Pilit na lumulusot si Carley sa mabagal na usad ng mga estudyante, habang hila-hila niya ako. Nagpatianod ako sa kanya habang pinapansin ang kakaibang disenyo ng hallway na aming dinadaanan. Malawak ito at halos makita ko na ang aking sariling mukha sa makintab na sahig nito. Marami ring nakasinding ilaw sa buong paligid. Sa gilid na bahagi ng magkabilang hallway ay naroon ang aming mga silid. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay kung bakit may mga lalaki nang lumalabas mula sa mga silid na iyon. Hindi ba iyon bawal?
"Ang floor na ito which is second floor ay dorm para sa buong klase natin, para sa buong AB positive at AB negative." nakangiting bangga nito sa aking isang balikat, "Huwag kang mag-isip ng madumi, pulos lalaki rin naman ang mga kasama nila sa silid."
Tumango-tango lang ako. Bumabagal na ang usad ng lakad namin.
"Saka sa kaliwang side sila ng hallway," patuloy ng aking kasama, "Nasa kanang bahagi ng hallway ang silid nating mga babae."
Lumabas kami ng building at lumiko sa kanan, kung saan ay mas marami na ang mga estudyanteng naglalakad sa gitna ng liwanag ng mga poste ng ilaw. Mga estudyanteng makikita na nakakalat sa buong hallway ng eskwelahan. May patuloy pa ring nag-uusap tungkol sa mga walang kwentang bagay, iisa lang ang napagtanto ko patungo kami sa iisang dereksyon. Sa lugar na sa aking paningin ay mukhang simbahan.
"Iyan ang dining hall natin, diyan tayo kakain ng breakfast, lunch, at dinner." paliwanag muli nito na bahagya pa akong nilingon. "Nagluluto rin sila diyan ng meryenda kaya wala kang problema. Hindi ka magugutom sa lugar na ito." aniya pa na kampanteng nakahawak pa rin ang aking isang braso.
Bumukas ang double doors na salit-salitan lang na hinahawakan ng mga estudyante ang handle upang makapasok sa loob. Sa loob ng dining hall ay hindi mawawala ang naglalakihang mga chandelier na kung tama ako ng bilang ay anim. Sa kanan ay may mahabang glass cabinet kung saan nakalagay ang mga pagkain na hindi ko alam kung anong luto. Karugtong nito ang table kung saan naroroon ang mga baso, drinks, at kung anu-ano pa.
Nanatili akong nakasunod kay Carley na ngayon ay nakapila na, habang lumilibot ang aking paningin sa kabuohan ng paligid. Fully furnished ng itim na pintura ang buong silid, ni wala itong kahit na maliit na bintana. Sa gitna ng dining hall ay may naka set-up na twenty four na mahahabang table, marami itong upuan na nakahilera sa bawat gilid nito. May mangilan-ngilan nang kumakain at ang karamihan naman ay nasa mahabang pila pa rin.
Katulad ng normal na gawain sa cafeteria o canteen sa aking lumang school. Maingay. Maraming nagsasalita at may nagtatawanan pa, mayroong mga nakasimangot na kahit nagsisimula palang ang araw sa kanila. May tahimik na kumakain at mayroon namang halos basagin na ang baso sa ingay. Typical na scenario sa isang kainan sa loob ng paaralan.
"Anong sa'yo hija?" tanong ng babaeng naka-unipormadong puti na malawak na ngumiti sa akin.
Tahimik kong inilibot ang aking paningin sa transparent na bubog na salamin ng cabinet. At sa lahat ng putaheng nandoon ay salad lang ang nagustuhan ko doong kainin.
"Ito po." turo ko sa tapat ng mga iba't-ibang dahon na sangkap, "Pwede pong padagdag ng dressing?"
Tumango ang babe na ikinangiti ko nang malawak.
"Ysadora sigurado ka na diyan?" si Carley na nakatitig sa aking pagkain na in-order, "Magugutom ka niyan mamaya."
"Don't worry Carley, busog pa naman ako." tugon kong nakangiti pa ring tinanggap ang tray ng pagkain mula sa babae, mabagal akong humakbang palapit sa kanya. "Gutom ka ba?" pabiro kong tanong nang makita ang portion ng mga pagkain sa tray niya.
Pabiro niya akong inirapan sabay baling sa lalagyan ng mga inumin. Ngumuso siya bago mabilis na lumingon sa akin.
"Anong gusto mo hot chocolate o kape?"
"Hot chocolate." ngiti kong agad na nahiya sa kanya.
Hindi pa kami magkaibigan pero nagagawa ko nang magbiro sa kanya. Hindi niya kaya iyon gusto?
"Sige at saka tubig na rin." anitong mabilis inilagay sa aking tray ang baso ng tubig na sinasabi niya. Kumuha siya ng dalawang mug at kumuha na sa stainless na jag ng mainit na tsokolate. "Let's go." lingon niya sa akin pagkatapos na muling ilapag sa tray ko ang isang mug ng mainit na tsokolate. Tahimik akong sumunod sa kanya. Hindi alintana ang paninitig ng ilan sa mga estudyanteng naroroon. "Ito ang permanenteng table natin dito sa dining hall." tapik niya nang mahina sa yari sa tablang lamesa, "Ang lahat nang nakaupo dito ngayon ay lahat kaklase natin."
Humila siya ng dalawang upuan. Saglit naagaw ang pansin nang mga ilang estudyanteng kumakain na doon. Pagtatapos kaming tingnan at muli nilang ipinagpatuloy ang maingay na pagkain.
"Upo ka na." lahad niya sa isang upuan na hinila, walang imik ako ditong naupo. "Iyon naman ay Mga ka-batch rin natin." turo niha sa kalapit na hilera ng mga lamesa, "Sa ibang section nga sila hanggang doon sa may dulo."
Nahihiya akong tumango bago sumimsim sa tasa ng chocolate.
"Hanggang section 4 lang tayo?" kapagdaka ay tanong ko habang inaayos ko ang hawak sa aking kutsara at tinidor, tumango siya nang marahan at unti-unti nang nagsimulang kumain.
Sinimulan ko na rin na nguyain ang mga damong nasa aking harapan. Masarap ito. Matamis-tamis at malinamnam ang lasa ng dressing nito na may kulay ng hilaw na pula.
"Iyon ang age 19, ang age 20 at ang age 21," turo niya ng hawak na tinidor sa malayong mga lamesa, "Sila ang age 22 at ang age 23, lahat ng mga age ay may apat na section."
Tumango-tumango pa rin ako sa kanya kahit medyo naguguluhan na sa mga paliwanag niya sa akin.
"After one hundred years, she is coming!" bulalas niya habang nakatingin sa maingay na bumukas na pintuan ng lugar.
Bahagyang nangunot ang aking noo habang sinusundan kung sino o ano ang kanyang tinitingnan. Nakatingin siya sa isang magandang babae. Mayroon itong mahabang buhok na kulot ang dulo na halos ay hanggang sa kanyang beywang. Mayroon rin siyang pa side bangs na iniipitan niya ng pink na hello kitty clip. Nakangiti itong humahakbang palapit sa aming lamesa.
"Hey, good evening." bati nito na nakangiti pa rin, saglit niya akong sinulyapan bago muling bumaling sa aking katabi.
"Bakit ngayon ka lang?" nguso ni Carley na itinuro pa siya ng hawak niyang tinidor, "Abuso ka sa bakasyon mo ha!"
Malakas itong tumawa sa huling sinabi ng aking katabi.
"Teka lang Carley, kukuha lang ako ng aking pagkain." anitong muling tumalikod sa aming dalawa.
Habol ang mga mata ko sa kanyang pag-alis. Pamilyar siya sa aking paningin, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Siya iyong isa sa ating kasama sa silid ng dorm." untag ng aking katabi sa akin, "Maingay iyan, saka makulit."
Tumango-tango ako na muling ibinaling ang paningin sa pagkain.
"Nanggaling na naman siguro sa mundo ng mga tao." dagdag nito na ikinatigil sa aking akmang pagsubo ng lettuce sa tinidor.
Bago ako makapagtanong ay nakabalik na ito sa aming harapan.
"Sabihin mo sa akin bakit ngayon ka lang?" ulit ni Carley sa babae, "Ngayon ka lang natagalan sa iyong naging bakasyon."
Mahina itong tumawa, sumubo siya ng isang kutsarang pagkain.
"Anong inaarte mo diyan?" nakangisi pa rin nitong tanong, "Ngayon palang naman ang first day natin ng pag-aaral."
"Kahit na, alam mo namang mag-isa lang ako sa dorm."
"Medyo napasarap lang ang aking bakasyon." tugon nitong ipinagpatuloy ang kanyang pagkain, "Inaaya kita 'di ba?"
Nagpalipat-lipat ang aking mga mata sa kanilang dalawa. Hindi ko na maituloy pa ang pagkain sa pag-aakalang mag-aaway sila.
"E alam mo namang hindi pwede dahil darating kanina iyong bago nating roomate 'di ba?"
"Oo nga pala!" saglit siyang natigilan sa pagkain at agad na lumipad sa aking banda ang kanyang magandang mga mata. "Siya na ba iyon Carley?" turo niya sa akin ng hawak na kutsara.
"Oo siya--"
Mabilis naputol ang sasabihin ni Carley nang maingay itong tumayo. Gumawa pa nang kakaibang ingay ang isa sa kanyang kubyertos na hindi inaasahang mahuhulog sa marmol na sahig.
"Good evening, kumusta?" yukod niya sa aking harapan na mabilis kong ikinatayo sa aking kinauupuan, hindi alam ang dapat na gawin. Ini-unat niya ang kanyang isang kamay. "Nyca."
Mabilis ko iyong tinanggap. May kakaiba akong naramdaman nang magdikit ang aming dalawang palad.
"Y-Ysadora."
Pilit akong ngumiti sa kanya nang magtama ang aming mga mata. Halakhak ni Carley ang sunod na aming narinig.
"Kumain na kayong dalawa," anitong umiling-iling pa, "Napaka-pormal mo naman talaga Nyca."
Nyca hissed at her before she sat down on her chair. Tumingin siya sa akin nang may kahulugan.
"Upo ka na rin Ysadora, kumain na tayo."
Napipilitan akong tumango bago muling naupo. Tahimik na kaming kumaing tatlo. Nanginginig ang aking isang kamay na kinuha ang baso ng aking tubig. Natigilan ako nang itaas ko ang baso at makitang malabong kulay pula ang lamang tubig nito.
"Bakit malabo?" wala sa sariling tanong ko na nakatingin kay Carley na tapos na sa kanyang pagkain, naramdaman ko rin ang mga titig ni Nyca na saglit tumigil sa pagkain. "Ganito ba talaga ang tubig dito? Parang juice."
"Malinis iyan Ysadora." si Nyca na agad tinungga ang tubig na laman ng kanyang baso, magkakulay ito. "See? Ininom ko."
Bumalik ang aking paningin kay Carley na tumango-tango lang.
"Malinis iyan." patay-malisya niyang saad, "Masasanay ka rin."
Masasanay rin ako? Ang ibig niya bang sabihin ay palaging ganito ang tubig na iniinom namin dito sa canteen?
Hindi na ako muling nagtanong pa. Nag-aatubili kong tinungga ang tubig na may halong kulay pula. Noong una ay halos maibuga ko ito sa malansang lasa. Ngunit habang tumatagal ay tumatamis ito at nagiging malinamnam sa aking panlasa.
Nang matapos ako sa pagkain ay tahimik ko silang pinagmasdan. Kumakain pa si Nyca habang si Carley ay nagmamasid sa buong paligid na parang may hinahanap. isang malakas at mabagal na tunog ng kampana ang nakapagpatigil sa ingay ng mga estudyanteng naroroon. Hindi maiwasang manindig ng aking mga balahibo sa nakakagimbal na tunog nito. Isa-isang nagtayuan ang mga estudyante mula sa kanilang lamesa. Binuhat nila ang tray na pinagkainan at pumila na para ilagay iyon sa malaking lalagyan ng mga hugasang pinagkainan.
Wala sa sariling tumayo rin ako nang tumayo ang aking dalawang kasama. Ginaya ko ang pagdampot nila sa tray na kanilang pinagkainan. Nalilito man at sumunod ako sa kanilang dalawa na patungo na sa napakahabang pila sa hugasin. Nakailang lingon sa akin si Nyca bago maliit na ngumiti sa akin.
"Kapag tumunog na ang kampana nang ganun," aniya na bumagal sa kanyang paghakbang upang ako ay hintayin, "Ang ibig sabihin noon at malapit nang magsimula ang ating klase."
Tumango ako kahit na naguguluhan. Labis ang aking pagtataka na sa lahat ng bell na gagamitin nila, ay bakit kampana pa?
"Isa Ito sa rules ng school." si Carley na umangkla na naman ang isang kamay sa aking isang braso, "Pinagkainan mo linis mo."
Sumunod kaming muli sa agos ng mga estudyante na lumalabas na ng dining hall. Medyo mabagal at parang nasa prusisyon kami pero ayos lang naman, hindi naman siguro kami nagmamadali. Naglakad kami sa ilalim ng malamlam na liwanag ng buwan at sa mga naglalakihang ilaw. Tinungo ng halos lahat ng estudyante ang isa pang mahabang building na may tig-limang palapag.
"Dito lang tayo sa first floor, saan ka pupunta?" mahinang hablo sa aking isang braso ni Nyca sabay ngiti nang maliit.
"Aah, s-sorry." bulong kong nahihiya na, "Akala ko ay aakyat pa tayo sa itaas ng building na ito."
Sabay silang tumango ni Carley na humarap pa sa akin.
"Since blood type AB positive naman tayong tatlo ay dito tayo sa ibaba, ito ang room natin." Carley explained sa mababang tono.
"Sa taas ay A, then sa taas ulit nito ay B at ang pinaka last doong silid-aralan ay para sa mga O." dagdag ni Nyca.
Muli ay mabagal akong tumango sa kanilang dalawa.
"Bakit blood type ang basehan ng mga section natin?" lakas loob kong tanong sa kanilang dalawa na saglit na nagkatinginan.
"We should go inside, parating na si Miss Diyamante." bulong ni Nyca sa hindi ko lalong maintindihan na dahilan.
"Masasagot mamaya ang tanong mo Ysadora." si Carley na mabilis akong hinila papasok sa loob nang hindi kilalang silid.
Kung hindi ko alam na school ang aking pinuntahan ay iisipin kong naligaw ako sa isang museum. Makaluma ang buong classroom namin na mayroong tatlong aircon. Napakaliwanag ng tatlong malalaking chandelier. Kulay puti ang pintura ng mga pader. Typical na classroom, may green board sa unahan at may table ng teacher at isang chair sa gilid nito. Sa gitna ng room ay nakahilera ang mesa at mga upuan, hindi ito katulad sa aking lumang school na para sa individual ang mga upuan. Dito ay magkakaharap kayo at magkakatabi habang mesa lang ang nakapagitan sa inyo ng iyong kaharap na kaklase.
"Dito nalang tayo." si Carley na hinila ako sa gitna ng silid, "Nyca dito nalang tayo."
Kung ako ang papapiliin ng upuan ay mas gusto kong sa likod ako maupo. Hindi dahil sa takot ako sa resitation kundi dahil gusto ko nang tahimik na mundo sa likod nang naturang silid. Nakangiti nila akong pinagitnaan na dalawa, siguro ay para hindi ako mahiya o mailang sa buong klase namin.
Walang katapusan ang samu't-saring ingay ng aking mga bagong kamag-aral. Na kahit ang iba ay bulong lang ay malinaw ko pa rin silang naririnig, ang mga pinag-uusapan nilang walang kwenta.
"First day of school palang ba dito?" bulong ko na nakatingin sa dalawang kasama na kapwa nakahiga ang ulo sa lamesa. Sabay silang tumango sa akin, "Sa school na pinanggalingan ko ay halos tatlo o apat na buwan na silang nag-aaral. Hindi pala ako isang transfer dito o bagong mag-aaral, kasabayan niyo ako."
Wala silang naging komento sa aking sinabi. Humupa ang ingay na tuluyan nang nawala nang pumasok ang isang matangkad, maputi at magandang babae. Itsura niya na mukhang bata pa.
"Good evening class," malumanay at nakangiti niyang bati.
Tumayo kami at sabay-sabay na bumati sa kanya.
"O, mukhang marami ang magaganda at gwapo ngayon sa aking mga estudyante ah." nakangiti pa rin niyang inilibot ang mga mata, "My name is Iren Diyamante, you can call me Miss Diyamante." muli siyang tumawa na ikinangiti namin, "Apelyido ko palang ay tunog kayamanan na."
Ang iba ay nagtawanan at ang iba naman ay nagsigawan.
"Ako ang magiging class adviser niyo ngayong buong taon, since nakapagpakilala na ako sa inyo ngayon ay kayo naman. Tatayo kayo dito sa unahan then sasabihin niyo ang pangalan niyo, edad niyo, blood type at saka ngingitu kayo para sa inyong litrato sa ID, maliwanag ba iyon?"
"Yes Miss Diyamante!" kuro ng lahat.
Unti-unting bumangon sa aking dibdib ang kakaibang kaba. Hindi ko maipaliwanag kung matatae ba ako o maiihi sa portion na ito.
"Alright then, magsimula na tayo." anitong prenting naupo na kanyang lamesa na nasa unahan, "Simulan mo na hijo."
Inilagay ko sa ilalim ng lamesa ang aking mga kamay na nagsisimula nang magpawis nang malamig. Panay ang aking buntong-hininga at tingin sa kaklaseng nagsasalita sa unahan.
"Kaya mo iyan Ysadora." mahinang tapik ni Carley sa aking isang balikat, "Saglit ka lang namang tatayo doon."
Isa-isa nang natatapos ang aming mga kaklase na palapit na nang palapit sa upuang aming kinaroroonang tatlo. Sa labis na pag-aalala ay hindi ko na pinansin ang kakaibang hilatsa ng kanilang mga ngipin sa unahan tuwing ngingiti sila sa camera.
"My name is Nyca Vadejos. I am 18 years old and my blood type is AB positive, nice to meet you everyone." she smiled at tulad kanina sa iba ay may nakita rin akong kakaiba sa mga ngipin niya.
Ipinadyak-padyak ko ang aking isang paa sa ilalim ng lamesa. May iilan sa aming mga kaklase ang makahulugang tumingin doon.
"I am Carley Onsimus, I am 18 years old. My blood type is AB negative." she smiled too at kagaya ng iba ay may nakita rin akong kakaiba sa kanyang mga ngipin.
Binabalot pa rin ng kaba ay dahan-dahan akong tumayo. Mabagal akong humakbang patungo sa unahan. I'm not good in talking infront of the others. Hindi pa rin ako sanay sa unahan ng klase. Nahihiya kong inayos ang aking pagkakatayo. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay sa aking likuran. Huminga ako nang malalim at pilit na tumigin sa likuran, pinalagpas iyon sa pader.
"My name is Ysadora Ydades, seventeen years old." kumibot-kibot ang labi habang nararamdaman ang mga titig nila sa akin, "My blood type is AB positive. Nice to meet you all." ngumiti ako nang pilit sa automatic na camera na nasa aming harapan.
Lahat sila ay natigilan sa aking sinabi. Hanggang sa aking pag-upo ay hinahabol nila ako ng tingin.
"Wait Ysadora, ibig sabihin ay seventeen ka palang?" tanong ng aming maestra na umahon pa sa kanyang upuan.
"O-Opo Miss Diyamante." nahihiya kong muling tayo ng upuan.
"Kailan ka magiging eighteen?" muli ay tanong nito na nakangiti.
"Next week po na Tuesday."
Tumungo ako, hiyang-hiya na sa mga kaklase. Hindi ko alam na sa paaralang ito ay isyu ang edad ko. Ilang araw lang naman iyon.
"O first time, I mean first time lang na nagkaroon ang school na ito ng student na hindi pa eighteen." anitong nasisiyahan sa kanyang nalaman, "By the way, since next week naman na 'yon it doesn't matter."
Nagpatuloy ang pagpapakilala ng mga estudyante hanggang sa makarating na ito sa pinakadulong upuan ng aming kaklase.
"Class, iyon lang for tonight and see you tomorrow."
Napamulagat ako, iyon lang iyon? Tapos na?
"Goodbye Miss Diyamante!"
"Bukas babawi iyan, naging guest teacher namin iyan noong nasa highschool ako." mahinang bulong ni Carley.
Since na-open niya na ito ay magtatanong na rin ako.
"Saan kayo nag highschool?" baling ko sa kanilang dalawa, "Ako kasi graduating palang ng grade twelve. College na ba ito?"
"Sa downtown ng bayan ng Macara, sa ibaba lang 'yon ng school na ito." si Carley na ngumiti sa akin nang malaki, "Parang nasa college na nga tayo, nire-ready na tayo sa hamon ng buhay."
"Ikaw Nyca?" baling ko sa isa, hindi ko pinansin ang huling sinabi niya sa akin.
"Magkaklase kami ni Carley sa downtown." tugon nito na ngumiti sa akin, "Although taga bayan ako ng Morale. Ikaw saan?"
"Sa bayan ng Zamora, gaya ng sinabi ko grade twelve palang ako at--"
"Oh? Six hours ang biyahe noon papunta dito hindi ba?" pagputol niya sa aking sasabihin kasabay ng pagpapalit ng topic namin.
"Alam mo ang bayan namin?" kumikislap na ang aking mga mata, "O nakapunta ka na ba sa maliit naming bayan?"
Paulit-ulit siyang tumango sa akin.
"Oo minsan na akong nakarating doon."
"Talaga?" ngayon ay masayang-masaya na ako, "Gamit ang train ay aabot nhmg six hours ang biyahe. Nakakakapal ng puwet."
Sabay kami nitong mahinang humagikhik. Nakisali pa sa pagtawa si Carley na tahimik sa aming nakikinig.
"Ang astig pala 'no?" sambit ni Carley natatawa pa rin, "Ako ay taga bayang ito ng Macara, si Nyca ay sa bayan ng Morale tapos ikaw ay taga bayan ka ng Zamora."
"Oo nga sa iba't-ibang bayan tayo nagmula pero ngayon ay nasa iisang bayan tayo ng Macara." sang-ayon ni Nyca.
Patuloy pang humaba ang aming usapan na kung saan-saan pa napunta. Mukhang nang dahil sa kanila ay nakikita ko na ang aking sarili na magiging isang matiyagang tsismosa.
"Napakaganda ng downtown ng Macara lalo na kapag gabi," saad ni Carley habang tumatango-tango, "Kaya lang ay may pasok tayo noon at hindi pwedeng pumunta doon kapag hindi weekend."
"Kapag weekend naman ay umuuwi ako ng Morale." si Nyca, "Walang chance na makasama sa inyo, hindi naman pwedeng tumakas tayo dito. Mapaparusahan tayo panigurado."
"Anong klaseng parusa?" interesado kong tanong, "Kamatayan ba?"
"Hindi naman." si Carley, "May rules kasi ang Akademyang ito na ipinagbabawal lumabas ang isang estudyante kapag weekdays." sinipat niya ako ng tinging nagdududa, "Sandali, hindi mo pa ba nababasa ang nilalaman ng manual mo?"
Marahan akong umiling. Bukod sa kakarating ko lang dito ay hindi ko rin iyon naalala nang dahil sa labis na pagod sa biyahe.
"Basahin mo 'yon kapag mayroon kang time Ysadora." si Nyca, "You know para makaiwas kang maging rule breaker."
Ilang sandali pa ay dumating na ang sa tingin ko ay isa pa sa teacher namin. Matikas, matangkad, at maganda itong lalaki Lalo na nang ngumiti ito nang malaki.
"Si Mister Aristotle!" pairit na bulong ni Carley na kagat-kagat pa ang kanyang manipis na labi.
"Damn! Ang hot niya pa rin kahit na mayroon na siyang edad." Nyca uttered while her face is turning red.
Pabalik-balik ang naging tingin ko sa aming bagong maestra pabalik sa kanilang dalawa na labis nang namumula ang mukha.
"Bet niyo?" mahina kong bulong na hindi na nila pinansin.
"Good evening class, ako si James Aristotle." nag-iritan ang ibang mga estudyante na ikinatawa lang nito sa unahan, "Ang magiging teacher niyo sa power resolutions. Kung paano niyo ito kontrolin. Tamang gamit nito at para hindi niyo rin ito maabuso. You need to call me Mister Aristotle."
Sandali, anong power resolutions na pinagsasabi niya? Sa pagkakatanda ko ay wala kaming subject na ganun.
"Introduce yourself." aniyang may pamatay na namang ngiti sa kanyang katamtamang kapal at mapulang labi.
Tiningnan ko ang aking dalawang katabi na halos mangisay na sa labis na tuwa at kilig. Seriously? Hindi ko na sila ma-get's. Nagsimulang magpakilala ang lahat, hindi kagaya kanina na pupunta pa ng unahan at ngingiti. Ngayon ay nandito lang kami nakatayo sa may upuan, pangalan, edad, birthday at motto mo.
Ang motto ni Carley ay 'love will keep us alive,' hindi ko alam kung gaga ba talaga siya dahil iyan ang sinabi niya. Si Nyca ang motto naman niya ay 'If you really love him, set him free' my god, I hate drugs. Puro tungkol sa love ang napakawalang kwenta nilang motto. May mga nagsabi namang 'Fight until you get your victory,' basagulero 'yan natatandaan kong Jaime ata ang kanyang pangalan.
May nagsabing 'Too much love will kill you,' 'Set fire before you die,' 'Make your own identity,' 'No man is an Island' at marami pang puro kalokohan na motto, mayroon pang p*****n. At siyempre ang walang katapusan kong motto 'Matuto kang maghintay, dahil ang lahat ay nakatakdang mangyari sa tamang panahon at oras'' Hindi 'yan basta-bastang motto, wikain ko iyan sa paghihintay sa lalaking aking naging kakilala noon.
"You mean Miss Ydades, learn how to wait because everything is going to happen in the right time and in the right place?" tanong nito na ikinatango ko, alangang umiling pa ako kung medyo duguan na ang maliit na ilong ko.
At pagkatapos ng sagot ko ay nagpaalam na siya at sinabing ihanda ang aming mga sarili bukas sa kanyang panimula na klase.