na makuha ko ang loob ni Ysabel, pati na rin ang mga katrabaho ko. Kawawang mga nilalang-----ang daling mauto.
Ilang linggo palang ako ay pinagkatiwalaan na kaagad akong maging organizer sa bridal shower ng isa naming katrabaho. Umaayon nga ang tadhana sa akin dahil hawak ko na silang lahat.
“Poor girl,” saad ko sa aking isipan habang nakatingin kay Ysabel.
Bumalik ako sa aking trabaho. Pagtingin ko sa aking relos ay lunch break na. lumingon ako kay Ysabel at sakto na nag-aayos siya ng kanyang gamit. Agad naman akong nag ligpit ng mga gamit ko at pinuntahan si Ysabel para sumama kumain. Panay ang kwentuhan namin pagbaba sa elevator hanggang makarating sa kakainan naming resto na di kalayuan sa aming pinagtatrabahuan. Habang kumain ay walang tigil ang aming kwentuhan hanggang natapos kami. Papalabas na kami nang bumiglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala kaming payong na dala kaya nagpasya kaming magpaulan. Hinablot ko si Ysabel para tumakbo sana kaso may nabangga siyang isang lalaki. Tumama sa dibdib ng lalaki ang mukha ni Ysabel.
Nang tingnan ko ang lalaki ay agad akong nagulat dahil isa siyang katulad ko. Isang Vampire. Magsasalita na sana si Ysabel ng hinablot ko siya at tumakbo ng mabilis. Kinabahan ako ako na baka makilala niya ako? Baka may binabalak rin siya sa babae? Hindi pwede. Sa tingin ko kasi ay mukha silang magkakilala. Hindi pwedeng may makaalam na isang akong bampira.