NAKANGITING sumalubong kay Grecela si Manang Rosie. Isang buwan na din ang lumipas simula noong bumalik siya sa bahay ng ama niya. At masayang-masaya siya na nakabalik na siya sa tahanan na dating parang isang kulungan.
“Kumusta ang iyong ama, Grecela?” nakangiti nitong tanong sa kanya at saka kinuha ang ilang plastic bags na may lamang groceries na dala niya.
Matamis siyang ngumiti sa ginang. “He's getting better each day, Manang. I talked with his doctor yesterday and sabi niya dahan-dahan ng namamatay ang cancer cells sa katawan ni papa," nakangiti niyang sabi. "May posibilidad na sa susunod na mga linggo ay pwede na siyang umuwi, Manang."
“Masaya akong marinig iyan, Grecela,” masaya nitong sabi. “Sa wakas at nagsisimula ng bumalik sa dati ang lahat.”
Maluha-luha siyang tumingin rito at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. “Thank you so much at nakinig ka sa ama ko, Manang Rosie. Thank you at hinanap mo ako.”
“Araw-araw akong nanalangin sa panginoon na sana maging maayos ang lahat, Grecela. Tinuring ninyo akong pamilya kaya gagawa't gagawa ako ng paraan na maging maayos ang lahat.”
“Maraming maraming salamat talaga, Manang Rosie,” sabi niya at saka niyakap ito ng mahigpit.
Niyakap naman siya nito pabalik. “Oh sya, sige na, Grecela. Magpahinga ka na. Tatawagin na lang kita mamaya kapag nakapagluto na ako ng hapunan.”
“Sige, Manang.”
Nang makaakyat na siya sa kwarto niya ay pabagsak siyang humiga sa kama at saka ipinikit ang mga mata. Ilang sandali lang ay nagbuntong-hininga siya at tinitigan ang kisame.
One month has passed since she left Vas' house but he never left her mind. He keeps on messaging and calling her but she always ignores him. Palagi niya lang sinasabi rito na busy siya sa pagiging nurse. Mabuti na lang at agad siyang nakapasok sa ospital na kakilala ng ina niya ang may ari.
Hindi niya sinasagot ang mga tawag ni Vas pero minsan ay sinasagot niya ang mga text messages nito. She felt guilty everytime she ignored him but she thinks it's for the best.
Akala niya pagbalik niya sa bahay ay babalik na sa dati ang lahat. Maayos naman ang relasyon nila ng ama niya pero tila mas lalo itong humigpit sa kanya. Palagi siya nitong pinapaalalahanan na tapusin ang ugnayan kay Vas at kailangang palagi niyang kasama ang tauhan nito kahit saan man siya magpunta.
Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito pero hindi na siya nagtanong pa. Sinusunod niya lang ang ama niya kung ano ang gusto nito dahil may sakit ito. Baka iniisip lang talaga nito ang kapakanan niya.
Muli siyang nagbuntong-hininga at saka bumangon. Pagkatapos niyang maglinis ng katawan at magbihis ay bumaba na siya para tulungan si Manang Rosie sa pagluluto.
Pagkatapos niyang kumain ay muli siyang bumalik sa kwarto niya at pasalampak na umupo sa couch. Nanood siya ng movie pero ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
Kumuha siya ng libro sa mini bookshelf na nasa kwarto niya pero wala siyang nagustuhang basahin. Naisipan niyang pumunta sa mini library na nasa ikatlong palapag ng bahay.
Nang makarating siya sa harapan ng pinto nito ay huminto siya. Muling pumasok sa isip niya ang nakangiting mukha ng ina niya. “She really love collecting books,” mahinang bulong niya sa sarili.
She can still remember how excited her mother was when she finally bought the book that she really liked. 12 years ago was the most beautiful memory that she can remember with her mother.
Nakita ng mga mata niya kung gaano kasaya ang ina niya sa buhay nito. Palagi itong nakangiti. Palagi itong tumatawa. Palagi siya nitong dinadala sa mga lugar na alam nitong magugustuhan niya.
She can still clearly remember how big her mother's smile is. “But I can still remember how she ended her own life,” mahinang bulong niya. “I still don't understand why she left me suddenly without saying anything.”
Binuksan niya ang pinto at dahan-dahan itong isinarado. Nagsimula siyang maglakad at tinignan ang mga libro na nadadaanan niya.
Napahinto siya nang may maalala siyang libro na gustong-gusto ng ina niya at hindi nito natapos basahin.
“Ano nga ulit ang genre ng librong iyon?” tanong niya sa sarili. “I think it's fantasy.”
Ilang bookshelves din ang nadaanan niya bago niya nakita ang section kung saan nakalagay ang mga fantasy na libro. Isa-isa niyang tinignan ang mga libro, nagbabasakali na makita ang bookmark ng ina niya.
Bumuga siya ng malalim na hininga at tinignan ang mga libro na nasa pinakaitaas. Kinuha niya ang upuan at pinatungan ito. Isa-isa niyang inabot ang mga libro pero napahinto siya nang biglang may nahulog na notebook.
Bumaba siya at kinuha ito. Umupo siya sa sahig at kunot-noong tinignan ang kulay green na notebook. Binuksan niya ito at bigla siyang kinabahan ng makitang diary ito ng namayapang ina niya.
“I didn't know she writes diary before,” wika niya sa sarili.
Binuklat niya ang diary at napangiti siya nang bumungad sa kanya ang larawan niya noong maliit pa lang siya.
Sinimulan niyang basahin ang nakasulat. From 2000, the year she was born, until 2010, it was all a happy memory. But when she started to read the year 2011, her mother's entry started with a sad thought.
“I shouldn't trust anyone. I should have listened to myself alone.”
“It is so painful being betrayed by someone you really trust.”
Kunot-noo siyang napatingin sa punit na larawan. Ang mama niya ang nasa larawan pero hindi niya mapag-sino ang lalaking katabi nito dahil punit ang sa parte ng mukha nito. Mas lalo siyang nagtaka sa note na nasa ibaba ng larawan.
“I'm sorry, my love. I'm sorry I doubted your love. I'm sorry I gave up on us. I'm sorry I failed you.”
“Rest well in heaven. See you soon.”
Binasa niya ang limang entry na nakasulat sa taong 2011. Nagtaka siya kung sino itong tinutukoy ng ina niya. Humihingi ito ng tawad pero hindi niya alam kung bakit.
“Humihingi ba siya ng tawad kay papa?.... Pero hindi….. Mukhang matagal ng patay ang taong tinutukoy niya rito sa diary.”
Binuklat niya ulit ang diary at binasa ang kasunod na entry. Pero nagtaka siya dahil wala itong kasunod. Parang hindi ito natapos isulat ng ina niya. And this one entry about what happened in 2012 is all about her father.
“You betrayed everyone. I will do everything to drag you down to hell!”
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang nakasulat. Puno ng pagtataka ang isip niya kung bakit ito ang isinulat ng ina niya.
“Miss Grecela?”
Mabilis niyang itinago sa likuran niya ang diary at kinuha ang isang libro sa tabi niya at binuksan ito.
“Miss Grecela?”
Lumingon siya kay Carlo. Ang assistant ng ama niya. “Yes? May problema ba?”
Umiling ito. “Ipinagbilin lang ng iyong ama na huwag kang payagang lumabas ng mag-isa kapag gabi na.”
Tipid siyang ngumiti. “Ah, ganun ba. Don't worry. Matutulog na din ako maya-maya.”
Tumango lang ito sa kanya at saka umalis na. Tumayo na din siya at saka kinuha ang diary. Kumuha siya ng ilang libro at inilagay niya sa gitna ng mga libro ang diary.
Paglabas niya ay nakita niya pang nakatayo hindi kalayuan ang assistant ng ama niya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Ini-lock niya ang pinto ng kwarto niya at itinago niya sa ilalim ng kama ang diary. Humiga siya sa kama niya at muling tinitigan ang kisame.
“Something's going on,” mahinang bulong niya.
Nagbuntong-hininga siya at niyakap ang isang unan. “Siguradong may dahilan kung bakit palaging nakasunod sa akin ang tauhan ni papa…. At ngayon ko lang talaga napansin…. Akala ko natural na palagi siyang nakasunod sa akin pero hindi.”
“Siguradong may malalim na dahilan kung bakit nabitawan ni mama ang mga katagang iyon para kay papa. At siguradong may dahilan din kung bakit parang binabantayan ako ng ama ko.”
Napaigtad siya sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa ibabaw ng bedside table at mabilis na tumibok ang puso niya nang makita ang pangalan ng tumatawag sa kanya.
“Vas.”
Kagat-labing ibinaba niya sa kama ang cellphone at muling humiga. Huminto sa pagtunog ang ringtone pero muling tumunog ang message tone. Mabilis niya itong kinuha at saka binuksan ang message.
“Answer my call or I'm going there.”
Napaigtad siya sa gulat nang muli itong tumunog. She nervously answers his call.
“I miss you,” bungad nito sa kanya. Napalunok siya nang ilang beses nang marinig niya ang boses nito. It has been a month without seeing and hearing his voice and she admits it. She misses him too.
“V-Vas,” ang tanging bulong niya. “H-How are y—.”
“Why are you avoiding me?” Nagulat siya nang marinig niya ang sinabi nito. Her heart is starting to beat faster while thinking about him.
“I-I'm not avoiding you, Vas.” Pabagsak siyang humiga sa kama at ipinikit ang mga mata habang nakadikit pa rin sa tenga niya ang cellphone.
“I've been patient for the whole month, Grecela. I won't be patient with you anymore.”
Mabilis niyang idinilat ang mga mata niya. “E-Eh… I told you, I'm busy in the hospital.”
“I’ll see you tomorrow.”
“Wh-What?”
The call suddenly ended and she received a text message from him saying:
“You're mine.”
*******