Gretchen POV
SIMULA ng bridal shower ni Ellaine ay hindi na kami nagkakasama ni Ysabel dahil sa tuwing inaaya ko siyang mag lunch ay palagi siyang may rason na busy raw siya kundi naman ay may lalakaring iba. Isa pa sa dumagdag sa aking isipan ay ang sinabi ni Rojene na may humatid na lalaki kay Ysabel.
Sino kaya ang lalaking yun? Baka magiging sagabal siya sa mga plano. Paano ko na magagawa ang plano ko kung mapapalayo na si Ysabel sa akin? Hindi maaari… Hindi ako makakapayag. Malaki na ang pinuhunan ko sa planong ito. Hindi maaring mapurnada at mapunta lamang sa wala. Kailangan ko mag-isip ng panibagong plano.
Habang nasa terrace ako at nag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang mensahe galing sa kapatid ko. Bibisitahin nIya raw ako dito sa condo ko. Agad naman akong napaisip. Kailangan ko ang kapatid ko sa plano ko. Agad naman akong sumagot sa mensahe niya. Mga ilang minuto pa ay may kumatok na at pinagbuksan ko naman ng pinto ang kapatid ko.
“We need to talk,” wika ko sa kapatid.
“Why? What happened?” nagtatakang tanong ng kapatid ko.
“My plan A was failed… I need you for my plan B,” wika ko sa kanya.
“Wait teka lang, naguguluhan ako. Bakit nag failed ang plano mo?” tanong sa akin ni kuya.
“Hindi na kasi madalas na nag-uusap ni Ysabel and I don’t know why. Dati naman ay hindi siya ganun. Kahit saan ko siya yayain ay sumasama siya kaagad,” ani ko pa.
“Okay, so what’s the plan B. I know na darating ang panahon na kakailanganin mo ang tulong ko little sister,”s**o sa akin ng kapatid ko.
“Since you like her, all you need is to make her fall in love with you,” paliwanag ko sa kapatid ko.
“What? Wait! Make her fall in love with me? Sabagay sa pogi kong ‘to hindi possibleng hindi siya ma-iinlove sa akin. Ako lang siguro ang bampira na may ganitong mukha at karisma,” pabiro niyang sabi kaya naipaling ako. Umiral na naman ang mahangin kong kapatid.
“Ysabel had a tempted beauty and I know isa ka rin sa naakit sa kanyang kagandahan but don’t fall in love with her. Plan is plan at hindi uso sa mga bampira ang mainlove sa mortal. At hindi kayo si Edward Cullens and Bella Swan para magmahalan. Huwag mo sana ako madissapoint kuya. Deal?” paglilinaw ko sa kanya.
“I admit that she’s beautiful pero hindi ko tatraydorin ang kapatid ko…Okay deal! Ano ba ang una kong gagawin?” tanong pa ng kanyang kapatid.
Pinaliwag ko ang mga kailangan niyang gawin. Napapayag ko siya sa plano ko and I assured, this time successful na. Kawawang Ysabel…Excited ako sa naiisip kong plano. This is exciting.
Ano kaya ang magiging reaksyon ng angkan ko sa na diskubre ko? Nadiskubre ko lang naman ang taong matagal na namin hinintay para mapalakas ang angkan namin. Basta sisiguraduhin lang ni kuya na hindi siya iibig sa isang mortal na iyon para walang maging problema sa aking mga plano.
INUMPISAHAN kaagad ni kuya ang kaniyang plano. At hindi ko inaasahan na ganon siya kabilis upang mag umpisa kaagad sa plano namin. Biglang nag vibrate ang cellphone ko at rumehistro doon ang pangalan ni kuya. Speaking of the devil.
‘’Guess what little sis?’’ kaagad niyang bungad sa akin.
‘’Ano ba ‘yang balita mo? Siguraduhin mong magandang balita yan,’’ sagot ko naman.
‘’I’m sure na matutuwa ka sa balita ko. I already made my move,’’ pagyayabang niya pa sa akin. Siguraduhin niya lang talagang may nagawa na siya at makikinabang din naman siya.
‘’Ano ‘yang magandang balita na sasabihin mo?’’ tanong ko sa kaniya.
‘’ I already know Ysabel’s address.”
Bagsak ang balikat ko sa aking nalaman. Parang tanga lang…Matagal ko ng alam ang address ni Ysabel.
‘’Pinaglololoko mo ba ako kuya? Matagal ko ng alam ‘yan. Malamang katrabaho ko ‘yan at kakasimula ko palang sa trabaho ko rito ay nalaman ko na kaagad kung saan siya nakatira,’’ naiiritang sagot ko sa kaniya.
‘’Bakit mo naman kasi hindi ipinaalam sa akin? Muntinkan ko pang mapatay ang kapatid niya sa kagustuhan na malaman ang kanyang address,” sagot pa ng kanyang kuya.
‘’Hindi ka naman kasI nagtanong at isa pa anong kapatid ang sinasabi mo diyan?’’ curious kong tanong. May kapatid ba si Ysabel? Hindi ko alam.”
‘’Sinadya kong hagipin ng sasakyan ang kasama niya kanina sa mall para lang makausap siya at muntik ko pang mapatay…Kapatid niya pala iyon,” paliwanag niya.
‘’And there it goes I made my move. Hinatid ko siya sa kanilang bahay and I’m thinking what would my next move. And I hope that we can meet this week I need your help regarding about this.’’
“Sure, kuya. Just tell me when and where. I’ll hang out now, bye!’’ pagtatapos ko ng pag-uusap namin dahil pakiramdam ko ay wala naman akong mapapala sa ibabalita niya sa akin.
May kapatid pala itong si Ysabel ha? For sure her family is her weakness. It gives me idea that her family would be my last card. Nakaisip na naman ako ng plan C.
Kung hindi man magtatagumpay si kuya puwes ako---- sigurado akong magtatagumpay akong kunin ka Ysabel. Enjoy now, Ysabel Torres because maybe next day is your last day!
Napatawa ako sa aking isipan dahil sa aking plano. Let’s see kung hindi ka sa akin bibigay, Ysabel. Nakakatuwa dahil sumasang-ayon ang tadhana sa aming mga plano. Kailangan ko makilala ang kapatid ni Ysabel. Kung pareho ba sila ng amoy ng kanyang dugo. Agad kong kinuha ulit ang cellphone ko para kumpermahin sa kuya ko. Tinawagan ko sya.
“Hey, Bro” saad ko.
“What? I’m busy right now. Ano naman ba ang kailangan mo? Nasa bar ako ngayon,” pagreklamo sa akin ng kuya ko.
“May tatanungin lang ako. Nakilala mo di ba ang kapatid ni Ysabel, right? Kaamoy ba ng dugo ni Ysabel ang kanyang kapatid?” tanong ko.
“Wait…hindi, hindi sila pareho ng amoy. Sigurado ako dun. Nagtataka nga ako kung bakit,” ani ng kanyang kapatid.
“Nakakapagtakaka nga bakit si Ysabel lang ang may ganoong amoy,” sagot ko.
“Well I don’t know ethier. Pag-usapan nalang natin ito nextweek… Pupuntahan kita diyan sa condo mo. Okay?” pagtatapos ko ng aming usapan.
Bakit kaya magkaiba ang amoy ng dugo ni Ysabel at ang kanyang kaapatid. Mas lalo tuloy akong naging interesado sa buhay nila. Tulad na lamang kung ano ang mayroon sa dugo ni Ysabel.