Chapter 24 - Danger

1444 Words
KUNOT-NOONG pinagmasdan ni Vas mula sa rear view mirror ang itim na kotseng nakasunod sa kanya. Napansin niyang kanina pa ito nakabuntot sa kotse niya kung kaya't alam niyang may pakay ito sa kanya. Inapakan niya ang accelerator at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Muli niyang tinignan ang nakasunod na kotse at humahabol pa rin ito sa kanya. Pero kumunot ang noo niya nang makitang biglang naging tatlong kotse ang nakasunod sa kanya. Mabilis niyang iniliko sa ibang daan ang kotse niya kung saan walang mga bahay at gusaling madadaanan. Muli siyang tumingin sa rear view mirror at ang tatlong kotseng nakasunod sa kanya kanina ay dumami na ngayon. "He's starting now," mahinang bulong niya sa sarili. "He didn't even think about whether it was worth killing me." Tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse niya at mga punong-kahoy na ang nakikita niya. Inilabas niya ang baril niya at saka hinawakan ito ng mahigpit habang nagmamaneho. Narinig niya ang ilang putok ng baril mula sa likuran niya kaya mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse niya. Binuksan niya ang bintana at sinimulang barilin ang kotseng nakasunod sa kanya. Sa kabutihang palad, natamaan niya ang driver ng kotse kung kaya't nagpagewang-gewang ito sa daan bago bumangga sa malaking puno. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya. Tumingin ulit siya sa rear view mirror at malayo na ang mga kotseng nakasunod sa kanya. Nang matantya niyang nasa bundok na sila at maraming puno na siyang mapagtataguan ay mabilis niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng daan. Kinuha niya ang cellphone at dalawa pang baril bago mabilis na lumabas sa kotse. Lakad-takbo niyang tinahak ang makapal na kagubatan. Nang makakita siya nang magandang pwesto kung saan makikita niya ang mga nakasunod sa kanya ay huminto siya at nagtago. Isinuot niya ang earpiece at agad niyang narinig ang boses ng kaibigang si Chester. "I saw them. They're coming for you," mabilis nitong sabi. "Fifty-three enemies." Inilabas niya ang dalawang silencer at inihanda ito. Nang may makita siyang papalapit sa kanya ay mabilis niya itong binaril. Nang may makita siya ulit ay sunod-sunod niyang binaril ang mga ito. Tumayo siya sa pinagtataguan niya at walang ingay na naglakad papalayo. Binabaril niya ang mga nakikita niyang kalaban pero napansin niyang mas lalong dumami ang mga nakasunod sa kanya. "He really wants me dead now," sabi niya sa kaibigan mula sa earpiece. "F*cking s**t! Madaming sasakyan ang nagsidatingan, Zakharov. You won't be able to handle all of them!" "I know. Kailangan ko lang silang iligaw dito sa kagubatan," sabi niya habang nagpatuloy sa paglalakad. "At saan ka pupunta? Anong sasakyan mo pauwi?" takang tanong nito. "I'm going to borrow a horse from the farm near here." "How did you know may farm na malapit dyan?" "I know everything," sagot niya rito. Narinig niyang natawa mula sa kabilang linya ang kaibigan niya. Hindi na niya ito pinansin pa at muling binaril ang mga kalaban na malapit na sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at mabilis na nagtago sa puno. Isa-isa niyang binaril ang mga kalaban na nakikita niya. Muntik na siyang matamaan, mabuti na lamang at mabilis siyang nakapagtago. Dahan-dahan siyang sumilip at mas lalo ngang dumami ang mga kalaban na nakasunod sa kanya. Napako naman ang paningin niya sa lalaking pamilyar sa kanya. "You need to move, Zakharov. They're coming!" Mabilis siyang umalis sa pinagtataguan niya at muling tumakbo. "F*ck! I still can't contact Paul." "He's getting married," sagot niya rito. Narinig niya ang pagsinghap nito mula sa kabilang linya. "What the f*ck! Are you serious? Bakit hindi ko alam!?" "He's getting married pero hindi siya sisipot sa sarili niyang kasal," sabi niya ay muling binaril ang kalaban na malapit sa kanya. "F*ck that womanizer! Mas inuuna pa talaga ang babae." Nang makarating siya sa bakod ng malawak na farm ay mabilis niya itong inakyat. Tumakbo siya papunta sa mga kabayo at mabilis na sumakay sa isa. Pinatakbo niya ito at saka mabilis na umalis sa lugar. Mabuti na lamang at gabi ngayon kung kaya't hindi siya nakita sa mga nagbabantay ng farm. Muli siyang nakarating sa highway. Bumaba siya mula sa kabayo at itinali ito sa isang puno. Pagkatapos ay agad siyang sumakay ng taxi. "Is it him?" biglang tanong ni Chester habang tinutukoy ang matagal na nilang pinaghihinalaan na gusto siyang patayin. "Yes. I saw his right hand named Carlo," sagot niya rito. "And you're still going home tonight? Alam mong susugurin ka nila sa bahay mo." "I know. We are just going to kill them. Paul will be there tonight. And you will still be our eyes." "Your house is going to explode for sure." "I'm going to renovate it anyway, so no big deal." "Hahaha! Iba ka talaga, Zakharov!" Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa bahay niya. Dumiretso siya sa kwarto niya at inihanda ang iba't-ibang klase ng baril na kakailanganin niya. He hid two silencer guns at his back and turned off all the lights inside and outside of his house. "I'm ready, everyone," biglang sabi ni Paul. Inayos niya ang earpiece na suot niya at saka lumabas ng silid niya. "Where's your wife, Paul Becher?" natatawang sabi ni Chester. "She backed out of our wedding when she found out that I'm f*cking broke," sagot naman ni Paul. "Tssss! F*cking broke your a*s." "I can see them coming now," seryoso niyang sabi sa dalawa nang may makita siyang mga sasakyan na biglang nagsidatingan. "Woaah! Ba't ang dami nila!? Are they seriously going to kill you, Vas?" gulat na sabi ni Paul. "Halata naman, Paul Becher. His future father in law wants him dead," sagot ni Chester. "Are the bombs ready, Chester?" tanong niya sa kaibigan. Hindi na niya pinansin ang mga sinasabi ng mga ito. Kailangang matapos na siya rito dahil pupuntahan pa niya si Grecela. Nasa isang probinsya ang dalaga at malayo ito mula sa city kung kaya't kailangan niyang magmadali. "There are a hundreds of them, Zakharov," biglang seryosong sabi ni Chester. "At baka may dadating pang iba." "He will regret this in a few days," sagot niya at saka inihanda ang baril. "Why is he suddenly targeting you, Vas? Is it just because you're his daughter's boyfriend?" "No. He's afraid I might reveal everything," seryoso niyang sagot. "That coward," ang tanging nasabi ni Paul. "I'm sure he will change his mind soon," komento ni Chester. "He just lost billions because of gambling. Baka bigla niyang maisip na ipakasal ka sa anak niya at pagkatapos, boom! Kapag kasal na kayo, saka ka lang niya papatayin. Kapag nangyari 'yon, kukunin niya lahat ng pera mo." "Yeah, he will probably think about it." "Four down," biglang sabi ni Paul. Napatay na nito ang apat na kalaban na naunang pumasok sa property niya. Narinig niya ang biglang sunod-sunod na pagsabog sa likuran ng bahagi ng bahay. Marahil ay pinasabog na ng kaibigan niyang si Chester ang ilang bombang itinanim niya. Nakita niya mula sa kinatatayuan niya ang ibang kalaban na nakapasok sa bahay. Muling sunod-sunod na pagsabog ang naririnig sa bawat parti ng lupain niya. Isa-isa niyang binaril ang mga kalaban na nakikita niya habang walang ingay na naglalakad papunta sa rooftop ng bahay niya. "I just saw Carlo, Vas. Be mindful, he's targeting you with his sniper," biglang sabi ni Paul. Mabilis siyang nagtago at biglang natamaan ang sculpture na dinaanan niya. "Kill that bastard, Paul," biglang sabi ni Chester. "Umatras na siya. Natamaan ko siya sa balikat," proud na sabi ni Paul. "Just let him run for now," sabi niya sa dalawang kaibigan. "Halos lahat na ay nakapasok na sa bahay, Vas. Zip lines are ready, and the yacht is waiting on the seashore." "Wooaaahh! I'm on my way!" sigaw ni Paul habang nakasakay sa zip line pababa ng bundok kung saan nakatayo ang bahay ni Vas. Mabilis siyang nakarating sa rooftop at agad ding sumakay ng zip line. Ilang minuto lang ay saktong nakababa na siya at nakasakay ng big bike ay biglang sumabog ang bahay niya. Tinignan niya ito mula sa side view mirror ng bike niya at kasalukuyan ng kinakain ng malaking apoy ang bahay. Binilisan niya ang pagpapatakbo niya sa bike at ilang sandali lang ay tuluyan na siyang nakababa sa bundok. Agad niyang nakita si Paul na nasa yacht na. Dumiretso siya sa dalampasigan hanggang sa makasampa siya sa yacht na dala-dala pa rin ang bike niya. "Alam mong engineer ako, Vas, right?" biglang sabi ni Paul sa kanya. "Sa akin mo na ipagkatiwala ang renovation ng bahay mo." "Ayusin mo 'yan, Paul Becher, nang makabayad ka na sa utang mo sa akin." "Tsss! What are friends for, Chester!" "Walang kaibigan-kaibigan kapag utang ang pinag-uusapan, Paul!" ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD