Dressed in a tailored suit of the deepest midnight blue, the CEO, Apollo Altieri, had an aura that was almost tangible. Bagay na nagpapalingon sa mga tao sa dako nito. Walang atensiyon ang hindi puwedeng hindi maagaw ng presensiya ng binata, at walang mga mata ang hindi mapapako sa matikas nitong pigura.
His sharp, unwavering gaze, framed by rimless eyeglasses, held an intensity that suggested he was always several steps ahead of everyone in the room.
Matiim kung tumitig ang isang Apollo Altieri—nanunuot, tumatagos, tila kayang basahin ang nasa utak ng tao. Kapag tinititigan siya ni Apollo, kumakabog ang dibdib niya, bumibilis ang pintig ng puso niya, at nanlalambot ang mga tuhod at binti niya. Kahit na isang taon na silang magkasintahan ay may mga pagkakataon pa ring naiilang siyang salubungin ang matitiim na titig ng nobyo. Siguro dahil sobrang taas ng tingin niya rito, lalo na at nanggaling ito sa pamilyang ilang dekada nang kilala sa buong Santa Catalina, at matunog din ang pangalan hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo.
Apollo's movements were efficient and smooth. Tiyak ang bawat hakbang nito, may kaakibat na maigting na awtoridad ang bawat pag-angat at bagsak ng mga paa nito, at paglapat ng mga iyon sa makinis na sahig. Each step he took seemed to echo on the pristine floor, a powerful presence that commanded attention from every corner.
At totoo ngang natuon dito ang lahat ng atensiyon. Lahat ng mga mata ay tumutok sa dako nito. Kahit ang mga empleyado ay napamaang at napahinto sa ginagawa, napalingap kay Apollo, puno ng paghanga ang kislap na sumungaw sa mata ng mga ito.
Sa likod ng CEO ay nakasunod ang corporate team nito: ang Operating Officer, Financial Officer, Head of Marketing, Chief Legal Officer, Head of Security, at ang Executive Assistant ng CEO. Pormal din ang bukas ng mukha ng mga ito. But of them all, Apollo had the steeliest expression.
"Apol—" Hindi niya man lang natapos bigkasin ang pangalan ng kasintahan dahil bigla na lang itong nagsalita.
"Let's head in," malamig lang nitong sabi sa Executive Assistant.
"Okay, Sir," sagot ng EA. Babae. Nasa treinta rin marahil ang edad. Pormal na pormal ang paraan ng pagdadala nito sa sarili.
Nang lampasan siya ni Apollo ay naiwan siyang nakatingin lang sa malapad nitong likod. Tila nilalapirot at pinupunit ang puso niya. Habang palayo ito nang palayo ay lalo namang bumibigat ang dibdib niya, na parang may dumadagan doon. Nahihirapan siyang huminga. Kaya disimulado niyang ikinuyom ang kamay sa tapat ng dibdib.
Kinalabit siya ni Nina. "Hoy, grabe ka namang makatitig kay Sir Apollo. Baka matunaw iyan," komento nito.
Huminga siya nang malalim, pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nakasunod pa rin ang tingin niya sa binata.
"Huwag mo nang ilusyunin ang anak nina Sir Luther at Ma'am Ruthie. Ang layo ng agwat niyan sa atin. Balita ko, isa lang ang naging girlfriend ni Sir Apollo at sampung taon ang tinagal ng relasyon nila. Hanggang ngayon, wala raw ibang babaeng pumalit sa puso ni Sir." Napabuntong-hininga ito, nangangarap ang tono ng boses nang muli itong magsalita. "Grabeng pagmamahal iyan. Wagas talaga. Saan ka pa makakakita ng puro at dalisay na pag-ibig sa panahon ngayon? Sayang talaga sila."
Marahas siyang napalingon kay Nina. "S-sampung taon?" Hindi niya alam iyon. Ang alam niya lang ay may naging kasintahan na ito bago pa siya dumating sa buhay nito. Pero hindi niya inakalang ganoon katagal ang naging relasyon ng dalawa.
Sa Maynila at ibang bansa kasi nag-aral si Apollo. Matagal itong nanirahan sa ibang bayan at sa banyagang bansa. Umuwi lang ito sa Santa Catalina nang nakaraang taon. Ito kaagad ang in-appoint na CEO ng ama nito.
Apollo graduated summa c*m laude from Harvard in Economics. He had completed a dual Master’s program, balancing an MBA from Harvard Business School and a Master’s in Artificial Intelligence from MIT. He also pursued a Ph.D. in Strategic Management at Stanford. Ang mga kwalipikasyon at galing ng utak nito ang dahilan kung bakit nagdesisyon kaagad si Luther Altieri na ibigay na sa anak ang posisyon bilang Chief Executive Officer ng Altieri Construction. Gusto na raw nitong magretiro at magkaroon ng maraming oras para sa asawa.
"Oo, sampung taon. Ten years, grabe. Ang tagal, 'no? Isang dekada rin iyon."
Magmula nang makipagrelasyon siya kay Apollo ay hindi nito naikuwento minsan man ang tungkol sa dati nitong kasintahan.
"A-ano ang nangyari? B-bakit sila nagkahiwalay?" tanong niya, kontrolado ang boses, dahil sa totoo lang ay malapit nang gumaralgal ang tinig niya.
Lumingap muna sa paligid si Nina para tiyaking walang ibang nakikinig sa usapan nila, bago bumulong sa kanya, "Ang dinig ko, namatay daw. Naaksidente. Iyon nga raw ang dahilan kung bakit umuwi rito sa Santa Catalina si Sir. Para paghilumin ang puso niya."
Naglapat ang mga ngipin ni Ahtisa nang marinig ang sinabing iyon ni Nina. Nagkahiwalay ang dalawa hindi dahil may nagloko o may nag-traydor, kundi dahil pumanaw ang isa.
Pakiwari niya ay umikot ang mundo sa palibot niya. Napahawak siya sa kaibigan, na nagulat sa biglang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha.
"Hala, hoy, okay ka lang? Bakit bigla ka namang namutla riyan? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala nitong tanong. Hinawakan siya nito sa siko para hindi siya mabuway o matumba.
"Okay lang ako," aniya, mahina ang boses, basag na nang kaunti. Pinilit niyang tumayo nang tuwid, at muling lumingon sa dako ng elevator. Pahakbang na si Apollo kasama ang team nito sa loob niyon.
Bigla siyang tumakbo. Hinabol niya ang binata. Nag-iinit ang mga mata niya. Nagulat si Nina, kaya hindi ito nakakilos kaagad.
Nang nasa harapan na siya ng elevator ay nasa loob naman na ang mga ito. Nakatayo sa pinakagitna ang binata. Nasa gilid ang Executive Assistant at naudlot ang akmang pagpindot sa pindutan ng elevator.
Napako sa kanya ang tingin ng lahat, nagtataka ang mga ito.
"Excuse me, Miss, are you also planning to take the elevator?" tanong ng Executive Assistant. "Para lang sa CEO at Executive Team ang elevator na 'to. Doon ka sa kabila," anito.
Imbes na tumalikod ay nanatili siyang nakatayo sa tapat ng mga ito. Ang nag-uulap niyang mga mata ay nakatuon sa mukha ng CEO. Yet, the cold, steely expression on his face remained unchanged. His neck held rigid, his posture unwavering, as if it would never bend. His eyes showed not the slightest trace of care for her.
"A-Apollo..." mahina niyang sambit sa pangalan nito.
Sa tabi niya ay may suminghap. Si Nina. Hindi niya napansing sinundan pala siya nito. Hindi ito makapaniwalang kaswal niya lang na binigkas ang pangalan ng CEO sa loob pa man din ng bisinidad ng kompanya nito.
Pinalo siya ni Nina sa kamay. Mahina lang iyon, subalit nagpapahayag ng pagsaway sa kanya. "Ahtisa, mapapagalitan tayo sa ginagawa mong ito, eh!" mahina pero mariin nitong sabi sa kanya. "Naku, mapapahamak pa ako sa kalokohan mo. Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho? Dapat pala hindi na kita isinama pa rito." Nangunyapit ito sa manggas ng suot niyang bestida.
Lumipat sa binata ang tingin ni Nina na nanghihingi ng pang-unawa. "Pasensiya na po, Sir Apollo. Nagpunta lang naman kami rito dahil may gustong ipabigay sa 'yo si Sir Luther. Ito po." Ipinakita ni Nina ang hawak nitong brown envelope.
Tinanguan lang ni Apollo ang EA nito. "Ramona, ikaw na ang bahala riyan."
Tumalima kaagad ang babae at kinuha ang envelope na hawak ni Nina.
"Thank you, Nina," ani Apollo. "Anything else?"
"Wala na po! Uuwi na po kami. Pasensiya na po ulit."
Ang hapdi sa lalamunan ni Ahtisa ay tila asido, nilulusaw ang loob ng leeg niya. Hirap na hirap siyang huminga.
"Ramona, close the doors. Let's go," utos ng binata sa EA nito.
Umigting ang panginginig ng mga kamay ni Ahtisa at nang tumingin ulit siya kay Apollo ay nahuli niya itong nakatingin sa mga kamay niya. Gayunman ay wala pa ring pagbabago sa anyo ng mukha nito.
Dali-dali niyang isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng suot na bestida, at iniyuko niya ang ulo. "P-pasensiya na po... Sir Apollo," aniya, sabay talikod.
Dama niya ang init ng nga titig ng binata sa likod niya, subalit hindi na siya lumingon pa rito. Tuluy-tuloy lang siya sa paghakbang palayo. Sa tabi niya ay walang tigil sa kakasermon sa kanya si Nina.
"Alam kong sobrang guwapo ni Sir, 'no, pero huwag mo nang pangarapin, pakiusap. Masasaktan ka lang. Parang hindi mo naman narinig ang sinabi ko sa 'yo kanina, eh. Ang nasa puso ni Sir ay iyong dati niya pa ring nobya."
Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi niya, subalit pinili niyang hindi umimik. Nakasakay na sila sa traysikel ni Nina nang tumunog ang kanyang cellphone.
One text message received.
Galing iyon sa binata.
Apollo: Let's talk tonight. 8PM.