CHAPTER 13

1941 Words
"Narinig tayo ng kapatid mo," ani Ahtisa. Bakas ang matinding pagkabahala sa ekspresyon ng mukha nito. Umigting ang pulso sa panga ni Apollo. Hindi niya nagustuhan ang isiping kaya pang mag-isip ng tungkol sa ibang bagay ang dalaga. Ibig sabihin ay hindi pa ito lunod sa sensasyong pinalalasap niya rito. But he wanted her to drown in pleasure. The pleasure that he was giving her. He wanted her to drown in pleasure as deeply as he was drowning in it, too. Dahil siya, lunod na lunod na. Kaya marahas niyang ipinulupot ang kamay sa tiyan ng dalaga at lalong nilaliman ang pag-ulos dito. He could feel the subtle rise of her lower abdomen with every thrust. Dahil pinupuno niya ito. Kada ulos niya ay naaabot niya kahit ang pinakaloob ng pagkab*bae ng dalaga. "Apollo, hindi... mo ba narinig ang... sinabi ko? Sabi ko, narinig tayo... ng kapatid mo," paputul-putol ang pagsasalita nito hanggang sa mabuo nito ang buong litanya. Malalim ang paghinga nito, mabigat, at pilit na sumasagap ng hangin. He clenched his jaw. "Yeah, she definitely did," kaswal niyang pagsang-ayon. "Hindi ka ba nag-aalala man lang? Baka magsumbong siya sa mga magulang n'yo?" tanong nito. Umungol ang binata at pinatunog niya ang dila. Pumalatak. "Tsk, Ahtisa, I already told you to stop thinking, and just enjoy what we're doing right now." "Pero... kasi..." "Stop..." Muling pinaharap ni Apollo si Ahtisa sa kanya, "...talking." Napadaing ito nang itulak niya ang likod nito padikit sa pader. "Stop worrying," dugtong niya. "Stop asking questions," dagdag pa niya. Bawat kataga ay binibigyang diin niya. Marahas at mapaghanap ang halik na iginawad niya sa nakaawang na mga labi ng dalaga. Buong kapusukan at buong alab niyang sinakop ang bibig nito, tinutuklas ng dila niya ang lahat ng sulok sa loob niyon, at hinahamon itong tugunin nang ganoon kasidhi ang mga halik niya. May kung ano sa mga labi ni Ahtisa na nagpapawala sa kontrol niya sa sarili. Tuwing hinahalikan niya ito ay nagliliyab ang samut saring emosyon sa katawan niya. Parang malaking alon ng dagat na dumadaluhong at bumabalot sa kabuuan niya. Kapag nasimulan na niya itong halikan, hirap na hirap na siyang awatin ang sarili. May nagtutulak sa kanyang ituloy na ang pag-angkin dito, na markahan ang katawan nito at ang lahat-lahat sa dalaga. He wanted her. So much. So d*mn, f*cking much. Hindi niya maipaliwanag iyon. Kakaiba ang uhaw at gutom na binubuhay nito sa kanya. Kasabikang higit na lumalapot sa paglipas ng mga araw. Hindi nababawasan at higit pang nagniningas, naglalagablab, at sumisiklab. Hindi siya ganoon kay Elara noon. Hindi ganoon tumugon ang katawan niya sa dating kasintahan. His s*x life with Elara was just... normal. Ordinary. Walang espesyal. Gusto niya ang pakiramdam na nag-uugnay ang mga katawan nila, pero hindi siya parang nauulol sa sobrang pagkasabik dito. If Elara didn't want him to touch her, he wouldn't insist. Okay lang sa kanya. Pero kapag si Ahtisa ang tumanggi, parang mababaliw siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon kalakas ang reaksiyon niya rito. Hindi naman niya ito mahal. Sigurado siyang hindi niya ito mahal. Dahil walang ibang babaeng puwedeng pumalit sa puwesto ni Elara sa puso niya. Nag-iisa lang si Elara. She was his one true and greatest love. Ten years. Ten years niya itong nakapiling. Halos iisa na ang buhay nila. Magkadugtong ang mga plano nila sa hinaharap, at ang mga pangarap nila. Kung hindi nangyari ang aksidente ay mag-asawa na dapat sila ngayon. Baka nga may anak na sila. Pero malupit ang langit at kinuha nito si Elara mula sa kanya. Inagaw nito ang babaeng mahal na mahal niya. And then, the heavens gave him a woman who looked like his ex-fiancée. Napakalupit. Humiwalay ang mga labi niya mula sa mga labi ni Ahtisa para matitigan niyang mabuti ang maamo nitong mukha. Inangat niya ang kamay at idinampi ang daliri niya sa mga labi ng dalaga. Namumula at may maliit na sugat ang isang sulok niyon. Aminado naman siyang marahas ang paraan ng paghalik niya rito. "Apollo?" He let out a low growl. "You drive me insane, Ahtisa," he groaned, brushing a strand of hair from her face. Malinaw sa anyo ng mukha niya na parang mababaliw siya habang magkadaiti ang mga katawan nila nang mga sandaling iyon. "Puwede mong tigilan kung ayaw mo na," hamon nito sa kanya, pero gumagaralgal ang tinig nito. He smirked, lowering his face to her own. "Never," anas niya. "I'm not stopping." Muli niyang siniil ng marubdob na halik ang mga labi nito. Suminghap at umungol ang dalaga, pero hindi siya huminto, hindi siya tumigil, hanggang sa tinutugon na rin nito nang kasingpusok ang mga halik niya. He groaned fiercely when she thrust her little tongue inside his mouth. Hinuli niya kaagad iyon at sinipsip, bagay na umani ng mahabang ungol mula sa dalaga. "Wrap your arms around me," paanas niyang utos dito. Her arms wrapped around his neck, and her legs encircled his waist as he lifted her effortlessly. He groaned against her lips, carrying her to the bed in a few swift strides. Lowering her onto the mattress, he paused, his breath ragged as he looked down at her. She stared back, her chest heaving. Parang ayaw na niyang maputol ang paghuhugpong ng mga mata nila. "Kiss me more, Ahtisa," anas niya. Tumalima ito. Inangat nito ang ulo upang abutin ang mga labi niya. Ginanti niya rin kaagad ang halik ng dalaga. Their kisses deepened as his hands traced her frame, every touch a mix of gentleness and unrestrained passion. She gasped as his lips trailed down her neck, his weight settling on top of her. Kahit na hinahalikan na niya ang katawan ng kasintahan ay parang kulang pa rin. Parang hindi pa rin sapat. Gusto niyang angkinin ang lahat-lahat dito. Alam niyang hindi matatapos sa isang beses lang na pag-uugnay ng mga katawan nila sa gabing iyon. Alam niyang paulit-ulit niya itong aangkinin. Napaungol ito nang muli niyang ipasok ang matigas na pagkal*laki sa loob ng lagusan nito. Hindi na siya nagsimula sa mabagal. Malakas na kaagad ang paraan ng pag-ulos niya. Mabilis ang ritmo ng paggalaw ng katawan niya sa ibabaw nito. Humigpit ang pagkakaangkla ng mga binti nito sa baywang niya. Kumapit ito nang mas madiin sa leeg niya. Lumikha ng malakas na ingay ang pabalik-balik na pagbunggo ng headboard ng kama sa pader, dahil sa marahas na pag-indayog ng mga katawan nila sa ibabaw niyon. Hindi siya tumigil sa pag-ulos hanggang sa umarko ang likod ni Ahtisa. Ang kamay nitong nakakapit sa leeg niya ay lumipat sa kubrekama at doon naman nangunyapit. Umungol ito at tinawag ang pangalan niya. "Apollo! Apollo!" Nanginig ang mga balakang nito. Naabot nito ang sukdulan. Sinundan niya kaagad ito sa rurok ng walang kapantay na sarap. Ilang ulos pa at sumabog na rin ang semilya niya sa loob ng mainit na lagusan ng dalaga. Bumagsak ang katawan niya sa ibabaw nito. Pareho silang hinihingal, hinahabol ang paghinga. Pinagdikit niya ang mga noo nila, at matiim na tinitigan sa mga mata ang nobya. "Ahtisa, be mine, over and over, tonight," anas niya rito. _____ NAPAUNGOL si Ahtisa nang maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang katawan. Sumakit ang mga hita at ibabang likod niya sa walang untag na pakikipagtalik sa kanya ni Apollo. Nasa kama pa rin sila. Nakasandal sa headboard ang binata, nakatingin sa kanya, pero hindi ito nagsasalita. Tahimik lang ito, animo nag-iisip nang malalim. "They don't know about us yet," anito makalipas ang ilang minuto. Alam naman na niya iyon. Napatingin siya rito. "H-hindi mo pa ba sasabihin sa kanila?" "I will... soon. We're going to get married anyway, so I really have to tell them. Hindi ko naman sila puwedeng gulatin na lang bigla." Ang kalahati ng puso niya ay bahagyang gumaan dahil sa sinabi nitong pakakasalan talaga siya. Pero ang kabilang bahagi ay bumigat naman, sapagkat hindi pa rin nito nasasabi sa pamilya nito ang relasyon nila. Iyon lang naman ang hinihintay niya. Gustung-gusto na niyang sabihing kasintahan siya ng isang Apollo Altieri. Pero kapag sinabi niya iyon ngayon ay pagtatawanan lang siya ng mga tao, sasabihan siyang ilusyunada at inaambisyon ang isang taong hindi niya kayang abutin. Lalo na at napakalaki ng agwat ng estado nila. Kaya dapat ay si Apollo ang magsiwalat ng kung ano ang mayroon sila, at kung sino talaga siya sa buhay nito. Namayani ang katahimikan. Sa loob ng kung ilang sandali ay walang may nagsalita sa kanilang dalawa. Tumayo siya at isa-isang dinampot ang mga hinubad niyang damit kanina. Isinuot niya ulit ang mga iyon at pinaraanan lang ng kamay ang magulo niyang buhok. Inayos niya rin ang buhok sa paraang matatakpan ang magkabilang gilid ng leeg niya, dahil puno ng pulang marka ang kanyang balat. "K-kailangan ko na bang umalis?" tanong niya sa binata. Umaga na, pero hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Madilim pa sa labas. Hindi ito kumibo, tumitig lang ito sa mga mata niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang inaalala nito, at kung bakit nahihirapan itong sabihin sa pamilya ang tungkol sa kanya. Mababait naman ang mga kapatid nito, ganoon din ang mga magulang nito. Hindi naman mapagmataas ang mga Altieri, at hindi nangmamata ng mahihirap o mga taong mas mababa ang estado kumpara sa mga ito. "Kung hindi pa ako aalis ngayon, baka may makakita na sa akin dito sa kuwarto mo," aniya. "G-gusto mo bang makita nila ako rito?" Lumatay ang tensiyon sa anyo ng mukha ni Apollo. "A-ayaw mo?" tanong niya nang wala siyang makuhang tugon mula rito. Nag-iwas ito ng tingin imbes na sagutin ang tanong niya. Nakatikom ang bibig nito. Humapdi ang lalamunan niya. Napatingin siya sa dako ng salaming nakasabit sa isang panig ng kuwarto. Pinagmasdan niya ang sarili roon. Minarkahan siya ng nobyo, pero ayaw siya nitong ipakilala sa pamilya nito. Inangkin siya nito, pero hindi niya ito matawag na boyfriend niya sa harapan ng ibang tao. Bakit? Katawan lang ba niya ang habol nito sa kanya? Pero bakit nito sinasabing pakakasalan siya? Gusto ba talaga nitong maging asawa siya? Maging legal na asawa? Totoo ba talaga iyon? "Take your contraceptive pill on time," paalala nito sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan. Parang may lumapirot sa loob ng sikmura niya. Nasasaktan na naman siya. Pero ayaw niyang ipakita iyon kay Apollo. Tipid lang siyang tumango sa binata. "L-lalabas na ako," aniya rito. Hindi ito tumango, pero hindi rin ito umiling. Hindi ito tahasang sumang-ayon, subalit hindi rin naman siya nito pinigilan. Hinihintay niyang pigilin siya nito, pero hanggang sa mahawakan niya ang seradura ay hindi pa rin umiimik si Apollo. Napabuntong-hininga na lang siya at binuksan na ang pinto. Sa pasilyo ay gusto niyang umiyak na, dahil para siyang aninong nagtatago sa dilim, palingap-lingap sa paligid na parang magnanakaw. Natatakot siyang may makakita sa kanya. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at tahimik na lumabas ng malaking bahay. Lakad-takbo ang ginawa niyang pagtungo sa gate. Kilala naman siya ng mga guwardiya kaya pinalabas lang kaagad siya ng mga ito. Tinawagan niya si Mang Savio, at nagpasundo rito. Pagdating ng traysikel ay sumakay kaagad siya. Nang lingunin niya ang malaking bahay sa likuran ay nahagip pa ng tingin niya ang nakatayong pigura ni Apollo sa tabi ng malaking salaming bintana sa silid nito na kanina ay natatakpan ng makapal na kurtina. Hinahatid-tanaw ba siya nito? Ganoon lang ang kaya nitong gawin? Nakagat niya ang labi para pigilin ang pagdagsa ng mabigat na emosyon sa dibdib niya. Akala niya ay makakatulong iyon, pero parang tubig sa ulap na bumagsak pa rin ang mga luha niya. Titiisin niya lang ang hapdi at kirot hanggang kaya niya. Hanggang kaya niya...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD