Azriel’s POV
Napabuntong hininga na lang ako dahil color coding ngayon ang kotse ko at walang akong magawa kundi iwan ito at maglakad papuntang sa sakayan ng Jeep.
Ayokong ma-late sa klase ko. Masyado akong dedicated teacher.
Azriel Morgan, I am half human and a half vampire. I am blue eyed vampire. At kung nagtataka kayo kung bakit half human ako it is because my mother is a human and my father is an Alpha vampire.
Ang Alpha vampire ay ang makapangyarihan at mataas na uri ng mga bampira.
I am existing in this world for a hundred and thirty-four years. And I am living ---normally as if I am a mortal. I am a Literature Professor in a University here in Manila for almost 3 years at patuloy kong naitatago ang aking tunay na pagkatao sa mga mortal na nakakahalubilo ko.
Naiinip ako sa sobrang dami ng tao ngayon. Pagkahinto na pagkahinto ng Jeep ay agad akong nakipagsiksikan upang makakuha ng upuan. Sa ilang taon ko rito sa Maynila ay nakuha ko agad kung paano sila mamuhay at kung paano sila dumiskarte sa araw-araw. Nakailang hinto rin ang sinaksakyan kong Jeep dahil naghahanap pa ng pasahero.
Pagkasakay ng isang babae ay agad ko siyang napansin---- hindi dahil sa itsura niya kundi dahil sa natataglay niyang amoy. Mabango ang dugo ng mga tao pero ang amoy na ito ay kakaiba. I am sometimes tempted to drink fresh blood. It is needed in able for me to survive. Fresh blood is necessary for us, the vampires for survival. And this scent right now triggers and made me crave for fresh blood.
Sumusulyap-sulyap din ako sa kaniya paminsan-minsan. Para siyang baliw na mag-isang tumatawa. Agad kong napansin ang kaniyang ID na nakasabit sa
kaliwang kamay niya. Ysabel Jade Torres ang pangalan niya at isa siyang Call Center sa RBC Company. Hindi maikakaila na maganda siya. Mahaba ang kaniyang itim na itim na buhok. Makapal ang kaniyang kilay, may mahahabang pilik mata, mapupungay ang kaniyang mga mata at may mapulang labi. Parang ang sarap halikan. Agad kong iwinaksi ang kaisipang iyon sa aking isipan. At ibinalik ko sa kaniya ang aking atensiyon.
Walang kahit anong kolorote sa kaniyang mukha ngunit umaangat pa rin ang kaniyang kagandahang taglay dahil sa kaniyang kasimplehan. Ang bango talaga ng dugo niya kaya panay ang pagpigil ko sa aking sarili at kapag tumagal pa ako rito ay malalagay lamang ako sa alanganin. Kanina pa sumasakit ang aking sikmura. Gustong-gusto kong sipsipin ang dugo niya.
Napahinga ako nang maluwag nang makita ko ang Unibersidad kung saan ako nagtuturo. Agad akong pumara at bumaba. Dere-deretso akong naglakad patungo sa classroom ng aking 1st subject ko.
Dumeretso agad ako sa isang mesa sa gilid at nanghihinang humimlay doon. Narito na rin ang aking mga estudyante at alam kong nagtataka sa akin.
‘’Prof, okay lang po ba kayo?’’ tanong ng isa kong estudyante.
Hindi ko na siya sinagot at sinenyasan na layuan na muna ako. Marahil ay nagtataka sa akin ikinikilos. Kaagad kong kinalma ang aking sarili. Nang maayos na ang aking pakiramdam ay agad akong tumayo at nag set up ng projector para sa aking presentation.
Ngumiti ako sa kanila na parang walang nangyari.
‘’Good morning, class!’’ agad kong pabati sa kanila.
‘’Good morning, Prof!’’ agad nilang tugon
Maaga kong tinapos ang aking klase para lumabas dahil may kikitain akong isang kaibigan total ay pasado lunch break na rin.
‘’Bro, busy ka? Kita naman tayo. May ibibigay lang ako. See you malapit sa RBC Company, sa di kalayuan ay may Resto bar,’’ text ng kaibigan ko sa akin.
Agad naman akong pumayag dahil mag iilang buwan na rin naman kaming hindi nagkikita nang mortal kong kaibigan. Si Attreus. Matagal ko na rin siyang kaibigan at kilala niya ang pagkatao ko at ligtas naman ang sekreto ko sa kaniya dahil mapagkakatiwalaan talaga siya. Nagkakilala kami dahil minsan ko na rin siyang iniligtas noon. Doon ko inilabas ang matagal ko ng sekreto habang inililigtas siya.
Mag-iisang oras bago ako makarating sa RBC Company na binanggit ni Attreus. Sakto rin wala akong klase mamayang hapon kaya timing talaga. Nagpahinto ako sa taxi sa harap ng Company ng RBC at naglakad-lakad para hanapin ang resto bar na tinutukoy ni Attreus. Bumubuhos ang malakas na ulan kaya inilabas ko ang dala kong payong. Nasa kabila ako ng kalsada nang matanaw ko ang resto bar kung saan kami magkikita ni Attreus.
Nang makatawid na ako para pumusok sa naturang resto bar ay may nakabangga akong isang babae. Ang mukha niya ay tumama sa aking dibdib. Langhap na langhap ko ang amoy ng kaniyang dugo. Sobrang bango katulad ng dugo nang nakasabay ko sa jeep kanina. Pag-angat ng mukha niya ay agad ko itong namukhaan. Pakiramdam ko ay huminto sa pagtibok ang aking puso.
Siya nga ang babae sa Jeep.
Gulat na gulat siya nang makita niya ako at panigurado na namukhaan niya rin ako. Tila ba may sasabihin siya pero hindi niya naituloy nang hinila siya ng isang- babae.
Agad kong naalala na nasa ID pala nakalagay kung saan siya nagtatrabaho sa RBC Company pala. Kaya naman walang kaduda-duda na makakasalubong ko siya rito. At kaya pala naamoy ko na naman ang bango ng kaniyang dugo. Pero mas nakakapagtaka ang kasama niyang babae. Hindi siya normal na tao. Nararamdaman ko. Isa rin siyang bampira.
Nakakapagtaka ako kung bakit kasama niya ang babaeng iyon. Hindi ako maaaring magkamali na isa rin siyang bampira.
Tinanaw ko muna silang dalawa bago ako pumasok sa resto bar. Agad kong natanaw si Attreus kaya’t pinuntahan ko siya agad.
‘‘Sorry to disturb you, Bro,’’ saad ni Attreus a akin.
‘’That’s okay. I have no class this afternoon. So, no worries,’’ sagot ko sa kaniya.
‘’Ano nga pala ang sasabihin mo?’’ dagdag ko pa.
May hinugot siya sa kaniyang bag. Isang maliit na envelope at inabot ito sa akin.
‘’ I’m getting married!’’masayang saad niya. Bakas sa kaniyang mukha ang saya.
‘’Woahhh! Congratulations!’’ bati ko.
‘’Thank you, bro. By the way ikaw ang best man ko. Ikaw lang naman ang kaibigan ko rito at walang rason para hindi ka makapunta dahil Garden wedding iyon at hindi sa simbahan,’’ pabiro niyang sabi sa akin.
‘’Who’s the lucky girl? Of course, I’ll be there,’’ I answered.
‘’Next time bro, ipapakilala ko siya sayo,” saad niya.
Nagkwentuhan muna kami ng kung ano-ano bago ako magpaalam sa kaniya dahil malayo-layo pa ang biyahe ko lalo na at wala pa naman akong dalang kotse dahil color coding.
‘’Thank you, bro. Ingat pauwi,’’ bilin niya sa akin.
‘’Sila ang mag-iingat sa akin,’’ pabiro kong sabi sa kaniya at humalakhak.
‘’Ay! Oo nga pala,” sagot niya at humalakhak din.