CHAPTER 10

2037 Words
"Apollo..." Apollo stood near the panoramic window, which overlooked an expansive garden outside. He looked like a corporate model straight out of a business magazine, but with the garden as his backdrop, framed by the moon, the stars, and the shimmering night sky. Mula sa bungad ng kusina ay nagkasya na lang si Ahtisa na tahimik na pagmasdan ang binata. Tutok na tutok ang luhaang mga mata niya sa kabuuan nito. Nakasunod ang mga mata niya sa bawat kilos ng lalaki. At 6'4", Apollo exuded authority and power. His finely tailored charcoal suit perfectly complemented his broad shoulders and trim waist. A crisp white shirt and a silver tie added an air of effortless sophistication. His rimless glasses rested on his tall, narrow nose, sharpening the edges of his piercing gaze, while the faint shadow of a smile played on his lips as he exchanged words with his siblings. Kamukhang-kamukha nito sina Ares at Artemis, dahil triplets ang mga ito. The triplets inherited the color of Luther’s hair and eyes, but only Ares had a straight hair. Sina Apollo at Artie ay namana ang maalon-along buhok ng mga ito mula sa inang si Ruthie. Ang tatlo ay pare-pareho ring may nunal sa kaliwang bahagi ng mukha ng mga ito. Apollo had a mole on his left temple. Ares had one under his left eye. And, Artie’s mole was on the left side an inch beside the corner of her tiny lips. Masayang nag-uusap ang mga ito, kasama na ang bunsong kapatid ng mga itong si Athena. Bawat kumpas ng kamay nito sa hangin habang nagsasalita ay kalkulado at puno ng awtoridad. Like an impressively powerful CEO discussing business in the boardroom. Hinayon ulit ng tingin ni Ahtisa ang nobyo. Sa tikas ng tindig nito, sa halos perpektong pagkakaukit ng mukha nito, sa lakas ng karisma nito kahit seryoso ang mukha, ay parang ang hirap nitong abutin. Ito ang tipo ng lalaking gustong angklahan sa bisig ng kahit sinong babae, lalo na ng mga babaeng katulad nitong kabilang sa alta-sosyedad. Napabuntong-hininga si Ahtisa. Napayuko siya at napatingin sa sahig. Ang makintab na marmol na sahig ay kumikislap sa ilalim ng ginintuang liwanag mula sa kristal na aranyang nakalawit sa kisame. Inilingap niya ang tingin sa paligid. Lahat ng nakikita niya ay nagsusumigaw ng karangyaan. Ang mga detalyadong ukit sa kisame at ang makakapal na kurtinang esmeralda ay bumabagsak nang elegante sa tabi ng matatayog na bintanang nakabukas sa tanawin ng gabi. Ang mga bisita, mga piling tao ng lipunan, ay masayang nakikihalubilo sa katulad din ng mga ito ang estado sa buhay. Ang tawa ng mga ito ay banayad at aral na aral. Ang pinag-uusapan ng mga kalalakihang naka-pormal ding kasuotan ay tungkol sa negosyo, samantalang ang mga kababaihan ay tungkol sa kung gaano kakinang ang buhay ng mga ito. Sa paligid ay tahimik na gumagalaw ang mga waiter, nakaunipormeng puting-puti, bitbit ang mga tray ng champagne at hors d’oeuvres, habang ang banayad na tugtog ng quartet ng mga biyolinista ay bumabalot sa buong lugar. Kung iisiping mabuti ay napaka-romantiko ng kabuuang pagkaka-desinyo sa lugar. Pero nakakatawang siya ay naghihinagpis. Ang puso niya ay tila nilalapirot. Nasasaktan siya. "Tisang! Nandito ka lang pala!" Kinalabit siya ni Nina sa likod. Dali-dali niyang tinuyo ang luha. Magtataka ito kapag nakita siyang umiiyak nang tahimik at palihim. "Sino'ng sinisilip mo riyan?" Sinundan nito ng tingin ang linya ng bista niya, at pinatunog nito ang dila nang makita si Apollo. "Tsk. Si Sir Apollo na naman? Crush na crush mo talaga si Sir? Hay naku, Tisang, ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi ka nga sabi papatulan niyan. Tignan mo iyan." Itinuro nito ang binata, tapos ay binalingan siya, "at tignan mo ang sarili mo. Magkaibang-magkaiba kayo. Ang layo ng agwat, Tisang. Kaya gumising ka na sa kahibangan mo." Hindi siya umimik. Itinirik nito pataas ang mga mata, parang nanay na nakukunsumi sa anak nitong rebelde. "Ito nga pala ang dagdag pang pagkain, ikaw na ang mag-abot sa magkakapatid na Altieri para makita mo nang malapitan ang crush mo, tutal hibang na hibang ka naman kay Sir Apollo." Inabot sa kanya ni Nina ang tray ng stuffed mushrooms. Mabilis at sunud-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "A-ayoko. Ikaw na lang." "Sus! Kunwari ka pa, gustung-gusto mo naman. Dali na! Paborito iyan ng magkakapatid." Hinawakan siya ni Nina sa magkabilang braso at inikot paharap sa dako ng apat na anak ng mag-asawang Altieri, saka bahagya siyang itinulak. "Bilis na." Kahit nag-aalangan ay napilitan siyang lumakad palapit sa apat. Si Ares ang unang nakapansin sa kanya. Nagliwanag kaagad ang mukha nito. "Ahtisa? God, it really is you! Ang tagal mong hindi nagpakita sa amin, ah!" May sariling bahay na rin ang mga kapatid ni Apollo, pero madalas pa ring dumalaw ang mga ito sa bahay ng mga magulang. Kaya noong nagtatrabaho pa siya sa malaking bahay nina Luther at Ruthie ay palagi niya ring nakakasama at nakakausap ang mga ito. Gumuhit ang tipid at nahihiyang ngiti sa mga labi niya. "S-sorry po," ang tanging nakuha niyang sabihin. "What is it you're sorry for?" nakangiting tanong ni Ares sa kanya. Sumali na sa usapan si Artemis. Nagpakawala ito ng magiliw na tawa. "Hindi kami galit sa 'yo, ah. Kumusta ka na?" Napalunok siya. "O-okay naman ho ako." Nasa kaliwa niya si Apollo, kaya hindi siya minsan man nagpaling ng mukha sa dakong iyon at nakatutok lang ang tingin niya kay Ares. Pero sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niyang seryoso itong nakatitig sa kanya. "Pinapatanong palagi ni Mommy kung ano raw ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon," sabi ni Athena. Kumuha ito ng isang pirasong stuffed mushroom mula sa bitbit niyang tray at isinubo iyon sa bibig nito. "Ibaba mo nga muna iyan," ani Artemis, ang tinutukoy nito ay ang dala niyang tray. Si Ares na ang nagpresentang kunin iyon mula sa kamay niya, at inilapag iyon sa pinakamalapit na mesa. "Salamat," aniya sa binata, nahihiya siya. Bahagyang namula ang kanyang mukha, pero hindi niya masabi kung dala iyon ng pakiramdam na naiilang siya dahil napako sa kanya ang atensiyon ng magkakapatid, o dahil alam niyang titig na titig sa kanya si Apollo at hindi nito nilulubayan ng tingin ang mukha niya. Galit na siguro ito sa kanya, pero hindi lang nito maipakita iyon sapagkat nakapaikot sa kanya ang mga kapatid nito. Hindi pa naman nito in-expect na bigla siyang lilitaw sa party. Kung iisiping maigi ay siya ang dapat na magalit dito dahil nagsinungaling ito sa kanya. Mag-o-overtime raw sa opisina hanggang hatinggabi at baka umagahin pa? Hah! Sana sinabi na lang nitong may party na inihanda para sa mga ito at ayaw nitong imbitahan siya. Nag-alala pa siyang wala itong kasama sa araw ng birthday nito. Iyon pala ay siya lang ang ayaw nitong makasama. Nagsikip na naman ang dibdib niya, at humapdi ang kanyang lalamunan. Pilit niya lang na nilunok pabalik ang nag-aalab niyang emosyon. "Ahtisa?" Hindi niya narinig iyon. "Ahtisa?" Marahan na siyang tinapik sa balikat ni Ares. Napaigtad siya, nagulat nang bahagya. Napatingala siya kay Ares na kasingtangkad din ni Apollo. "H-ha?" Natawa ang binata. "You're zoning out." Ginulo ni Ares ang buhok niya, nakatawa, habang siya naman ay awtomatikong nalukot ang ilong dahil sa ginawa nito. "Don't do that," biglang sabi ni Apollo, malamig ang boses nito, halatang hindi ito natutuwa. Sabay-sabay na napalingon dito ang mga kapatid. "Why are you so uptight?" Pabirong isinuntok ni Ares ang kamao nito sa dibdib ni Apollo. "Lighten up a bit, will you? Tinatakot mo si Ahtisa," anito. Tumingin ulit sa kanya si Apollo, pero siya ay pinanindigan ang hindi paglingap sa dako nito. "Am I really scaring you, Ahtisa?" tanong ng binata sa kanya. Malalim ang timbre ng boses nito, buong-buo. Umiling siya. "H-hindi po," mabilis niyang tugon, nagyuko ng ulo. "Oh, come on, that’s exactly what someone afraid would say!" ani Artemis. Dinig niya ang pagbuga ng hangin ni Apollo. "What are you even doing here?" biglang tanong nito sa kanya, na ikinagulat niya. Nagulat din ang mga kapatid nito sa naging tanong ni Apollo. "What the hell, Apollo? Anong klaseng tanong iyan?" pasitang tanong ni Ares dito, kunot na kunot ang noo. Nagtataka marahil ito sa inaasal ng kapatid. Tumikhim siya, nag-alis ng bara sa lalamunan. "M-mas mabuti sigurong bumalik na ako sa kusina. B-baka hinahanap na ako ro'n ni Manang Loreta." "Dito ka lang, Ahtisa," pigil sa kanya ni Artemis. Sinimangutan nito si Apollo. "My brother just acts like an arsehole sometimes. Huwag mo na lang siyang pansinin." Si Athena naman ay nakikinig lang sa mga nakatatandang kapatid nito, nakapaskil ang naaaliw na ngiti sa mukha nito. Napaigtad pa si Ahtisa nang biglang umabrisyete sa kanya si Artemis. Matamis ang pagkakangiti nito sa kanya. "Dito ka muna, Ahtisa, ha. Magkuwentuhan pa tayo. You know, it's been a while since we last saw each other, so let's catch up more." Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan. "Let her go, Artie," pormal ang tinig na saway ni Apollo sa kapatid. "Shut up, brother." Itinirik lang nito ang mga mata pataas at sinimangutan ang binata. Muli itong bumaling sa kanya. "Have you gotten married already?" Nanigas ang likod niya sa tanong na iyon. Nagpatuloy si Artemis. "Na-curious lang ako. Nag-resign ka dahil sa boyfriend mong inalok ka ng kasal, 'di ba? And it's been what? One year? Tama? Hindi na ako magugulat kong sasabihin mong ikinasal ka na." "Ahm, h-hindi pa—" Namilog ang mga mata ni Artemis. "Hindi pa kayo ikinakasal ng boyfriend mo? Masyado bang maselan sa detalye ng kasal iyang lalaking pakakasalan mo?" Mabuti nga sana kung gano'n, pero ang reyalidad ay wala lang talagang balak si Apollo na talakayin ang mga bagay na may kinalaman sa plano nilang pagpapakasal. "Bakit hindi mo ipakilala sa amin iyang lalaking gusto mong mapangasawa nang makilatis namin? I’m great at picking up on what kind of person someone is, you know?" Si Ares. Nag-alis si Ahtisa ng bara sa lalamunan. Natetensiyon siya. Ramdam niya ang panunuot ng lamig sa kanyang talampakan at palad. Disimulado siyang sumulyap kay Apollo. Seryoso pa rin ang anyo ng mukha nito, at hindi niya alam kung dinadaya lang siya ng mga mata niya, pero pakiwari niya ay nag-iigting ang panga nito habang nakatitig sa kanya. "N-next time, i-ipapakilala ko siya sa inyo," pagsisinungaling niya sa kawalan ng masasabi. "Good!" korus agad nina Artemis at Ares. Napabungisngis naman si Athena. Si Apollo lang ang hindi natuwa. Ni hindi umangat kahit kaunti ang sulok ng mapula nitong mga labi. "Excited na kaming makilala iyang boyfriend mo," ani Artemis. Saktong may dumaang waiter, may bitbit na tray. Kumuha ito ng dalawang kopita ng red wine. "Let's clink our glasses to that. Here." Inabot ng dalaga ang isang kopita sa kanya. "Ahm." Napatingin siya kay Apollo. Nagdidilim na ang mukha nito. Ang matalim na kislap sa mga mata nito ay nagpapalambot sa mga binti niya. "Don't tell me you don't drink wine?" kunot-noong tanong sa kanya ni Artemis. "Don't force her, Artie," saway ni Apollo sa kapatid. "I am not forcing her!" Mukhang mag-aaway pa yata ang dalawa. Napilitan siyang magpakawala ng nag-aalangang tawa. "S-sir Apollo, o-okay lang po, isang kopita lang naman." "Don't drink that," anito, tumatagos ang mga titig nito sa kalamnan niya. Inakbayan ito ni Ares sa balikat. "What the heck is wrong with you, Apollo? Bakit ganiyan kang tumingin kay Ahtisa? May balak ka bang tunawin siya sa mga ganiyang klaseng titig mo sa kanya? Let her drink! She's legally an adult, so it's fine." "Okay lang talaga ako, Sir Apollo," aniya, pilit ang ngiting pumaskil sa mukha niya. Dinala na niya sa labi ang kopita. Pero bago pa niya magawang simsimin ang wine ay marahas nang inagaw sa kanya ni Apollo ang kopita. Nagulat ang mga kapatid ng binata, at siya naman ay napanganga. Apollo raised the glass to his lips, tilting his head back. The prominent bulge of his Adam's apple shifted as he swallowed, accentuating the sharp lines of his jaw and throat. Marahas na ibinaba ng binata ang wala nang lamang kopita sa pabilog na mesita, tapos ay pinukol siya nito ng matalas na tingin. "Try bringing another wine glass to your lips, and I'll rip your mouth apart."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD