bc

Craving For Grecela

book_age18+
230
FOLLOW
3.5K
READ
billionaire
dark
one-night stand
HE
brave
mafia
billionairess
bxg
musclebear
love at the first sight
surrender
like
intro-logo
Blurb

• WARNING ⚠️: 18+ Mature Content

Akala ni Grecela habang-buhay niyang makakamtan ang kaligayahan kasama ang mga magulang niya. Pero hindi pala. Isang araw, biglang nagpakamatay ang ina niya at biglang nagbago ang ama niya. Ang tahanan na naging isang paraiso ay biglang naging isang bilangguan. Akala niya magiging maayos ang lahat dahil nandyan pa rin ang ama niya pero nagkamali siya. Nagbago ito ng tuluyan. Sinaktan siya ng ilang beses at niloko.

Blood is never thicker than water. Even your own family could betray you without a second thought. Even your own family could sacrifice you to Satan if it benefits them. Even your own family could end your life in exchange for fame, power, and money. Your own family could never treat you the same way you treated them. Your own family could make your world crazy, painful, and hopeless.

Nagunaw ang mundo ni Grecela nang malaman niyang nagtaksil sa kanya ang kanyang nag-iisang pamilya—ang kanyang sariling ama—matapos niyang bigyan ito ng pangalawang pagkakataon. Ngunit ang kapalaran at suwerte ay nasa kanyang panig. Pinagtaksilan siya ng sariling ama, pero sinong mag-aakala na isang estranghero lang ang magsasakripisyo ng sarili para lang mailigtas siya sa impiyernong binuo ng kanyang ama para sa kanya.

All this handsome stranger asks from her is to trust him and stay by his side as he..... is always.....

Craving For Her.

chap-preview
Free preview
Prologue 1- Escaping
NAPAIGTAD sa gulat si Grecela nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Napalingon siya matandang ginang na biglang humawak sa braso niya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. Tinitigan niya ito pabalik. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito. Maliit pa lang siya ay naging kasambahay na nila ito at napalapit na rin ang loob niya rito. But she already made up her mind. Hindi siya nito mapipigilan ngayong desidido na siya sa gagawin niya. “Pag-isipan mo ng mabuti ito, Grecela. Alam mo kung ano ang kayang gawin ng iyong ama sa iyo kapag nalaman niya ang gagawin mo,” puno ng kabang bulong nito sa kanya. Napansin niya ang panginginig ng kamay nito na nakahawak sa braso niya. Malamig din ito at halatang kinakabahan. Mukhang nag-aalala ito ng lubusan sa kanya. Pero kailangan na niyang gawin ang matagal na niyang pinaplano. Napalunok siya ng sariling laway. “Hindi ko kayang magpakasal sa matandang business partner niya, Manang Rosie. Kapag ginawa ko iyon, para ko na ding hinayaan ang sarili ko na mapunta sa impyerno. Gusto kong maging masaya, Manang.” “Pero saan ka magtatago? Hanggang kailan mo mapagtataguan ang iyong ama? Alam mong madali ka niyang mahahanap. Alam mong madaming koneksyon ang iyong ama kung kaya't siguradong madali ka niyang matunton,” mangiyak-ngiyak nitong sabi. Napahinto siya nang marinig niya ang sinabi nito.Hindi niya iyon naisip. “H-Hindi ko alam. Hindi ko alam pero gusto kong subukan,” kinabahan niyang tugon. Mabilis niyang pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya. “Pagsisisihan ko habang buhay kapag hindi ko sinubukang tumakbo. Pagsisisihan ko kapag wala man lang akong ginawa.” Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya at malungkot na tumitig sa kanya. “Natatakot ako sa gagawin mo, iha. Wala dito ang iyong ama pero nandito ang mga tauhan niya. Kapag nakita ka nila ay siguradong hahabulin ka nila.” Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Pero hindi niya sasayangin ang pagkakataon na makatakas sa bahay na nagsisilbing kulungan niya buong buhay niya. Mula niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya. “I've been dreaming of freedom for a very long time now, Manang Rosie. Gusto ko lang mamuhay ng payapa at tahimik. I wanna be free.” Malungkot na tumitig ito sa kanya. Mapait itong ngumiti na parang nagpapahiwatig na sumusuko na itong pakiusapan siyang manatili sa bahay. Ramdam niya ang pag-aalala mula rito. She's very thankful na dumating ito sa buhay niya. Pero parang hindi na siya makahinga sa sarili niyang tahanan kung kaya't kailangan niyang umalis. Muli nitong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. “Mag-ingat ka, Grecela. Sana makamit mo na ang matagal mo ng inaasam. Sana nga iha tuluyan mo ng makamit ang kaligayahan.” Humugot siya ng malalim na hininga at saka ngumiti. “Maraming salamat, Manang Rosie. Maraming salamat sa lahat.” “Magkikita pa tayo ulit. Sana magkita pa tayo ulit, Grecela. Sana sa panahon na hindi mo na kailangang tumakbo at magtago pa. Sana maayos na ang lahat sa susunod nating pagkikita,” naiiyak nitong sabi. Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. Ilang sandali lang ay agad din naman siyang kumalas mula sa pagkakayakap dito. Tinalikuran niya ito at saka tumakbo ng mabilis. Isa-isang bumagsak ang luha mula sa mga mata niya. Pinunasan niya ang mga ito at walang ingay na tinahak ang madilim na pasilyo. Napahinto siya sa pagtakbo nang may marinig siyang yabag ng mga paa. Mabilis siyang nagtago sa anino ng malaking estatwa. Tinakpan niya ang sariling bibig at kinakabahan na pinagmasdan ang papalayong likuran ng isa sa mga tauhan ng ama niya. Dumagdag sa kabang nararamdaman niya ang muling pagkidlat at pagkulog ng malakas. Nang tuluyan ng mawala sa paningin niya ang tauhan ng ama niya ay muli siyang tumakbo. Walang ingay niyang binuksan ang isang pinto at dahan-dahan itong isinarado. Napahinto siya nang mapansin niyang nanginginig ang kamay niya. Pakiramdam niya ay nakasunod sa kanya si Kamatayan. Humugot siya ng malalim na hininga at muling nagpatuloy. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib niya habang tinatahak niya ang hagdan pababa. Nakahinga siya nang maluwag nang makarating siya sa baba ng walang problema at walang nakakakita sa kanya. Walang ingay niyang binuksan ang pinto at isinarado ito. Tumingala siya sa kalangitan at sobrang lakas ng buhos ng ulan. Mukhang matagal pa itong hihinto. Malaki ang pasasalamat niya na umuulan ngayon dahil ang mga tauhan ng ama niya ay siguradong nasa loob lamang ng bahay. Maaaring nagpapahinga ang mga ito at siguradong hindi mapapansing wala na siya loob ng silid niya. Malaya siyang makakaalis sa lugar ng walang nakakaalam. Hinihingal siya nang makarating sa pader. Basang-basa na din ang buong katawan niya. Nagmamadali niyang hinanap ang lubid na matagal na niyang itinali rito. At nang makita niya ito ay agad siyang umakyat. Walang takot na tumalon siya sa kabilang bakod at muling tumakbo ng mabilis. Bigla siyang nadapa pero mabilis siyang tumayo. Ni hindi niya napansin na nagkasugat ang binti niya dahil mabilis nagpatuloy sa pagtakbo. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang tumatakbo pero nakahinga ulit siya nang maluwag nang makita niya ang sasakyan niya. Matagal na niyang naging plano ang pagtakas kung kaya't nakahanda na agad ang mga kakailanganin niya. Mabilis siyang pumasok sa kotse at pinaandar ito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang hindi pa rin nawawala sa dibdib niya ang kaba at takot. Nakaalis na siya ng bahay nila pero hindi pa rin siya mapakali. "Relax, Grecela. Magiging maayos din ang lahat," kombinsi niya sa sarili para mawala ang takot at kabang nararamdaman niya. Nakatuon lamang siya sa daan. Malakas ang ulan pero mabilis ang pagtakbo ng kotse niya. Hindi man lang niya namalayan na umiiyak pa rin pala siya. Pinunasan niya ang luhang bumagsak sa pisngi niya. “I just wanna be free,” mahinang bulong niya sa sarili. Ilang sandali lang ay huminto siya sa isang gasoline station. Pinuno niya ng gasolina ang tangke ng kotse niya. Bago umalis ay pumasok muna siya sa public restroom. Hinubad niya ang basang damit na suot niya at isinuot ang itim na dress na nakita niya sa kotse niya. Itinapon niya ang basang damit sa basurahan at nagmamadaling lumabas ng restroom. Malapit na siya sa kotse niya nang bigla siyang mapaigtad sa gulat nang biglang may humawak sa braso niya. “I'm sorry, Miss, nagulat ata kita,” nakangiting sabi ng babae. Kunot-noo niya itong tinignan. “A-ah, a-ano nga pa—.” Napahinto siya sa pagsasalita nang makita ang cellphone niya na hawak nito. Nakangiti nitong inabot ang cellphone sa kanya. “Naiwan mo sa restroom. Mukhang nagmamadali ka kaya hindi mo namalayan.” Kinuha niya ito mula sa babae. “M-maraming salamat.” Ngumiti ito sa kanya at kumaway at saka naglakad paalis. Naglakad siya papunta sa basurahan. Kinuha niya ang dalawang sim card ng cellphone niya at binali ito. Sinira niya din ang cellphone niya at itinapon ang mga ito sa basurahan. Muli siyang nagmamadaling sumakay sa kotse niya. Mabilis niya itong pinaandar at agad na umalis sa lugar. Sa wakas ay medyo nakahinga na siya ng maluwag. Pero hindi pa rin siya dapat maging kampante. Kailangan muna niyang makalayo sa lugar na ito. ********

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook