Ysabel’s POV
Nagising ako dahil tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Medyo late na rin akong nagising dahil wala akong pasok. Sabado ngayon at wala akong ibang gagawin ngayon bukod sa kailangan kong pumunta sa bahay ni Gretchen dahil ngayon ang bridal shower ni Ellaine.
Naligo muna ako bago bumaba ng kwarto. Pasado alas nuebe na rin ng umaga. Pagkababa ko pa lamang ay dumeretso agad ako sa kusina. Pag ganitong day-off ko ay ako ang nagluluto dahil si nanay naman ang naglalaba. Ang kapatid ko namang si Xyriel ay ang naglilinis ng buong bahay.
Nagluto muna ako ng adobo dahil iyon lang tanging naroon na stock sa ref. Kumain muna kami bago ipinagpatuloy ang ginagawa ng bawat isa at tumulong na rin ako sa kapatid ko sa paglilinis. Pawisan ako ng matapos kami sa paglilinis kaya naman ay naligo ako ulit. Pasado ala-una ng hapon ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Nagdala rin ako ng mga kakailanganin kong gamit kahit alam kong meron at kompleto si Gretchen. Medyo tinatamaan na rin ako ng hiya kaya pati extrang damit ay nagdala na rin ako.
‘’Nay, alis na ho ako,’’ pagpapaalam ko kay nanay. ‘’Pupunta po ako kay Gretchen dahil bridal shower ng kaibigan ko ngayon,’’ dagdag ko pa.
‘’Sige, anak. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo,’’ tugon niya.
‘’May maghahatid ba sayo rito pauwi?’’ tanong niya.
‘’Baka kay Gretchen nalang ho ako magpapalipas ng gabi, nay,’’ sagot ko kay nanay.
‘’Sige, anak. Mag-uwi ka na rin ng lalaki rito at ng makapag-asawa ka na,’’ biro pa ni nanay kaya napangiwi ako.
‘’Si nanay talaga! Pati iyan ay poproblemahin ko pa,’’ sagot ko naman. ‘’Sige po, nay. Alis na po ako,’’paalam ko sa kaniya.
Agad akong kumuha ng taxi at ibinigay sa driver ang address na isinulat at ibinigay sa akin ni Gretchen. Condominium ang lugar na ibinigay nito. Pagkatigil na pagkatigil ng taxi ay agad akong nagbayad at bumaba. Wala akong idea kung kanino condo itong pupuntahan ko. Hinanap ko ang condo unit na nasa address at nang nahanap ko na ay agad akong nag doorbell. Pipindot na sana ulit ako sa doorbell ay agad na bumukas ang pinto. Ngunit laking gulat ko ng hindi si Gretchen ang tumambad sa harap ko kundi isang lalaking mala adonis ang hitsura na walang damit pang itaas, hapon na pero may pandesal pa rin. Kulang na lang ay magsign of the cross ako.
Napanganga ako dahil sa sobrang gwapo nito.
‘’Oh! Hi, sexy,’’ ani nito sabay kindat sa akin kaya mas lalo akong napanganga dahil sa accent at lalim nang kaniyang boses.
‘’Who are you looking for?’’ tanong nito na nakakunot ang noo na tila ba nagtataka. Hindi ako makasagot dahil natameme ako.
Biglang sumulpot si Gretchen sa likod ng lalaki at pinaghahampas ito.
‘’Ano ba, kuya! Umalis ka na nga at may gagawin pa kami,’’ sigaw ni Gretchen sa gwapong lalaki.
‘’Okay, I’ll let you go today little sis. But visit mom and dad in our house. They already miss you,’’ mahabang litanya nito.
‘’Oo na, magdamit ka na at umalis. May gagawin pa kami!’’ sagot naman ni Gretchen sa lalaki.
Kung kapatid ito ni Gretchen napakagwapo nito. Atat na atat naman na paalisin ang kuya nito samantalangnag-eenjoy pa naman ako sa view. Agad namang nagsuot ng damit pang itaas ang lalaki. Nakamasid lang ako sa lalaki at napaplunok na rin. Masyado na nga yata akong tigang dahil madaling ma-attract sa adonis.
‘’I’ll go now. And we have another business to talk about,” pinandilatan ng lalaki si Gretchen na para bang may malaking kasalanan ito sa kapatid. ‘’And goodbye to this beautiful and sexy lady. I’ll see you around,’’ ani ng lalaki at umalis kaagad.
Natulala na naman ako dahil sa gwapo nito.
Natauhan lamang ako ng biglang magsalita si Gretchen.
‘’Don’t you dare fall in love with my brother. He’s a womanizer, masasaktan ka lang doon,’’ pagbabanta sa akin ni Gretchen.
‘’Hindi naman, ah. Mas gusto ko pa rin iyong mamang gwapo doon sa Jeep. Pero pogi din ang kuya mo ah,’’ agad kong depensa sa kaniya.
‘’Akala ko nga ko ay boyfriend mo siya. Salabungin ba naman ako ng hubad niyang katawan kanina,’’ dagdag ko pa.
‘’Tara na sa kwarto, umpisahan mo nang magsukat ng mga damit para aayusan nalang kita mamaya,’’ pagputol nito ni Gretchen sa usapan namin.
“Sayo ang condo na ito?” tanong ko.
“Hindi ba sabi ko sayo ay mayaman ako?”
“Bakit ka pa nagtratrabaho?” tanong kong nagtataka.
“For a change,” kibit balikat na sagot pa ni Gretchen. “Ang mabuti pa ay mamili ka na ng susuutin mo.”
Agad akong nagsimulang magsukat ng mga damit sa closet ni Gretchen. Nakakamangha ang condo ni Gretchen na bahagyang malaki ang space. Nakakatuwang pagmasdan din ang closet niya. Hiwalay ang collection niya ng mga dress at hiwalay din ang closet ng mga heels niya. Pati ang mga jewelries at mga bag niya ay magkahiwalay rin ang lalagyan.
Mayaman pala talaga si Gretchen. Pero hindi ko akalain na ganito pala siya kayaman… Naguguluhan din ako kung bakit nagtitiyaga pang magtrabaho sa Call Center eh pati nga ako ay kaya niya ng buhayin. Malaki rin ang kwarto niya. Malinis tingnan dahil minimalist ang design nito. Malaki rin ang bed space niya, malinis din at mabango. Amoy mayaman ang lahatng gamit.
Magdadalawang oras din akong naghanap at nagsukat ng mga damit ni Gretchen. At ang nahanap ko nga itong satin silk dress na black na hapit na hapit rin sa katawan ko. Mas lalong nahuhubog ang balakang ko. Ang heels ko naman ay stiletto na kulay silver. Pasado alas kwatro ng napag-desisyonan namin ni Gretchen na simulan na ang pag-aayos. Nagbihis muna ako bago ako inayosan ni Gretchen. Inuna niya muna ako dahil mabilis lang naman daw niyang ayusan ang sarili niya.
‘’Ang ganda mo talaga kapag nalalagyan ka na ng make up sa mukha, Ysabel,’’ pagpupuri niya sa akin. “I’m sure magugulat sila sayo mamaya.”
‘’Salamat,’’ pagpapakipot ko naman.
Nang matapos na ay dumeretso agad ako sa salamin at agad kong tiningnan ang itsura ko. Umikot ako at tiningnan ang kabuan ko. Tama nga si Gretchen, ang ganda ko. Medyo sensual din ang suot ko. It has thin strap and reveals my cleavage. I looked sensual and daring and my curves were too emphasized. My long hair cascaded down my back. Ang ilang hibla ng buhok ko ay inayos ko sa gilid ng mukha ko.
Ilang minuto rin akong naghintay kay Gretchen dahil nag-aayos pa siya.
‘’Are you ready?’’ It was Gretchen’s voice. “Let’s go.’’
I complimented Gretchen before we decided to go out. She is indeed a gorgeous with her red dress that hugs her body perfectly. Her curves were emphasized. She looks powerful.
Isang beses pa akong sumulyap sa salamin bago naglakad palabas. Sa labas ko na rin hinintay si Gretchen. Nang lumabas na si Gretchen ay agad niyang kinuha ang kotse niya. Ferrari ang kotse niya na kulay itim. Nakakamangha at nakakalula…Mayaman talaga ito. Huminto ito sa harapan ko kaya agad akong sumakay sa shotgun seat.
‘’BGC tayo. Doon ang venue. Naka reserve na ako ng mga seats doon para sa atin,’’ aniya habang nagmamaneho. ‘’Ang mga drinks naman natin ay ako na rin ang magbabayad. Regalo ko na rin kay Ellaine,’’ dagdag pa niya.
Pagkarating pa lang namin sa 7th floor ay narinig kaagad naming ang indak ng tugtog. Agad kaming sinalubong ng isa sa mga nagtatrabaho sa bar na ito.
‘’Reservation for Gretchen Velez,’’ saad ni Gretchen at may ibinigay na card.
‘’This way, maam,” saad naman ng lalaki.
Agad kaming nagtungo sa isang private area. Malaki ang area na ito, may sariling dance floor at may sarili ring DJ. May kaniya-kaniyang table rin para sa ibang tao na inimbitahan ni Ellaine. Umupo muna ako sa isang gilid habang naghihintay ng ibang tao. Hinayaan ko muna si Gretchen dahil may kausap ito at siya rin ang nag a-assist ng mga bagong dating na bisita ni Ellaine.
Maya maya pa na nagsidatingan din sina Rojene, Arleh, at Alex. Nang makita ako ay agad nila akong nilapitan.
‘’Bakit ikaw lang mag isa?’’ tanong agad ni Rojene.
‘’Nasaan si Gretchen at Ellaine,’’ tanong din ni Arleh.
‘’Nag aasikaso pa ng ibang bisita ang dalawa, mamaya ay babalik din iyon dito sa atin,’’ sagot ko sa kanilang dalawa.
‘’Bakit pa natin patatagalin ‘to, simula na natin ang laban,”’ agad namang singit ni Alex.
Agad namang pumunta sa bartender’s area si Alex para kumuha agad nang maiinom. Pagbalik niya ay may hawak agad siyang dalawang bote ng tequila. Kasunod niya ay ang waiter na may dalang asin at lemon. Inilapag ng waiter ang mga ‘yon sa aming mesa. Maya maya pa ay bumalik ang waiter dahil sa iba pang order ni Alex.
Noon pa man din ay hindi ko talaga hilig ang uminom pero nang makasama ko itong mga katrabaho ko ay natuto na rin ako. Natuto akong uminom pero alam ko pa rin ang limitasyon ko dahil hindi mataas ang alcohol tolerance ko.
Nakakalahating bote na kami nang maramdaman ko na medyo nahihilo na ako. Nagkakasiyahan na rin ang mga tao sa dance floor.
Si Arleh at Rojene naman ay nakisaya rin sa dancefloor. Mula rito ay tanaw ko si Arleh at sumasayaw sa likod niya si Rojene na may kasayaw na ibang babae.
Nahihilo na ako kaya naisipan ko ng sumayaw. Tumayo ako kahit muntik na akong madapa dahil sa hilo. Agad akong pumunta sa dance floor at sumayaw. I need this to sober up. I raised my hands and closed my eyes while dancing as I feel the music. I grind my hips. Ang kaninang nasa itaas kong kamay ay inihagod ko sa aking batok pababa sa aking leeg hanggang sa aking dibdib pababa sa aking binti.
Agad akong napamulat nang biglang may humawak sa aking beywang. Pagtingin ko sa aking likuran ay si Gretchen pala. Kasama niya sina Ellaine na namumula na ang mukha, si Rojene, si Alex at si Arleh.
Hinatak ako ni Gretchen palabas na kung mayroon ding dance floor. Hindi rinig ang area namin kanina dahil sound proof ito. Mas maraming tao rito. Medyo nawala na rin ang pagkahilo ko. Agad na sumunod sina Rojene sa amin.
‘’Dito tayo para may kasayaw tayong pogi. Solve dito ang problema mo sa lalaki Ysabel,’’ saad ni Gretchen sa akin.
Biglang dumaan ang waiter sa harap namin kaya kumuha si Gretchen. Inilapag nito ang inuming tequila na may asin at Lemon.
‘’I dare you for a body shot!’’ paghahamon ni Gretchen.
‘’Hoooooo! It’s your time para makapag one-night stand, Ysabel!’’ sigaw pa ng mga kaibigan ko.
Kinuha ko ang Tequila na may nakalagay na lemon at naglagay ng asin sa palad ko. Agad kong nilapitan ang isang matangkad na lalaki sa kabilang table. Hindi na ako lugi rito. Matangkad naman siya at medyo may itsura.
‘’Do you mind if I join you, handsome?’’ panlalandi ko sa lalaki. Dala ng alak ay lumakas ang loob kung makipagharot.
‘’Oh, sure. You can, gorgeous,’’ paglalandi rin nito sa akin.
Nag-usap muna kami ng kung ano-ano. Nang makita ko siyang nakatitig sa labi ko ay agad ko ulit siyang nilandi.
‘’Wanna kiss me?’’ tanong ko dito.
Aktong hahalikan na sana ako nito nang bigla kong pahiran ang kaniyang leeg ng asin. Agad kong nilagok ang dala dala kong tequila at agad na dinilaan ang leeg nito at sumipsip ng lemon. Medyo natulala ang lalaki sa aking ginawa.
‘’Want to go out with me?’’ bulong ng lalaki sa tenga ko at nakahawak pa ito sa beywang ko.
Alam ko na agad ang galawang iyan at ang nais niyang iparating. Tatayo na sana ako pero parang nagkaroon ng sariling isip ang kamay ko at hinawi ang kanyang kamay na nakapulupot sa beywang ko. Puno nang pagtataka ang mukha ko dahil ang aking galaw ay taliwas sa aking kagustuhan.
Agad akong tumayo at niyaya ko nalang siyang sumayaw. Medyo nahihilo rin ako kaya inaalalayan niya ako patungong dance floor. But I assured him that I am okay and I wanted to see him dancing.
Sumayaw ako na para bang inaakit siya. Agad niya akong hinila papalapit sa kaniyang katawan. Ang kaniyang mukha ay nasa tenga ko. He is whispering something but I can’t hear because of a loud music. I grind my hips near his body. At naramdaman ko agad ang umbok na nasa pagitan ng hita ng lalaki. Lalo ko pang ginalingan sa pagsasayaw ko.
Yayayain ko sana ang lalaki na lumalabas nang biglang paglingon ko rito ay lalo akong nahilo. Ang katawan ko ay hindi ko maigalaw at hindi ko rin maibuka ang aking bibig. Habang tumatagal ay mas lalo akong nahihilo at nanghihina ang buong katawan ko. Unti-unting nandidilim ang paningin ko. Hanggang sa tuluyan akong nawalan ng lakas at nandilim ang paligid ko.