Chapter 16 - Missing Her

1332 Words
One month later......... "F*CK! Zakharov, what is wrong with you!?" sigaw ni Chester sa kanya. Binaril lang naman niya ang nahanap nitong spy na nagtatrabaho sa kompanya niya. "He's been like that for the past few weeks," bulong ni Paul kay Chester na dinig na dinig naman niya. "He's been like what?" hindi maintindihan na sagot ni Chester kay Paul. Tumawag sa kanya si Paul kanina at sinabing natagpuan na nila ang spy na hinala niyang nagtatrabaho sa kompanya niya. Ikinulong nila ito sa basement at hinintay siya para usisain ito pero wala siya sa mood na makipag-usap rito. Kaya pagkapasok niya sa basement ay binaril niya ito agad. Alam din naman niyang wala siyang mapapala sa spy na nahuli ng dalawa niyang kaibigan kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at laway. Tataas lang ang dugo niya at maiinis rito kaya agad na lang niyang tinapos ang buhay nito. Ibinalik niya ang baril sa gilid niya at nagsimulang maglakad paalis. Napansin niyang sumunod naman sa kanya ang dalawa niyang kaibigan na sina Paul at Chester. "Tsss! What's wrong with him? May malalaman na sana tayo kapag tinanong natin yung spy," sabi ni Chester kay Paul. "Naaahh. Forget it, Chester. Wala sa mood ang boss natin," walang pakialam na sagot ni Paul. "Nag-away sila ni Grecela?" usisa nito. "She's been ignoring him for a month now," mahinang sabi ni Paul pero dinig na dinig naman niya. "He's been following her for a month now," takang sabi ni Chester. "Hindi ba niya nilapitan? He's been literally stalking her." "Naaah. You know our boss is a gentleman. He doesn't want to force his baby," sabi ni Paul sabay hagikgik. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ang dalawang kaibigan. "Stop gossiping about me. I can hear you both," sabi niya at saka muling naglakad. Dumiretso siya sa parking lot at agad na sumakay sa kotse niya. Tinahak niya ang daan papunta sa ospital na pinagtatrabahuan ni Grecela. Simula noong bumalik ito sa bahay nito ay agad naman itong nakapasok sa isang hospital. Nagpag-alaman niyang ang may-ari ng ospital na pinagtatrabahuan nito ay kaibigan ng yumaong ina nito kung kaya't agad siyang nakapasok bilang isang nurse. Inihinto niya ang sasakyan sa kabilang daan hindi kalayuan sa entrance ng ospital. Tumingin siya sa wristwatch niya at malapit nang mag-end ang shift ni Grecela ngayong araw. This has been his routine for the past few weeks. Araw-araw niyang inaabangan ang paglabas ni Grecela sa ospital. He's been calling her every day but she's been ignoring him. Minsan ay hindi niya magawang tawagan ang number nito dahil not available. Pero minsan naman ay nagri-ring pero sadyang hindi nito sinasagot. Nag-rereply din ito sa kanya pero sobrang madalang lang. At ang reply nito ay palaging abala ito sa trabaho at pag-aasikaso sa ama nitong may sakit. But he's been thinking that there are other reasons why she's ignoring him. He knows what kind of person her father is. Nakita niyang lumabas si Grecela at agad namang pumarada sa harapan nito ang sundo nito. Yes, may palaging sumusundo kay Grecela na parang may nagbabantay sa bawat galaw nito at alam niyang ang ama nito ang may pakana. Her father's has been guarding or restricting her from doing anything she wants. Nang umandar na ang sinasakyang kotse ni Grecela ay agad naman niya itong sinundan. Ilang minuto lang ay napansin niya na pumasok ito sa loob ng parking lot ng isang shopping mall. At agad naman siyang sumunod dito. Lumabas ng kotse is Grecela at nakita niyang nakasunod rito ang driver nito. At siya naman ay nakasunod lamang hanggang sa makarating sila ng 3rd floor. Pumasok si Grecela sa isang boutique at nakita niyang namimili ito ng dress. Malaki ang boutique at may tatlo itong entrance kung kaya't sa ibang pinto siya dumaan. Ipinalibot niya ang paningin at nakasunod pa rin ang driver nito pero may malaking distansya sa pagitan ng dalawa. Kinuha niya ang cellphone at nag-text kay Grecela. I miss you, baby. Nakita niyang kinuha ni Grecela ang cellphone nito pero biglang lumapit ang driver nito. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang driver na tinignan ang cellphone ni Grecela at parang may tinanong sa dalaga. Nakita niyang umiling si Grecela at muling isinilid sa sling bag nito ang cellphone. Sa nasaksihan niya ay siguradong bantay sarado ang bawat galaw ni Grecela. Naiintindihan niya kung bakit hindi ito magawang makapag-reply sa kanya. "Something's really going on with her and that f*cking driver," wika niya sa sarili. "They're not giving her freedom." Ikinuyom niya ang kamao niya habang pinagmamasdan si Grecela na namimili ng damit. Gusto niya itong lapitan at saka yakapin ng mahigpit at halikan. Pero ayaw niyang magpadalus-dalos para walang mangyaring masama rito. "Vas Zakharov?" Napalingon siya sa babaeng biglang tumawag sa pangalan niya. He immediately recognize the woman. "Sophia," sabi niya sa pangalan nito. Ngumiti ito ng malapad at saka humawak sa braso niya. "I'm not surprised that you still remember my name," kagat-labing sabi nito na parang inaakit siya. "Of course. Everyone knows who you are," sagot niya rito. Sikat ito bilang isang babaeng bayaran. Pinupunterya nito ang mga lalaking mayayaman at hinuhuthutan ng pera. Patago lamang ito kung kumilos kung kaya't may ibang nag-aakalang sinisiraan lamang ang pangalan nito sa pamamagitan ng mga paratang na isa itong babaeng bayaran. Iilan lamang ang nakakaalam sa totoo nitong pagkatao. Muli niyang ipinalibot ang paningin sa loob ng boutique pero hindi na niya mahagilap si Grecela at ang driver nitong kanina pa sunod ng sunod rito. "Hahaha! Anyways, hindi na kita nakikita sa Russia, Vas. Ano bang pinagkakaabalahan mo rito?" "None of your business," walang ganang sabi niya at saka nagsimulang maglakad palabas. Pero sumunod ito sa kanya. "Girlfriend mo ba 'yong tinitignan mo kanina?" Napahinto siya sa paglalakad at tumingin rito. Hindi niya inasahan na matalas din pala ang mga mata nito sa pag-oobserba ng tao. "What do you want, Sophia?" naiinis niyang tanong rito at muling naglakad. Sumunod naman ito sa kanya. "Marry me, Zakharov." Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. "Why would I?" "I will save you." "From whom will you save me?" "From your enemies." "You should offer that to my enemies, Sophia. Save them from me," seryoso niyang sabi rito. Pero seryoso din itong nakatitig sa kanya na parang hindi ito nagbibiro sa mga sinabi nito. Nagbuntong-hininga ito. "Someone wants you dead." "I know." "This is different, Vas." "At bakit nag-aalala ka sa'kin? Alam mong wala kang makukuha sa akin, Sophia." "You know that I have feelings for you, Vas. I just want to make sure you're safe." "I can handle myself." "I just cared for you." "You care for me now because you just recently had a divorce and don't have any money in your bank account." Natameme ito dahil sa sinabi niya. Akala nito hindi niya alam ang lahat ng mga pangyayari sa paligid niya. He knows everything. Hinding-hindi siya maloloko ng kahit na sino. Tinalikuran niya ito at saka naglakad papunta sa parking lot. Bago pa siya tuluyan makalayo rito ay narinig pa niya ang huli nitong sinabi. "I'm warning you!" Nang makarating siya sa parking lot ay wala na ang kotseng sinakyan ni Grecela. Pumasok na lang siya sa kotse niya at pinaharurot ito. Habang binabaybay niya ang kahabaan ng kalsada ay muling pumasok sa isip niya ang sinabi ni Sophia. It's a warning. A war will happen soon. Ilang sandali lang ay agad siyang nakarating sa bahay niya. Dumiretso siya sa office niya at agad na nagsalin ng alak. Binuksan niya ang glass door papunta sa terrace at pinagmasdan ang malawak na kagubatan. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya mabilis niya itong kinuha mula sa bulsa niya. Biglang tumalon ang puso niya nang makatanggap siya ng text message mula kay Grecela at agad niya itong binuksan. I'm sorry. Goodbye. Ikinuyom niya ang kamay niya at wala sa sariling inihagis ang wine glass. Nagbuntong-hininga siya at saka nagtype ng message para kay Grecela. I will chase you wherever you are. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD