CHAPTER TWO

1946 Words
Ysabel's pov MASIGLA akong nakarating sa trabaho. Pa kanta-kanta pa akong naglalagay ng mga gamit ko. Pinasaya ng poging lalaking ‘yon ang araw ko. "Aba,aba! Ang ganda ng gising ng beshy ko ah! Wala bang nagtanong na chismosa kung kailan ka mag aasawa no?" bungad agad ng katrabaho kong si Gretchen. Inirapan ko ito. "Tsk! Isa kapa! Ang mabuti pa ay turuan mo nalang akong mag make-up ng sa ganon ay mag mukha akong tao,” sagot ko kay Gretchen na ngumiti. "Wow ha! Anong nakain mo at naisipan mong ayusin yang buhay mong parang binagyo sa gulo? Baka mamaya ikaw na rin ang magyayang mag bar sa akin ha? Naku, ililibre kita!" palatak pa ng kaibigan ko. Alam ko kasi na naiinis ito na ito sa mukha kong wala raw kabuhay-buhay kaya lumiwanag pa nga ang mukha nito sa sinabi ko na gusto kong magtutong magmake up. "Bakit parang ang gaan ng aura mo ngayon, Ysay?" singit pa nitong si Rojene sa usapan. Bading ito kung kaya walang preno ang bibig ng beshy niyo. Sigurado akong walang magandang sasabihin ito. Nakita kong ngumisi na parang aso si Ellaine kay Rojene may binabalak talaga itong dalawa. Mga kaibigan ko ang mga ito sa trabaho. "Siguro na rape ka diyan sa daan kaya ang saya saya mo no? Nadiligan na ang Ysay natin!” palatak pa ni Elaine. “Ehhh di congrats dahil hindi na tigang ang lola ninyo!” sabat ulit ni Rojene. Wala man lang talagang preno ang bibig ng baklang ito. Kulang nalang ipagsigawan nito na virgin pa ako. "Speaking of na rape, sana na nga na rape na lang ako!” kilig na kilig kong sagot na ikinagulat ng tatlo kong kaibigan. “May lalaking gwapo kasi akong nakasabay kanina. Parang gusto ko na nga siyang luhuran kasi nasa harapan ko siya. I want him to bite me!" dagdag kong natutulala. “Diyos ko po! Masama bang hilingin na sana nirape na lang ako?” tanong ko pa. "Siguro kong holdaper ‘yong mamang iyon, hindi ako magdadalawang isip na ibigay sa kaniya ang lahat, ano?” tanong pa sa akin ni Gretchen kaya tumango ako.” “Pati virginity ko ibibigay ko sa kanya-------ako na ang susuko ng bataan ko!" dagdag ko pang ngumiti ng matamis. "Hayaan mo sa Bridal Shower ni Ellaine ihahanap kita ng poging lalaki! Mukhang gustong-gusto ko na talaga---ayaw na paawat ang bataan!" sagot naman sa akin ni Gretchen. “Hindi niyo kasi nakita ang lalaking nakasakay ko kanina kaya nasasabi niyo ‘yan. Baka nga kung itong si Rojene ang nakakita sa lalaking yun ay baka nagmakaawa na ‘yan!” irap ko pa. “At dinamay mo pa ako?” “Mabuti na rin yun na ako lang ang nakakita. For my eyes only lang siya,” kilig na kilig ko pang sagot. “Ilusyunado!” irap pa ni Rojene sa akin. “Tsk! Kasalanan ko ba kung may matres ako?” nanlalaki pa ang mata ko. Magulo talaga kami kapag magkakasama. Kung hindi ka sanay ay mapipikon ka. “May matres ka nga-----may sapot naman na! Tea---gang ka kasi!” sagot pa nito. “Kaya hanapin mo na ang lalaking yun Ellaine baka hindi lang sapot ang bumara diyan,” tumatawang sagot ni Gretchen. Malapit na palang ikasal itong si Ellaine. Isa rin ako sa mga abay kaya kailangan ko rin talagang paghandaan ang darating na event na 'yon. Kailangan ko talaga ng bonggang make-over. Si Gretchen naman ay invited lang sa kasal ni Ellaine. Mag tatatlong linggo pa lang naming nakakasama si Gretchen dahil bago lamang ito sa trabaho pero magaling makisama ang babae kaya't kahit tatlong linggo pa lang namin siyang kasama ay napalagay na agad ang aming loob sa kaniya. Siya rin ang in-charge sa bridal shower na gaganapin namin sa sabado. Nagsitahimik ang lahat bago nagsimula sa kani-kaniyang trabaho. Habang nagtatrabaho ay tanging naririnig mo lang ay ang mga hinaing ng customer. Bawat isa sa amin ay may kaniya kaniyang pagtitimpi dahil parte rin ng trabaho namin ‘yon. Mahirap ang maging call center kung minsan lalo na ang mga banyaga ang mga kausap mo. Madalas ay namumura ka dahil lang sa simpleng problema. Nakakapikon kung minsan pero wala akong choice. Mabuti nga ang RBC company ay tinanggap ako kahit na undergraduate lamang. Habang ng pasenya lang talaga ang kailangan para tumagal ka. Sa wakas makakapag lunch break na rin kami. Nagliligpit ako ng mga gamit ko para makalabas na at makakain nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Si Gretchen pala. Madalas talaga akong samahan ng ingratang ito. Hindi mo rin naman kasi masisi na sa aming mga magkakatrabaho ay kami talaga ang pinaka close sa lahat. At kahit tatlong linggo pa lang kaming magkakilala ni Gretchen ay hindi ko na siya itinuring na iba. "Sama ako sayo please," pagpapacute pang sabi ni Gretchen sa akin. Agad na man akong nakuha ng charm niya. Dali-dali kaming bumaba sakay ng elevator. Habang nasa elevator kami ay hindi talaga matigil ang bibig ng babaeng kasama ko kaya't halos ang ibang tao ay nakatingin sa amin. Pagkababa nga namin ay dumeretso agad kami sa isang restaurant na may hindi kalayuan sa building namin. Agad kaming naghanap ng pwesto ni Gretchen. Mabilis lang ang lunch break namin kaya pinili namin tong restaurant dahil bukod sa regular customer na kami dito ay mabilis ang service at mas masarap pa ang pagkain. Swak din sa bulsa ng presyo. "Ano ng plano mo?” tanong sa akin ni Gretchen. Napaangat ang kilay ko. “Anong plano?” “Plan for the wedding…Malapit na ang kasal ni Ellaine. Ang damit mo hindi mo na poproblemahin yun dahil sagot na ng bride ‘yon pati na yung make up mo,” ani pa nito. Kung maka-plano naman ito ay wagas samantalang wala naman akong problema. “Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi naman ako ang ikakasal, haler!” “Sa sabado ay bridal shower ni Ellaine at kaniya-kaniyang awra tayo," mahabang litanya sa akin ni Gretchen. “Ang sa kasal wala na akong problema doon bukod sa iba pang accessories na gagamitin ko at sa bridal shower naman ay clueless pa ako dahil bukod sa wala akong mahanap na damit ay hindi ko talaga hilig mag-ayos," sagot ko naman sa kaniya na walang kagana-gana. "Para ka namang ewan! Kaya ka napag-iiwanan niya eh. Sa sabado 6pm pa naman magsisimula ang bridal shower. Wala ng problema doon dahil bayad ko na ang place, foods and drinks. Kung gusto mo ako nalang ang mag-aayos sayo at kung problema mo naman ay ang damit mo ay may mga damit pa akong hindi nagagamit sa bahay. Okay ka ba don?” aniya na parang hindi problema sa kaniya ang pera na gastos. Sa tingin ko ay mayaman talaga ito si Gretchen ats kunwari lang na nagtratrabaho para may magawa sa buhay. "Aarte pa ba ako? G na ako diyan! Sagot mo na pala lahat eh. Kaya gusto kitang kasama dahil hindi mo ako pinababayaan. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganyan-ganyan. Nanghihinayang kasi kasi ako sa pera na gagastusin sa damit tapos isahang suot lang. Ukay is life sa akin!” “Alam mo kasi ikaw lang ang tumanggap sa akin kaagad. Pinilit mo akong isali sa grupo ninyo nina Rojene at Ellaine pero ang totoo ikaw talaga ang beshy ko,” ani pa nito. “Hindi rin kita pababayaan Ysabel. Ako ang back up mo!” “Naks!” nakangiti kong sagot. “Salamat, Grets dahil kahit na dukha ako ay hindi mo pinaparamdam sa akin yun,” ani ko pa. “Ang totoo niyang ay mayaman talaga ako at secret lang natin yon," pabiro niya pang sagot sa akin. “Weh?” tanong ko kahit na ang totoo ay naniniwala akong mayaman si Gretchen lalo na sa mga pananamit nito. Sa tingin ko nga ay hindi naman nito kailangan na magtrabaho. Biglang may naisip akong kalokohan. "Pag-aralin mo nga ang kapatid ko kung mayaman ka, sige nga. Ipakita mo kung sino ka," paghahamon ko sa kaniya. "Hello? Hindi naman maganda ang lahi niyo para pag-aralin ko kapatid mo ano? Hindi ka naman ginto!” ganti pa nito sa akin kaya natawa na lamang ako. Nakapwesto kami sa harap ni Gretchen kaya tanaw namin ang mga taong lumalabas at pumapasok. Kita rin ang mga tao sa loob sapagkat clear glass ang paligid nito. Bumubuhos rin ang malakas na ulan kung kaya't maraming pumapasok na mga customer. Kaagad kaming kumain nang dumating ang order namin ni Gretchen. Tulad ng dati ay apat na menu ang order nito gayong dalawa lang naman kami. Habang kumakain ay napag-usapan na rin namin ang mga gagawin namin para sa sabado. Pagkatapos kumain ay nagretouch si Gretchen. Kanina ko pa siya minamadali dahil time in na namin. Pagdating kasi sa mukha nito ay ubod ito ng bagal samantalang ako pulbos lang ay sapat na. Malakas ang ulan at wala kaming dalang payong. Lumabas kaming dalawa at napatigil sa glass door ng resto bar. "Takbuhin na natin 'to malapit lang naman ang building natin," suhestiyon ko kay Gretchen. Walang naging sagot sa akin si Gretchen at bigla niya akong hinila patakbo at halos bumaon din ang kuko niya sa pagkakahawak sa akin. Gusto kong pangiwi sa sakit at alisin ang kamay niya ay hindi ko naman magawa. Tatawid na sana ako ng bigla kong narinig na may tumawag sa pangalan ko. Agad kong binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak sa akin ni Gretchen. Tumingin ako sa aking likuran ngunit wala akong makitang pamilyar na mukha saakin. Bigla na namang may humila sa akin hawak ang kamay ko nang bigla akong nabangga sa braso ng isang lalaki. "A-ano ba!" sigaw ko sa aking nakabangga. Hinawakan ko ang aking ulo dahil masakit ito dulot ng pagkakabangga ko. Hindi ko naituloy ang pagsigaw ko dahil pag-angat ko ng aking mukha ay napanganga ako nang namukhaan ko ang lalaki sa harapan ko. Ang kaniyang polong puti ay hapit na hapit sa kaniyang katawan at ang kaniyang suot na salamin ay nagbigay hustisya sa kaniyang matangos na ilong. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at tila ba ang galaw ng mga tao sa aking paligid ay biglang huminto. Wala akong ibang nakita kundi ang lalaki lamang sa harapan ko at ang tanging naririnig ko lamang ay t***k ng aking puso na nagsisilbing musika. Hindi ko siya pwedeng makalimutan----- siya ang lalaki sa jeep kanina pero hindi na ganon ang suot niya kaninang umaga. Hawak niya ang payong ay bigla kaming nagkatitigan. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko ng nasulyapan ko na naman ang kulay asul niyang mata. "Ahmmm----ah,” hindi ko naituloy ang nais kong sabihin dahil bigla akong hinila ni Gretchen. Tulala akong tumakbo. Kung hindi ako hawak ni Gretchen ay tiyak na naiwan ako doon sa kinatatayuan ko. Kahit nang makarating ako sa building ay tulala pa rin ako. Iniisip ko pa rin ang lalaki. Kung paano nag slow-motion ang lahat ng galaw ng tao. Natauhan lamang ako ng bigla akong tinapik ni Gretchen. ‘’Basa ng basa ka. Magpalit tayo ng damit baka magkasakit pa tayo," wika pa niya sa akin. Saka ko lamang napagtanto na basang basa pala ako. Mabuti na lamang at may dala akong extra tshirt sa locker ko. Kahit na basang-basa ako ayos lang. Wala akong pinagsisisihan ngunit hindi ko maiwasan ang manghinayang. Abot kamay ko na ang lalaki sa aking isipin pero hindi ko magawang magsalita at magpakilala. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mainis kay Gretchen. Kung hindi ako nito hinila ay hindi mawawala sa paningin ko ang lalaki. Panghihinayang yun lamang ang naramdaman ko ng oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD