Pagkalapat na pagkalapat ni Apollo pasara sa pinto ng kuwarto nito ay awtomatikong pinadilim ng pagnanasa at pananabik ang mga mata nito. Puno ng intensidad sa balintataw nitong ang repleksiyon niya ang nakapaloob. Parang salamin ang bola ng mga mata nito, at mukha niya ang nandodoon. Itinulak siya nito padikit sa pader, idinaiti ang bigat ng malaki at matigas nitong katawan sa maliit niyang katawan. He was pressing his body against hers with an intensity that left no room for escape. His hands even framed her face. Parang takot itong makawala siya. Gusto siya nitong ikulong sa mga bisig nito. Sinubukan niyang magpumiglas, hindi dahil ayaw niyang nakadikit sa katawan niya ang binata, kundi dahil sa sitwasyon nila ngayon, at dahil nasa bahay sila ng mga magulang ni Apollo. Ang daming isi