Chapter 26 - Orphanage's Savior

1333 Words
“I MISS you.” Napalunok si Grecela ng ilang beses nang marinig niya ang sinabi ni Vas. Tumatalon na naman ang puso niya dahil sa presensya at titig nito. Isang linggo niya itong hindi nakita. Paminsan-minsan lang din siyang nakapag-reply dito dahil palaging nakasunod sa kanya ang tauhan ng ama niya. Pati cellphone niya ay cheni-check nito at hindi niya maintindihan kung bakit. But wait! Napahinto siya nang maalala ang napag-usapan nila Sister Teresa kanina tungkol sa taong tumulong sa orphanage. Siya ang taong tinutukoy kanina ni Sister na nagligtas sa orphanage nung biglang hindi na bumalik dito si Mama? Hinawakan nito bigla ang kamay niya kaya napatingin siya rito. Nagulat siya nang makitang emosyonal itong nakatingin sa kanya. Para bang sabik na sabik itong mayakap siya. May parte sa kanya na gusto itong yakapin ng mahigpit pero hindi iyon maaari. Nagsimula na naman kasi siyang maguluhan. Nalilito na naman siya kung karapatdapat ba itong pagkatiwalaan. Biglang lumitaw ang ilang katanungan sa isip niya. Bakit nito sinagip ang orphanage? Coincidence lang ba? O kilala nito ang ina niya? Nagulat siya nang bigla siya nitong hinila at sa isang iglap lang ay naramdaman niya ang malambot nitong labi. Agad naman itong lumayo sa kanya at muling ngumiti ng matamis. “Okay, love birds. Kumain muna tayo habang mainit pa itong mga pagkain,” pabirong sabi ni Sister Teresa. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya dahil sa hiya. Is he crazy!? Nakalimutan niya atang isang madre ang nasa harapan namin! Hinawakan ni Vas ang kamay niya at ipinaghila siya nito ng upuan. Tumabi ito sa kanya at sinimulang lagyan ng pagkain ang plato niya. Hinayaan lang niya ito at siya naman ay nagsalin ng juice sa dalawang baso. “Magdasal muna tayo mga anak,” sabi ni Sister at ito na ang nanguna at sumabay naman silang dalawa ni Vas sa pagdadasal. Pagkatapos nilang magdasal ay nagsimula na silang kumain. May apat na madre ang biglang dumating at sumabay itong kumain sa kanila. Tahimik lamang silang dalawa habang kumakain at ang mga madre naman ay abala sa pag-uusap. Napalingon siya kay Vas nang bigla nitong hinila ng dahan-dahan ang upuan niya papalapit rito. Naramdaman niya ang binti nitong dumampi sa binti niya. Tinignan niya ang mga madre at mabuti na lang at abala ang mga ito sa pag-uusap. “A-Anong ginagawa mo?” mahinang bulong niya sa binata pero ngumiti lang ito sa kanya. Kagat-labing nag-iwas siya ng tingin. She misses his smile. She misses his presence. She misses everything about him. But of course, she doesn't want to admit it. Nakakahiya. Baka isipin nitong patay na patay siya rito. “You don't know how much I missed you,” bulong nito pabalik at nagulat siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya pinagtuunan na lang niya ng pansin ang pagkain. “You look tired,” concerned na sabi nito. Pagtingin niya rito ay nakatitig na ito sa kanya. “What are you doing here?” kunot-noong bulong niya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Bigla siyang napaigtad nang maramdaman niya ang kamay nitong gumapang sa hita niya. Malaki ang mga matang tinignan niya ito. “Vas!” mahinang tawag niya. Siningkitan niya ito ng mga mata niya pero ngumiti lang ito sa kanya. “I texted you yesterday that I'm gonna see you today,” sagot nito na parang wala lang dito ang ginawa nito. "Paano mo nalaman ang tungkol sa orphanage na ito?" mahinang tanong niya. "Let's talk about it later, baby." Nabitawan niya ang tinidor nang biglang gumapang paitaas ang kamay nito sa hita niya. Nagsitinginan ang limang madre sa kanya pero agad naman siyang ngumiti. "Nabitawan ko ang tinidor," mahinang bulong niya. Muli namang bumalik sa pag-uusap ang mga madre kaya naiinis niyang tinignan si Vas. “I'll get it for you,” sabi nito sa kanya. Tumayo ito at saka hinila paatras ang upuan nito. Lumuhod ito at inabot sa ilalim ng mesa ang tinidor. Pero bigla siyang napako sa upuan niya nang maramdaman niya ang labi nito sa hita niya. Naikuyom niya ang mga kamay niya nang maramdaman ang kamay nitong gumapang muli sa hita niya at marahan iyong pinisil-pisil. Hinalikan nito ng mabilis ang hita niya at saka tumayo. Muli itong umupo sa tabi niya at tinignan niya ito ng masama. Kinuha niya ang tinidor sa kamay nito at uusog sana siya papalayo rito pero hindi siya nito hinayaang makalayo. Kunot-noong tinitigan niya ito pero nagulat siya nang makitang nakatitig ito sa labi niya. “I'm craving for you, Grecela.” Napaawang ang labi niya nang marinig niya ang sinabi nito pero agad naman siyang nabalik sa katinuan dahil sa mga madreng kasama nila. Mabuti na lang at abala pa rin ang mga ito sa pag-uusap habang kumakain kaya hindi nito narinig ang sinabi ng katabi niya. Hindi niya pinansin ang binata sa halip ay pinagtuunan niya ng pansin ang pagkain. Sa loob ng ilang minutong kumakain sila ay hindi siya mapakali. Sobrang likot ng kamay ni Vas. Pinipisil at hinahaplos nito ang hita niya na parang wala itong pakialam sa kasama nilang madre. Kanina pa tumutulo ang pawis sa noo niya. Kanina pa rin niya kinukurot ang kamay nito pero parang hindi man lang ito nasaktan. “I miss you so much.” Napalingon siya kay Vas nang marinig niya ang bulong nito sa kanya. Pinisil nito ang hita niya at tumitig sa labi niya. “Stop it, Vas,” bulong niya rito. “I won't be able to stop myself tonight,” bulong nito pabalik sa kanya. Kunot-noo niya itong tinignan. Mabilis ang paghinga nito at pinagpapawisan na din ito. Parang hindi na ito makapaghintay na muli siyang mayakap at mahalikan. “H-Hindi ka uuwi?” “No. You're stuck with me tonight and I'll make sure you will be stuck with me forever.” Naestatwa siya sa kinauupuan niya nang maramdaman niya ang kamay nitong gumapang papunta sa gitna ng hita niya. “Your presence is enough to turn me on, Grecela,” bulong nito. Nagsimula nang magsitayuan ang mga madre kaya mabilis niyang inalis ang kamay ni Vas sa hita niya. Nanlilisik ang mga mata niyang tinitigan ito. Sasapakin ko talaga siya mamaya! “Ayos lang ba sa inyong dalawa, Vas at Grecela, na magsama sa iisang kwarto? Wala na kasing ibang bakante. Magkasintahan naman kayo at nasa tamang edad na rin,” sabi ng madreng nakausap niya kanina. “It's okay, Sister Teresa,” nakangiting sagot ni Vas. Hindi makapaniwalang tinignan niya si Vas pero nakangiti lang ito sa kanya. Gusto sana niyang magreklamo dahil ayaw niyang makasama ito sa iisang silid pero wala na siyang nagawa pa. Pagkatapos nilang kumain ay tumulong muna siya sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinggan. Paglabas niya ng dining area ay hindi niya nakita si Vas kaya umakyat na lang siya. Muli siyang bumalik sa silid na ginagamit noon ng ina niya. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang nakahiga na si Vas sa kama at mukhang natutulog na ito dahil hindi na gumagalaw. Sana nga tulog na siya. Naisipan niyang hindi na lang buksan ang ilaw at hayaan ang liwanag na nagmumula sa labas ang magsilbing ilaw sa silid. Dahan-dahan niyang isinarado ang pinto. Walang ingay siyang naglakad papunta sa kabinet at binuksan ito. Naghanap siya ng damit ng ina niya na pwede niyang suotin. May nakita siyang itim na night gown kaya kinuha niya ito kasama ang isang tuwalya at dumiretso sa bathroom. Pagkatapos niyang maligo ay sinuklay muna niya ang buhok niya at saka pinatuyo. “Mabuti na lang at may couch dito kundi sa sahig ako matutulog,” mahinang sabi niya sa sarili. Pagbukas niya ng pinto ay napaigtad siya sa gulat nang makitang nakatayo si Vas. At mas lalo siyang nagulat dahil wala itong saplot sa katawan kahit isa. Nabitawan niya ang suklay na hawak niya. “V-Vas—.” Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla siya nitong hinila at siniil ng halik. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD