CHAPTER 11

2143 Words
"Baliw ka ba, ha, Apollo?" inis na tanong ni Artemis sa kapatid. Inabot ng halos limang segundo bago nagawang mag-react ng mga ito sa ginawa ng binatang pag-agaw at pag-inom sa wine na dapat ay sa kanya, at sa mga sinabi nito. Umalsa lang ang isang sulok ng mga labi ng lalaki para iguhit ang mapang-uyam na ngiti. Matalim pa rin ang kislap na naglalaro sa loob ng mga mata nito. "Hello, Altieri siblings!" Biglang may lumapit na babae sa magkakapatid. Maganda, sopistikada, malakas ang taglay na karisma. The woman looked like a supermodel but had the aura of a top executive. She wore an elegant black sheath dress paired with diamond stud earrings. Mas lalo pa itong pinatangkad ng suot nitong sapatos na may mataas na takong. Bagay na bagay ang babae sa tindig ni Apollo. Kung ganoon siya ka-elegante, kung sopistikada rin siya, at kayang makipagsabayan sa mga taong may ibubuga sa lipunan, mas magiging madali kaya para sa binata ang ipakilala siya sa pamilya nito? Nalungkot na naman siya, pero muli niyang itinulak sa likod ng lalamunan ang nag-aalab niyang emosyon. Mahihirapan siyang ipaliwanag sa mga Altieri ang rason kung bigla siyang magiging emosyonal. "Victoria, hi!" ganting-bati ni Artemis sa eleganteng babae. Tinanguan din ito nina Ares at Athena. Si Apollo lang ang hindi kumibo. Tuwid na tuwid ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi man lang ito lumingon sa bagong dating at nakatutok pa rin sa kanya ang mga mata nitong sobrang tiim kung tumitig. Kumapit sa bisig ni Apollo si Victoria. Agad na pumiksi ang binata at dumistansiya sa babae. Halatang napahiya ang dalaga, pero itinago nito sa likod ng matamis na ngiti ang nararamdamang pagkadismaya. "Apollo, don't act like I'm unfamiliar to you. Magkaibigan ang mga magulang natin, at matagal na rin tayong magkakilala." Sinubukan ulit nitong ipulupot ang kamay sa bisig ng binata, pero nabigo lang ulit ito. Apollo was clearly maintaining a decent distance from the woman. Sa aspetong iyon ay natutuwa siya sa binata. Hindi naman talaga ito babaero. Kaya nagulat nga siya na inalok siya nito ng kasal. Ang totoo ay hindi niya pa rin alam kung ano ang nakita nito sa kanya. Aminado naman siyang maraming babaeng naghahabol sa binata. Marami ang nag-aasam na makuha ang interes at atensiyon nito. Kaya kung bakit siya ang nilapitan nito, inalok na maging kasintahan at pinangakuan ng kasal, ay malaking palaisipan pa rin sa kanya hanggang sa mga oras na iyon. "Apollo, you're behaving like a j*rk again. Victoria is just trying to be friendly with you," ani Artemis. "She doesn't need to touch me to be friendly," walang preno nitong sabi, na ikinaubo ni Ares. Natawa ang huli. Muntik pang lumabas sa ilong nito ang iniinom na wine. Tinapik ni Ares sa balikat si Apollo, naiiling na natatawa. Namula naman si Victoria, at kumuyom ang mga kamay nito. Pinagkrus ni Artemis ang mga kamay sa tapat ng dibdib. "Bakit ba bawal kang hawakan? You aren't made of gold, brother dearest," sarkastikong wika nito. "You know how much I dislike physical contact, especially if unnecessary," sagot lang ng binata. Kumunot ang noo ni Ahtisa. Ayaw ni Apollo na hinahawakan ito? Napabuga ng hangin si Artemis. "Do you have mysophobia or something?" "No, I am not a germophobe." Tumikwas ang kilay ng kapatid. "Kung gano'n, bakit ayaw mong hinahawakan ka? May magagalit ba? May magseselos? Wala ka namang girlfriend, ah? Sino ang papatol sa 'yo? Napakasuplado mo kaya." Sumulyap sa kanya si Apollo, bago nito ibinalik ang tingin sa kapatid. Napilitan tuloy siyang yumuko, dahil nag-init ang kanyang mga pisngi. "I am not single," sabi nito. Napaigtad siya nang marinig ang sinabing iyon ng binata. Sigurado siyang tumingin ulit ito sa kanya. Ramdam niya ang init ng pagkakatitig nito sa kanya kahit na hindi pa niya i-angat ang mukha. Natahimik ang mga kapatid nito, pati na si Victoria. Hindi rin niya nagawang magsalita. Pinanatili niya lang na nakayuko ang ulo. "What? Are you joking?" hindi makapaniwalang tanong dito ni Artemis. "Look at my face, and you tell me." Walang halong pagbibiro ang tono ng baritono nitong boses. Halos lumuwa ang mga mata ni Artemis. Ganoon din ang naging reaksiyon nina Ares at Athena. "Kuya, totoo? Are you in a relationship?" paniniyak ni Athena, mulagat ang mga mata nito. Kumuha si Apollo ng wine glass mula sa tray ng dumaang waiter, at sinimsim iyon. Nang sumulyap ito sa kanya ay nahuli nitong nakatingin siya rito. He held her gaze over the rim of the glass as he sipped the wine. Parang may kung anong lubid ding gumagapos sa mga mata niya at hindi niya mapilas ang tingin mula sa matiim na pagkakatitig sa kanya ng binata. "Yes, I am in a relationship," matapat at seryoso nitong sabi. Kahit walang iniinom si Ahtisa ay para siyang mabibilaukan sa sarili niyang laway. Kumakabog ang dibdib niya. "You must be kidding, Apollo. Wala namang umiikot na balita tungkol sa pagkakaroon mo ng girlfriend." Nagpakawala ng mabini at kalkuladong tawa si Victoria. Pumitik sa hangin ang mga daliri ni Artemis. "That's right! Dapat ay nakarating na sa amin o sa media kung may babae kang pinag-uukulan ng atensiyon." "Akala ko naman iiyak na ang mga kaibigan ko. They like you so much, Kuya," sabi naman ni Athena. "In fact, they want me to ask if you'd be interested in having lunch with us whenever you're free from your executive meetings." Umalsa lang ang isang sulok ng mga labi ni Apollo. Pero wala iyong halong tuwa. Puno iyon ng sarkasmo. "Athena, didn't you hear me? I have a girlfriend." Binalingan nito sina Artie at Victoria. "At kung hindi man nag-leak sa media ang tungkol sa babaeng karelasyon ko, iyon ay dahil pribado akong tao. And just because there’s no news about a special woman in my life or me having a girlfriend doesn’t mean I’m single. Ako na ang nagsasabi ngayon, may karelasyon ako." Nalaglag ang panga ng magkakapatid na Altieri. "F*ck, Apollo! You really are serious!" bulalas ni Ares, manghang-mangha. "Sino ang babaeng iyan?" Nagkibit-balikat lang si Apollo. Nanuyo ang lalamunan ni Ahtisa. Hindi na siya mapakali. Pasulyap-sulyap siya kay Apollo. Ganoon din ito sa kanya. Disimulado lang. Pero nahuhuli niya ang mga tinging itinatapon nito sa direksiyon niya. Pumadyak si Victoria. Ito ang pinaka-hindi natuwa sa ibinalita ni Apollo. "Are you letting her touch you?" tanong nito, nagngangalit ang mga ngipin. "My woman? Naturally. Why won't I allow her to touch me?" "Then why won’t you allow me to touch you?" "Because you’re not my woman." Sumabog ang pamumula sa buong mukha ng babae. Halatang inis na inis ito, at hindi nito matanggap ang sinabi ni Apollo. "Kung nag-i-exist nga ang babaeng iyan, ipakilala mo nga sa amin!" giit ni Artie sa kapatid. Ikiniling lang ng binata ang ulo nito, at kaswal na inayos ang pagkakapuwesto ng salamin sa ibabaw ng tulay ng matangos nitong ilong. "Ahtisa!" Muntik pa siyang mapatalon nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya ni Nina. Napalingon siya rito. Bumulong ito sa kanya. "Hinahanap ka ni Manang Loreta." Nagpaalam na siya sa magkakapatid na Altieri. "Ahm, babalik na muna ako sa kusina. Kailangan ni Manang Loreta ang tulong ko ro'n." "Sige, mamaya kapag may oras pa, magkuwentuhan tayo, ah?" Si Artemis. Tipid lang siyang ngumiti. Sumulyap siya kay Apollo, nakatingin pa rin ito sa kanya. Tumalikod na siya at dali-daling humawak sa kamay ni Nina, habang mabilis na tinalunton ang daan pabalik ng kusina. Ang sumunod na mga oras ay ginugol ni Ahtisa sa pagluluto at pagtulong kay Manang Loreta. Hindi nauubos ang mga bisita, lalo na dahil may mga taong pilit na hinihikayat si Luther Altieri na sumabak na sa pulitika tutal daw ay nagretiro naman na ito sa mundo ng kalakalan. Nagsimula lang umuwi ang mga tao nang maghahatinggabi na. "Tisang, kami na rito. Huwag ka nang tumulong sa paghuhugas ng mga plato at paglilinis. Malaki na ang naitulong mo sa amin. Mabuti pa ay umuwi ka na," ani Manang Loreta sa kanya. "Ay hindi po puwedeng hindi ako tumulong sa paglilinis—" "Kuh bata ka, huwag nang matigas ang ulo mo. Uwi na at hatinggabi na. Magpahatid ka sa driver nina Sir at Ma'am." Biglang may kumatok sa bungad ng kusina. Ang matangkad na pigura ni Apollo ang nalingunan nila. "Sir! Happy birthday po!" sabay-sabay na bati ng mga nasa kusina sa pangunguna ni Manang Loreta. Nagyuko rin siya ng ulo. "H-happy birthday po, Sir... Sir Apollo." Nagpasalamat ito sa lahat ng bumati rito, tapos ay tumingin sa kanya. "Ahtisa, come here," bigla nitong tawag sa kanya. Nanulay ang mabining kuryente sa kanyang likod. "B-bakit ho?" "I need your help with something," anito. Lumagpas sa kanya ang tingin ng binata at dumako sa matanda. "Manang Loreta, tapos naman na ba ang trabaho ni Ahtisa rito sa kusina?" "Ayy opo! Pinauuwi ko na nga po ang batang iyan." "Good. Follow me." Nauna na itong tumalikod at lumakad patungo sa kung saan nito kailangan ang tulong niya. Mabilis siyang nagpaalam sa mga kasama niya sa kusina at sinundan na ang binata. Tatlong hakbang ang distansiya niya rito habang naglalakad. Nauuna ito. Nasa likuran siya at tahimik lang na nakabuntot sa binata. Hindi niya alam kung saan ba talaga ito pupunta. "You're mad at me, aren't you?" tanong nito sa kanya, hindi nag-abalang lingunin siya, patuloy pa ring naglalakad. Napatingin siya sa malapad nitong likod. "Nagsinungaling ka sa akin," aniya, nakagat niya ang labi dahil tila may kumurot na naman sa puso niya. Wala itong itinugon sa sinabi niya. Umakyat ito ng hagdan. Sumunod din siya. Lumiko ito sa mahabang pasilyo at dumerecho sa dulo, saka huminto sa tapat ng solidong pinto. Natigilan siya. Lumingap siya sa paligid at saka lang nag-sink in sa kanya na nasa tapat na sila ng pribadong kuwarto ni Apollo. Ito ang silid na ginagamit ng binata kapag nasa bahay ito ng mga magulang nito. "Sir Apollo, a-ano po ang ginagawa natin dito?" Umalsa lang ang isang sulok ng mga labi nito. He opened the door and grabbed her hand without warning, pulling her toward him in one swift, forceful motion. Napasinghap siya. "Sir Apollo!" Tinakpan nito ng palad ang bibig niya. Nakayuko ito sa mukha niya, para matitigan siyang mabuti. Magkadikit na magkadikit na ang mga katawan nila at ramdam niya ang init na nagmumula rito. "Shhh," anito sa kanya, mababa ang boses. Napatingala siya rito, naghuhugpong ang mga tingin nila. Akala ba niya ay ayaw nitong hinahawakan ito? Bakit ito pa ang kusang naglalapit sa mga katawan nila ngayon? "Pasok ka sa loob ng kuwarto ko," bulong nito sa kanya. "Bakit?" "Get in," utos nito sa kanya. Humigpit ang pagkakapulupot ng kamay nito sa palapulsuhan niya. Ang laking tao pa naman nito, at wala siyang laban sa lakas ng binata. Napalingap siya sa paligid. Walang ibang tao. Effortlessly, he was able to pull her into his room. Isinarado agad nito ang pinto at isinandal ang likod niya sa malamig na pader. He was breathing deeply as he gazed down at her, his eyes locked intently on hers. Ipinapako siya nito sa ilalim ng mga titig nitong ubod ng tiim at puno ng intensidad, habang ang mainit at mabango nitong hininga ay pumapaypay sa mukha niya. "Sir Apollo, h-hindi ako makahinga," hingal niya. Paano ay lalo pang itinutulak ng binata ang katawan nito padaiti sa maliit at malambot niyang katawan. Ramdam na ramdam niya ang lapad ng dibdib at mga balikat nito. Itinukod nito ang isang kamay sa pader, sa gilid ng ulo niya, at ang kabila nitong kamay ay pumisil sa baba niya para lalong itaas ang kanyang mukha. Tapos ay mapusok siya nitong hinalikan. Mainit ang mga labi nitong sumasakop sa mga labi niya. Nandilat ang mga mata niya nang maramdaman ang dila nitong pumasok sa loob ng bibig niya. Gumalugad. Humahagod at sumisipsip sa sarili niyang dila. "Sandali lang ho, Sir Apollo," pigil niya rito matapos magawang iiwas ang mga labi mula sa pananalakay nito. "Gusto mo bang marinig ka ng mga tao sa labas?" tanong nito sa kanya. Napanganga siya. Napatingin tuloy ulit ito sa bibig niya at bago pa niya maikurap ang mga mata ay angkin na naman nito ang mga labi niya. He was kissing her torridly, errotically. Ang mga kamay nito ay nagsimula nang maglakbay sa katawan niya. Pumisil sa tagiliran niya, humawak sa tadyang niya, humulma sa hugis ng dibdib niya. 'You know how much I dislike physical contact...' naalala ni Ahtisa na sinabi ni Apollo kanina. Ayaw nitong hinahawakan, eh ano ang ginagawa nito ngayon sa kanya? Ang mga kamay nito ang ayaw tumigil sa paghaplos at himas sa balat niya. "A-akala ko ba ayaw mong nadadaiti sa 'yo ang mga tao? Ang sabi mo kanina, ayaw mo ng hinahawakan ka?" hindi niya napigilang itanong dito. Tumitig ito sa kanya. "I don't mind if it's you. I want you. Only you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD