Chapter 3: Center of the Academy

3311 Words
Lumabas na rin kami ng silid-aralan at nagtatawanang binaybay ang hallway pabalik sa kanilang dining hall. Hindi pa rin ako maka get-over sa pag e-english ni Mister Aristotle kanina sa sagot ko, bahagya niyang naapakan ang medyo matayog na pride ko. Marunong naman akong mag-english, tinagalog ko lang talaga. “Oh my gosh Ysa!” padambang akbay sa akin ni Nyca. “Bakit? Anong problema?” "Nakakainggit ka talaga,” aniyang may pag-irap pa sa kawalan, “Tinagalog ko nalang rin dapat ang motto ko para ini-english ni Mister Aristotle.” bahagya pa siyang ngumisi. Tumigil ako sa paghakbang at pinanliitan siya ng mga mata. There is something wrong with her actions, it's seems that she likes him. “Anong klaseng mga titig iyan?” tanong niya na sinundan ng malakas na halakhak, “Hndi pa ba obvious na mayroon akong gusto sa kanya?” Ang nanliit kong mga mata ay agad nanlaki. “Nyca ang harot-harot mo!” bulalas kong ikinakunot ng kanyang noo, “Teacher natin iyon, ano ka ba?” “E ano naman kung teacher natin siya?” mataray na balik-tanong niya sa akin, nagpatuloy kaming muli sa paghakbang. “Love is blind.” Napapailing akong binalingan si Carley na tulala lang sa aming tabing naglalakd. “Carley...” “Oh?” “Huwag mong sabihin na naiinggit ka rin sa akin kaya ka tulala diyan?” alanganin kong saad sa kanya, nahugot ko ang aking hininga nang walang gatol na tumango siya sa akin. Malakas akong humalakhak, nawi-windang na sa pagiging weirdo ng dalawang kasama. “Para kayong sirang dalawa.” pagkatapos ng halos mangiyak-ngiyak na pagtawa ay saad ko, “Ginawa lang na english ang sagot ko kung mainggit kayo akala niyo nag ano kami.” “Nakita kong ngumiti siya sa'yo,” nguso ni Carley, “Habang nakatitig sa'yo.” “Oo nga, tapos noong palabas na siya ay lumingon pa siya. Ano meaning noon?” si Nyca na nakisali pa sa kalokohan ni Carley. Malakas akong tumawa, para silang sirang plaka na paulit-ulit na kumakanta ng iisa. “I am taken.” wala sa sarili kong sambit. Kung gaano kadilim ang kanilang itsura kanina ngayon ito ay biglang umaliwalas kagaya ng kalangitang naglaho ang mga kalat na ulap. “After ng lunch natin ay ito-tour ka namin sa buong school,” si Carley na agad binago ang aming topic, “Two in the morning pa naman ang pasok natin sa next class.” Wala sa sarili akong tumango at sumang-ayon sa kanila kahit na alam kong ang kain namin na sinasabi nila ay hindi normal na lunch kung hindi ito ay midnight snack. “Oo nga kaming dalawa ang magiging tour guide mo mamaya," si Nyca na agad kong ikinangiti, halos isang araw palang ako dito ay nakahanap na ako agad ng mga kaibigan sa katauhan nilang dalawa. Blessing in disguise. “Salamat na agad.” sambit ko sa kanila. Tuluyan na kaming pumasok sa maingay na dining hall. Alas onse palang pero halos ang lahat ng estudyante ay nandito na at nakapila. “Carley ano ang ibig sabihin ng red na dot sa necktie natin?” wala sa sariling tanong ko dahil mayroon akong nakitang nakasuot ng five dot. “Kapag eighteen ka one dot, kapag nineteen ka na two dot until maging twenty three ang iyong edad.” sagot niya na malayo at malabo. Tiningnan ko ang necktie ko. “Seventeen palang ako pero may one dot na.” “Meaning niyan consider ka ng eighteen.” bulong ni Nyca sa akin. “Aah okay, gets ko na.” Kagaya ng ipinangako nila kanina na ito-tour nila ako after midnight snack, kaya nandito na kami at naglalakad pabalik ng aming building. Nang sipatin ko ang aking relo ay mag a-alas dose na at hati na ang gabi. Nakasunod lang ako sa kanila, marami pa ring taong na namumuo sa aking isipan. Isa na ang...hindi ba sila natatakot? At... “Carley, Nyca bakit sa gabi ang klase natin?” “Hindi mo ba alam?” balik-tanong ni Nyca sa amin, “Sa gabi rin ang klase namin noong nasa elementary kami.” Nagkibit-balikat ako, naisip ko na siguro sa lugar na ito ay normal lang na ginagawa nila ang mga gawain at klase sa gabi. Normal lang iyon sa Macara na hindi gaya ng Zamora. “Ready ka na ba Ysadora?” si Carley na kumikislap ang mga mata gaya ng mga bituin. “Medyo.” tugon ko na humalakhak pa, ang tunog noon ay humalay sa tahimik na gabi. “Ang building na kinaroroonan natin ngayon ay ang mismong school natin.” panimula niya, “Ang in kong sabihin ay ito ang school nating lahat,” aniyang bahagyang tumigil pa, mabagal na kaming naglakad. “Ito ang classroom ng eighteen, alam mo naman na nasa itaas ang ibang blood type na stand bilang sections.” Tumatango-tango lang ako. “Ito ang sa nineteen, sa twenty, sa twenty-one, sa twenty-two at sa twenty-three.” patuloy niyang turo sa iba pang mga building, “Katulad ng sa atin ay binubuo rin sila ng apat na blood type, at nasa itaas rin ang mga iyon.” sumilay ang masayang ngiti sa kanyang labi, “Hindi ka naman siguro maliligaw unless iligaw ka.” Malakas kaming nagtawanan. “Pwede kang pumunta sa mga building nila pero ang tanong ay kung ano ang gagawin mo doon.” patuloy nito, “Iyon lang naman,” lumingon siya kay Nyca, “Ikaw na Nyca.” “Sige, sa itaas na tayo!” anitong tumakbo na paakyat ng hagdan sa gilid ng aming building. Walang pag-aalinlangan akong sumunod sa kanilang dalawa na maliksing palipat-lipat sa matarik at malalaking ang agwat ng baitang. Hindi ko lubos maisip kung paano nila ito nagagawang akyatin gabi-gabi nang hindi sila hinahapo o pinagpapawisan. Lalo pang naging creepy at weird ang aking pakiramdam ngayon. Sa unang palapag na aming inakyat ay may nakaukit sa harap nito na malaking letra ng A, pangalan iyon ng blood type ng mag-aaral dito. Muli kaming umakyat at halos lumaylay na ang aking dila sa labis na pagod, habang nakikita kong easy lang itong ginagawa ng dalawa kong kasama. What are they? Immortal na walang kapaguran? Ilang sandali pa ay nakarating kami sa sunod na palapag, may mga estudyante doong nakakalat at ovbious naman na mga taga B sila dahil nasa harapan sila nito. Nakakapagtakang tiningnan lang nila kami at hindi pinansin, na parang normal nalang sa kanila ang lahat. “Isang palapag nalang Ysadora kaya mo iyan!” pagche-cheer sa akin ni Nyca habang halos pagapang na akong umaakyat. Grabe, kung alam ko lang na parang mag ma-mountain climbing kami hindi na sana ako sumama pa sa kanila at nagpa tour. “Hindi ba kayo napapagod?” tanong ko na mahigpit ang hawak sa hawakan ng hagdan. “Hindi.” duet na tugon nila. Pagkaraan ng ilan pang ikot ay nakarating kami sa huling palapag kung saan naroroon ang classroom ng mga taga blood type O. Katulad sa ibaba ay nagkalat rin dito ang mga kapwa namin mag-aaral at nakatunghay sa ibaba, may mga nakaupo pa sa sahig. May nagbabasa, may nagku-kuwentuhan at may mga tahimik lang. Kung sa baba ay hindi kami pinansin ngayon naman ay ngumiti silang lahat sa amin. “Ang sabi niyo last na iyon?” halos maiyak na reklamo ko nang makita ang isa pang hilera ng mga baitang ng hagdan paakyat sa itaas. “Ito na talaga ang last at sa taas niyan ay ang rooftop na,” si Carley na ni isang pawis sa katawan ay walang tumatagaktak, kagaya ni Nyca. “At doon tayo pupunta Ysadora.” Wala sa sarili kong ipinahid sa aking noo ang palad, wala akong nakuhang pawis kahit na pakiramdam ko ay basa na nito ang mukha ko. “Pinaglalaruan niyo ba akong dalawa?“ “Uy hindi ah,” si Nyca na tumatawa pa, “Sunod ka na sa amin!” patalilis nilang takbo paakyat. Kahit nahihirapan ay pinilit ko silang sundan, sulit ang aking pagod nang sumalubong sa akin ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Buhay na buhay ang tahimik na gabi nang dahil sa malamig na hanging ito, samahan pa ng mga bituin at bilog na buwan. Mula sa itaas ay matatanaw ang kabuohan ng paaralan may isang mataas pa na building dito na abot pa rin ng aming mga tingin. “Ang ganda...” paghanga kong malalim na humihinga, matatanaw rin dito ang downtown. Kagaya ng aming paaralan, ang rooftop nito ay malawak at pahaba rin. At ang nakakahanga pa nang sobra dito ay ang magarang tulay na nagdudugtong sa rooftop ng mga taga ibang age. Pwede kang tumawid patungo sa rooftop nila na may kagayang desinyo ng rooftop dito. “Tunay ba ito?” tanong ko sa kawalan na umikot pa para makita ang iba pang banda. May mangilan-ngilang mga estudyanteng nakatambay dito. Pasalampak na nakaupo sa malinis na marmol na sahig. Maraming halamang nakatanim sa malalaking paso, may mataas na barandilya ang palibot ng rooftop, para itong rehas na bakal upang siguro ay walang mahulog at ma-aksidente sa lugar. “Carley, Nyca, ang ganda dito! Sulit na sulit!” bulalas ko habang humahakbang palapit sa kanila, nasa may barandilya sila nakasandal. Malawak pa akong napangiti nang sumayaw sa ihip ng hangin ang bawat hibla ng aking buhok. Umiindayog sila sa malamig na ihip. “Nagustuhan mo ba?” si Carley na matamang nakatingin sa aking mukha, tumango ako. “Mabuti naman kung ganun, hindi sayang ang pagod at mga reklamo mo paakyat dito.” Malakas akong tumawa, sumandal at humawak na rin sa malamig na barandilya na kagaya ng ginagawa nilang dalawa. “Sisimulan ko na ha?” si Nyca na bumaling ang mga mata sa akin galing sa malawak na parang sa ibaba, “Mula rito ay matatanaw mo ang kabuohan ng lahat, bawat buildings, bawat mahahalagang istraktura, bawat detalye ng paaralang ito na matagal ng panahong ikinukubli at itinatago sa maraming mga mata.” “Bakit?” hindi ko maiwasang itanong sa kanya. “We don't know either,” kibit-balikat niya lang. “Ito ang sentro ng lahat, nasa gitnang bahagi tayo ng academy at mula dito kahit na anong ikot ang gawin mo ang lahat ng building ay makikita at matatanaw mo. Isama na ang malayo sa ating downdtown ng Macara.” Tama siya, tanaw na tanaw mula rito ang Macara na may maliwanag na mga ilaw. “Makinig ka lang sa kanya Ysadora at tandaan ang bawat building na ituturo niya sa'yo.” kindat ni Carley, “Magagamit mo iyan isang araw at oras na kailanganin mo.” Tumango-tango ako, tumutok pang mabuti. “Iyon ang ating library, may anim na palapag ito. Bawat palapag ay pag-aari ng bawat Age ng ating paaralan. Sa library na I ay tayo ang nasa pinakaitaas, dahil eighteen palang tayo.” patuloy niya na tinuro ang malayong building, “May iba't-ibang mga libro doon ng history at kung anu-ano pa, sa library ay walang agwat o boundary ang ating bawat blood type. Magkakasama tayo doon at iyon na rin ang pinaka bonding ng lahat ng ating age.” huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy, “Hindi araw-araw bukas ang ating library, tuwing Friday lang ito at after ng class natin until Sunday para sa mga estudyante na hindi uuwi ng pamilya nila kapag weekend.” “Pwedeng umuwi?” “Oo, kung gugustuhin mo.” tugon ni Carley, “Iyon nga lang maraming proseso dito.” Bahagyang umubo si Nyca sa aming harap. Ngumiti ako at nahihiyang tumawa sa kanya. “Iyon ang dining hall natin," turo niya sa kaliwang bahagi namin, “At alam mo na ang building na iyon at na-brief ka na rin ni Carley. Ito naman ang gymnasium ng school natin, ginagamit lang iyon kapag may mahahalagang okasyon o mga patimpalak. Higit itong mas malaki sa dining hall natin, siguro doble ang laki noon kumpara sa eating haven natin.” Umikot siya at maging ako ay iniikot niya. “Iyon ang hospital ng ating school, kapag may sakit, at masama ang pakiramdam at kailangan mong magpahinga doon ka dadalhin. Wala ditong infirmary na malapit o maliit na clinic, when you feel sick kailangang madala ka agad ng hospital. Ayon sa protocol ng ating school.” “Kahit lagnat laki lang?” “Kahit na simpleng sakit ng talampakan.” “Grabe naman.” “Our health is one of their priority here.” “Okay.” “Sa tabi ng hospital na iyon ay nandoon ng market natin,” turo niya sa maraming ilaw at halatang abala ang lahat ng naroroon. “Doon tayo kukuha ng mga pagkain na gusto natin, it's all free at wala tayong kahit ni singkong babayaran. But we need to eat what we gets.” Iniisip ko na agad kung ano ang pwede kong mga kainin ng libre, specially chocolates na paborito ko sa lahat ng sweets. “After ng school or pwede ring after lunch ay magpunta tayo doon, iyon nga lang kapag ngayon hassle na dahil ipinapakilala ko palang sa'yo ang mga building.” anitong tumingin sa banda ni Carley, “Ang maliwanag namang iyon ay ang plaza sa gitna ng akademyang ito, pwede kang tumambay doon, magpahinga kasama ang iyong mga kaibigan. Open space iyon kaya mainit sa araw. Ang katabi noong medyo madilim ay ang botanical garden ng school na ito, may iba't-ibang uri ng bulaklak, halaman, halamang gamot ang matatagpuan doon. Marami din doong paru-paro, one time ay punta tayo doong tatlo.” Bahagya akong ngumiwi pero syempre para sa kanya iyon ay ngiti. Inikot-ikot ko sa aking isang braso ang bracelet na ibinigay sa akin nu Unlcle Simon, lahat ng mag-aaral ay napansin ko na mayroong ganito sa kanilang braso. “Sa mga different types naman tayo ng dorm.” humakbang kami sa may gilid upang maituro niya ito sa akin nang husto. “Iyon ang anim na dorm ng bawat estudyante dito, iyon ang dorm ng eighteen kung saan tayo nakatira. Tulad ng nakikita mo ang dorm natin ay malaki at may limang palapag, katulad rin iyan ng school na inaapakan natin. Ang unang palapag ng gusali ay ang tanggapan, doon kilala ng lahat ang mga nakatira sa dorm. Memorize ng mga empleyado doon ang bawat pangalan natin na nakalagay sa bracelet nating suot.” pakita niya nito sa akin, “Kumbaga ito ang ating identification card at the same time protection natin sa sunlight.” napakunot ang aking noo, ano at paanong protection? “Ang palapag na iyon ay ang tirahan na rin ng mga staff. Ang ikalawang palapag ay ang hallway nating mga AB, sunod ang A hanggang O, three students per room lang tayo.” Tumango ako at ngumiti, naisin mang may itanong minabuti kong tumahimik nalang. “Iyon ang dorm ng nineteen, twenty, twenty-one, twenty-two at ng twenty-three.” turo niya sa malayong building, “Pare-pareho lang ang laki ng dorm ng lahat, at iyon naman ang dorm ng mga faculty, teachers, principal, at ng mga mahahalagang tao sa school na ito. Huwag mo ng itanong kung anong itsura niyan sa akin dahil hindi pa ako nakakapasok diyan, bawal tayong pumunta diyan.” Ngumisi ako nang sumulyap siya ng masama. “Ang malawak na ground na iyon ay ang training ground ng bawat age. Hinati sila sa dalawa, mula eighteen to twenty ay dito.” humarap kami sa likuran namin kanina, “Ito ang training ground ng twenty-one to twenty-three, masyado ng madami kung sama-sama tayong lahat, pero mas masaya sana hindi ba.” “Oo nga, sayang naman.” “Bakit sayang?” “I mean masaya sana.” “Aah, iyong madilim na iyon ay ang tinatawag nilang ghost forest. Ayon sa sabi-sabi ang forest na iyon ay sobrang dilim, ipinagbabawal pumasok doon pero alam mo na may mga estudyante talagang matitigas ang ulo at mga rule breaker.” humalukipkip siya medyo irita, “Ayon pa sa kanila ay kapag pumasok ka doon ay may chance na hindi ka na makalabas pa dahil pipigilan ka nitong makahinga.” Agad binalot ng takot at kilabot ang aking isipan. Wala naman akong planong maging rule breaker pero ang isipin na gagawin ko iyon? Nevermind, mahal ko ang buhay ko. “Sabi-sabi lang naman siguro.” singit sa amin ni Carley, “Walang pruweba na nangyari talaga.” “Pero huwag mong subukan na pumasok doon isang araw Ysadora, delikado.” si Nyca. Ngumisi ako sa kanya, parang sira ito. “Bakit naman ako papasok doon?” balik-tanong ko, “Ano ang gagawin ko sa gubat? At alam ko rin ba ang daan papasok? Hindi ba at hindi?” Hindi niya ako pinansin. “Carley tapos na ako," sa halip ay saad niya. “Tapos na ba? Sige baba na tayo, uhaw na ako.” Tinalunton na namin ang daan pababa. “Carley?” “Bakit?” Kung kanina ay nagmamadali kaming umakyat, taliwas naman iyon ngayon na mabagal kaming humahakbang pababa ng hagdan. “Kanina iyong mga blood type O,” lumingon silang dalawa sa akin, “Friendly sila?” “Oo, at walang masama doon, sa lahat ng blood type ang type O ang hindi mahirap pakisamahan.” tugon nitong nagpatuloy sa pagbaba, “Kumbaga wala silang mga hinanakit gaya ng A, at ang B naman sadyang wala lang silang pakialam sa kanilang paligid.” “Aah..” tango ko na naiintindihan siya. “Gusto ko ng shake!” bulalas ni Nyca. “Ako rin!” si Carley. Normal pa ba ang shake sa lalim ng gabi? “Ikaw Ysaadora, gusto mo rin ba?” si Nyca na ngumiti pa sa akin ng matamis. Mabilis akong umiling. “Ayoko, sisipunin tayo niyan.” “Libre naman ang hospital.” si Carley. “Mga baliwa talaga kayo na abnormal!” Malakas kaming nagtawanang tatlo. Bumalik kami sa dining hall at umorder ng shake na nais nila. Saglit akong napatingin sa malayong table habang humahakbang palapit sa aming lamesa. May isang lalaki doon na titig na titig sa akin at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Pa-simple akong umupo habang tinitingnan si Nyca na kumukuha ng shake nila. “Bakit tatlo iyan?” reklamo ko nang makita ang dala nitong baso ng shake, “Ayoko nga niyan.” “Kainin mo na, damayan mo kami.” tulak ni Carley sa baso patungo sa aking harap. Nagsimula na silang uminom sa kulay pulang shake, siguro strawberry ang flavor nito. Nararamdaman ko pa rin ang mga titig ng lalaki sa aking likuran, at dahil sa kaba ay mabilis ko iyong dinampot. Hinalo gamit ang straw bago tuluyang sumipsip dito. Nanunuot ang lamig at tamis nito na may iba pang lasa. “Aayaw-ayaw pa ang isa diyan gusto rin naman.” halakhak ni Nyca na nasa kalahati na ang iniinom, “Huli ka na namin Ysadora.” “Kinunan niyo na ako, alangang sayangin ko?” “Kuu. Kunwari pa talaga.” si Carley. Napuno ng tawanan ang aming lamesa. “Anong flavor nito? Hindi lasang strawberry.” “Watermelon,” ngiting tugon ni Nyca. Muli akong humigop, nalasahan ko na ang magaspang na laman ng watermelon. “Ang sarap hindi ba?” ngisi ni Carley, tumango ako sa naging tanong niya sa akin. Unti-unti kong naramdaman ang pagbitaw sa akin ng tingin ng lalaki sa ibang lamesa. Doon ay unti-unti na akong nakahinga ng maluwag. “Bakit nga pala alam mo na ang mga building e hindi ba unang taon mo lang rin dito Nyca?” “May kapatid ako sa age nineteen, siya ang nagturo sa amin ni Nyca.” si Carley. Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. Ipinagpatuloy ang paghigop sa shake. How I wish na sana ay dito rin nag-aaral ang aking kapatid. Ano na kayang ginagawa nila ngayon ni Mama? Probably ay tulog na silang dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD