"SIR, Mr. Velasco wants to see you next week."
Mabilis niyang ikinuyom ang kamay niya nang marinig niya ang sinabi ng isa sa mga tauhan niya. "Did you f*cking tell him that I'm out of the country!?" galit na galit niyang sigaw rito. Kanina pa tumataas ang dugo niya dahil sa mga problemang sunod-sunod na dumating sa buhay niya.
Kinakabahan itong umiling. "N-No, Sir. He knows you're here. His men are tracking you."
"F*cking s**t!" bulalas niya at saka padabog na sumandal sa swivel chair. "Get out!" naiinis niyang sigaw.
Nanginginig ang kamay niya habang minamasahe niya ang sintido niya. Gustong niyang magwala, gustong niyang pumatay ng tao. Pero kailangan muna niyang mag-isip ng paraan kung paano mababayaran ang bilyon niyang utang.
Velasco wants to see me! I don't have any money yet to pay for my debts!
Tsss! Bakit siya naniningil sa akin ngayon!? Sa kabila ng lahat ng naitulong ko sa kanya? Sisingilin niya ako!?
Maybe I should just kill him!
Malakas siyang nagbuntong-hininga. Hindi niya inaasahan na aabot sa ganito ang lahat. Hindi niya inakala na biglang lalaki ang utang niya hanggang sa hindi na niya ito kayang bayaran. He always gambled before, but he handled all his debts smartly. Pero ngayon, kahit anong gawin niya ay dahan-dahan ng nauubos ang pera niya.
Kapag nagpatuloy pa ito ay siguradong pupulutin siya sa tabi ng kalsada o di kaya'y makikitang nagpalutang-lutang ang katawan niya sa ilog. Hindi iyon pwedeng mangyari. Kailangan niyang gumawa ng paraan!
"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" naiinis niyang sabi. At dahil sa inis na nararamdaman niya ay wala sa sariling inihagis niya ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa.
Kinakabahan siya. Isa-isa ng naniningil ng mga utang niya ang mga kakilala niya sa negosyo. At sa kasamaang palad ay wala na siyang malaking halaga na pwedeng ipambayad. Sinabihan na niya ang mga ito na babayaran na kapag may pera na siya. Pero pinipilit na siya nitong bumayad. Sinusundan siya at pinagbabantaan pa.
Natatakot siya sa kayang gawin ng mga pinagkakautangan niya. Maaari siyang patayin ng mga ito kapag hindi niya nagawan ng paraan ang sitwasyong ito.
"I'm f*cking out of funds. My company is also suffering from bankruptcy," bulong niya sa sarili. "Hindi ito maaari."
Mabilis niyang kinuha ang mga folder na nasa mesa niya at inihagis ito. Nanginginig ang mga kamay niya nang ikinuyom niya ito. Nanglilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa may bintana.
"What should I f*cking do now?" mahinang tanong niya sa sarili.
Wala na siyang ibang maisip na pwedeng gawin para mabayaran ang mga utang niya. Nagawa na niyang ibenta ang ibang negosyo niya. Nagawa na din niyang ibenta ang ilang bahay at lupa na nasa abroad at dito sa bansa. Ang tanging pinanghahawakan na lamang niya ay ang perang nakapangalan sa anak niyang babae. Pero saka lang niya ito makukuha kapag ikinasal na ito.
"Think! Think! Think! I need to think of a solution immediately!" natataranta niyang sabi sa sarili.
Napahinto siya sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto. Ilang sandali lang ay bumukas ito at bumungad sa kanya ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan na duguan sa balikat na ikinagulat niya.
"What the f*ck happened to you?!" agad niyang bungad rito. Nagtataka siya kung bakit duguan ito eh alam niyang magaling itong makipaglaban.
"Nadaplisan lang ako, Sir," mabilis nitong sagot.
Tinignan niya ito at mukhang ayos lang naman ito. Parang wala lang rito ang daplis sa balikat nito kaya hindi na niya ito inusisa pa.
"Did you manage to kill him?" agad niyang tanong.
Umiling ito. "He planted bombs on his own property. Huli na nung malaman namin kung kaya't hindi namin napaghandaan, Sir. Nakatakas po siya," seryoso nitong sabi.
Malakas siyang nagbuntong-hininga. Padabog siyang sumandal sa swivel chair at saka hinilot ang sintido niya. Mas lalong sumakit ang ulo niya dahil sa sinabi nito. Isa pa itong malaking problema. Akala niya mapapatay nito ngayon ang taong gusto niyang mamatay na.
"F*ck that bastard," mahinang sabi niya. "I want him dead, Carlo. You know how important it is for me that he's dead."
Sunod-sunod itong tumango. "I understand, Sir. Gagawan ko ng paraan. Within this week, Sir, I will make sure that he will be dead."
"Good..... And where's my daughter?"
"She's in the province. She participated in a medical caravan. Dalawang araw na siyang nandoon."
Bigla siyang napaisip nang maalala ang anak niya. "She should be married to Renan by this month," mahinang bulong niya.
Kailangang maikasal ito sa madaling panahon upang makuha na niya ang pera nito. Pero papayag kaya ang ama ni Renan kapag nalaman nitong wala na siyang pera at baon na baon pa sa utang? Pero matagal na din niyang kaibigan ang ama nito. Maaaring pumayag ito kapag hindi nito malalaman ang tungkol sa utang niya.
Pero kailangan niyang mag-isip pa kung ano pa ang pwedeng gawin para mabayaran niya ang lahat ng utang niya. Kailangan pa niyang magbenta ng madaming illegal na mga baril. Pero hindi na ngayon ito madali lalo na't hinahanap na siya ng mga ka-negosyo niya.
Sh*t! Ano pa ba ang pwede kong gawin!?
"Sir, what if hayaan niyong magkaroon ng relasyon si Zakharov sa inyong anak. Saka niyo na lang siya patayin kapag naikasal na ang dalawa. Hindi lang pera ng anak ninyo ang makukuha mo, pati na rin ang lahat ng yaman, mga negosyo, at gamit ni Zakharov."
Napahinto siya nang marinig ang sinabi ng tauhang si Carlo. Sumandal siya ng maayos sa swivel chair niya at saka hinimas-himas ang baba. Biglang nabuhayan ang loob niya nang mapagtanto niyang pwedeng mangyari ang sinabi ng tauhan niya.
Pero agad na pumasok sa isip niya na pwedeng ikapahamak niya kapag nakigpag-ugnayan siya kay Vas. Alam nito ang lahat-lahat tungkol sa kanya at tungkol sa ginawa niya noon. Maaaring ilantad nito ang lahat ng baho niya at siguradong magiging katapusan na niya.
"He won't reveal everything, Sir."
Napalingon siya kay Carlo at naglakad ito papunta sa kanya. Inilapag nito ang isang itim na USB sa mesa. "What's this?" takang tanong niya.
"Recorded video about Vas always following your daughter. Hindi niya iisiping isiwalat ang mga nalalaman niya dahil baliw na baliw siya sa iyong anak, Sir," seryoso nitong sabi.
Kinuha niya ang USB at tinitigan ito. Taman nga naman ito. Gusto ni Vas ang kanyang anak at pwede niya iyong gamitin para hindi nito ibubuka ang bibig nito. Maaaring ang kanyang anak ang kahinaan nito kaya posibleng magagawa niya ang lahat nang hindi ito makikialam.
Napangisi siya sa naisip. "At dahil gustong-gusto niya ang anak ko ay hindi siya mag-aabalang sirain ako dahil siguradong masisira din ang relasiyon nilang dalawa."
"Yes, Sir. Revealing what you did will ruin their relationship. Kaya siguradong hinding-hindi niya iyong gagawin."
"Very good, Carlo. Ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay hayaan ang dalawa sa kanilang relasyon. Then, I will pursue my daughter to marry him immediately," nakangisi niyang sabi.
"Mukhang sumunod nga si Vas ngayon sa anak ninyo sa probinsya," biglang sabi nito. "Kahit saan magpunta ang iyong anak ay sinusundan niya."
"Hmmmm. Let them be. Kung gusto ni Vas ang anak ko, gagamitin ko iyon para maging mas makapangyarihan."
"Anong gagawin kay Mr. Velasco at Mr. Rodrigo, Sir? Gusto ka nilang makita at makausap."
Napahinto siya sa sinabi nito. Ang dalawa ang gustong makipagkita sa kanya. Naningkit ang mga mata niya habang malalim na nag-iisip. Malaki ang naging tulong ng dalawa sa kanya. Pero alam niyang ginagamit lang din siya ng mga ito noong panahong mapera pa siya.
Pero ngayon, mukhang nasa panganib siya kapag nakipagkita pa siya sa dalawa. Siguradong papatayin siya dahil sa malaking utang. Ilang buwan na niyang tinatakasan ang mga ito kung kaya't siguradong hindi na magdadalawang-isip ang mga ito na patayin siya.
"Just kill them if they ever step on my territory, Carlo," malamig niyang sabi. "Alam naman natin kung ano ang kaya nilang gawin kaya uunahan na natin sila."
"Yes, Sir."
"And always keep ang eye on my daughter and Vas. Kailangang alam ko ang bawat galaw nilang dalawa," utos niya rito.
"Yes, Sir."
Inikot niya ang swivel chair at humarap sa may bintana. Bigla siyang ngumisi nang may maisip siya.
Kapag napatay ko si Zakharov ay siguradong luluhod sa harap ko ang lahat.
********